Fathers and son Part 5


” Pumasok ka muna sa kwarto anak. Magpalit ka na muna ng damit. Maliligo lang ako. Ang baho talaga ng kanal na hinulugan ko. Nakakahiya tuloy sa titser Yssa mo.”
” Opo papa. Sabi nga po pala niya sa amin kanina. Kailangan naming ipakilala kung sino ang hero para sa amin pagkatapos naming iguhit sa papel.”
” O,tapos….” matama namang naghihintay sa sagot si Larry sa anak niya.
” Papa,bukas ipapakilala kita sa mga kaklase ko. Ikaw kasi ang iginuhit ko na hero sa papel.”
” Ha?talaga? Ako iyong hero mo?” Natutuwang saad ni Larry kay Viel. Ang dami namang hero na nakakahigit sa kanya. Pero siya pa rin ang iginuhit ng anak. Nakakataba naman ng puso.
” Opo papa. Tapos tinanong ni titser Yssa kung ano po yung trabaho nyo.”
” Oh,eh..anong sabi mo?”
” Sabi ko pulis ka po!”
” Aa…ano?! Pulis?!” Laking gulat naman ni Larry. Hindi niya alam kung bakit yun ang sinabi ng anak niya kay titser Yssa.
” Tama naman po ako diba? Nakita ko po kasi kayo kagabi na nililinisan yung baril nyo po. Eh,pulis lang naman po ang dapat na humawak ng baril,hindi ba,papa?”
” Ha??”
Hindi malaman ni Larry kung ano ang sasabihin. Ayaw niya ring sabihin sa anak mali ito sa pag aakala na pulis siya. Pero ayaw rin niyang magmukha siyang masama sa paningin ng batang tunay na anak na ang turing niya. Dapat pala ay magiging maingat na siya sa paglabas ng baril niya. Inihanda niya kasi kagabi ito para sa gagawing pagdukot kanina.
” Papa…..”
” Ah…eh,pero maiba ako anak. Yung…titser Yssa mo ba,dalaga pa? Ang ibig kong sabihin…wala bang lalaki na pumupunta sa kanya sa room nyo?” Iniba na lamang niya ang usapan. Ayaw niya kasing sagutin ang anak.
” Mm…” Tila nag isip muna si Viel bago sumagot.” Meron papa.”
“Meron?” Bahagyang nadismaya si Larry sa sagot ni Viel.
” Opo. Titser din po siya.”
” Ganoon ba?…sige,pumasok ka na at maliligo na muna ako.”
” Opo. ”
Tinaggal niya ang kanyang mabahong damit at inilagay sa basket na kasama ng mga maruruming damit. Pumasok ng banyo na nakahubad at saka naligo. May shower yung banyo nila kaya hinayaan nyang basain siya nito habang nakatayo at nakatukod yung isang kamay sa pader ng banyo.
Habang naliligo,hindi niya inaasahang mapaisip ng malalim.
” Huh…” Mapakla niyang ngiti habang iniisip si Yssa. ” Ano bang iniisip mo,Larry? Na magugustuhan ka niya?”
Kanina kasi nang naglalakad sila pauwi,naisip niyang regaluhan si Yssa bilang ganti sa kabaitan niya kay Viel. Pero,kumirot yata ang puso niya nang malamang mula sa anak na may kasintahan na ito.
Ang totoo nyan. Unang kita pa lang niya kay Yssa,nabihag na nito ang puso niya. Na mas lalong nagpatibok sa palagian nitong ngiti sa kanya at sa anak na si Viel. Pero hindi na pala malaya ang puso nito.
Pagkatapos maligo,nagbihis naman siya agad. Pinuntahan si Viel sa kwarto at niyayang lumabas ulit para kumain ng ice cream. Mag aalas dos pa lang naman ng hapon kaya may oras pa silang lumabas na mag ama.
” Halika na.” Yaya niya sa anak.
Bumili siya ng ice cream sa anak at para na rin sa kanya. Naupo sa isang mahabang bangko at sabay na kinain.
” Mmmm…..ang sarap papa.” Masaya nitong saad habang nilalap lap ang ice cream. Nabaharin pati dulo ng ilong nya.
” Nagustuhan mo ba? Bibili pa tayo niyan.”
” Sige po.”
” Teka,sandali lang. May ice cream ka sa ilong mo hahhaha……” Natata naman si Larry sa anak niya. ” Halika nga. Pahiran natin.” Wala siyang dalang panyo kaya likod ng damit na lamang niya ang ginawang pampahid sa anak.” Yan…kain ka na ulit.”
” Salamat po papa.” Isang malaking ngiti naman ang iginanti ni Viel sa papa niya.
