*2U* Chapter 3


(Tanya POV)
+ pinilit kong kumilos ng normal. Pero hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya.
Enzo- Tanya, ok ka lang ba talaga?
Tanya- a-oo. Kumain na lang tayo.
+ Habang kumakain, ramdam kong nakatitig sya sakin, hindi ko alam pero para akong mina magnet ng maitim nyang awra at hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa mata nya. Maya maya tumayo sya, ibinaba uli ang sumbrelo nya at naglakad palayo. Nakahinga nako ng maluwag.
Enzo- Tanya, ihahatid na kita pauwe ha.
Tanya- ha? Hindi na kaylangan.
Enzo- no, tinanggihan mo na nga ako dati eh. Ihahatid kita no matter what.
+ at dahil mapilit si Enzo, pagkatapos namin kumain ay inihatid nya nga ako. Teka bat bako matatakot?
Enzo- san ba ang bahay mo?
Tanya- uhmm malapit sa West Village.
Enzo- okay. Sya nga pala Tanya may Beggining of the year party na magaganap sa bahay nitong darating na linggo. Pumunta ka ha.
Tanya- naku, hindi naman ako mahilig sa mga ganun eh.
Enzo- tinatanggihan mo na naman ba ako?
Tanya- h-hindi naman sa ganun.
Enzo- basta, gusto ko nandun ka ha. Wag kang mag alala ako ang bahalang magintindi sayo dun. Hindi naman ganun karami ang empleyado ng business namin, dadami na lang siguro sila dahil siguradong magdadala sila ng mga date. Ikaw may maisasama ka ba?
+ nabigla ako sa tanong nya. Pero umiling ako, naalala ko na naman yung Syto na yun! Hinding hindi ko hahayaan na ang lalaking yun ang makakasama ko.
Enzo- Wala?
Tanya- hmm.
Enzo- good, well siguro ikaw na lang ang muna ang partner ko, wala din naman akong date eh.
Tanya- ha?
Enzo- just for the party.
+ ngumiti na naman sya sakin. Umiwas na lang ako ng tingin baka mapatitig na naman ako.
Enzo- tanya?
+ tumingin ako sa kanya.
Enzo- ano? Ok lang ba sayo?
Tanya- A- oo sige.
Enzo- yun. Btw bukas wala ako, kaylangan kong pumunta sa Cebu, so hindi mo kaylangang pumunta sa trabaho bukas, sa isang araw na kita dadalhin sa office at ipapakilala sa mga empleyado.
+ tumango na lang ako. Malapit na kami sa West Village, ang totoo hindi pa dun ang bahay ko, pero dahil natatakot ako na baka kung ano na namang gawin ni Syto, lalakarin ko na lang. Itinigil na nya ang kotse at nagpaalam nako. Pagka alis na pagka alis nya ay naglakad nako papuntang bahay, hindi naman na ganun kalayo. Pagdating ko sa bahay, walang tao. Nakahinga ako ng maluwag dahil wala sya.
Tanya- hayy, salamat naman.
+ magbabanyo sana ako ng may mapansin akong pinto na hindi ko yata napansin simula pa nung dumating ako. Napaisip ako bigla kung ano yun. Dahan dahan akong lumapit at binuksan yun. At ng makapasok ako, laking gulat ko. Maliit na kwarto sya, walang bintana kaya medyo madilim. Mas dumilim pa dahil puro itim ang kulay ng gamit, nakita ko rin ang mga itim na damit sa kama, yung mga suot ni Syto. Siguro sa kanya to. Kinilabutan ako, para akong pumasok sa kwarto ng isang demonyo. Luma ang mga gamit at mga libro. Napatingin ako sa bandang kanan at may salamin dun, napansin ko rin ang mga album ng kanta.
Syto- anong ginagawa mo dito?
+ nagulat ako ng nasa likod ko na pala sya bigla. Pero ang mas nakakagulat eh ang seryoso nyang muka.
Tanya- A- k-kwarto mo ba to?
Syto- hindi ba halata?
Tanya- pasensya na. H-hindi ko naman alam na may ganto dito eh.
Syto- Ahhh. sya nga pala, may paguusapan pa nga pala tayo.
