Incompatible Part 26


Author: Ren Salazar
” Heto..punasan mo yang buhok saka katawan mo. ” Iniabot ni Schiyev ang kanyang tuwalya kay Bekket. Kakatapos lang ito maligo sa banyong nasa loob ng silid niya at naka tapis rin ng isa pang tuwalya.
Kinuha ni Bekket ang tuwalya saka nagpunas ng sarili.
” Salamat.”
Naupo si schiyev sa kama habang si Bekket naman ay nakatayo sa kanyang gilid.
” Ikaw? Hindi ka ba maliligo?” Tanong ni Bekket.
” Ha?!” Tumingala si Schiyev sa nagtatanong na si Bekket. Subalit bigla itong natigilan at natulala.
Napako ang kanyang tingin sa mukha ni Bekket. Nakakasilaw ang kaputian nito at nakakatunaw ang ngiting pinupukol sa kanya. Bagay na labis niyang ikina init at ikinamula ng kanyang pisngi.
Binawi niya ang kanyang tingin at sa kabilang gilid itinuon. Halos kapusin siya ng hininga nang maramdamang lumakas bigla ang kabog ng kanyang dibdib.
” Haaytss…bakit ba ang gwapong gwapo niya sa paningin ko ngayon.” Bulong ni Schiyev na siya lang ang nakarinig.
” Yoebo…” Tawag ni Bekket sa kanya.” Im asking you,bakit hindi ka naligo gayong nabasa ka rin?”
” Ah..mamaya na. Naghihintay kasi si Nanay. Kakausapin tayo.” Sagot niya na hindi man lang makatingin ng diretso sa bakla.
” Anong tayo? Ang rinig ko,ikaw lang ang kakausapin niya.”
” So,pababayaan mo kong mag isa ang magpapaliwanag ng lahat?” Tumingin na siya kay Bekket ngayon.
” Hehhe…biro lang. Syempre,sasamahan kita. ” Patuloy pa rin sa pagpupunas ng katawan si Bekket.
( ” Gosh..Bekki..pwede bang magbihis ka na…natutukso nakong hawakan yang abs mo.” Patuloy ring bulong ni Schiyev.)
” Magbibihis na ko. Baka gusto mong lumabas?”
(” Haay..mabuti naman.” )
” Yoebo?”
“Ha?” Nakaawang pa bibig niya.
” Magbibihis na ko.” Ulit nito.
” Ah..oo. lalabas na ko.” Sabay tayo.
” Akala kwo dito ka lang at panonoorin mo kong magbihis. hmm..Maganda itong katawan kwo baka gusto mong hagurin ng tingin.”
” Che! Sa panaginip mo!”
” Huu…inggit ka lang. Kawayan ka kasi.” Pang aasar nito.
” Baka gusto mo, itong katawan ko na sinasabi mong kawayan ay ihampas ko sa ipinagmamalaki mong magandang katawan.”
” Ows ..talaga?! Sige nga..paano? Hahha” tinatawanan pa niya si Schiyev na halatang bahagyang nainis.
” Sinusubukan mo talaga ako?”
” Sa tingin mo? Hahhaa” sige pa rin ng tawa.
Walang ka kurap kurap na tumuntong ng kama si Schiyev at biglang nilundagan ang nakatayong si Bekket. Nawalan naman ng balanse ang huli at napahiga sa sahig. Pagkatapos ay inundayan ng walang humpay na kiliti ni Schiyev ang tagiliran nito.
” Ano?! Ha?! Lalaban ka pa? ” Binalingan rin nya ang binti ng bakla saka pinagpalo palo gamit ang kanyang kamay.
” Aaraay…hahha..” dumadaing man pero panay naman ang tawa ni Bekket. ” Oy! Tigil na! Masakit!”
” Hindi! Nakaka inis ka. Porket napaka kinis ng balat mo. Ang ganda pa ng katawan mo,ginaganoon mo na ako. ” Tuloy tuloy pa rin ito sa kanyang gingawa.