Napatitig si Larry kay Viel. Napangiti siya. Itong ngiti ni Viel ang nagpabago ng isip niya. Inalayo ni Larry si Viel noon mula kay Rodney para dalhin sa ampunan at ipa ampon na lamang. Pero dahil sa isang ngiti ng isang inosenteng bata noon,nagpasya siyang iuwi na lamang ito at alagaan. Bilang ganti na rin sa nagawa niyang kasalanan sa tunay na ama nito.
” Papa..punta tayo doon. ” Tinuro ni Viel ang isang palaruan na nakikita lang nila mula sa kanilang kinaroroonan.
” Sige ba…..”
Naglaro si Viel. Nagpa slide sa isang malaking slide. Nagpagulong gulong sa mga damong berdeng berde at malinis tingnan. Alagang alaga ng isang taong nakatalaga na panatitilihin ang kalinisan ng palaruan.
Tuwang tuwa si Viel sa kanyang ginagawa. May mga taong naroroon ding gaya nila na namamasyal. Isang buong pamilya. May magkasintahan rin na nanatili lamang sa ilalim ng puno at naglalambingan.
” Nakuu…..nakakainggit naman ang mga iyon. Huh! Maghihiwalay rin kayo.” Baling niya. Pagkatapos,naisip na naman niya si Yssa. ” Bakit ka ba nananahan pa rin sa utak ko?” Saka sabay na nahiga sa damo at nakatingala sa langit. Nasa ilalim rin sya ng puno.
” Yssa…..hay naku. Ganito ba kung magkagusto sa isang tao? Halos hindi nawawaglit sa utak ko ang babaeng iyon.” Sabi pa rin niya.
Simula kasi noong nagpasya siyang pagtuunan ng pansin si Viel. Nawala sa utak niya ang magkaroon ng isang babaeng mamahalin. Abala rin siya sa mga raket na tinatrabaho niya.
” Papa….”
Hindi niya namalayang tinatawag siya ni Viel mula sa di kalayuan.
” Papa…papa…” Hindi pa rin siya pinapansin ni Larry.
Si Larry naman ay nanataling nakatingala sa langit at puno ang utak ng kung anu anong iniisip tungkol kay Yssa.
” Sir……” Tinig ng isang babaeng nakatingin sa kanya habang nakahiga. Tinakpan nito ang tanawing nakikita niya mula...


sa langit.
” Yssa….” Sambit niya.” Pati ba naman dito nakikita kita.”
” Tawag ho kayo ng anak nyo.”
” Ha?! Yssa?!” Gulat na gulat siya nang matauhan. Hindi imahinasyon ang Yssang nakikita niya. Totoo ito at kausap siya. ” Ikaw pala…” Bumangon siya agad.
” Kanina ka pa tinatawag ni Viel. ” Paalala ni Yssa sa kanya.
” Ah!nandito ka rin pala.” Tugon niya sa babae.
” Oo. May kasama ako.” Sabay turo nito sa kinaroroonan ng mga kasama.
Tumingin rin si Larry at nakita niya si Viel kasama ang isang batang babae at isang lalaki. Sa tingin ni lArry ito ang lalaking tinutukoy ni Viel na pumupunta kay Yssa sa room nito. Naka uniporme kasi na pangguro. At marahil ang batang babae ay anak nila. Nagkamali yata siya sa pag aakalang dalaga pa si Yssa.
” Ah…inilabas ko si Viel. Maaga pa kasi kaya namasyal na muna.”
” Ganoon ba?” Tumabi si Yssa sa kanya. Umupo rin. ” Eh, pwede ko bang malaman kung nasaan ang mama ni Viel?”
Tumingin si Larry kay Yssa. Nagkatitigan silang dalawa. Pero nauna ring nagbaba ng tingin si Larry. Baka kasi mas lalo niyang mahalin ito. Gayong hindi na dapat.
” Ah…wala na. ” Mahina nyang sagot.
” Patay na ba?”
” O…oo. ” mas gusto niyang ito ang dahilan para hindi na mag usisa pa si Yssa sa kanya.
” Pasensya na kung nagtanong ako.”
” Ok lang. Matagal na rin naman yon.”
” Si Aling Dina,hindi pa ba nakakabalik?”
” Hindi pa.”
” Mmm….” Sinabayan pa ng sunod sunod na tango ni Yssa.
” Yssa…ah..titser Yssa pala.” Pagtatama niya.
” Hinde. Ok lang. Yssa na lang. Wala naman na tayo sa school.”
” Ah….Larry..Larry na lang din. Sa tingin ko naman,mas matanda ako sayo.”
” Sige. Kuya Larry.” Biro ng babae.
” Naku..huwag naman kuya..sumasakit dibdib ko niyan.” Pabiro ring tugon ni Larry.