+ napatingin ako sa kanya, at unti unting sumama ang tingin nya sakin. Kinabahan ako, pakiramdam ko may mangyayari na namang hindi maganda. Lalapit na sana sya sakin pero tumakbo agad ako sa pinto, pero nahila nyako sa buhok at hinawakan sa leeg.
Tanya- ahhh!!!! Syto sandali. Bitawan moko.
+ nagsisimula na naman akong maiyak.
Syto- bat ka aalis? Ahhh, kasi siguro alam mo na kung ano ang tinutukoy ko.
+hinawakan nyako ng mahigpit sa muka.
Syto- DIBA?!!!
Tanya- ano ba?!! NASASAKTAN AKO!!!
+ hinila nyako at itinulak sa kama sabay pumunta sa ibabaw ko ay hinawakan ang magkabila kong kamay, pinilit kong kumawala pero nacorner nyako.
Syto- akala ko ba, trabaho ang pinupuntahan mo?
Tanya- TRABAHO ANG PINUPUNTAHAN KO!!
+ bigla nyakong sinampal uli at hinawakan uli sa kamay.
Syto- SINUNGALING!! akala mo siguro hindi ko alam na nagpahatid kapa!!
Tanya- hindi ko ginustong ihatid nyako!!
Syto- tingin mo maniniwala ako sayo??!!!
+ hinila nya ulit ang ulo ko palapit sa kanya kaya napahawak ng isang kamay ko sa braso nya, galit na galit ang itsura nya, at hindi ko na mapigilang mapahagulhol sa sakit.
Syto- Iba ang nakita ko!!! IBA ANG NAKITA KO TANYA!!!!!
Tanya- Ahhh!!! Syto tama na….
+ hinila nyako paupo at hinawakan ang dalawa kong kamay sa likod. Narinig ko na lang na tinanggal nya ang sinturon nya.
Tanya- A-anong gagawin mo?
+hinila nyako sa buhok mula sa likod at bumulong sa tenga ko.
Syto- wag ka mag alala! Mas masakit tong gagawin ko kesa sa iniisip mo!!!!
+ at naramdaman ko na lang na inihampas nya sa likod ko ang sinturon kaya napaliyad ako sa sakit!
Tanya- AHH!!!!
+ hinaplit nyarin sa hita ko.
Syto- Ang pinaka ayaw ko sa lahat yung sinungaling!!!!!
Tanya- AHH!! TAMA NA!!!!
+ pero hinaplit pa uli nya ng dalawang beses yun sa likod ko.. Humahagulhol nako sa iyak at sakit.
Tanya- TAMA NA!! PARANG AWA MO NAAA!!!
+ binitawan nyako sa kamay kaya napasalampak ako sa kama nya habang patuloy paring umiiyak.
Syto- tigilan moko sa kaiiyak mo! Oras na may gawin ka pang hindi ko gusto at hindi ko alam, hindi lang yan ang aabutin mo!
+ para nakong masisiraan ng ulo sa kaiiyak, hindi ko magawang tumayo dahil sa sakit ng katawan. Mejo napatigil naman sya at umatras.
Syto- lumabas ka dito kapag maayos na yang pagiisip mo, hindi ka kakain hanggat hindi ko sinasabi.
+ hindi ko na kayang magrespond pa sa kanya. Naramdaman ko na lang na kinuha nya uli ang bag ko tapos ay lumabas ng pinto. Niyakap ko na lang ang dalawang binti ko at humagulhol ng iyak.
(7pm)
+ hindi ko namalayang nakatulog nako sa kaiiyak. Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang oras kaya nagpumilit akong bumangon, medyo papilay pilay ako dahil sa mga hampas nya sa paa ko, pero ininda ko nalang at lumabas ng pinto pagdating ko sa kusina, nakita ko syang nakahiga sa sofa at nakataklob ang braso sa mata. Nakaramdam ako ng gutom kaya pumunta ako malapit sa ref. At sa gilid ng lababo, inabot ng mata ko ang isang kutsilyo.. Napatingin uli ako sa kanya at tumingin uli sa kutsilyo. Gustong gusto ko na syang saksakin!! Pero hindi ko magawang gumalaw!! Dyusko, bat ko hinahayaan to, kung tutuusin pwedeng pwede nako magsumbong sa pulis, pero bat di ko magawa? Napatungo na lang ako habang nakaharap sa Ref. Hanggang sa naramdaman ko na lang na may yumakap sa bewang ko mula sa likod at hinila ako palapit sa kanya, ramdam na ramdam ko ang ilong at hininga nya sa ulo ko.
