Aking Prinsesa Chaptrer 26


Aking Prinsesa❣️
Chaptrer 26
Sinumulan na nilang pag-usapan ang kasal nila Nico at Yna..kasabay ng masarap na hapunan na inihanda ni Meding at ang dalang pagkain ng magulang ni Nico.
Conrad : naku, andaming mga pagkain nito, mukhang di ko makokontrol ang kumain ah.
Nico : lolo ang highblood mo ah.
Conrad : naku, yang nanay mo ang pagsabihan mo.
.
Nagtatawanan ang lahat dahil sa madaming mga pagkain, ngunit di naman sila makakarami ng pagkain dahil ipinagbabawal ng doktor ang mga mamantikang pagkain, at matatamis na pagkain.
Ferdie : naku, pareparehas po pala tayo, etong si Meding dinidyeta ako.
Meding : Don Ferdie, yong doktor ang may utos at hindi ako.
Ferdie : natakot ka lang na mawala ko.
Meding : syempre naman ah, ayokong mawala ka,(natigilan siya sa kanyang sinabi).paano na lang kasi si Yna. Kapag mawala ka.
Yna : oo nga naman po pa, may punto po si Yaya.
Leo : ay ako ayos lang na madaming kainin, walang bawal sa akin.,dapat nga daw damihan ko pa ang pagkain ko dahil kulang daw ang colesterol ko.
Ferdie : nakaka inggit ka naman balae.
Conrad : oo nga, pati ako naiingit din sa manugang ko..
Nico : naku mahal, mukang sa,pagkain na napunta ang topic ng usapan hindi na sa kasal natin..(bulong niya)
Natawa naman si Yna sa sinabi ni Nico.
Yna : hayaan mo na mahal.
at hangang sa nabalik na din ang usapan nila sa kasal ng dalawa..masaya silang nagsasalo-salo sa mga pagkain na nakahain, at hanggang sa natapos na din ang kanilang usapan tungkol sa kasal, maayos nilang napag-usapan ang bawat detalye sa kasal ang lahat ay nagkasundo, basta daw ang mahalaga sa kanila ay nagmamahalan ang dalawang tao na pinaghiwalay at pinagtagpong muli ng tadhana..at hanggang sa nag-paalam na din ang mag-anak na Nico.
Nico : paano mahal uuwi muna ako ha, tiis tiis lang at dadating din tayo sa araw na magkakatabi tayo sa pagtulog.
Yna : oo naman, baka ikaw ang hindi makatiis.
Nico : oo nga mahal tama ka, pwede bang dito na ako matulog ngayong gabi, kasi gusto ko ulit——
Yna : grabe ka ha..umayos ka.
Nico : bakit, sa gusto ko ngang kayakap ka kapag natutulog ako..
Yna : kayakap lang talaga ah..
Nico : bakit mahal, ano pa ba kasi ang ibig mong sabihin?
Yna : wala.. Ikaw nga ang may ibig sabihin eh..
Nico : oo na, gusto ko muling—–
Yna : oops!!!ikaw talaga, saka na lang yun pakasalan mo muna ako, ikaw namimihasa ka na ha!! (Kunwaring pagalit niya)
Nico : naku naman mahal, medyo matagal pa yun.
Yna : kaya mo yan.
Nico : hindi ko kaya yun mahal.
Yna : kaya mo yan.
Nico : sige na nga, yong goodnight kiss ko na lang..
Hindi na nakapagsalita si Yna dahil sakop na ni Nico ang mga labi ni Yna, dinama nilang muli ang mga matatamis na halik,,at hindi nagtagal ay umalis na din si Nico, at ng makalabas na ng gate ang sinasakyan nila Nico ay pumasok na din si Yna sa loob ng bahay, at umakyat na siya sa kanyang silid, si Ferdie naman ay hinanap si Meding at nagpatimpla siya ng kape dito.
Meding : aba, don ferdie bawal ang 3n1 na kape sayo diba, lalo na ngayon gabi.
Ferdie : hayaan mo na Meding, ngayon lang naman ako magkakape ng 3 in 1..
