(Tanya POV)
+naalimpungatan ako sa sinag ng araw galing sa balkonahe, dahan dahan akong bumangon, napansin kong may damit na sa paanan ko kasama ang isang sulat. Sulat pala ni aling Teresita, nagpaalam na mamamalengke sya saglit. Tiningnan ko ang oras sa phone ko pero dead battery na nga pala ko kagabi pa. Sa tingin ko naman around 8-9 am pa lang. Wala padin si Nathan, medyo nag aalala nako, kinuha ko ang mga damit at pantalon at plain tshirt sa kama at naligo saglit, pagkatapos ay nagsuklay, habang nagsusuklay ako sa harap ng salamin may napansin ako sa reflection sa likod, isang picture na nakapatong sa mini desk sa gilid ng kama kaya lumapit ako at family picture pala to. Kung di ako nagkakamali, si Nathan to at ang mommy and daddy nya, kung step brother sya ni Syto, sino dito ang magulang rin ni Syto? Halos mabitawan ko to ng may biglang kumatok sa baba, bumilis na naman ang kaba ko, katok lang to ng katok kaya dahan dahan kong bumaba, siguro si Manang na to, o kaya si Nathan, teka pano kung hindi sila, bubuksan ko ba? Natatakot akong magsalita. Nanginginig na naman ako.
Nathan- Manang Teresita?
+ at ng marinig ko ang boses na yun, mabilis pa sa segundong binuksan ko ang pinto at agad syang niyakap ng mahigpit. Nagulat sya pero niyakap na lang din nyako. Ng bumitaw nako hinila nyako agad pa loob.
Tanya- bat ngayun ka lang? Nag alala ako sayo.
Nathan- sorry hindi kasi ako agad pwedeng sumunod baka masundan ako at maghinala kaya nagpalipas muna ako ng gabi sa hotel.
Tanya- ano ba kasi talagang nangyayare? bakit moko pinapunta dito.
Nathan- ano ka ba, bat di mo pa nahalata, may masamang binabalak sayo si Cris pati ang Lucas na yon kagabi kaya itinakas na agad kita.
Tanya- anong ibig mong sabihin?
Nathan- ibinigay kang parang laruan ni Cris sa Lucas na yun. Kapalit ng shares.
+ napabuntong hininga na lang ako sa galit ng sabihin nya yun.
Tanya- hindi pa sya nakuntento! So ibig sabihin wala tayo sa Valencia?
Nathan- Oo, nasa Cagayan tayo ngayun. kaya makinig ka sakin, wag kang aalis ng bahay nato, itatago kita dito at walang nakaka alam na may tinutuluyan ako dito.
Tanya- teka sandali, pano yung mga gamit–
Nathan- wag mo na isipin yon, bibilhan kita ng bago, basta mangako ka sakin na hindi ka aalis dito. Napakalaking kasalanan na yung pumayag akong idamay ka sa gulong to, ito na lang ang magagawa ko para makabawi
Tanya- wala ka naman kasalanan eh, desisyon ko rin na sumama.
+ natahimik na lang kami pareho. Ilang araw na ang lumipas at tinupad nga ni Nathan ang mga sinabi nya, ako naman hindi umaalis dito, araw araw syang bumabalik kila Cris para hindi sya pag hinalaan. Tuwing gabi naman umuuwi sya rito, naikwento narin ni Manang lahat sakin, na binili nya ang bahay nato at kinuha syang katulong nito 3 months ago. Humanga ako sa naging plano nyang yun. Alam kong hindi parin tumitigil si Cris sa paghahanap sakin. Kaya lahat ng sabihin ni Nathan ginagawa ko. Alas 10 ng umaga ng maabutan ko si manang na may ginagawa sa likod bahay..
Tanya- Manang? Anong ginagawa nyo?
Teresita- ahh, eto nag uukit ng mga brand sa gitara.
Tanya- po? Marunong po kayo nyan?
Teresita- oo naman, dalaga pako nun nung natuto ako, kaya ngayun pag may nakita kang ukit na tulad nito, alalahanin mo, ako ang umukit non.
Tanya- nakakatuwa naman po. May pinagkaka abalahan pala kayong ganan.
Teresita- kumikita kasi ako dito, alam mo ba kung saan saan nakakarating ang mga ginagawa kong ito.
Tanya- talaga po?
Teresita- oo naman. Halika, o sige tuturuan kita, kapalit nun, pwede mong ukitin ang kahit na anong gusto mo pagkatapos kung makailan ka, ganun din ang sweldong ibibigay ko sayo.
Tanya- naku hindi ko tatanggihan yan manang. Pano ba yan.