Syto- sana ginising moko kung nagugutom ka na.
+ pumatak na naman ang luha ko. Hindi ko na alam ang mararamdaman ko, gulong gulo nako sa mga ginagawa nya. Hinawakan nyako sa balikat at iniharap sa kanya pero tumungo lang ako. Hanggang sa iangat nya ang ulo ko gamit ang daliri nya sa baba ko.
Patuloy parin ang pagiyak ko. Pinunasan nya yun ng daliri nya.
Syto- diba sabi ko ayoko ng umiiyak?!
+ hinila nya uli ako sa bewang at napaiktad ako sa sakit dahil sa haplit nya sakin sa likod.
Tanya- Aray!!
+ pinilit kong tanggalin ang kamay nya at sinamaan sya ng tingin. Hinawakan nyako sa braso at hinila pa upo sa harap ng lamesa. Sabay kumuha ng pagkain sa ref at tubig.
Syto- kumain ka na, at pagkatapos maligo ka na at matulog.
+ napabuntong hininga na lang ako at ginawa ang sinabi nya. Naligo nako at dahan dahang nagbihis ng pantulog dahil masakit parin ang katawan ko. Hindi ko na inalam kung anong ginagawa nya, ang gusto ko na lang mapag isa at magpahinga. Patagilid ang higa ko dahil talagang masakit ang likod ko. Hindi ko maiwasang isipin kung gano kahirap ang sitwasyon ko ngayun. Pinipilit kong wag umiyak at tapangan ang loob. Maya maya biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko, alam kong sya yun kaya hindi na lang ako kumibo at ipinikit ko na lang ang mata ko. Naramdaman kong tinanggal nya ang jacket nya at umakyat sa kama, humigpit ang kapit ko sa kumot ng humiga sya sa gilid ko habang nakatalikod ako sa kanya. Naramdaman ko na namang niyayakap nyako sa bewang at hinila palapit sa kanya. Sabay bumulong mula sa likod ko.
Syto- masakit pa ba?
+ tinatanggal kong pilit ang kamay nya. Hinawi nya ang buhok ko sa batok at naramdaman ko na lang na dumampi ang labi nya dun, napapikit na lang ako ng marahan at matagal nyang hinalikan ang buong batok ko, gumagapang ang halik nya hanggang sa tenga ko, hindi ko maiwasang kabahan sa ginagawa nya, pero hindi ko rin maiwasang magtaka kung bakit ginagawa nya to sakin.
Ng makaabot ang halik nya sa tenga ko, muli syang bumulong.
Syto- Tanya..
+hindi ako sumagot. Bagkos hinintay ko na lang kung ano pang sasabihin nya.
Syto- Sorry….
+ ng marinig ko yun, hindi ko alam pero bigla akong napaiyak. Tinabig ko sya at umupo ako, napasalamapak na lang ang kamay ko sa muka ko.
Tanya- Sino ka ba ha? Anong karapatan mong saktan ako? Ginagawa mokong tanga, hindi ko maintindihan ang nangyayare eh.
+Hinigit nyako pahiga, inikot nyako at iniharap sa kanya. Pero umiiyak parin akong nakatungo. Ramdam kong nakatitig lang sya sakin.
Syto- alam mo, 12 years old ako nun ng maranasan ko ang lupit ng nasisirang pamilya. Hindi ako masamang tao. Ayoko lang maranasan uli ang mga bagay na naranasan ko.
+ hindi ko alam kung ano yung mga bagay na naranasan nya, pero hindi dahilan yun para manakit sya ng iba.
Syto- simula ng mapadpad ako dito at malamang walang nakatira. Dito nako nanatili sa bahay nato ng walang nakakaalam, pitong taon narin yun. Hanggang...


