Title : “BUWAN”
Written by : @Pandameme
Genre : Romance
☆ ☆ ☆ S H O R T S T O R Y ☆ ☆ ☆
“Ako’y sa ‘yo ikaw ay akin
Ganda mo sa paningin
Ako ngayo’y nag-iisa
Sana ay tabihan na.
Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan…”
Nagpatuloy ako sa pagkanta ng “BUWAN” ni Juan Karlos Labajo. Nasa likuran ko ang aking mga ka-banda at damang-dama ang pagtugtog nila ng kanilang mga instrumento. Ngunit ang mga taong dumalo sa Live Band para sa pista ng Barangay na iyon ay higit na dinadama ang magandang musika habang nagsasayaw sa gitna kasama ng kanilang mga partner. Isang slow dance sa kani-kanilang mga kasintahan at asawa. Nag-uumapaw ang pag-ibig nang gabing iyon. ‘Ni hindi na nila napansin ang napapaos kong boses sa tatlong oras na sunod-sunod na pagkanta, mapa-rock man o ballad. Nakatuon sa mga nagsasayaw ang atensyon ko. Napakaganda nilang tingnan. Matatamis ang ngiting namumutawi sa kanilang mga labi. Kinikintalan ng mga lalake ng masuyong halik ang kanilang mga kasayaw, sa noo man o sa labi. Niyayakap sila ng mga kababaihan at sabay silang umiindayog sa musikang nalilikha ng aking mga ka-banda.
“…Ang iyong ganda’y umaabot sa buwan
Ang tibok ng puso’y rinig sa kalawakan
At bumabalik
Dito sa akin
Ikaw ang mahal
Ikaw lang ang mamahalin
Pakinggan ang puso’t damdamin
Damdamin aking damdamin
Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan…”
At ilang mga himig pa ang aking ginawa bago natapos ang kanta. Nagbigay ako ng maikling pasasalamat at pinalakpakan kami ng mga nagsasayaw sa ibaba ng entablado. Umexit na kami ng aking mga ka-banda.
“Oh, ano, heto na ang hati natin sa ibinigay ng Barangay…” ani Raul, ang bass namin sa grupo.
Isa-isang ibinigay sa amin ni Raul ang sobreng naglalaman ng pera. Apat kami sa grupo at ang sabi ng coordinator ng Pista sa Barangay na aming dinaluhan ngayong gabi, babayaran daw kami ng 10,000 sa tatlong oras na performance. Kinuha ko ang 2,500 sa sobre at inilagay ang pera sa sariling pitaka. Humiga na ako sa papag at anyong matutulog na.
“Drew, hindi ka ba sasama sa amin? Pupunta kami sa disco. Alam mo maraming chicks doon. Hinihintay na tayo ng mga dalaga na kumausap sa atin kanina pagkatapos ng live band. Siguradong makaka-jackpot tayo ngayong gabi…” may himig pa ng excitement sa boses ni Guido, ang chick-magnet at drummer sa grupo.
. “Tama si Guido. Kailangan mo ring i-enjoy ang moment pagkatapos nating tumugtog. Palagi mo na lang sineseryoso ang buhay. C’mon, mahaba pa ang gabi…” pangungumbinsi ni Dindo, ang pianist namin.
“Pabayaan niyo na nga siya. Bahala siyang gawin ang gusto niya. Tara na nga!” inis nang putol ni Raul sa usapan at nagpatiuna na ng labas sa pinto.
Sumunod na rin sina Guido at Dindo. Nang marinig ko ang pagsara ng pinto, inimulat ko ang aking mga mata at tinitigan ang kisame.
