Teenage Marriage Chapter 4


Maylene’s pov
Ipinagtatuloy nga ni Rodney ang Kanyang pag aaral sa kolehiyo sabi niya para daw yon sa future namin. Hm.. Kinilig ako dun nong sinabi niya yon. Ibig sa bihin kasama na rin ako sa mga plano niya..
Tuwing weekends lang kami nagkikita ng
Asawa ko. Dahil nkatira siya sa Dorm malayo kasi ang University nila kun mag uuwian pa siya dito samin..
Noong una natuwa ako kasing bwelo ako sa higaan namin solong solo ko yon.. Noong mga ilan araw na parang namimis ko rin syang kasama sa silid namin kahit palagi kaming nag
Aaway.. Namis ko din a yong nag aagawan kami ng kumot at unan kapag matutulog na kami..
Sabado ngayon.. Alam ko uuwi sya.. Kahit busy ako sa ginagawa Kong mga gawing bahay
Pasimple ko syang hinhintay. Tuwing may hihintong sasakyan sa tapat n bahay namin napapatingin ako baka na diyan na siya.
Ilang sandali pa ay dumating na siya.
AGAD Kong kinuha ang mga labahan niya
Kunwari, pero ang totoo gusto ko lang talaga siyang lapitan..
Pagkatpos niyan kumain ay dumiretso siya sa silid ni kuya Rex, na noo’y kaka Alis lang
Papuntang Germany. Sumunod siya kay Tatay
Doon upang magtrabaho.nahiga siya
Sa kama..At pumikit
“Rodney Dito ka ba matutulog? Wika ko sa kanya.
” Oo dito muna ako.wala naman si kuya, mahirap na baka gapangin mo ako mabuntis pa kita, mapatigil pa ako sa pag aaral .”
“Grabe ka! Akala mo sakin manyak! Hindi ako
Ganun noh? Tska bakit ko gagawin yon? Eeww!! Wika Kong nangingilabot sa kanya.. Saka ko sya Iniwan.
Rodney pov
Natatawa ako habang Nakatingin kay Maylene na papaalis. Namula na naman siya sa sinasabi ko.. Kanina pa sya palapit lapit sakin
Nanibago ako sa kilos ng babaeng to.. Parang
Narardaman ko inaalala niya ako ngayon
Di yata namis niya rin ako.? .pinuntahan pa talaga niya ako dito sa kwarto ni kuya..
Kailangan ko munang umiwas sa kanya.
Baka may biglang mangyari, sa edad Kong ito
Paminsan minsan nakakaramdam ako ng Hindi pangakaraniwang bagay lalo na kapag katabi ko si Maylene. At himbing na natutulog.
Minsan pumapasok sa isip na ko halika n ko sya, yakapin at gawin ang bagay na ginagawa
Ng mag asawa, total asawa ko naman sya.
Hindi naman siguro masama yon. Kahit isang beses lang, minsan gusto Kong maexpercience yon kaso natitigilan ako kapag malapit na ako sa kanya, hindi ko kayang gawin siguro nga pa...


ito ang Tamang panahong para doon..
Lalo na ngayon nag aaral pa ako. Kaya
Ito ang naisip Kong paraan para makaiwas sa tukso..
*****
Kinaumahan nagtaka ang kapatid na si Samuel
Ng makita ang dalawa na magkaibang silid ang nilabasan nila..
“Oh, magkakaway ba kayo? Magkahiwalay pa yata kayo ng kwarto ah! Takang tanong ng lalaki
Napapangising umiling lamang si Rodney.
Umupo ito sa mesa.
Habang si Maylene dumeritso sa lababo at kinuha ang
Mainit na tubig na kanilang pangkape..
Pinagtimpla niya ng kape ang asawa.
“Oy ang sweet naman may taga timpla pa ng kape kahit magkaway sila, dagdag pa ni Samuel na nakamasid sa kanila.
” Ikaw kuya gusto mo din? Wika ni Maylene sa kapatid ng asawa. Patay Malisyang wika niya sa sinabi ng bayaw sweet sila.. Para sa kanya wala na lang yon na pagsilbihan ang asawa
“Wag na ako na lang may sarili akong timpla na gusto ko sa kape” . Sagot ni Samuel
“Parang okay naman kayo bakit Magkahiwalay
Pa kayo ng higaan, dapat nga magkasamang kayo kagabi dahil isang linggo kayong Hindi mag kasama aba, matinding labanan sana yon.” Panunukso nito sa kanila, nakangisi pa ito habang nagsasalita.
“Ayaw niya kuya ng labanan kasi nag aaral pa sya, yon ang kondisyon samin ni nanay kapag na buntis daw ako titigil na sya sa pag aaral.
Wika ni maylene sa bayaw. Sa daldal nito at laging Panunukso sa kanila ay nasanay na siya sa ganun usapan.
” Maniwala ako sainyo yon ngang Magkahiwalay ng bahay nabunbutis kayo pa
nasa isang bubung lang” .hindi kombinsidong sagot nito.
” Ikaw lang yon tol! Kahit kilokilometro pang layo pupuntahan mo pa talaga, iba ako noh?
Kahit humubad pa yan sa harapan ko Hindi ko yan papatulan. Wika ni Rodney na labas sa ilong.
” Ows! Napahagalpak ito ng tawa… Yon naman pala eh, bakit bakit nag hiwalay pa kayo ng kwarto kung Matibay ang paninindigan mo kapatid na walang mangyayari . Wika nitong tinapik tapik pa ang lalaki sa braso.
“May tiwala ako sa sarili ko kaya lang kay maylene wala talaga, baka bigla na lang akong daganan niyan, ayon wala na akong kawala
Katapusan na ng pangarap Kong maging Engineer.
” Kapal talaga ng mukha Rodney!makalabas na nga Hindi ko na kinakaya ang hangin dito.. Wika ng babae sabay walk out.
Natatawa ang dalawang lalaki ng umalis si Maylene.. Minsan Hindi nito kinakaya ang panluluko nila.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top