sa dumating ka.
+ nakikinig lang ako sa kanya, hindi ko man maintindihan kung bakit nya parin ginagawa to, nararamdaman kong seryoso sya sa mga sinasabi nya.
Syto- simple lang ang hiling ko Tanya. Sundin mo lang lahat ng gusto ko at iwasan ang mga bagay na alam mong ayaw ko, yun ay kung gusto mo paring manatili dito.
+ hinila nyako palapit sa dibdib nya at ikinulong sa bisig nya. Naguguluhan man ako, pinilit ko na lang ikalma ang sarili ko. Ramdam na ramdam ko ang mainit na hininga nya pati ang pag himas nya sa buhok. Bago pako makatulog, naramdaman ko ring humalik sya sa noo ko at niyakap ako ng mas mahigpit hanggang sa makatulog nako.
(KINABUKASAN)
+ ng magising ako wala na sya sa tabi ko kaya napabalikwas ako at napa aray sa sakit. Mabilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko akalaing nakatulog ako sa sitwasyon na yun. pinilit kong bumangon at napansin kong may damit uli sa gilid ng kama. Wala mang sulat alam kong ito ang gusto nyang isuot ko. Bumaba ako dala ang damit at maliligo sana ng makasalubong ko sya palabas ng kwarto nya. As usual nakaitim syang tshirt at pantalon, pero maayos ang buhok nya ngayun di tulad nung mga nakaraang araw. Napagmasdan ko rin ang mga braso nya, hindi sya maselan tulad ng iba pero tama lang. At tulad nga ng sabi ko dati, may itsura sya, napaiwas ako ng tingin ng taasan nyako ng kilay.
Syto- bilisan mo may pupuntahan tayo.
+ tumango na lang ako. Wala din naman si Enzo ngayun kaya wala akong trabaho. Pagkatapos kong maligo. Paglabas ko nagulat ako dahil nakasandal sya sa gilid ng pinto.
Tanya- ANO KA BA?!!
Syto- hayss, akala ko makikita na kitang nakatuwalya eh.
+ ano daw?! MANYAK!
Syto- joke.
+ joke, marunong pala syang mag joke.
Syto- halika na. Kumain ka na muna.
+ may nakahanda na sa lamesa kaya kumain na nga ako. Umupo uli sya sa harap ko at tinitigan na naman ako habang kumakain. Kaya hindi na naman ako makapag focus. Napasigaw naman ako ng bigla nyakong sipain sa tuhod.
Tanya- Ah!!!
+ tumingin ako sa kanya ng nagtataka.
Syto- ang sabi ko kumain ka ng ayos.
+ nagsisimula na nman akong mainis, hinimas ko na lang ang tuhod ko at patuloy na kumain. Pagkatapos ay lumabas na kami ng bahay. Nakasalubong naman namin sa daan si Tessie.
Tessie- oh? Mukang may lakad kayo ah.
Tanya- Goodmorning.
+ ngumiti lang ng bahagya si Syto sa kanya.
Tessie- ikaw naman di mo naman sinabi na may kasama ka naman pala paglipat eh. Sabi mo kasi ikaw lang.
+ napatingin ako kay Syto at nakatingin din sya sakin.
Tanya- uhmm.. Ano po kasi…
Syto- bilang boyfriend nya, ayokong tumira sya dyan mag isa lalo na at delikado.
Tessie- Tama din naman. Kaylangan talaga may lalaki din sa bahay.
+ umiwas na lang ako ng tingin.
Tessie- una nako. Magluluto pako eh.
Tanya- sige po.
+ at lumampas na nga samin si Tessie. Hinila nako ni Syto at pumara ng kotse.
Tahimik lang ako ganun din sya na nakatingin sa labas. Pareho kaming nasa likod. Bigla syang nagsalita.
Syto- Manong, hindi paatras ang takbo ng taxi nato kaya sa harap ka tumingin.
+ nagulat ako at napatingin sa driver, nakatingin pala sya samin at napadiretso sya ulit ng tingin sa daan. Tumingin ako kay Syto na nakatingin uli sa labas kaya tumingin na lang din ako sa labas maya maya naramdaman kong sinuutan nyako ng sumbrelo na inalis nya sa kanya.