” Ahhaa..awat na nga. Suko na ko. Hahha” at tuluyan na siyang nanghina at habol habol ang hininga. ” Ha…ha…ha..ayoko na. ”
Umalis na si Schiyev sa ibabaw niya. Tawang tawa sa mukha ni Bekket.
” Ano?! Kawayan ha?!”
” Ha…hoo!! Di na. ” Sagot nito habang kinakapos pa rin ng hininga dulot ng pagod.” Uhu!!” Nauubo na rin siya.
” Magbihis ka na nga . ” Utos ni Schiyev saka lumabas na.
Naiwan namang nakahiga pa rin si Bekket. At nang makabawi ng lakas,bumangon at tumayo na para magbihis. Nagdala siya ng iilang mga damit para sa pananatili niya.
Pagkatapos magbihis,lumabas na rin siya ng silid. Nadatnan niyang nakaupo sa silyang gawa sa kahoy ang mag ina. At tila siya na lang ang hinihintay para makapagsimula na ng pag uusapan.
Lumapit siya kay Schiyev at tumabi ng upo.
” Ikaw!” Sabi sa kanya ng nanay ni Schiyev.
” Mahal ko po anak ni”yo.” Mabilis niyang tugon rito kahit wala pang tinatanong o sinasabi.
” Wala pa naman akong sinasabi ,ah?”
” Po?! Ah..inunahan ko na po kayo. Pasensya po pero yun po ang totoo.”
Sa isip naman ni Schiyev,masaya siyang marinig iyon pero alam niyang parte lang ng kanilang palabas iyon.
” Mabuti! Pero ang hindi ko matanggap ay kung bakit hindi ninyo man lang sinabi sa kin ang tungkol sa kasalang naganap. Ibang tao ba ako? ”
” Nay….hindi po. ” Sabat ni Schiyev.
” Oh,eh..bakit inilihim mo?”
” Nay..” si Bekket na ang sumagot.” Patawarin n’yo po si Aning. Ako na lang po ang parusahan n’yo.” Ako ni Bekket para hindi na saktan pa ng ina nito si Schiyev.
” Ano pa nga ba ang magagawa ko? Tapos naman na ang kasal. Eh, don na lang ako sa binyag dadalo. ”
” Po?!” Sabay na sumagot sina Bekket at Schiyev at tuloy,nagkatinginan sa isat isa.
” Eh,nay .wala pa po sa plano naming magka baby.” Baling niya sa ina.
” Alam ko ,Aning. Pero matanda nako kaya bilisan n’yo na. Mayaman naman tong asawa mo kaya ayos lang kung hindi ka magtrabaho at mabuntis agad.”
Nagkatinginang muli ang dalawa.
” Nay…huwag po kayong mag alala. Pag uwi po namin sa mansyon,magkaka laman na po itong tiyan ng anak n’yo.” Hinawakan pa niya ang tiyan ni Schiyev. Pinukulan naman siya ng tinging nagtatanong ni Schiyev. Kinindatan niya ang huli para sabihing sumakay na lang sa sinasabi niya para hindi na magtanong pa ang ina.
” Hihintayin ko yan. ”
” Sigurado.” Sumenyas pa ng ok si Bekket sa ina ni Schiyev.
At umusad na ang oras……….
Hapunan na. Nasa harap na ng hapag ang tatlo at kasalukuyang kumakain.
” Yoebo..kain ka ng kain ha. Kailangang magkalaman iyang tiyan mo. Tingnan mo o! Ang liit.” Sinubuan pa ni Bekket si Schiyev.
” Bekki…” Tawag ng ina ni Schiyev.
” Po?! ” Kapwa nagulat ang dalawa sa tinawag nito kay Bekket.
“Ayy este!Bekket pala!Ano ba yan? Ano bang klaseng pangalan meron ka.?Mapapagkamalan ka tuloy na bakla dahil parang ganoon ang tunog. Bekket..bekki..hay naku. Pwede bang palitan mo?”
” Ah…kayo po ang bahala ,nay.” Si Bekket.
” O,siya sige. Anak na lang tutal asawa ka naman ni Aning. ”
” Ok po iyon. ” Sang ayon naman niya.