Hindi naman kami isang sikat na banda. Ang totoo, nagmula kami nina Guido at Dindo sa isang payak na probinsya. Magkakapitbahay kami at nag-aral sa parehong elementarya at sekondarya. Sa hayskul, consistent sa Drum and Lier Group si Guido. Si Dindo naman pianista sa kapilya. Habang ako ay laging isinasabak ng aking mga magulang sa mga singing contest. Matalik kaming magkaibigang tatlo. Pero noong grumadweyt na ng hayskul, si Guido lang ang pinalad na makapag-aral ng kolehiyo sa siyudad. Naiwan kami ni Dindo sa probinsya. Nanatiling pianist sa kapilya si Dindo habang ako naman ay tumutulong na lamang sa aking ama sa gawaing bukid. Sumasali din ako sa mga singing contest para may maiambag sa mga gastusin sa bahay. Bumalik si Guido sa probinsya at kasama na ang classmate niyang si Raul. Sinabi sa amin ni Guido na nais nilang magtatag ni Raul ng grupo na lilibot sa lahat ng dako ng Pilipinas para tumugtog. At dahil nasa dugo namin ni Dindo ang musika kaya pumayag kami, sa pahintulot na rin ng aming mga magulang. Nang magsimula na kaming maglakbay sakay ng van na pagmamay-ari ni Raul, doon namin nalaman ni Dindo na hindi na pala pumapasok sa eskwela sina Guido at Raul. Palagi silang nakatambay sa mga clubs at tumutugtog doon. Bilang si Guido ay mahusay sa paggamit ng drums at si Raul sa bass. Kaya nila naisip magtatag ng grupo dahil pariwara na ang tingin sa kanila ng kanilang mga magulang. Gusto nilang masunod ang sinisikdo ng kanilang damdamin, at the same time, eh mapagkakitaan nila. Kaya lumilibot kami saan mang Barangay sa Pilipinas na may pista upang mag-perform with fee. Nakilala ang banda namin bilang ‘THE TRIPPERS’. Marami na kaming napuntahan kaya malawak na rin ang koneksyon namin sa mga organizer at coordinator ng mga kapistahan. Kino-contact kami upang tumugtog. Isang beses pa nga nagkasabay ang pista sa dalawang barangay kaya kailangan naming mamili ng mas higit ang talent fee na ibibigay sa amin. Minsan din isang buong linggong may pista sa bawat barangay kaya kung hindi man paos, wala na akong boses kaya kailangan naming tumanggi. Nakakapagod, oo. Pero kung mamantakin naman, kung sa tatlong oras nga na performance may 2,500 na ako. Malaking tulong na rin ito sa pamilya ko na umaasa sa akin. May dalawang kapatid pa akong nag-aaral kaya kailangan kong kumayod. Isa pa, sa mahigit dalawang taon naming pagbabanda, nalibot na namin kahit ang kasulok-sulukan ng Pilipinas. Bawat magagandang tanawin ng mga lalawigan ay dinadayo namin. Bawat tourist spot at mga pinakamagandang beaches, naliguan na yata namin. Masaya ako sa buhay ko. Nasunod ko ang passion ko sa pagkanta at kasama ko ang mga matalik kong kaibigan. Pero minsan may mga conflicts din at hindi naman iyon maiiwasan lalo pa’t magkakaiba kami ng ugali at katangian. Gaya ko na hindi mahilig makipag-socialize pagkatapos ng gig. Pinangangalagaan ko ang boses ko kaya hindi talaga ako umiinom at naninigarilyo. Wala din akong lovelife. Ayokong matulad kay Guido na lahat ng aming napuntahang Barangay, may babaeng pinapatos.
Nagpikit na ako ng mga mata dahil ramdam ko ang paghapdi niyon at pagbigat ng aking mga talukap. Pasado alas dose na yata ng hating gabi pero masigla pa rin ang tugtugan sa plaza na rinig pa sa inupahan naming tulugan. Ngunit hindi ko inda ang ingay at madali nang nakatulog.
“Magkano nga ang upa natin sa tulugan?” tanong ni Guido.
Nasa sasakyan na kami at kasalukuyan nang bumabaybay sa kahabaan ng high way. Si Raul ang nagmamaneho habang nasa tabi nito si Guido. Kami naman ni Dindo ay nasa likuran.
“500 per night iyon. Hindi na nga tayo pinatawad eh…” sagot ni Dindo.
“Mahal! Maliit na nga ang kwarto at marami pang lamok. At isa pa, hindi naman talaga tayo natulog doon eh. Si Drew lang ang natulog. Inumaga na ako sa bahay ni Lovely…” saad ni Guido na nangingiti habang nangangarap na ng gising.
“Hay, naku, mapipilit ba naman ang taong ayaw. Buong araw siyang tulog sa sasakyan at pati sa gabi pagkatapos ng gig mas gugustuhin pa niyang managinip kaysa uminom kasama tayo…” parungit ni Raul.
Napahagikhik na lang ako. Kahit noong una pa man, binabara na ako ni Raul at napaka-prangka nito pagdating sa akin. Pero sanay na ako at pinapalagpas na lang sa kabilang taenga kapag lubha nang nakapanginginsulto ang mga binibitawan nitong salita.