Syto- wag mo yang aalsin hanggat di ko sinasabi.
+ tahimik na uli sya, inayos ko na lng ang sumbrelo at tumahimik narin, maya maya ay bumaba na kami.
Tanya- uhmm, bakit mo binigay sakin tong sumbrelo?
Syto- di mo alam??
Tanya- itatanong ko ba kung alam ko??
+ pinoint nya ang hintuturo nya sa noo ko at itinulak yun ng bahagya.
Syto- kanina ka pa tinitingnan nung driver. Kulang na lang hubadan ka.
+ nagulat ako sa sinabi nya at napahawak sa sarili.
Syto- ngayun kinikilabutan ka!
Tanya- bat di mo agad sinabi?
Syto- sira ulo ka ba? Ginawan ko na ng ng paraan diba?
+ inisnob ko na lang sya, hinigit nya nako at pumasok kami sa isang building. Sumakay kami ng elevator. May kasabay naman kaming dalawang babae na hindi mapigilang hindi tumingin sa kanya. Nagbubulungan sila. Ako naman umiwas ng tingin at marahang tumagilid pero naramdaman ko ang kamay ni Syto sa bewang kaya napaaray ako dahil sa pasa ko sa likod. Medyo lumuwag naman ang hawak nya at tumingin sakin.
Syto- may masakit ba sayo babe? Masyado bakong naging harsh kagabi?
+ nanlaki ang mata ko sa sinabi nya, lalo na ang dalawang babae. Pilit kong tinatanggal ang kamay nya sa bewang ko pero ayaw nya talaga, hanggang sa bumukas na ang elevator at hinila nya nako palabas, pagsarang pagsara nun ay itinulak ko sya agad palayo.
Tanya- Ano bang pinagsasasabi mo??!!
+lumapit sya sakin.
Syto- ang dumi ng utak mo! Iba ata ang iniisip mo eh.
+ napatungo ako sa sinabi nya. Lumapit sya sa isang pinto at nag doorbell dun. Maya maya naman ay may lumabas.
= O Syto. Ang aga mo yata ngayun. Inaasahan ko mamaya pang gabi ang punta mo ah.
Syto- pasensya na Sir Luke. Pero magpapa alam sana ako eh, hindi ako makakapag perform ngayun.
Luke- ha?
+ biglang napadpad ang tingin nung Sir Luke sakin.
Tanya- a- g-goodmorning po.
Luke- ahhh, I see..
Syto- ahh, Si Tanya nga pala.
Luke- hi. By the way, pwede bang dumaan ka na lang dun muna kahit saglit lang. Siguraduhin mo lang na handa sila para mamaya, pag hindi, sabihin mo tawagan nila ako.
Syto- sige Sir.
+ nagpaalam na si Syto.
Tanya- sino yun?
Syto- wala ka na dun.
Tanya- akala ko ba, wala kang kakilala dito?
Syto- pwede ba tumahimik ka na lang.
Tanya- bakit mo pako sinama?
+ sinamaan nya lang ako ng tingin at naglakad na uli kaya sumunod na lang ako. Bumaba na kami sa first floor at lumabas ng building. Hindi sya umiimik. Pero sadya namang hindi sya laging umiimik, nananakit lang.
= kuya Syto.
+ napatingin kami pareho sa palapit na lalake samin galing rin sa loob. Malawak ang ngiti at parang excited na excited makita si Syto.
Syto- bat nandito ka?
Ken- binwisita si Sir Luke.
+ napatawa naman ako sa binwisita. Kaya napatingin sila pareho sakin.
Ken- A- teka. Kuya? Sya ba yung—-
+ pero iniba ni Syto ang usapan.
Syto- akala ko ba, lilipat ka na ng grupo?
Ken- alam mo namang hindi ko magagawa yun eh.
+ tapos inakbayan nya si Syto, na agad namang nitong inalis.
Ken- kunyare lang yun, akala ko kasi wala ka ng pake sakin eh.
Syto- kelan ba nagkaron?
Ken- ezzz.
