The Broken Wife
Chapter 2
Serenity
Kinaumagahan ay maganda ang aking gising. Napangiti ako at tinignan ang aking orasan at nakitang alas-sais pa lang ng umaga. Tumayo ako at binuksan ko ang aking kurtina. Maganda ang aking pakiramdam ngayon.
Nagluluto ako ng umagahan nang nakita kong tumatawag ang aking ina. Agad ko itong sinagot at inipit ang aking telepono sa aking leeg at tenga habang nagluluto.
Kinamusta niya ako habang hinahalo ko ang scrambled egg na aking linuluto.
“Kumusta ka na anak? Nami-miss ka na namin. Kumusta ang bagong apartment mo? May mga kapit-bahay ka ba anak? Ano’ng almusal mo ngayon?” sunud-sunod na tanong ng aking ina.
Napangiti naman ako. “Ayos lang ako Mama. Wala ho kayong dapat ipagalala. Lalabas po ako ngayon para bumili ng groceries. Bukas ho maghahanap na ho ako ng bagong trabaho.”
Nagbilin pa ang aking ina at napapangiti dahil naririnig ko ang boses ng aking ama. Alam ko na kahit hindi niya ako kausapin ay alam kong nag-aalala siya. Pinakumusta ko ang aking ama sa aking ina.
Pinatay ko na ang tawag at nagsimula nang kumain. Nang matapos ay naligo na ako at naghanda na para lumabas. Habang sinususihan ko ang aking pinto ay nakita kong nakalabas ang basura ng aking doctor na kapit-bahay. Gusto ko siyang katukin na mangangamoy ito rito pero pinigilan ko na lang ang aking sarili.
Tumalikod na ako at pumanhik sa baba at naghintay na ng taxi papunta sa supermarket para mamili ng aking mga kailangan.
Pagdating ko sa grocery store ay binili ko na lahat ng kailangan ko para minsanan na lang ang aking pagpunta rito sa store. Nang makuha ko na lahat ng kailangan ko ay punong-puno ang cart ko ng mga bilihin. Naparami yata ako ng kinuha. Mas mabuti pa siguro kung kunin ko na lang ang aking sasakyan sa kanila mama para hindi na ako maghihintay ng taxi sa susunod.
Nang makabayad ay pumila na ako ng taxi dahil marami akong dala. Nakakuha naman ako ng taxi agad at sinabi ang aking address sa mamang driver. Pagdating ko sa aking apartment ay isa-isa kong binuhat ang walong paper bag na aking dala. Nang makuha ko ang huling paper bag ay sinusihan ko ang aking pinto nang makarinig ako ng boses sa aking kaliwa.
“Do you need help?” Napasinghap pa ako sa gulat.
Paglingon ko ay muntik ko nang mabitawan ang aking dala. Isang lalaki na sobrang gwapo ang aking nakita. Oo sobra dahil para siyang hollywood star. May pagka-kayumanggi ang kanyang buhok, puti ang kanyang balat, matangos na ilong, kayumanggi at bilogang mga mata, mahahabang pilik-mata, makapal na kilay, katamtamang kapal ng labi, at may kunting balbas sa kanyang mukha.
Nakaupo siya sa bukana ng kanyang pintuan at basa ng pawis habang umiinom ng tubig. Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa kanya. Napakurap-kurap ako nang tumayo siya at nakita ko ang hapit niyang blouse. Pansin ang matipuno niyang katawan at matangkad din ito.
“Uhm, salamat pero hindi na kailangan. Kaya ko na ito.” Bumalik ako sa pagsususi ng aking pinto.
Nang mabuksan ko ay dali-dali kong ipinasok ang aking mga pinamili sa loob at saka sinara ang aking pinto. Nang makapasok ay huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang aking dibdib.
Hindi na. Hindi ako pwedeng magpaloko ulit. Tama na ang tatlong beses na nasawi ako sa pag-ibig. Sinimulan kong iayos ang aking mga pinamili at pilit kong iwinaksi sa aking isipan ang gwapong lalaki na aking nakita.
Siya iyong lalaki na sinasabi ng pinsan ni Janice na isang doctor. Bakit kaya siya nag-doctor? Mas bagay niya sana ang pagiging modelo o artista dahil matangkad naman ito at gwapo pa. Nang maiayos ko ang aking mga pinamili ay biglang may nag-doorbell sa aking pintuan.
Sumilip ako sa peephole ng aking pinto at nagtaka ako na naroon ang gwapong lalaki na aking nakita kani-kanina lang. Ano naman kaya ang kailangan niya? Muli itong nag-doorbell at pinihit ko ang busol ng pinto sabay binuksan ito.
“May kailangan ka ba?” medyo inis kong tanong.
“You dropped something.” Namula ako nang makita kong hawak niya ang binili kong lactacyd.
Agad ko itong inagaw sa kanya...