31 DAYS TO FALL INLOVE WITH THE BILLIONAIRE


CHAPTER 01
CLARRISE POV
“Wife” nagulat ako ng bigla na lamang niya akong yinakap ng puno ng pagkasabik. Ano raw WIFE kailan pa ako nag kaasawa may gulay mga sira ulo ba mga to una Mommy second Wife naman seriously. Kasasabi ko lang buong buhay akong hindi nagkakalovelife tapos ngayon nagkapamilya na ako????
Hindi maaari malabo ata mga mata ng mga to, alam ko na hindi ata nakapag EO tong mag ama. Agad ko naman kinurot ito sa taligiran niya na ikinabitaw nito sa pagkakayakap sa akin.
“Teka, teka lang ikaw mister ilan to??” Sabay pakita ko ang dalawang daliri ko, nangunot naman siya, ayan sinasabi ko na e. Panigurado hindi ko talaga pamilya to. Asawa anak sabi niya kaya equals pamilya. Kala mo niyo huh maloloko nila ako, never. Tagal sumagot siguro ina inaaninag pa niya.
“Two” sagot niya. Wow alam niya siguro talaga hindi niya ako asawa at ina ng kanyang anak kaya must better na umalis na ako kasi gutom na gutom na talaga ako.
“So tama ako, hindi ko talaga kayo kaano ano kaya alis na, may pupuntahan pa ako ok po maliwanag?” nakangiting ani ko pero lumungkot ang kanilang reaksiyon. Problema mga to, bahala na nga sila basta ako aalis na gutom na ako.
Akmang aalis na sana ako, ng may malakas na iyak na narinig ko kaya. Mariing napapikit ako, naman o makakaalis ba ako rito o hindi naaawa ako sa bata e, huwag kang marupok.
“Daddy, please stop her! Ayaw kong aalis uli si Mommy diba love na love niyo siya saka love rin niya tayo bakit iiwan niya tayo” hikbing sinabi ng bata.
“Ok baby I will stop her, please wife don’t leave” makaawa ng ama, my gulay pati pa ang ama dumamay. Mga wala silang konsensiya nagugutom na yung tao e.
At isa pa napakabata ko naman para magkaroon ng anak 19 ko pa. 19 years old palang ako talaga promise. Hindi kaya batang ina ako hindi pwede wala akong asawat anak kaya tigil tigilan nila ako sa mga kabulastugan nila. Hindi ako magpapaloko sa mga ito. Humarap ako sa dalawa at napairap ako pero ganun na lang ng makita ko silang luhaan.
Inaano ko ba sila hindi ko naman sila inaway, sinasabi ko lang yung totoo anong mali dun. Anong gagawin ko, napakamot at kagat labing napayuko ako halos matabunan na yung muka ko dahil parang nareband yung buhok.
Siguro magtatanong ako sa kanila para makatiyak na hindi talaga totoo yang pinagsasabi nila sa akin hell no ayaw ko pang magkapamilya hirap kaya ng buhay anong ipapakain ko pag nagkaganun hindi pa nga ako nakakain ng tamang oras at tatlong beses sa isang araw tapos ito dadagdag pa mga to??
“Mister, ilang taon ka na??” Nakataas ang aking kilay na tinanong ko.
“26” kalmadong ani niya kita mo na hindi talaga sa akin yang batang yan kaya hello huwag silang ano…
“You what old you now??” Nakangising tanong niya.
“19 years old” na ikinabigla niya, talgang mabibigla siya huwag siyang child abuse ano 19 pa ako siya 26 na kaya malayo.
“But I think nasa 25 ka na, may amnesia ka ba or wala kang naaalala sa past?” Tanong niya, abat ako pa iniinsulto niya, pinagmumukha ba niya akong matanda na.
“Hoy!! Anong 25 na ako excuse me 19 na ako, ako ba pinagloloko niyo at iniinsulto niyo??” Inis kong tanong, pasalamat siya hindi akong sumasampal at nanununtok. Mabait akong tao alam ko yun, kaya huwag nila akong insultuhin.