Meding : baka hindi ka makatulog agad niyan kapag magkakape ka?
Ferdie : hindi okay lang.
At tinimplahan nga ni Meding ng kape si ferdie.
Meding : eto na ang kape mo? May iuutos ka pa ba?
Ferdie : wala na salamat..
Meding : pupunta na ako sa kwarto ko.
Tatalikod na sana si Meding ngunit tinawag siya uli ni Ferdie.
Ferdie : Meding, huwag ka munang umalis, samahan mo ako dito.
Ayaw sana ni Meding, ngunit wala naman siyang magawa dahil mukhang malungkot si ferdie.
Meding : may problema ba, mukhang malungkot ka, hindi ka ba masaya para kay Yna? Tiyak ko si Rosita masaya ngayon dahil magiging masaya na ang anak ninyo.
Ferdie : syempre masaya ako para sa anak ko, nalulungkot lang ako kapag, lumipat na siya ng bahay, kapag nakasal na siya..mag-isa na lang ako dito..
Meding : paano ka bang mag-isa eh may mga katulong ka dito na makakasama.
Ferdie : ikaw meding ayaw mo ba akong kasama?
Meding. : ay naku don ferdie, saan na naman mapupunta ang usapan natin..diyan ka na nga at inaantok na ako.
Napakamot na lang sa ulo si Ferdie dahil sa iniwanan na naman siya ni Meding..pagkaubos ng kape ni Ferdie ay umakyat na din siya sa kwarto niya..at samantalang si Yna ay kausap niya si Nico sa Celphone niya..
Nico : hello mahal, mabuti at hindi ka pa nakakatulog?
Yna : matutulog na nga sana ako narinig ko lang tumunog yong phone ko..ikaw ay bakit hindi ka pa natutulog?
Nico : iniisip kasi kita eh, namimiss kita, kasi gusto kong marinig yong boses mo kaya tinawagan kita.
Yna : kanina lang tayo nagkita ah..namiss mo na ako.
Nico : oo naman, bakit ikaw ba hindi mo ako namimiss?
Yna : namimiss.
Nico : na mi-miss ko din yong mga yakap at halik mo, parang hindi na ako makakatulog kapag wala ka na sa tabi ko, gusto ko kapag natutulog ako kayakap na kita..
Yna : sus, ikaw talaga, hayaan mo malapit ng mangyari yun, malapit ng dumating ang araw na yun.
Nico : naiinip,na ako mahal, ang tagal ko ng naghihintay…
Madami pa silang napag-usapan, at halos nag-iinit na nga ang mga celpon nila sa tagal ng pag-uusap nila, hindi na matapos tapos ang mga kwentuhan nila..natapos lang ang usapan nila ng malowbat ang celpon ni Yna, at hanggang sa lumipas ang mga minuto ay nakatulog na si Yna at ganun din si Nico, nakatulog sila ng may saya sa kalooban..at hanggang sa lumipas ang mga oras ay nagising si Yna, nagising siya na may saya na di tulad noon na matutulog at magigising na may bigat ang kalooban, pero ngayon kay gaan ng pakiramdam niya..tiningnan niya ang orasan sa wall niya at nakita niyang alas kwatro palang ng madaling araw, matutulog pa siya, pero hindi nagtagal ay nasamid si Yna. Nagkanda-ubo ubo siya sa samid, ang totoo ay naalala siya ni Nico, dahil ng mga oras ding iyon ay gising na si Nico,.iniisip ni Nico kung gising daw ba kaya si Yna ng mga sandaling iyon, kaya sinubukan ni Nico na tawagan ang celpon ni Yna ngunit di niya makontak ito, dahil nakapatay pa ang celpon ni Yna, hindi pa na-icharge ang baterya buhat ng malobat ito kagabi..kaya nagpasya na lang si Nico na mahiga uli at matulog..at samantalang si Yna naman ay Bumaba sa kusina upang kumuha ng tubig na iinumin, at ng makainum ay umakyat siya uli, ngunit papasok na sana ng biglang mapansin niya na may tao sa may Veranda na nakatayo, at lumapit ziya sa may pinto,...


