YOU’LL BE SAFE HERE chapter 8


HAYASEIN
hinintay kong mawala sa paningin ko ang dalawa, mukhang matagal na nga silang mag kakilala ang ipinagtataka ko ay bakit sya narito?
‘Impossibleng dito sya nag aaral.’
Ilang beses nyang ipinaliwanag kay Mommy na hindi ako pwedeng pumasok sa school nya dahil mahirap nga makapasok doon, kung ito ang school na tinutukoy nya ay bakit naka pasok agad kami ni Yana?
Lalo akong naguguluhan dahil sa binanggit nung babae kagabi, ano yung tungkol sa East bridge ? Pakiramdam ko ay napaka raming sekreto sa lugar na ito.
Matagal na tumakbo ang isip ko kahit pa nasa loob na ako ng Klase sa ikatlong Subject.
‘sino kaya yung tumulong sakin kagabi?tinawag nya kong lady Sien.. ‘
‘wala pala si Ivo?. .bakit ngayon ko lang napansin? ‘
Pakiramdam ko talaga ay lutang ako ngayon.
” And the longest word in English is..?miss Hayasein? ”
Gulat akong tumayo sa kinauupuan ko. “Pneumonoultramicroscopicsilicovolcanoconiosis..miss. ” sagot ko.
Tumikhim ang proffesor pero kalaunay ngumiti din.
“woah~nasagot nya kahit pa wala sya sa ulirat? “anang kaklase ko.
“ang astig nya talaga! ” anang isa pa.
“talaga bang hindi mo kaano- ano ang ikalawang ranggo? “tanong ng proff.
‘iyong seken ba yung timutukoy nya? Eh hindi ko nga yun kakilala eh. ‘
Umiling ako tsaka naupo muli.
*crooooooog~
Napangiwi ako nang may maramdaman akong kakaiba sa tyan ko.
‘Sh*t may LBM yata ako. ‘
Itinaas ko ang kamay ko. “Miss.. May i go Out? ” kalmang saad kahit ang totoo ay nag huhurumintado na ang Tyan ko.
‘Ano bang kinain ko? ‘
“Okay you may go. “saad nito kaya’t naglakad ako, pinilit kong bagalan ang paglakad ko para hindi mahalata ng mga kaklase ko kung ano ang kailangan ko.
Ustong paglabas ng paa ko sa pinto ng room ay lakad takbo na ang ginawa ko.
Pagdating sa women’s comfort room ay nakahinga ako ng maluwag pero nanlumo ako nang makita ko ang Malaking note doon.
‘UNDER OF CLEANING ‘
‘Putspa! Bat ngayon pa? ‘
Luminga-linga ako para hanapin ang Janitress na naglilinis doon pero bigo ako.
Dumapo ang mata ko sa Men’s Comfort room at pumasok ang pinaka magandang ideya sa Isip ko.
Sandali akong nagmasid kung may papasok bang estudyante sa Cr, nang makuntento ako ay patakbo akong tumungo roon.
Nakalock ang lahat ng Cubicle at mukhang kalilinis lang dito, tanging cubicle lang sa pinaka dulo ang bukas kaya’t hindi ako nag dalawang isip na tunguhin yon.
Mabilis kong ibinaba ang suot kong pambaba at payapang naupo don.
‘Ehhh? ‘
May blood stain akong nakita sa Undies ko.
‘ibig sabihin ay hindi iyon LBM kundi disminorhea’
‘Pano kaya to? ‘ hindi ko matatawagan si Calvin o kahit si Yana dahil naiwan ang phone ko sa bag.
*Knock knock!
Katok sa pinto kung nasan ako mula sa labas. “Hey! Open this D*mn door! ” barumbadong anito.
“Ah- – – oo, S-sandali lang. ” saad ko.
Sandaling sigundo na Hindi sumagot ang barumbadong nasa labas.
‘mukhang tinignan nya pa kung tama ba ang napasukan nya. ‘
“Hey! It’s men’s comfort room anong ginagawa ng pisteng gaya mo dito! ” galit na aniya.
‘Hindi ako pwedeng lumabas ng ganito, anong gagawin ko? ‘
“Kapag hindi ka lumabas ay sisirain ko ang pinto na kaharap mo! “sigaw na naman nya. “Isa! “bilang nya .
“A-ano. Lalabas na’ko. Pero bago yon p-pwede mo ba’kong kunan ng- – -” hindi ko maituloy ang sasabihin ko. Napapikit ako sa Hiya.
“Panties, Napkin at clothes? “nang iinsultong aniya.
Hindi ako naka sagot. Kung kaya lang akong i flush ng toilet na kinauupuan ko ay ginawa ko na dahil sa kahihiyan na’to.
Nakagat ko ang labi ko,
‘mukhang wala na talagang pag -asa.. Lalabas na lang ako na ganito ‘
Higit sampung minuto na akong naghihintay pero wala paring dumadating.
Buo na ang desisyon ko at akmang itataas ko na ang pants ko nang tumama sa mukha ko ang isang balot na Napkin, at mabangong tela. ‘Jogging Pants!’
Sa ilalim ng pinto ay inilusot ng maputing kamay ang isang kahon ng...