Syto- nandito ka na din naman, ikaw na lang ang pumunta sa studio, check mo kung handa na sila para mamaya.
Ken- o sige pupunta din naman ako dun eh.
+ tapos humarap sakin si Ken ng nakangiti.
Ken- hi. Ken nga pala.
+ tapos inabot nya yung kamay nya, kakamay na sana ako ng higitin ni Syto ang kamay ni ken.
Syto- umalis ka na. Bilisan mo.
Ken- aisst!! See you kuya.
+ nag babay din sya sakin ng nakangiti kaya ganun din ang ginawa ko ng biglang hampasin nya ang kamay ko.
Tanya- aw!
+ pero hindi na naman sya umimik. Natatakot ako sa mga hindi nya pag imik na to, baka mamaya madagdagan na naman ang mga pasa ko!! Naglakad lang kami ng naglakad, hindi ko alam kung san kami pupunta, hindi narin ako nagtatanong kasi alam kong hindi din naman sya sasagot.
Mamaya bumaba kami sa isang hagdan at pumasok sa isang pinto. Namangha naman ako ng makita ko kung ano ang nasa loob. Puno ng ibat ibang klase ng instrumento parang maliit na Music Studio.
Tanya- A-anong ginagawa natin dito?
Syto- ako meron, ikaw wala. Umupo ka na lang dyan, hintayin mokong matapos.
Tanya- ha? Eh kung ganun, pwede bang umuwi na lang ako??? —
+ napatakip ako ng tenga ng bigla nyang hampasin ng stick yung pompyang ba yun? Tapos tumingin sya sakin.
Syto- ano uli yun?
Tanya- ahh, wala sabi ko nga dito lang ako.
+ nagsimula na syang maglikot dun ako naman nag ikot ikot muna, namamangha ako sa ibat ibang klase ng instrumento. Hanggang sa nabuksan ko yung isang piano. Pinindot pindot ko haha. Kahit na hindi ako marunong. Umupo ako at sinubukan uli, natutuwa ako sa tunog, parang ang sarap pakinggan sa tenga.
Tanya- ang mahal siguro nito. Ang ganda ng tunog eh.
+ naalala ko yung basic na tinuro samin nung elementary. Kaya sinubukan kong tugtugin.
Tanya- La-La-La-Sol-La. La-La-La-Sol-La. La- Sol-Fa-Mi-La-Sol-Fa——
+ nagulat na lang ako ng mula sa likod ko, hinawakan nya ang magkabila kong kamay at nilagay sa tamang nota, nagsimula na syang pumindot gamit ang kamay ko sa ilalim, habang nasa kanang balikat ko ang ulo nya. Nung una hindi ko pa maintindihan kung ano ang tinutugtog nya lalo nat awkward ang pwesto namin na to at dumidikit ang pisngi nya sa tenga ko. Pero habang tumatagal parang nalalaman ko na ang kanta, yung yung kinanta nya nung gabing una kaming magkita. At unti unti akong napapangiti sa ganda ng tunog na yun. Hanggang sa naramdaman ko na lang na may mga halik na unti unting gumagapang sa balikat ko hanggang sa leeg ko, bigla na naman akong kinabahan. Pero mas nabigla ako ng kagatin nya ang tenga ko kaya napaharap ako agad sa kanya ng nakakunot ang noo pero parang mas mali ata ang ginawa ko.
Syto- Naalala mo?
+ inches na lang ang layo ng muka nya sa muka ko, tumigil narin ang piano. Parang may naghahabulan sa loob ng dibdib ko ng magkatitigan na kami, hindi ko namalayan na palapit na sya ng palapit kaya agad akong tumayo, sinundan nya lang ako ng tingin.
Tanya- a-ano, yang… Magaling ka naman pala mag piano eh. Hehe keep it up. Galing eh.. (fake smile)
+ inisnob nya lang ako habang tumatayo at sumighay. Ano yun? Dissapointed ba sya?
Nagitla ako ng biglang bumukas ang pinto.
Ken- YOW!! Hello hello…
+ napangiti ako, salamat naman at may dumating, nakahinga ako ng maluwag…..
Itutuloy……..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top