at nakita niyang ang papa niya ang naroon.
Yna : papa, gising ka na?
Ferdie : oo anak, di na ako makatulog kaya bumangon na lang ako, para makalanghap ng sariwang hangin..ikaw bakit ang aga mong gumising, huwag ka munang pumasok ngayon, pahinga ka muna anak..
Yna : opo pa, hindi na nga po muna ako pupunta ng opisina, ibinilin ko na kay Daisy na i-cancel niya lahat ng mga appointments ko..Napansin ni Yna na parang malalim ang iniisip ng papa niya.
Yna : okay kalang ba papa?
Ferdie : oo naman anak. Bakit naman natanong mo yan, mukha ba akong hindi okay?
Yna : para po kasing may problema kayo pa, malalim po yong iniisip nio eh.
Ferdie : hayaan mo na ako anak..
Yna ; hindi po pwedeng hayaan na lang kita pa..may problema nga po ba kayo pa, sabihin mo sakin..
Ferdie : wala anak, iniisip ko lang kasi, paano kung bubukod na kayo ng bahay ni Nico, ako na lang ang mag-isa dito..
Yna : ah yun ba pa, di kung gusto nio po sumama na kayo samin..
Ferdue : naku, di naman pwede yun anak.
Yna : ayan na nga po ang sinasabi ni Tita Bel sa inyo eh..kung bakit po kasi hindi kayo nanligaw uli..di sana po may makakasama kayo dito sa bahay, balita ko po si Tita Eloisa po ay nandito sa pilipinas at dalaga pa hanggang ngayon..
Ferdie : naku, wala naman akong gusto kay Eloisa, hindi ko gusto ang mga pasosyal ang dating gusto ko yong simple lang, yong katulad ng mama mo, walang arte…
Yna : naku naman pa, hindi ka nga makakahanap..wala kang makikitang katulad ni mama, kung ikukumpara mo ang mga babae kay mama..ah may alam ako na dalaga pa at walang arte na katulad ni mama..
Ferdie : alam mo anak, sa totoo lang may babae na akong gusto matagal na, kaya lang nahihiya naman akong magtapat sa kanya, tuloy sa sobrang hiya ko, hanggang ngayon hindi ko pa masabi sa kanya.
Yna : sino naman po papa yang maswerteng babae? Sabihin nio naman po sakin kung sino ito.
Ferdie : hayaan mo na anak, nahihiya ako eh, baka tawanan mo ako..
Yna : at bakit naman kita tatawanan papa, hindi ko po gagawin sa inyo ang tawanan ka..kahit sino pa pong babae yan, tanggap ko po siya..at magiging masaya po ako para sa inyo..
Ferdie : sige sasabihin ko sayo, pero huwag mong sasabihin kahit kanino ha, sa atin-atin lang, basta tayong dalawa lang ang nakakaalam..ipangako mo anak..
Yna : opo, pangako po!!
Ferdie : si—– si……
Yna : sino po pa?
Ferdie : si M-Medina…
Yna : si yaya Meding!! (Malakas niyang sabi)
Ferdie : huwag kang maingay, ang lakas ng boses mo.(sabay takip ng bibig ng anak).baka may makarinig sayo..baka mamaya nandiyan lang si Meding..
Yna : sorry po papa, masaya lang po ako, kung si yaya meding ay wala akong tutol dahil po kasi gustong gusto ko si Yaya para sayo.
Ferdie : salamat anak, kaya lang parang hindi ko naman kayang sabihin sa kanya..
Yna : bakit naman po?
Ferdie : natatakot ako na baka, hindi niya ako gusto..
Yna : paano nio pong malalaman kung hindi nio susubukan.
Ferdie : sabagay nga..baka naman iwasan na niya ako kapag nagtapat ako sa kanya..
Yna : matagal nio na po bang kinikimkim yang nararamdaman nio para kay yaya..
