“Hi, Calvin” bungad ni Monica sa kanya ng makapasok ito sa opisina niya.
Nag-angat siya ng tingin mula sa kanyang binabasang papeles. Hindi niya inaasahang pupunta ito ng opisina niya. Ang alam niya ay nasa out of town ito kasama ang mga kaibigan nito. Pagkatapos ng naging usapan ng pamilya nila, umalis kaagad ito. Hindi niya nga alam kung saang lupalop ito nagpunta. Kaya nakakagulat lang na nandito na kaagad ito sa harapan niya.
Pinasadahan niya ito ng tingin. Mukha naman walang pinagbago ito. Okay pa rin naman ito. So, wala pa siyang dapat problemahin dito.
“What do you want?” Tanong niya saka muling ibinalik ang kanyang atensyon sa mga papeles na nasa harapan niya.
Naglakad ito papalapit sa lamesa niya at saka ito naupo sa mahabang upuan na nasa bandang gilid. Itinaas nito ang mga paa nito sa upuan. Pinakatitigan siya nito habang nilalaro nito ang mahaba nitong buhok.
Nanulis ang mga labi nito. “Hindi mo ba ititigil iyan?”
“Don’t be a brat, Monica” wika niya. Alam niyang mag-uumpisa na naman ito ng mahaba nitong reklamo sa buhay. At wala siyang panahon para makinig dito.
Humalukipkip ito. “Umuwi ako dahil sinabi ni dad. They want us to get married…”
Binitawan niya ang hawak niyang papel at napahilot sa noo niya. Ito na naman. Bakit ngayon pa ito dumagdag.
“I told them na pinagpaplanuhan na natin. But, gusto na nilang madaliin na natin”
“Monica, alam mo naman na marami akong problema. Wala pa sa schedule ko ang pagasikaso sa kasal natin” sabi niya.
“Alam ko naman iyon. Alam mo din naman na ayoko pang magpakasal. I still want to enjoy my life. Kung ayaw mo ng gulo, gumawa ka ng paraan para tigilan na ng mga parents natin ang kasal na iyan” inis na sabi ni Monica.
Bumuntong-hininga siya. “Ako na ang bahala sa kanila” aniya.
Hindi niya maintindihan kung bakit nagmamadali ang pamilya nila ngayon. Alam naman nila parepareho na ikakasal din sila ni Monica. Wala siyang balak baguhin iyon. Kaya bakit nagmamadali ang mga ito ngayon?
Alam naman ng mommy niya na marami siyang ginagawang trabaho at marami din siyang inaayos na problema. Malaki pa nga ang problema niya. Inaayos niya pa nga ang mga projects ni Anne na inatrasan niya. Hindi man lang pinigilan muna ng mommy niya ang gusto ng mga magulang ni Monica.
Napahinga siya ng malalim. Kailangan niyang makausap ang mommy niya. Hindi ito pwede na may sumisingit sa schedule niya. Ayaw niya ng problema na walang kinalaman sa trabaho. Kaya kailangang pigilan muna ito ng mommy niya.
Napatingin siya sa cellphone niya. Wala pa rin siyang natatanggap na tawag mula kay Anne. Kanina pa siya nangangati na tawagan ito, pero pinipigilan niya lang ang sarili.
Isa pa si Anne sa iniisip niya. Ilang linggo ng nagsoshooting ng bagong project si Anne. Ni minsan ay hindi niya ito pinuntahan sa set para icheck. Hindi din siya nagtatanong kung ano ng nangyayari dito. Kaya gulong-gulo ang isip niya ngayon. Gusto niyang malaman kung ano ang ginagawa nito. Pero may bahagi ng isip niya na nagsasabing huwag ng alamin ang nangyayari dito. Hindi na niya alam kung ano ba talaga ang gusto niya.
Nahihirapan din siyang magfocus sa trabaho dahil sa kakaisip kay Anne. Ito ngang binabasa niya ay kanina niya pa binabasa, pero parang hindi pumapasok sa utak niya.
Kapag nasa bahay naman sila, wala silang pinag-uusapan tungkol sa trabaho nito. Hindi naman niya magawang magtanong dito. Hindi din naman kasi nagkukwento si Anne tungkol sa trabaho nito kung hindi naman kailangan. Kapag walang problema sa trabaho nito, wala din siyang nakukuhang report dito.