“Alam niyo namang mas gusto ko pa ng sapat na pahinga kaysa dumisco. Hindi rin ako mahilig sa mga babae…” wika ko.
“Kaya ka walang syota mula’t sapul kahit noong sa probinsya ka pa. Gayahin mo itong si Guido na kabilaan ang mga girlfriends sa iba’t ibang dako ng Pilipinas. ‘Di ba, pare…” saad muli ni Raul at nagdaop pa sila ng kamao ni Guido.
Natahimik na lang ako. Panay na ang kwentuhan nina Guido at Raul sa unahan kaya nagpasya akong magtakip ng mukha gamit ang leather jacket ko at nagpikit na ng mga mata. Nakakasilaw na rin kasi ang liwanag mula sa tirik na araw. Biglang tumunog ang cellphone ni Raul. Iyon ang gamit namin kung may kliyente na gusto kaming rentahan para tumugtog. Si Raul kasi ang mahilig makipag-usap at mambola ng mga organizers at coordinators. Magaling itong manghuli ng loob at tiwala ng sinumang tao kaya naman nagugustuhan siya ng mga kumukuha sa amin. Lalo na kung bakla ang organizer.
“Hello?” sagot ni Raul sa tawag kahit alam niyang labag iyon sa traffic rules.
Binagalan naman niya ang pagmamaneho. Tahimik lang kaming tatlo at nakikinig.
“Talaga po, madam Rosa? Oh, sige, pupunta kami agad diyan. Salamat po.”
Doon pinutol ni Raul ang tawag at ibinaba na ang cellphone. Tuwang tuwa ang mukha niya at muling binilisan ang pagpapatakbo.
“Oh, ano raw sabi ni madam Rosa?” tanong ni Guido habang kuryong nakamasid sa katabi.
“Pista daw ng San Fernan bukas. Isa daw 3-day celebration. Nakipag-coordinate si madam Rosa sa kapitan dahil nangangailangan daw ito ng banda na tutugtog sa pa-live band niya. At pumayag daw ito na tayo ang tutugtog. Kailangan nating pumunta ngayon doon para kausapin si Kapitan at ikasa na ang deal. At ang sabi pa ni madam Rosa, galante raw magbigay ang kapitan dahil kaalyansa ng gobernador. Tiyak malaki ang ibibigay na tip sa atin. At mantakin ninyo na tatlong gabi tayong tutugtog sa isang pista lang.” pahayag ni Raul.
Natuwa kami sa narinig na magandang balita. Dalawang araw ang ginugol namin sa byahe dahil nasa Quezon ang sinasabing Barangay na nagdiriwang ng pista. Kaya imbes na makipag-negotiate sa kapitan sa personal, sa cellphone na ito kinausap ni Raul. Dumating kami doon ng gabi, sa mismong pista kung saan may-pa-live band si kapitan Ricky Chavez. Kahit pagod sa biyahe, kaagad kaming dumiretso sa kapitan upang makipag-meet sa personal. Magiliw naman niya kaming hinarap at kinausap. Limang oras ang gusto niyang haba ng aming performance. 10,000 ang ibibigay niya kada gabi ng pagtatanghal. Medyo maliit at lugi kami sa talent fee dahil 5 hours din kaming tutugtog nang straight. Kung ikukumpara sa huli naming gig na 10,000 for 3 hours lang. Pero pinatos na rin namin kaysa mauwi sa wala ang haba ng aming binyahe papunta sa lugar na iyon. Nag-ambagan din kami sa gasolina at iba pang expenses tulad ng pagkain kaya kailangan naming makabawi at ituloy ang palabas. At kung pakaiisipan naman, 30,000 din ang paghahatian namin pagkatapos ng 3 nights na gig. Kung susumahin, 7,500 ang matatanggap ng bawat isa. Maigi na rin dahil bayaran na naman ng tuition fee ng kapatid kong nag-aaral sa kolehiyo.