So-En na Panty.
‘Putspa! At ano naman ang gagawin ko sa mga to? Napaka dami! ‘
“Bilisan mo! “nawawalan ng pasensyang aniya.” lahat nang nakapila dyan sa labas! Magsilayas kayo kung ayaw nyong painumin ko kayo ng tubig mula sa Bawl”
Taranta akong nagpalit ng mga dapat kong palitan.
“Bilisan mo bago ko pa tadyakan yang pinto na yan! ”
“Ah-. Oo. “sagot ko, nang matapos ako ay kaagad kong pinulot ang mga gamit ko pati na ang mga dala nya. Binuksan ko ang pinto at bumungad sa’kin ang naka cross arms na si Eight habang naka Sandal sa pader malapit sa pinto ng pinaka Entrance.
Tulad dati ay wala paring emosyon ang mata nya, paabante syang humakbang papunta sakin.
‘Bakit ganito! ‘
Pakiramdam ko ay ganito palagi ang senaryo sa twing mag kikita kami, palagi nyang pinagbabantaan ang buhay ko pero palagi din naman nya kong nililigtas Twing nasa alanganing sitwasyon ako.
Kumurap sya pero tila napaka bagal noon para sakin, Pati na ang paghakbang nya. ang bawat pag galaw ng adam’s apple nya ay nagdudulot sa akin ng kakaibang kaba.
Napasandal ako sa Tiles na pader nang isang hakbang na lang ang pagitan namin, ipinako nya ang kamay nya sa uluhan ko dahilan para ma corner ako.
“Are you Ck’s Bride right? ” tanong nya.
‘Si Calvin ang tinutukoy nya, mukhang may nalaman na sya tungkol sa’min. ‘
“bakit ba parating ako ang, nakakatyempo sa’yo kahit nandito naman ang boyfriend mo? ” seryosong aniya pero bakit napaka lambing ng dating niyon sa akin kahit pa magkasalubong ang kilay nya.
“H-hindi ko sya boyfriend.” pilit kong nilalabanan ang titig nya pero para akong nahihipnotismo sa mata nya kaya’t ibinaling ko iyon sa ibang lugar.
“I want that again.. “aniya habang hindi inaalis ang paningin sa akin, SA LABI KO!
Nang hihina na ang tuhod ko Kaya’t kinagat ko ang labi ko para hindi iyon ipahalata. .
“Don’t hurt them! ” inis na aniya “Kung hindi ka girlfriend ni Eight then i want you to be mine.. ” gusto ko syang sapakin para ipabatid na hindi ako bagay. “wait… Are you blushing? “tanong nya ngunit hindi ko na narinig pa ang ibang sinabi nya nang magblanko ang lahat sa paningin ko.
🎀THIRD PERSON🎀
“Hey! Anong nangyayari sayo? “tanong ni Eight sa babae nang bumagsak ito sa bisig nya.
‘Walang masyadong tao sa paligid ngayon dahil oras ng klase’nasabi nya sa isip nya. Walang kahirap -hirap na binuhat nya ito na pa-Bridal style tsaka sya lumiko paakyat sa hagdam para dalhin ito sa rooftop imbis na sa Clinic.
Isinandal nya ito sa Railings na bakal tsaka nya kinuha ang phone nya.
“Hello? Ging..dalhan mo ko ng Kotse. Wag mong ipaalam kay lolo. “utos na anito sa kausap.
Mula sa rooftop ay matatanaw ang magubat na daan patungo sa Mansion ng mga Silvania kung saan mag mumula ang kausap.
“wala pa yatang dalawampung minuto nang huminto ang itim na mercedes na kotse sa harapan ng rooftop. Muling kinarga ni Eight ang walang malay na si Hayasein. Mula ss rooftop ay tumalon sya pababa sa ibabaw ng itim na mahabang kotse dahilan para mabasag ang mga salamin nito sa mga bintana, pati na ang bubong kung saan sya nakatapak ay nayupi.
“Hala nasira…” inosenteng saad ni Eight na, waring hindi inaasahan ang pangyayari tsaka sya lumundag pababa sa kinatatayuan.
“Master Eight? Si Lady Margaux po ba ang babaeng yan? ” tanong ng Butler na si Ging.
Inihiga muna ni Eight si Hayasein sa loob ng kotse bago nya harapin si Ging.
“Alam mong nandito ang kapatid ko? “kunot noong tanong ni Eight. Pero hindi sya sinagot ng butler sa halip ay yumuko ito. “Nakuha ko na ang Sagot. “ani Eight tsaka pumasok sa sasakyan. “sabihin mo kay Lolo na dadalaw ako mamayang gabi sa Mansyon. ” huling saad nya tsaka kinabig ang kotse.
GUYS SORRY, LATE AKO MAG UPDATE MADAMI KASI AKONG GINAGAWA






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. creator pwede po bang bilisan niyo mag update kasi hinihintay koto ehh no hate po😁😁😁😁😁

Leave a Reply


top