Naghintay ako sa labas sa parking area kung san ang kotse ni Russel. Nakatayo lang ako dun at tinitingnan ang sarili sa salamin..Biglang may yumakap sakin sa likod..
“Mommy kanina kapa?” sabay kiss sakin ni Russel sa cheeks. Habang hinihimas yung tyan kong medyo lumalaki na.
“Hmp? siguro malaki yung baby natin? parang isang araw lang di pa naman halata ah? hmp totoo ata yung sabi nila pag tinatago talagang di mahahalata kapag naman sinabi na eh dun pa mahahalata weird diba hon?”
salita lang sya ng salita ng di ko sinasagot.
Tapos hinarap na nya ko.
“Ericka?is there any problem? oi! why are you crying?”
“Umuwi na tayo ” sabi ko.Hindi naman ako iyakin ngayon lang talaga na nagdadalang tao ako.
“May masakit ba? mabuti pa dumeretso tayo sa ospital!”
Pumasok na kami sa kotse.
“Sa mansyon tayo dumeretso pwede ba?”
“Ericka ano bang nangyayari sayo huh? lagi ka nalang ganyan. Bigla ka nalang tahimik tapos iiyak ng walang dahilan. Nalilito nako sayo”
Sa mansyon…
” Kung May problema...