” Bukas na bukas,mamasyal kayo sa may tabing dagat. Malinis na roon. Di...


tulad ng dati na walang sinumang pumupunta dahil sa marumi. Nagsikalat ang mga basura. ”
” Maganda na po ba don,nay?” Tanong ni Schiyev.
” Ay oo. Malinis na malinis na. Inasikaso ni mayor yon kaya marami na ang dumadayo para maligo. Yung iba naman ay nag di date lang. ”
” Nakapunta ka na po ba don?”
” Hindi. Sa tanda kong ito,napapagod nako maglakad patungo don. Ang init init pa. Masira kutis ko.”
” Haha..si nanay naman. Palabiro pa rin po kayo.”
” Ay teka lang. Bago ko makalimutan. Ikaw,anak..” si Bekket ang kausap niya.
” Po? Ano po iyon ,nay?” Magalang na sagot ni Bekket.
” Hindi naman siguro na pagkain lang ang ilalagay mong laman dyan sa tiyan ni Aning. Hindi iyon ang gusto kong mangyari. Alam kong naiintindihan mo kung ano ang ibig ko.”
” Ah..siyempre naman po,nay. gets ko iyon.” Sinabayan pa niya ng maliliit na tawa.
” Mabuti…”
Karagdagang oras na naman ang nakalipas….
Gabi na at naghahanda na ng bagong punda at kumot si Schiyev. Si Bekket naman ay nasa loob ng banyo. At alam ni Schiyev kung ano ang ginagawa nito sa loob. Inihahanda ang katawan para sa pagtulog.
At nang bumukas na ang pintuan ng banyo….
” Tada….. ”
Si Bekket ,naka blue nighties na naman. Nasa loob lang kasi ng bag niya ito at nakalimutang tanggalin kaya hayun,pati dito kina Schiyev nadala niya. Kaya sinuot na lamang.
” Hanggang dito,dala mo rin yan?” Sabi niya na nakatakip ng kumot ang katawan matapos makapaghanda ng tutulugan. Nakaramdam kasi ng konting lamig.
” Eh…nasa bag ko. Saka,na miss ko ring magsuot nito. Matagal nang naka tengga sa bag ko kaya sinuot ko na. ”
” Sira ka ba? Paano kung makita ka ni nanay?”
” Hindi naman siguro papasok yon rito ng basta basta.” Naka cross legs pa siya habang naka upo sa ibabaw ng kama. ” Haay..ang sexy kwo pa rin. ”
Naningkit ang mga mata ni Schiyev.
” Ang sexy ha? ”
” Ofcourse.” Proud pa talaga si Bakla.
Sa isip naman ni Schiyev,paano nga ba niya gawing totoong lalaki ang isang katulad nito na halos sambahin ang sariling kaseksihan. Lalaki man sa panlabas pero ang loob nito’y ang tingin pa rin ay babae siya. Ito ba talaga ang taong gusto niya? Pero hindi siya…magpapatalo.
” Bekki…” Mahina niyang tawag kay Bekket.
” Yes?” Sabay lingon sa asawa.
” Tada….”
Pinakita ni Schiyev ang suot niyang blue nighties ni Bekket. Maraming ganito ang huli kaya naisipan niyang kumuha ng isa noong paalis sila sa mansyon at papunta dito.
Tinanggal niya ang kumot na nakatakip sa sariling katawan na kanina pang nakabalot sa kanya.
” Whaatt?! Bakit suot mo yan?!” Laking gulat ni Bekket nang makita iyon na suot ni Schiyev sabay turo nito.
” Bagay ba? ” Nagpa ikot ikot pa ito. Nakikita tuloy ang maputi rin niyang legs.
” Shaakks..hubarin mo yan! ”
” Blehh..ayoko. ”
” Bakit dala mo yan? Kulang na tuloy collections kwo.”
” Kumuha ako ng isa. Tinatabi ko sa pagtulog para hindi kita ma miss.” Aniya.
” Aha! So kaya pala hindi ako makatulog dahil kulang pala ang nighties ko at na sayo. At ngayon…ngayon..” sinuyod pa niya ng tingin si Schiyev.