” Ha? Ano? Hahhaa…” Biglang natawa si Yssa. Natunaw tuloy puso ni Larry nang makita niya si Yssa na tumatawa.
” Ah..seryoso. Larry na lang.”
” Mm..sige. May sasabihin ka ba?”
Gusto mang iwasan ni Larry na matitigan si Yssa pero parang ang hirap gawin. Lalo nat masyado silang malapit sa isat isa ngayon. At panay ngiti at tawa lang ginagawa nito.
” Ano na?” Pukaw ni Larry sa naglalakbay niyang isip.Naghihintay sa kanyang sasabihin.
” Gusto kita.” Ang mga kataga sanang iyan ang nais niyang sabihin kay Yssa pero hindi pwede iyon.
” Ahh…ano kasi… Hindi kasi ako..pulis gaya ng sabi ni Viel sa klase mo.”
” Ah….ok. anong trabaho mo?”
Natigilan si Larry.
” Ah…ano..kahit ano lang. Basta may pera. May pera para sa anak ko. Mabuhay ko lang siya ng maayos,lahat gagawin ko.” Seryoso niyang saad.
” Lahat naman ng mga magulang ginagawa ang lahat para sa anak.” Sabi naman ni Yssa. ” Gaya ko..”
” Gaya mo?”
” Oo..” saad ni Yssa. ” Anak ko ang batang babaeng iyon. Kasama niya yung kapatid ko na isa ring guro.”
Sa naipagtapat ni Yssa sa mga oras na iyon. Nabuhayan ng loob si Larry. Hindi niya kasintahan o asawa ang lalaking kasama ng batang babaeng sabi ni Yssa na anak niya.
” Anak ko siya sa pagkadalaga. Nagkamali ako sa pagpili ng lalaking inibig noon. Nawala na lang bigla nang malamang buntis ako sa anak namin.” Ang kaninay masayang mukha ay napalitan ng lungkot.
” Akala ko nga hindi nako makakapagtapos ng pag aaral dahil sa buntis ako. Pero hindi ako sumuko. Nag aaral pa rin ako kahit buntis. Lahat ng mga chismis tungkol sakin,isinawalang bahala kong lahat ng iyon. Ginusto ko naman ang nangyari kaya paninindigan ko.” Pagpapatuloy pa rin ni Yssa. ” Hanggang sa..heto nga at naging guro pa. Pinapasyal ko siya rito pagkatapos ng klase ko. Kasama na ang kapatid ko na guro niya.”
” Ang lungkot pala ng pinagdaanan mo,Yssa.”
” Lahat naman tayo may kanya kanyang kwento sa buhay. Masaya man o malungkot. Ang mahalaga,magiging matatag tayo at magsusumikap lagi.”
” Tama ka.”
” Tama na nga ito. Kalimutan mo na lang ang mga sinabi ko sayo. Ayoko na ring balikan iyon. Halika puntahan natin ang mga bata. Papakilala rin kita sa kapatid ko.”
Tatayo na sana si Yssa ngunit pinigilan siya ni Larry.
” Yssa…pwede ba kitang ..”
” Tinatanong mo ba kung pwede mo kong ligawan?” Si Yssa na ang nagpatuloy sa sasabihin niya sana.
” Ah….”
” Kakakilala ko pa lang sayo,Larry. Hindi ko pa alam kung ano ang tunay mong pagkatao. Sa tuwing nakikita kita,nahihiwagaan ako sayo. Ewan ko kung ano,pero yun ang pakiramdam ko. Pero hwag kang mag alala. Hindi naman akong judgemental na tao. Kailangan ko lang na makilala muna ng husto ang isang tao bago ko ibigay ang puso ko. Takot na kong magmahal muli,Larry. Baka maulit na naman ang pagkakamali ko.”
Dahan dahang binitiwan ni Larry ang braso niya.
” Pasensya na. Pero hindi naman ako nagmamadali. Hindi rin kita masisisi. Marami rin akong lihim pero hindi ko pa kayang sabihin yon sa ngayon. Sana pagkatiwalaan mo ko,Yssa. ”
” Mmm….” Tango naman ni Yssa. ” Mananatili tayong magkaibigan ,Larry. Kung darating ang araw na magugustuhan rin kita,sana…sana nandyan ka pa rin.”
Natahimik saglit si Larry. Alam niyang gusto niya si Yssa pero hindi rin niya maipapangakong ang nararamdaman niya ngayon ay mananatili pa rin ba hanggang sa paglipas ng panahon.
” Halika na. Masyado na tayong seryoso.” Ngumiti si Yssa sa kanya.
Sumunod si Larry kay Yssa papunta sa mga bata. Pinakilala ng huli si Larry sa kapatid nito pati na sa anak niya. At doo’y nagpalipas ng oras ang mga ito






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top