Hidden Wife of the CEO CHAPTER 15


Russel’s POV
“Ericka papayag kabang makasal ulit sakin? yung hindi na private as in totoong kasal sa Simbahan na alam ng lahat” sabi ko.
Bumuntong hininga muna sya na tila nag aalangan .
“Russel Shiokomori pano moko pakakasalan kung wala kang dalang singsing?” pagtataray nya.
Natawa na tuloy yung mga bisita.
“Hmp, bibili pako pero bukas na ha? after work! so ano na? ” Naghihintay ako ng sagot nya.
At tumango bilang pagsang ayon.
“Yes Russel papakasal ako sayo sa totoong simbahan yung hindi na private, siguraduhin mong marami tayong bisita sa araw na yun.
_____________
Ericka’s POV
Nasa hallway kami. Habang hinihintay si Mich naiihi na naman ako kaya tumungo nako sa CR.
Pagdating ko dun wala pa namang tao.
Nasa loob nako ng cubicle at umupo saka palang nagdatingan ang mga babaeng nachichismisan.
“Totoo ba? si Manager delfuego? asawa ni CEO? oh my god! inagaw nya si sir kay Ma’am Alyanna? diba matagal na sila at sabi...


ng iba na matagal ng empleyado dito nag-live in nayung dalawa noon eh akala nga ng marami ikakasal na sila”
“Sayang naman ang relasyon nilang dalawa kahit sa office nga nila ayun sa sekretarya eh panay ang lamp*ngan nila noon kahit nakikita sila pero kay manager delfuego napaka private . Pinapalabas agad ang secretary para walang makakarinig ng conversations nila. Ang weird diba?”
“Ginawang kab*t si Ma’am Alyanna ni CEO eh samantalang sya naman talaga ang totoong girlfriend at mahal nito!! kaloka! Panong naging sila ni Manager Ericka delfuego?”
Yun ang mga salitang naririnig ko .Saka palang ako lumabas ng banyo ng maka alis na sila.
Parang nasupalpal ako sa mga pinagsasasabi nila.
Biglang sumikip ang dibdib ko.
Naglakad tuloy akong lutang at di halos maka tingin ng deretso sa mga ka trabaho ko. Iba iba kasi ng reactions nila yung iba natutuwa at yung iba naman tila taas kilay kung makatingin sakin. Hindi nalang ako nagpahalata kay Mich hanggang sa nag out na kami.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top