” At ngayon,sinuot ko. Para ilampaso yang katawan mo. And for your information,mas maganda at mas sexy ako sayo.” Hayag niya.
Sa gitna ng kanilang pagtatalo, may narinig silang yabag mula sa labas at papunta sa silid nila.
” Aning….” Tawag nito mula sa labas.
” Si nanay?” Sabay na sambit nila. At ngayon ay nagpapanik kung ano ang gagawin.
Ang malas pa nito,nakalimutan palang isara ni Schiyev ang pintuan ng kanyang kwarto. Bigla itong binuksan ng kanyang ina.
” Aning…ayy naku!! Pasensya na. Nakalimutan kong may kasama ka na pala dito sa loob. Nasanay kasi akong mag isa ka lang lagi. Kaya tuloy tuloy nako sa pagpasok.” Pagpapaumanhin nito.
Mabuti nalang at mabilis na hinila ni Bekket si Schiyev. Sabay silang napahiga sa kama na nakadagan ang huli sa kanya at mabilis ring hinila ang kumot para gamiting pantakip sa nakadikit nilang katawan ngayon. At yon yong nasaksihan ng ina ni Schiyev kaya humihingi ito ng paumanhin sa diretsong pagpasok.
” Ayos lang po,nay.” Saad ni Bekket.
” Ah..sige. aalis na ko. Bukas ko na lang sasabihin kay Aning.” Saka sinara ulit ang pinto.
” Sige ,nay.” Habol na sigaw ni Bekket sa papalabas na ina ni Schiyev.
Samantala, si Schiyev na isinubsob ang mukha sa gilid ng mukha ni Bekket ,hindi mawari ang pakiramdam. Hindi na niya nagawang lingunin ang ina kanina dahil sa nagulat siya sa ginawa ni Bekket. Pinagdikit nito ang kanilang katawan at kinumutan para maitago sa ina ni Schiyev ang suot nitong nighties.
” Uy,girl. Wala na si nanay. ”
Narinig niyang saad ni Bekket. Pero hindi pa rin siya umaalis.
” Yoe…yoebo…”
Hindi siya sinagot ni Schiyev. Walang imik itong umalis sana sa ibabaw niya pero pinigilan mismo ni Bekket.
” Sche….” Tiningnan niya ito sa mata. Nagulat nang may nakitang may maliit na butil ng luha na gustong kumawala. ” Umiiyak ka ba?”
Akmang aalis na naman si Schiyev sa ibabaw niya. Pero pinigilan niyang muli.
” Yoebo…” Nag aalala na sya.
Tinitigan siya ni Schiyev ng walang ka kurap kurap saka sinabing….
” Ang sakit ng noo ko! Magkakabukol nako bukas ne’to eh..”
Umalis siya sa ibabaw ni Bekket at umupo sa tabi nito at hinayaan na lamang siya.
” Ikaw naman kasi. Hindi mo sinara ang pintuan ng kwarto kaya nakapasok agad si Nanay.” Sinisi pa siya ni Bekket.
” Aaaa…ang sakit talaga. Puro buto yata yang noo mo eh.”
” Halika nga. Hipan ko na lang.” Maigi itong lumapit kay Schiyev saka hinipan ang noo niyang namula. ” Masakit pa ba?”
” Medyo.” Tipid nitong sagot.
“Teka nga lang. I la lock ko lang yung pinto baka mabuking ako ni nanay. Panibagong interrogation na naman ito. ”
Iniwan niya saglit si Schiyev . Tinungo ang pinto saka sinara ng mabuti. Pagkatapos,tinabihan ang asawa at pinagpatuloy ang paghihipan sa noo nito.
Si Schiyev naman ay namula nang makita ang labi ni Bekket na malapit na malapit sa kanya. Panay pa ang lunok niya.






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. Working every day by day I’m a lot more impressed by your post. Thanks for your personal efforts with expressing the following theme.

  2. el seminario web ensenara a los propietarios de pequenas empresas a administrar mejor el inventario

Leave a Reply


top