“Ok but don’t worry I will find the truth and I will prove it na ikaw ang ina ng aking anak” nakangising ani niya, what hahanapin niya yung totoo para saan pa ba malabong hindi akin yan ano. Virgin pa ako kaya huwag nila akong pinagloloko.
“Anong pinagsasabi mo hindi ko talaga kayo maintindihan..”
Saglit akong natigilan ng maramdaman kong nanlalabo ang mga mata ko, gutom na gutom na rin ako paano naman kasi ilang araw na hindi ako kumain isang beses lang sa isang araw. Naramdaman ko na lang na papabagsak na ako kala ko kalsada na ako babagsak pero braso ang naramdaman ko narinig ko rin ang pagmura ng lalakeng ito.
NAGISING na lang ako na makita ko na puti lahat ng nasa paligid ko, nasa langit na ba ako Lord makakasama ko na ba sina Mama. Mabuti naman kung ganon.
“Mommy finally your wake!” Nakangiti ang kanyang boses kaya nanlaki ang aking mga mata agad akong napabangon.
“Hey becareful wife, I know na mahina ka pa kaya-”
“Ah malakas na ako ano ba, teka nasa hospital ba ako?” Tanong ko, bahagya siyang napatango na may lungkot sa mga mata niya.
“Uuwi na ako baka hinahanap na ako ni Tiya, mapapagalitan pa ako nito. I have to go-”
“Mommy no don’t leave me and us I don’t want to lost you again” nagmamakaawa ang kanyang boses na sinabi sa akin. Mommy na naman, alam mo nakakabaliw na talaga. Wala naman akong ineire na bata my gosh masyado pa ako bata no, para magkaroon ng anak agad agad don’t tell me na may sira ang mga ulo ng mag amang ito.
My gulay! Akmang aalis na sana ako ng may malakas na namang umiyak naman o hanggang kailan pa ba ako makakaalis nito.
“Please stay here, kailangan mo pang kumain, you look what have you done umiyak ang anak ko ng dahil sayo” mahinahon niyang sinabi, napakamot na lamang ako sa aking ulo, bakit ba ang kukulit ng mga dalawang ito.
“Please, my daughter is need you-”
“Excuse me Mister lilinawin lang kita, bakit ba ang kulit kulit niyo?? Una sa lahat wala akong asawa at anak kaya tigil tigilan niyo ako huh, aalis na ako baka nag aalala na yung tiya ko” mahinahon kong sinabi, pero tilang wala silang kinikinig mula sa kanila. Napatampal na lamang ako sa aking muka.
“Alam kong gutom ka paano kung kakain tayo sa labas we need to talk. Its ok for you?”
Matamlay niyang sinabi, napaisip naman ako, kung natapos na ba kaming mag usap titigilan na ba niya ako. O hihingi siya ng tawad na hindi nila talaga ako kaano ano. Di susubukan ko, wala namang masama diba kung itratry ko. Para makauwi na rin ako, oo uuwi rin ako pagkatapos nito.
Napatingin ako sa kanya, pero sa kanyang mga mata ay hindi pa rin naaalis sa kanyang mga mata ang lungkot at makaawa. Naman o ang hirap naman nito, ang hirap na nga na makakasama ko sa iisang bubong si tiya tapos mga ito dadagdag pa.
“Sige papayag na ako-” saglit akong natigilan ng mag salita siya.
“Really” nakangiting ani niya.
“Pero! Pero sa isang kondisyon uuwi rin ako pagkatapos nto” seryosong ani ko na sumabat naman ang anak niya, naman may pasecond the motion pa huh talagang mag ama nga talaga.
“Saan kayo uuwi Mommy? Dapat uuwi ka...


sa bahay ni Daddy” malungkot nitong sinabi. Ano ba ang hirap naman pakiusapan ng mga to.
