“Wala ka na talagang ginawang tama,” mahinang sabi niya habang hinihilot ang sintido niya.
“Wala akong kasalanan.”
“Wala? Wala?!” hinampas niya ang mesa at napatayo. Napayuko ako habang isa-isang tumutulo ang luha ko. Ewan, pero mula kahapon nakailang iyak na ako. “Kitang kita ko ang posisyon niyo tapos sasabihin mong wala?!”
“H-hindi ko alam kung paanong nasa ibabaw na niya ako samantalang ako ang nakagapos kagabi,” mahinang sagot ko.
“Ano pa ba ang dapat kong gawin sa’yo, ha? Puro nalang problema ang dala mo. Kailan ka ba titino?”
“Kailan mo ba ako matututunang mahalin bilang anak?”
Sandali siyang natigilan. Marahil ay hindi niya inaasahan ang tanong ko. Binigyan niya ako ng masamang tingin.
“I never treated you as my daughter so stop...