Alas-siete ng gabi ang simula ng live band. Hindi na kami nakapag-rehearse at namili na lang ng tutugtugin at inarrange ang pagkakasunod-sunod niyon. Nakasalalay sa akin ang kabuuan ng aming performance. Uminom ako ng maraming tubig at nag-vocalize bago pa kami sumalang sa stage. At gaya ng ibang pagtatanghal namin, naroroon pa rin sa akin ang kaba at excitement na nagbibigay ng goosebumps at mga pagragasa ng dugo sa aking katawan. Nakahanda na kami sa itaas ng stage at nang buksan ang ilaw sa entablado, nagsimula nang tumugtog ang aking mga kasama. Isang masigla at nakakaindak na tugtugin ang pambwena-mano namin. Kantang, ‘WHEN I DREAM ABOUT YOU’ na rock version ng Gracenote. Hindi ko kita ang mga taong dumalo sa live band nang gabing iyon. Madilim ang paligid at natatakpan ng tabing ang palibot ng gym. May entrance fee kasi na 20 pesos. Pero noong hindi pa kami nagsisimulang sumalang sa stage ay nasilip namin ang maraming lamesa at bangko sa loob ng gym na parang nasa isang bar ang konsepto. Marami ring case ng alak sa back stage at mga taong nakasuot ng kasuotan ng waiter.
Umabot na ako sa mahigit sampung kanta. Nagsisimula nang maging ballad ang mga pinapatugtog namin. Halos instrumental na lang ang maririnig dahil kailangan ko ring ipahinga kahit sandali ang boses ko. At gaya ng iba naming performance, madalas kong kinakamusta ang mga audience. Kung nag-e-enjoy ba sila sa performance namin. At lagi naman akong nakakatanggap ng masigarbong hiyawan at palakpakan. Sumasabay pa nga sila sa bawat pagkanta ko dahil sinigurado talaga namin ng mga kabanda ko na hit sa mga matatanda at kabataan ang bawat kantang pinapatugtog namin.
“…Alright, ang susunod na kanta ay idinedecate ko sa lahat ng mga taong nagmahal, nasaktan at patuloy na umaasa…”
“Kung hindi rin lang ikaw ang dahilan…”
Patiuna ko sa lyrics saka na sumunod ng tugtog ang mga ka-banda ko.
Naghiyawan ang mga tao lalo na ang mga millenials na relate na relate sa kanta.
“Pipilitin ba ang puso kong hindi na masaktan?
Kung hindi ikaw ay hindi na lang
Pipilitin pang umasa para sa ‘ting dalawa.
Giniginaw at hindi makagalaw
Nahihirapan ang pusong pinipilit ay ikaw
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ang sarili na umibig pang muli
Kung di rin tayo sa huli
Aawatin ba ang puso kong ibigin ka?”
Ilang kanta pa bago natapos ang aming gig. Masigarbong palakpakan at hiyawan ang pinakawalan ng mga tao saka na pumatay ang ilaw sa entablado at napalitan ng disco ball. Saka na sumaliw ang nakakaindayog na tugtog ng disco sa malalaking speaker ng gym. Nagsasayawan na ang mga tao na lalo pang pumuno sa nakakabinging hiyawan at pagwawala nila sa saliw ng indak at tama ng alak sa kani-kanilang sistema.
Samantala, nagpa-pack-up na kami ng mga gamit noon sa itaas ng stage. Alas-siete kami nagsimula at natapos ng alas-dose ng gabi. Pagod na pagod ang mga katawan namin at halos wala na akong boses.
Ipinasok namin ang mga kagamitan sa loob ng van. Ngunit nang isara namin ang likuran ng van ay bigla na lamang hinablot ni Raul ang damit ko at ipinidpid ako sa gilid ng van. Galit na galit siya at panay pag-awat na ng mga kasama ko. Ako naman ay parang hindi pa makahuma sa bilis ng mga pangyayari. Hindi ako bayolenteng tao at hindi ako pumapatol sa init ng ulo ng mga kasama ko lalo na ni Raul. Wala akong kaalam-alam noon kung anong problema niya at kung bakit sa lahat ng panahon ay nakuha pa niya akong ihabla kung kailan pagod kami at nais nang magpahinga.
“Hindi ba sabi ko sa ‘yo huwag na nating isama ang kantang KUNG ‘DI RIN LANG IKAW ng December Avenue? Bakit ba antigas ng ulo mo? Gumagawa ka ng sarili mong choice ng kanta akala mo naman kung sino ka. Ilang ulit mo na itong ginawa, Drew. Baka nakakalimutan mong ako ang leader niyo at desisyon ko ang masusunod!” singhal nito.
Hindi na ako kumibo. Inawat na si Raul ng mga kasama namin at inilayo sa akin.