“Pag iisipan ko pa diba” nakangiting ani ko sa kanyang ama, nagkatinginan pa kami tila nag dadalawang isip ba kung papayag ito kung hindi, pasimpleng dinilatan ko kaya napakunot siya.
“Diba??”
“Let’s talk about that pag nakapag gabihan na tayo sa labas” seryosong sinabi nito sa akin, agad niyang binuhat ang kanyang anak saka walang pasabing hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas.
Biglang nakaramdam naman ako na parang koryente at pagbilis ng aking tibok ng puso sa ginawa niya. Teka anong sinasabi ko, Clarrise huh nakakalimutan mo hindi mo kilala mga to kaya, huwag kang madaling magpaniwala malay mo budol budol mga to.
———–
Teka nasa restaurant ba kami? Pero teka wala akong pera anong ipanbabayad ko sa pagkaing ito sa harapan ko, napapalunok na lamang ako dahil paborito ko to.
“Bakit hindi ka pa kakain? You can eat now I know you are hungry” malamig nitong sinabi.
“Paano naman wala akong pang bayad pag kinain ko to.” Nakangusong ani ko, na ikinahina ng tawa nito. Kaya napatarak na lamang ako, anong tinatawa tawa nito. May mali ba sa sinabi ko??
“Come on, this is my treat ok akong magbabayad kaya huwag kang mag alala” nakangiting sinabi nito.
“Sigurado ka huh, walang halong biro? Pag ako tong linoko mo masasapak kita.” Paninigurado ko baka kasi pinagloloko lang ako ng lalakeng ito.
“Yes of course” nakangiting sinabi niya syempre kikilatisin ko muna.
“Eat now that’s is your favorite”
Huh ano raw favorite ko paano niya nalaman? Manhuhula ba to o ano.
“Hindi ako manhuhula kakain ka o I can eat you” nakangising sinabi niya sa akin. Hala kakainin raw niya ako bakit pagkain ba ako, aswang ba to OMG. Inaaswang na pala ako ano ba tong napasukan ko.
“Don’t worry I am not what you think” nakangiting ani niya, hala bat ba ang talas ng isip nito.
“Kain na” seryosong sinabi niya, kaya wala akong nagawa kundi kumain mahirap na baka kainin pa niya ako ng buhay na sinasabi niya, sinasabi ko na hindi siya mabubusog sa akin kasi buto buto lang ako at hindi ako masarap.
“Anong tinitingin mo?? Hindi ako makapag concentrate”
Mataray kong sinabi kaya umiwas na rin siya ng tingin at pinagpatuloy niya ang sinasabi niya. Buti naman kung ganun gutom na kasi ako e nakakatakam talaga panigurado ko masarap ang luto nila rito. Hindi naman ako magulong kumain kaya behave lang to no nakakahiya kung hindi ko ayus ayusin ang galaw ko.
After few minutes finally busog na rin ako, ang sarap talaga. Sana may take out, Biro lang abosado ganun.
“Oo nga pala anong pag uusapan natin?” Tanong ko habang siya ay pinapaligpit na niya ang mga pinagkainan namin. Napaayos naman ang pagkakaupo niya at yung anak niya, inilayo niya sa amin sabi niya kasi usapan lang ng matanda to. Well tama naman para walang sasabat na pinipilit niya akong ina niya raw kuno.
“About sa atin” malungkot niyang sinabi. Ako anong kasalanan ko sa kanya ang hirap talaga.
“S-sa atin? Hoy walang tayo ano huwag kang ano diyan, isa pa sabi mo patay na yung asawa mo diba bakit mo ako dinadamay” mataray kong sinabi saka napahalukipkip ako rito sa upuan.
“You have Parkinson’s Disease Clarrise!”
Sinabi nya saken in low tone.
“P-parkinson disease?? Ako may parkinsons desease” gulat kong sinabi abat susunod naman sinasabihan ako ng Parkinson disease raw ano nanaman iyon. Sira to ah.
