He is my boss Chapter 2


Hinubad ko muna ang reading glasses ko.
Pinikit ko ng mariin ang hapo kong mga mata.
Habang tumatagal domodoble na ang tingin ko sa mga numerong tinitipa ko.
Delikado to..
Baka mamali pa ako ng input.
Huling baraha ko pa naman ito.
Lalo pa ako na napressure nang sinadya pa akong daanan ni amo para lang paalalahanan ako.
‘I need those report first thing in the morning, i dont want any delays or else..’ may pagbabantang sabi pa nya sabay layas.
Sarap lang batuhin ng stapler ang animal.
‘O ayan yung mga resibo nitong last week,’
Agaw pansin ni ate lourdes.
Nakapanlulumo ang kapal ng resibong inilapag nya sa harapan ko.
‘Sigurado ka ate last week lang ito?bakit parang ang dami?’
‘Ewan ko ba, galing kasi yan sa mga managers ng shop nya’
Binuklat ko isa isa ang mga ito.
Napakunot ako ng noo
Bakit parang puro sulat kamay?
At tila ang daming bura.
‘O sya aalis na ako, sigurado ka bang mag papaiwan ka muna dito?’
‘Wala naman akong choice ate.. need na kasi nya to bukas ng umaga, baka nga dito na ako matulog’ may halong biro ko, saka kunway tumawa, pero yung tawang hindi abot sa mata.
‘Gusto sana kitang tulungan kaso alam mo naman single mother tayo, may gawaing ina din ako pagdating sa bahay’
‘Okay lang teh, naintindihan ko,’
Kahit hindi, sigaw ng utak ko.
Binalot na ng katahimikan ang buong opisina pagkalipas pa ng ilang sandali.
Nag iisa na lang ako.
O well ano pang hinihintay mo clarissa,
Work work work..
Muli kong pinag aralan ang mga resibo.
May mali talaga eh.
Hanggang sa may nakita akong butas.
minabuti kong puntahan ang stock room kung saan nakalagay ang mga mas naunang resibo.
Gusto ko lang masiguro kung totoo ang hinala ko.
Nakatulugan ko na ata ang trabaho ko.
Isang kaluskos mula sa opisina ni sir ang tila gumising ng diwa ko.
Pakiramdam ko hindi ako nag iisa.
Inilabas ko ang ulo mula sa aking munting lungga
Nasa pinakasulok kasi ang mesa ko kung saan natatabingan ng mataas na divider kung kaya hindi ko pansin kung sino ang lumalabas masok.
Pero sino naman ang papasok ngaung dis oras ng gabi.
Sinipat ko ang aking relo
Alas diyes na pala
Kailangan ko ng umuwi
Tutal natapos ko na ang report
Salamat sa diyos.
Cross finger na sana nameet ko...


na ang expectation ng magaling kong amo
Full detailed kaya ang ginawa ko dito
Dumugo ang utak ko ng husto.
Pero atleast luminaw na ng konti kung saan napupunta ang pera nya.
At lastly para mapatunayan ko naman na hindi ako bobita kagaya ng iniisip nya!
Naputol ang pagmumuni ko nang muli akong makarinig ng ingay.
Gumapang ang kilabot sa buo kong katawan.
Hindi ako paniwalain sa mga multo pero sinakluban parin ako ng matinding takot
Naku makauwi na nga, baka sa sobrang pagod ko lang to kaya kung ano ano na ang nririnig ko
Pilit kong pinahuhupa ang dinadaga ko nang dibdib.
Ngunit nawala lahat ng naipon kong lakas ng loob nang naging ungol na ng babae ang ingay na naririnig ko.
Nahinto ako sa tapat mismo ng pintuan ni Sir.
Nanlalaki ang mga mata kong napatitig sa maliit na siwang sa bahagyang nakabukas na pinto.
May babae sa opisina ni sir!
‘Umm ,, benj i miss you..’
‘Liza stop this will you.. bakit ba nagpunta ka pa dito?’
Hah ano daw?
Napakunot ako ng noo.
Isa lang ang masasabi ko
Hindi galing sa multo ang mga tinig na yun.
Dala ng matinding kuryusidad Kusang humakbang ang mga paa ko papalapit ng pintuan.
‘Hindi ko matiis na hindi ka makita mahal ko. I miss you like crazy..’
‘What the hell are you talking about! Matapos mo akong ipagpalit, may gana kapang sabihin sakin yan, i dont even understand why you’re still here! You’re supposed to be with Mathew , God damn it!’
Sunod sunod ang naging pagkabog ng aking dibdib.
Hindi ko inaasahan ang eksenang nasasaksihan ko.
Oh my God!
So its true!
At sya ang ex ni Sir!
Pero anong ginagawa nya dito?
At bakit magkasama silang dalawa ?
Wag mong sabihing?
‘Pero ikaw ang mahal ko! Im sorry if i failed you..
Gusto ko lang ng security kaya ko sya pinatulan.. ‘
‘Wow! So parang pinamukha mo lang sakin na hindi kita kayang buhayin , ganyan ka na ba talaga kababaw ha! Lalo mo lang pinababa ang tingin ko sayo! get the hell out of here before..’
‘Before what Benj, alam kong ako parin ang mahal mo, dont worry we can still be lovers, i can keep a secret honey.. trust me magiging masaya pa rin tayo’
Napaluwa ako ng mata nang makita kong sinungaban nya ng halik si Sir.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top