+ tinuruan nga nya ako at hindi naman sya ganun kahirap dahil may mga sapat na gamit naman, naalala ko tuloy si Syto sa mga gitara nato, sana okay na sya. Tulad ng sabi ni Manang pede kong iukit ang kahit na anong gusto ko. Kaya iniukit ko ang itsura ng balisong ni Syto, naaalala ko kasi kung ilang beses nyang tinutok sakin yun haha, pagkatapos sa tabi nito ay ang itsura ng singsing na pinagmulan ng lahat ng gulong to. At sa totoo lng nakakarami nako hahaha, natigil lang ako ng dumating si Nathan, sinalubong ko sya ng malawak na ngiti. Ganun din sya.
Nathan- kamusta naman ang araw ng hostage ko?
+ sinapok ko sya sa tyan.
Tanya- hostage ka dyan. bat ang aga mo pala ngayun.
Nathan- wala sa mood si Cris kaya maaga ako napauwe, wag ka mag alala wala silang ka ide ideya na kasama kita.
+ napangiti naman ako.
Nathan- mukang busy kayo ni Manang ah.
Tanya- ahh, nagpaturo kasi ako ng ginagawa nya eh, tsaka sabi ni manang may sweldo ako.
Nathan- ganun ba? Mabuti na yan kesa wala kang magawa.
Tanya- teka ano ba yang mga dala mo?
Nathan- itong isa mga damit. Ito namang isa beer at pork para may maiinom tayo mamaya.
Teresita- at may lulutuin na naman ako.
Nathan- si manang talaga.
Teresita- biro lang, wag kayo magpapakalasing ha.
Nathan- manang hindi naman nakakalasing ang beer.
Teresita- hay naku alak padin yan.
Tanya- hahaha, teka muna pala bakit ba bili ka ng bili ng mga panlakad na damit nato? Eh hindi ko naman masusuot yan dahil di naman ako nalabas.
Nathan- problema ba yun? Edi suutin mo dito sa loob ng bahay.
Tanya- ano ka ba, wala rin naman makakakita nyan dapat yung mga pambahahay na lang o kaya wag na, saglit lang naman labhan yung mga damit na una mo nang binili para sakin eh
Nathan- anong walang makakakita? Andyan si Manang. Ako din.
Teresita- aysus, di ka pa nasanay sakin na paulit ulit lang ang damit.
Nathan- haha eh manang favorite nyo kasi yan.
Tanya- hahahaha, sya sige na, pero tama nato ha, ang dami dami na eh, tapos libre pakain ka pa sakin dito.
Nathan- ewan ko sayo. Kaya lutuin na ntain tong pork, manang kami na bahala okay.
+ nag sa imula na kaming magluto. 7 pm nasa balkonahe kaming dalawa habang umiinom ng beer at kumakain.
Nathan- alam mo, wag mo nako pigilan na bilhan ka ng mga damit mo, kasi kapag natapos na to at makakabalik ka na, masusuot mo na yan lagi, tsaka maaalala mong galing sakin.
Tanya- ano bang mga sinasabi mo? Alam mo, okay lang sakin kahit ganto, hanggat walang napapahamak.
Nathan- wala ka bang tiwala sakin.
Tanya- syempre meron, pero wag mong ipilit ang bagay bagay, alam kong ibinubuwis mo na rin ng buhay mo ngayun dahil sakin.
Nathan- hmm. Para sakin mas mahalaga ang buhay mo ngayun. Sya nga pala sinunod mo ba yung utos ko na wag mong bubuksan ng phone mo?
Tanya- oo naman.
Nathan- o eto ang bagong phone, yan ang gamitin mo para tawagan ako at si manang pag may kaylangan ka.
Tanya- Nathan wag na.
Nathan- wag ka makulit, besides kaylangan mo talaga yan kasi kaylangan kita bantayan, pano pag may emergency?
Tanya- haysss sige na nga.
+ nagkwentuhan nalang kaming dalawa at tawa sya ng tawa, salamat naman at napapatawa ko sya sa kabila ng mga nangyayareng ito.
Tanya- Nathan? Pwede magtanong?
Nathan- m?
Tanya- uhmmm, bakit ba galit na galit ka sa kapatid mo?
+ bigla syang natahimik at tumingin na lang sa malayo.
Tanya- uhm, sorry, hindi ko naman sinasadyang itanong, naisip ko lang kasi, wag ka mag alala, hindi ko na ulit—-
Nathan- kasi pinatay nya si Tatay.
+ halos malaglag ang panga ko, hindi parin sya tumitingin sakin.
Nathan- naging kabet ng tatay namin ng nanay ko, bata pa kami nun, ni hindi ko nga sya nakikita. Hanggang sa malaman ko na lang na patay na si tatay at sya nga daw ng pumatay, simula...