When a Single Mom meet the Hot CEO Chapter Four


Chapter Four (When a Single Mom meet the Hot CEO)
_____
Kate’s POV:
Hindi ko maintindihan ang anak ko, kagabi pa s’ya sobrang excited na tila hindi mapakali sa kama.
Tuwing pumapasok ako ng club, iniiwan ko ang cellphone ko para incase na magising siya o may mangyari na masama, macontact niya ako.
Kaya ganon na lamang ang pagtataka ko, nang hiramin niya ulit ‘to sa akin dahil sabi niya, may bisita daw s’yang darating.
Nagawa niya na ring maglinis ng bahay kahit na sobrang tamad siya pagdating sa ganito.
At ang nakakaloka, inutusan ba naman ako na bumili sa palengke para masarap ang uulamin namin.
Hindi ko alam kung ano ang nakain ng batang ‘yon, pero dahil mahal ko siya, agad ko s’yang sinunod.
At oo, nandito pa rin ako ngayon sa katapat ng karne.
Bumili ako ng isang kilo, baka sakaling nagsasabi ng totoo ang anak ko.
Malay natin diba? Baka kaklase niya ang pumunta sa bahay. Ayaw ko naman mapahiya si Michael.
Marami akong pagkukulang sa kanya, kaya kung ano ang request nito, binibili ko.
And here I am, malapit na akong makabalik sa amin.
Halos pawis na pawis ako dahil wala akong dalang payong. Isama mo pa na hindi pa ako nakasuklay ng buhok.
Yeah, parang boyish ako kapag walang trabaho.
Ewan ko ba, pero mas komportable ako kapag maluluwag ang suot ko.
Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa bahay, nang marinig ko ang boses ng aking anak na tila may kausap sa loob.
“Bakit ganyan ang titig mo?”,
“–Hindi ka pa rin ba naniniwala na mama ko si Kate?”, bigkas nito na hindi man lang ginalang ang kausap.
Ang Michael na ‘to, napapadalas yata ang pagiging maangas niya sa iba.
“I just can’t imagine that a girl like your mom, have a son like you.”,
“–Masyadong malayo at hindi ako makapaniwala. Mangkukulam sa umaga ang itsura ng mama mo, pero sa gabi, dyosa.”,
“–Yung totoo, ano bang lahi ang meron kayo?”, wika ng lalaki...


na tila pamilyar sa pandinig ko.
“–Kung alam ko lang na si Manang ang ka-table ko, edi sana, hindi na ako nag-aksaya ng oras na tawagan siya.”, pagpapatuloy ng binata.
M-manang?
From the word, Manang?
Sh*t!
Mabilis akong kumaripas ng takbo para makapasok sa maliit naming bahay.
At halos mandilim ang paningin ko nang makompirma kong si David pala ang nandito!
And wait, close sila ng anak ko?
Magkatabi kasi silang dalawa na daig pa ang mag-ama.
“Ayan na pala si mama eh.”,
“–Mama, nandito si kuyang pogi, manliligaw mo.”, ngiting wika ni Michael kasabay ng paglapit sa akin.
“Anong manliligaw ang–“,
“Mama, sabi ni kuyang pogi, ang ganda mo raw.”, he said again.
“Ako? Maganda?”,
“–Mukhang hindi naman yata ‘yan ang narinig ko, baby.”, giit kong turan.
Pati anak ko, nagawang magsinungaling para pagtakpan ang mokong na ‘to.
“Mama, ‘wag mo ng awayin si kuyang pogi.”, pagpipigil nito nang akma kong susugurin ang lalaki.
Nakita ko naman ang ngiti nito na tila natatawa sa naging reaksyon ko.
“Umalis ka na. Habang natitimpi ko pa ang sarili ko.”, pagbabanta ko sa binata.
Pero nanatili s’yang nakaupo na animo’y walang balak na sundin ako.
“Pamamahay ko ‘to, kaya pwede kitang kasuhan ng trespassing sa ginawa mo.”, wika ko ulit habang nakatitig sa mata niya.
“Mama naman eh. Bisita ko siya.”,
“–Ako ang nagpapunta sa kanya rito.”,
“–Kaya pwede po ba, pagbigyan niyo na ako.”, turan nito.
“B-but Michael.”,
“–Kinausap ko na si kuyang pogi. At pumayag siya na kahit ngayong araw, maging tatay ko siya.”,
“–Gusto ko ring maramdaman na may tatay ako, mama.”, malungkot na saad ng bata.
Medyo lumambot tuloy ang puso ko nang masilayan ko na muntik na siyang maluha.
Kaya huminga ako ng malalim at lumuhod para maging kapantay si Michael.
“O-okay. Papayag na si mama. Pero ngayon lang ha?”, bigkas ko dahilan para matuwa ito at yakapin ako.
Bahala na, kung ano ang mangyari!
Ang mahalaga, mapasaya ko ang anak ko.
©Binibing_Timoji
To be continuee…






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. yung bata ka palang pero ang dami mo ng alam tapos makapag salita kala mo matanda 😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂😂

Leave a Reply


top