“Next time ha…” anitong tinuturo pa ako. “…Kung gagawin mo pa ang pagmamarunong mo, magpasensyahan na tayo. Tatanggalin kita sa grupo at maghahanap ako ng panibagong kapalit mo!”
Kumalas si Raul sa pagkakakapit ng mga kasama. Tiningnan niya ako ng masama saka na sumakay sa driver’s seat. Kaagad niyang pinaandar ang makina. Nagsipasok na rin ang mga kasamahan namin sa loob ng van. Ngunit nang tangka na ako sa pagpasok ay bigla na lang pinaharurot ni Raul ang sasakyan.
Walang nagawa ang mga kasama ko kundi ang lingunin ako at tahimik na makisimpatya sa akin. Napabuntong-hininga ako habang sinusundan ng tingin ang papalayong van. Nagsimula na rin akong maglakad. Hindi lang ito ang unang beses na iniwan ako ni Raul sa kalagitnaan ng daan. At ilang beses na rin itong nagbanta na tatanggalin ako sa grupo pero hanggang banta lang naman iyon. Walang ibang maipapalit na lead vocalist si Raul sa akin dahil busy na kami sa kaliwa’t kanang biyahe at gig. Alam din niyang ako lang ang may kakayahang tumagal sa magaspang na ugali niya at nasanay na sa paulit-ulit niyang pang-iiwan sa gitna ng hindi pamilyar na daan. Naisip kong humanap ng pansamantalang masisilungan ngayong gabi. Kung may apartelle, mas mabuti. Pero saan naman ako makakakita ng apartelle sa payak na Barangay na iyon?
Nagtanong-tanong ako sa mga taong kasabay kong naglalakad sa kalsada. Galing sila sa gym at hindi na tinapos ang disco. Itinuro nila ako sa isang palikong daan. May bahay-panuluyan daw roon at tumatanggap ng bisita kahit hating-gabi. Nabuhayan ako ng loob at tinahak ang daang tinutukoy ng mga ito. Maliwanag naman ang buwan kaya malakas ang loob kong magpatuloy sa paglakad at hanapin ang sinasabi ng mga napagtanungan ko na bahay-panuluyan. Pero ilang kilometro na ang tinahak ko subalit isang malawak na pastulan na ang binabaktas ko. Nagpalinga-linga ako at nagbabaka-sakaling may makitang tao na pwede kong mapagtanungan. Pero ako lang at ang malawak na pastulan. Kinakapitan na ako ng kaba. Pakiramdam ko walang katapusan ang daang tinatahak ko dahil puro pastulan ang nakikita ko sa magkabilang gilid ng daan. Malamig ang simoy ng hangin dahil ‘ber’ month na at wala pa akong pananggalang sa lamig. Nasa van ang leather jacket ko at wala akong kaalam-alam kung saang lupalop ng Barangay humimpil ang mga kasamahan ko.
Lumihis ako ng daan at lumakad sa maiikling damo ng pastulan. Palakas nang palakas ang musika. Nang marating ko ang burol, isang babae ang nakita kong nakahiga sa damuhan. Sa tabi nito ay isang pahaba at maliit na MP3 Player na kasalukuyang pinapatugtog ang kantang ‘BUWAN’ ni Juan Karlos Labajo.
“Sa ilalim ng puting ilaw
Sa dilaw na buwan
Pakinggan mo ang aking sigaw
Sa dilaw na buwan
Ayokong mabuhay nang malungkot
Ikaw ang nagpapasaya
At makakasama hanggang sa pagtanda
Halina’t tayo’y humiga.”
Napako ang pansin ko sa babae. Nakapikit ito habang bahagyang nakaangat ang sidsid ng bestida, dahilan upang malantad nang kaunti ang mga hita nito. Napalunok ako at hindi naiwasang mapanganga. Napakaganda ng babaeng ito. Napatangos ng ilong at maninipis ang mga labi. Idagdag pa ang mahaba at blonde na buhok. Higit doo’y ang balat nito ay nagliliwanag sa tama ng liwanag ng buwan. Natapos ang kanta mula sa MP3 Player. Dahan-dahang nagmulat ng mga mata ang babae. Hindi pa niya ako napansin agad dahil natuon ang kanyang paningin sa bilog at napakagandang buwan. Bigla akong natauhan. Oo nga pala. Kailangan ko nang makaalis at baka mapag-isipan pa akong masamang tao. May pag-iingat akong umatras. Subalit isang sanga ang naapakan ko at kagyat na lumagitik. Doon napabangon ang babae sa pagkakahiga at napatingin sa akin. Awang ang bibig niya at tila nagulat din sa pagsulpot ko doon.