“I mean my wife she have a Parkinson desease 2 years ago” malungkot niyang sinabi.
“Then namatay siya dahil dun?” Tanong ko.
“Yeah you right”
“Parkinson diseases ano ba ang klaseng sakit yun?” Naririnig ko na yan ata noon pero hindi ko lang alam kung saan ko yan narinig.
“Ok because I am a doctor, I will explain to you”
“Parkinson Disease is what?” Tanong ko.
“Dalawang kaso na ang napanhawakan ko na ang diseases na yan sa pinsan niya and my wife, Parkinsons disease ay isang tao na madali pagkawala ng memory a nila-”
“Ulyanin ganon?”
“No magkaiba yun, Patients with parkinson diseases can develop dementia at the later stages of the diseases at yun ang dahilan ng pagkawala ng ibang memorya mo. Initially, these patients have stiffened legs and arms, hand tremors and speech difficulties. At yun ang ay nanyare sayo Lauren.
” Huh sakin? Sayo sabi mo diba??”
“No, I-i m-mean si Lauren my wife, ok let’s continue. Its rare sa edad mo, kadalasan nagkakaroon nito ay middle aged person.! Parkinsons disease make depomine slowy die. Ang depomine ay ang kaylangan ng brain cells para mag send ng proper message sa ibat ibang parte ng katawan natin para gumalaw ito at sumunod sa utos ng utak natin. At sa case mo maging ang memorya mo ay affected narin.” Pagpapatuloy nito ‘mo?’ Bakit na naman ako.
———-
Sakit na Parkinson Ang sakit na Parkinson (PD) ay isang progresibong karamdaman na nakakaapekto sa mga cell ng nerve sa utak na responsable para sa paggalaw ng katawan. Kapag namatay ang mga neuron na gumagawa ng dopamine, nangyayari ang mga sintomas tulad ng panginginig, kabagalan, paninigas, at balanse ng mga problema.
*
Nakatuon ang mga paggagamot sa pagbawas ng mga sintomas upang paganahin ang isang mas aktibong lifestyle at may kasamang gamot, diyeta, ehersisyo, at malalim na operasyon sa pagpapasigla ng utak. Maaari ring magkaroon ito diagnosis depende sa isang tao sa edad.
At iba pang mga pinahayag niya sa akin.
“Hindi ba nakasurvive yung asawa mo, diba may lunas iyan?”
“I don’t know kung nakasurvive talaga, dahil nung araw na hirap na hirap na ako sa sitwasyon niya, at isa matigas ang ulo niya. Hindi niya naiintindihan yung nararamdaman ko..”
“Bakit hindi mo alam kung nakasurvive siya, hindi mo lang ba inalagaan kung sakali…”
“Because I’m was accident, nalasing ako dahil pati magulang niya nagalit sa akin dahil wala man lang ako nagawa para kunbinsihin siya” nakayukong ani niya.
“Patay na yung asawa mo so nakita mo ang bangkay??”
“No pina cremate nila”
“Pinacremate pala e, so ibig sabihin ay malabong ako yung nanay ng anak mo so pwede na ba akong umalis” akmang aalis na sana ako ng hawakan niya ang kamay ko, kaya napatingin ako roon.
“Pero hindi ko alam kung totoo ba o hindi na talagang patay na siya bago ako naaksidente ay yun yung araw na nacremate na siya” seryosong ani niya. Napahigpit naman ang kanyang pagkakahawak sa akin para ayaw niyang pakawalan ako.
“How about you, may I know your past?”

About kay Grey baka mamayang gabi na kasi may kalat pa at hindi pa nalinisan ni Mommy Emy may inaayos pa akong problema roon sa isa kong account hindi ko kasi mabuksan tulad ng dati kaya hindi ako makapag update roon kaya kailangan ko pang ayusin sa kabila thank u.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top