Ferdie : oo anak. Matagal na, buhat ng mamatay ang mama mo noon ay sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako magmamahal pa ng iba, pero noong talagang nakikita ko na mahal na mahal ka ni Meding, at alagang alaga ka niya, pati din ako, nagkaroon ng puwang sa puso ko si Meding, nagmahal ulit yong puso ko, lalong lumalalim ang nararamdaman ko para sakanya. Dahil hindi tayo pinababayaan ni Meding, at hindi niya tayo iniwan ni hindi na siya nagkakaroon ng oras para sa sarili niya, buong buhay niya ay inukol niya sayo, satin..
Yna : opo nga pa, kaya hindi ko din kakayanin kung mawawala satin si Yaya..sana papa magkaroon ka ng lakas ng loob para ipagtapat kay yaya ang nararamdaman mo para sa kanya, sigurado ako, magiging masaya din si mama para sayo..
At napa-isip si Ferdie sa sinabi ni Yna..at lingid sa mag-ama na lahat ng pinag-usapan nila ay dinid na dinig ni Meding na nakakubli sa may pinto na di kalayuan sa mag-ama..hindi malaman ni Meding ang nararamdaman, pero ang nangingibabaw sa damdamin niya ay saya, dahil ang totoo ay mahal niya rin ito..may nararamdaman din siya para kay Ferdie, na pilit naman niyang pinapatay ang umu-usbong na damdamin..ngunit kahit anong gawin niya ay hindi niya kayang patayin ang damdaming ito, dahil hindi daw dapat, dahil sa paningin niya ay hindi dapat dahil, lupa siya at langit naman si Ferdie..bumalik tuloy sa alaala niya ang panahon na buhay pa si Rosita na mama ni Yna na binibilinan siya nito ng malapit ng mamamatay.
Rosita : Medina..
Meding : Rosita bakit, may masakit ba sayo, may gusto ka bang kainin?
Rosita : wala, gusto ko lang magpasalamat sayo, salamat sa pag-aalaga mo sakin pati sa anak ko, salamat medina..
Meding : ano ka ba Rosita, wala yun, ano pa at naging magkaibigan tayo..
Rosita : nararamdaman ko hindi na ako magtatagal Medina..
Medina : Rosita naman huwag kang magsalita ng ganyan..
Rosita : Medina, nakiki-usap ako sayo, huwag mong iiwanan si Yna, huwag mong pababayaan ang anak ko, ituring mo siya bilang iyong sariling anak, mahalin mo siya Medina, mahalin mo siya Medina..
Medina : Rosita mabubuhay ka pa ng mahabang panahon, makakasama ka pa nila ng matagal, kaya huwag kang magsasalita ng kung ano ano. Lumaban ka Rosita kaya mo yan, para sa asawa at anak mo..
Rosita : hindi ko na kaya Medina, pagod na pagod na ako..at isa pa Medina. May hihilingin pa ako sayo sana huwag kang magalit sa sasabihin ko sayo, Medina, ipangako mo na tutuparin mo ang hiling ko..
Meding : oo hindi ko pababayaan at hindi ko iiwanan si Yna, mamahalin ko siya pangako ko yan..
Rosita : Medina meron pa akong hihilingin sayo..
Medina : ano yun??
Rosita : Medina, paibigin mo si Ferdie..paibigin mo siya, gawin mo ang lahat upang mapa-ibig mo si Ferdie.
Meding : Ano? Rosita naman, bakit ba sinasabi mo yan!!!
Rosita : please medina, nakiki-usap ako sayo, paibigin mo si Ferdinand.
Medina : hindi ko kayang gawin yang sinasabi mo.
Rosita ; parang awa mo na medina. Mas mapapanatag ang kalooban ko kung ikaw ang magiging kapalit ko sa buhay ng aking si Ferdie dahil alam kung hindi mo pababayaan ang anak ko, at ang aking si Ferdie, kaya Medina paki-usap Medina. Alang alang kay Yna at sa ikakatahimik ng aking kalooban…please…..!!!
Dahil sa pagmamakaawa ni Rosita kay Meding ay bigla na lang siyang napa-oo kay rosita, kahit labag sa kalooban niya, hindi kayang gawin ang kahilingan ng kanyang kaibigan.
Itutuloy






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top