“P-pasensya ka na. W-wala akong intensyon na masama. A-aalis na ako…” kabado kong saad saka na nagdudumaling naglakad palayo.
Pagdating ko sa daan ay saka ako napahinto at doon huminga nang maluwag. Grabe, pinagpapawisan ako nang malagkit. Hindi na matigil sa mabilis na pagpintig ang puso ko. Ano ba iyon? Bakit may babaeng nakahiga sa damuhan nang dis-oras ng gabi? Namamalikmata ba ako? Minumulto? Pinaglalaruan ng mga engkanto? Nangilabot na naman ako dahil sa mga iniisip ko. Nagpasya na akong maglakad muli pabalik sa pinanggalingan ko. Nang makarating sa kalsada, eksakto namang may dalawang tao na kasalukuyang naglalakad dala ang isang flashlight. Nang ma-ispatan nila ako, kaagad silang tumawag sa akin.
“Drew!” anang isa sa mga lalake.
Napagtanto kong sina Guido at Dindo pala ang dalawang iyon. Kaagad ko silang nilapitan.
“Buti nandito kayo. Nagkanda-ligaw-ligaw na ako eh.” saad kong napapakamot sa ulo.
“Nakahanap na kami nang matutuluyan natin at nasa kabilang kanto iyon. Saan ka ba nasuot? Alalang-alala kami sa iyo.” ani Dindo.
Kinuha ko ang flashlight mula kay Dindo at inispatan ang lugar na nilikuan ko. May nakalagay nga palang ‘PRIVATE PROPERTY’ na nakapaskil sa puno. Kung ganoon, mali ang pagkakaintindi ko sa sinabi ng napagtanungan ko kanina. Maling daan ang nilikuan ko.
PANGALAWANG GABI ng pagtatanghal namin. 5 hours muli ang itinagal ng aming pagtatanghal. Pagkatapos ng gig, sumunod muli ang nakakaindak na musika ng disco.
“Hindi pa ba kayo uuwi sa boarding house? Antok na antok na ako eh…” saad ko sa mga kasamahan ko.
Nasa van kami noon at naglalagay ng mga instrumento sa likod ng sasakyan. Gusto ko nang umuwi at maihiga ang likod sa malambot na kama upang makapagpahinga na.
“Magdidisco pa kami eh. Hinihintay na ako ni Juvy. Kung gusto mo, mauna ka nang umuwi sa boarding house. Hindi ka naman siguro maliligaw ulit,” ani Guido.
Wala na rin akong nagawa. Sa aming apat, ako ang mas dehado pagdating sa mga bagay na tulad nito. At dahil mas inuuna ko pa ang sapat na pahinga, nunka ang mag-disco kasama ng mga babae, kailangan kong maglakad pauwi sa boarding house.
Narating ko ang palihis na daan na unang nilikuan ko kagabi. Hindi ko naiwasang tumingin doon sa tulong ng liwanag ng buwan na tumatanglaw sa paligid. Naisip ko ang babae. Kahit ang totoo nito, hindi na siya naalis sa isip ko mula nang matagpuan ko siyang nakahiga sa gitna ng pastulan. Kaya nga hindi na ako nakatulog kaninang umaga dahil bigla-bigla siyang sumasagi sa gunita ko. Napahinto ako sa paglakad. Makikita ko kayang muli ang babae kapag lumihis muli ako ng daan? Hindi ko na hinintay na pigilan pa ako ng alinlangan. Kaagad akong lumakad papasok sa pastulan. Panay ang linga ko sa paligid. Nagbabaka-sakaling matagpuan ko ang imaheng bumagabag sa akin sa buong araw.
Maya maya’y nakarinig ako ng pamilyar na musika. Ito’y kantang ‘BUWAN’ ni Juan Karlos Labajo. Tinakbo ko ang kinaroroonan ng musika at nang makita ko ang isang babaeng nakatayo sa may burol ay kaagad akong napahinto. Para akong namamalikmata. Ang babae ay nakapikit habang sinasalimbay ng malamig na hangin ang mahabang buhok nito na kulay blonde at ang sidsid ng suot nitong palda. Napakaganda talaga nito sa tama ng liwanag ng buwan. At habang patuloy kong pinagmamasdan ang babae, kumakalabog ang dibdib ko na hindi ko mawari. Kinakabahan yata ako.
“…Ang iyong ganda’y umaabot sa buwan
Ang tibok ng puso’y rinig sa kalawakan
At bumabalik
Dito sa akin
Ikaw ang mahal
Ikaw lang ang mamahalin
Pakinggan ang puso’t damdamin
Damdamin aking damdamin…”
Sumasaliw ang kanta habang nilalakad ko ang pastulan papunta sa mababang gulod kung saan naroroon ang babae. Ang mga paa ko’y tila balahibo sa sobrang gaan. Nag-a-anticipate akong makilala siya.
Nang nakaabot na ako sa burol ay napa-upo ako ng pa-squat at patuloy pa rin siyang tinititigan. Hindi niya ako napansin dahil siguro sa pagkadala nito sa kantang sumasaliw mula sa MP3. Napapangiti at nakakaramdam ng kagaanan ang loob ko. Bagay na bagay dito ang kantang “BUWAN” ni Juan Karlos Labajo. Kasing ganda niya ang buwan.
Nang matapos ang kanta ay saka lang dumilat ang babae. Hindi pa niya ako napansin noong una. Malamlam ang mga mata nito, kasing lamlam ng liwanag ng buwan.
“Hi…” bati ko na.
Doon lang ako inukulan ng pansin ng babae. Tila naman hindi ito nagulat bagkus ay tumalikod na at umupo sa tabi ng MP3 Player nito at gitara. Tumayo ako at lumakad papunta sa harap niya. Inilahad ko ang aking kamay at ngumiti.
“Drew nga pala.” pakilala ko.
Tinanggap naman ito ng babae. Napakalamig ng kamay niya! Pero sobrang lambot. Kaagad naman nitong binawi ang palad at bahagyang lumiyad at tinititigan ang buwan. Sumagi pa ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Hindi ako makapag-isip ng topic na bubuksan. Masyado akong kinakabahan na aywan ko ba kung bakit. Nakita ko ang gitara sa tabi niya. Tumayo ako at kinuha iyon saka muling naupo sa kabilang gilid niya. Kumaskas ako at itinono pa ang gitara. Saka na ako bumwelo ng kaskas sa gitara.
“Kahit ikaw ay magalit.
Sa’yo lang lalapit Sa’yo lang aawit…”
Panimula ko ng kantang, ‘KAHIT AYAW MO NA’ ng bandang THIS BAND alinsabay ng pagkaskas. Buo ang boses ko at hindi tunog babae gaya ng original. Napatingin sa akin ang dalaga. Napaayos ito ng upo at na-kuryo marahil sa kinakanta ko. Na-inspired pa akong pag-igihin ang ginagawa.
“…Kahit na ikaw ay nagbago na
Iibigin pa rin kita
Kahit ayaw mo na
Tatakbo, tatalon
Sisigaw ang pangalan mo
Iisipin na lang panaginip lahat ng ito
O, bakit ba kailangan pang umalis?
Pakiusap lang na wag ka nang lumihis
Tayo’y mag usap, teka lang, ika’y huminto
Wag mo kong iwan, aayusin natin ‘to
Ang daling sabihin na ayaw mo na
Pero pinag-isipan mo ba?
Lapit nang lapit, ako’y lalapit
Layo nang layo ba’t ka lumalayo?
Labo nang labo, ika’y malabo
Malabo, tayo’y malabo
Bumalik, at muli ka ring aalis
Tatakbo ka nang mabilis
Yayakapin nang mahigpit
Ang hirap ‘pag
‘di mo alam ang iyong pupuntahan
Kung ako ba ay pagbibigyan
O nalilito lang kung saan…”
At nagpatuloy pa ako sa pagkanta. Pagkatapos ng kabuuan ng tugtog ay itinigil ko na ang paggigitara. Napapalakpak ang babae na tuwang tuwa sa ginawa ko.
“Ang galing mo pala…” anito sa napakalamyos na boses.
“Thank you. Akala ko hindi ka na talaga magsasalita…” biro ko pa.
Napapahagikhik ang dalaga. Nakakahalina ang ginawang pagtawa nito kaya napangiti ako nang buong pagkagiliw sa kanya.
“Ano nga palang pangalan...