Iyon nga lang ang nagustohan niya kay Anne. Kapag nasa bahay na ito, hindi na nito dinadala ang trabaho pauwi. Kahit na ang pag-usapan ang trabaho nito, hindi nito binubuksan para pag-usapan. Lalo na kapag nasa hapag-kainan sila.
Minsan nakakaramdam na din siya ng pagkairita. Sa nakalipas kasi na mga araw nitong pagtatrabaho, madalang na lang silang magkita. Medyo naging hectic ang schedule ni Anne. Minsan nakakaramdam siya ng pagkamiss dito. Pero pinipigilan niya ang sarili niya. Hindi niya pwedeng pairalin ang nararamdaman niya. May mga plano siyang dapat unahin. Bakit naman kasi niya mamimiss ito?
“Hey, Calvin. Are you okay? Parang wala ka sa sarili mo” kunot ang noong sabi ni Monica sa kanya.
Para naman siyang natauhan. Kanina pa pala siya nakatulala lang. Napahilot siya sa noo niya.
“I’m fine” aniya saka siya huminga ng malalim.
“You know what, may chika ako sayo” tumawa ito.
“Im not interested” walang ganang niyang sabi dito.
“I saw Anna sa Sorsogon….” Ani ni Monica na nakakuha ng atensyon niya. “I thought nga namamalik-mata lang ako. Kasi di ba may work siya? Tapos makikita ko siya doon. Pero sigurado ako na siya talaga iyon….”
“How did you know its her?” Putol niya sa sasabihin nito.
Nagkibit-balikat ito saka muling nagsalita. “Nilapitan ko tapos kinausap ko siya. She said nasa bakasyon siya. Ano ba siya? Tinopak na naman ba siya?”
“Where in Sorsogon? Alam mo ba kung saan siya tumutuloy?”
Umiling ito. “No, nagmamadali kasi siya kaya hindi na kami nakapag kwetuhan”
Napakagat-labi siya. Nasa Sorsogon si Anna. Nandoon lang pala ang babaeng iyon. Kung saan-saan niya pa ipinahanap ang babaeng iyon tapos nandoon lang pala. Sino ba naman kasi ang makaka-isip na doon ito magtatago? Ni minsan nga ay hindi iyon napadpad doon.
“May nangyari ba? Hindi mo ba alam na nagbakasyon siya? Oh, wait, nilayasan na naman ba niya ang trabaho niya?” Nanlalaki ang mga matang tanong nito.
Tumayo siya at saka niya kinuha ang jacket niya. Lumapit siya Kay Monica saka dumokwang para halikan ito sa noo.
“Yeah, I guess. I have to go baka lumayas na naman siya sa lungga niya”
“But, may problema pa tayo” protesta nito.
“Pag-usapan na lang ulit natin iyan sa susunod”
Napairap ito. “Argh, sa susunod magigising na lang tayo pareho na kasal na tayo”
“Aayusin ko muna ito” aniya saka nagmamadaling naglakad.
“Call me later, Calvin. We need to talk” pahabol na sabi sa kanya ni Monica habang papalabas na siya ng opisina niya.
Kailangan niyang mahanap si Anna. Kailangang maibalik na niya si Anna bago pa tuluyang masira ang career nito. Hindi niya hahayaang si Anne ang humarap sa mga mangyayari. Ibabalik na niya si Anna at ito ang haharap sa sira nitong career.
Kinuha niya ang cellphone niya sa bulsa ng pantalon niya saka may hinanap na number doon. Nang makita ay kaagad niya iyon tinawagan.
“It’s me. I need to talk to you” ibinigay niya dito ang lugar na pagtatagpuan nila saka tinapos ang tawag.
Malapit na niyang makita si Anna. Malapit na niya itong maibalik. Kung ganun, malapit na ding mawala si Anne…
NAIINIP na si Calvin sa kakahintay sa kausap niyang private investigator. Bago na ang P.I niya. Hindi na niya kinuha yung dating ibinigay sa kanya ni Raven. Wala na siyang tiwala dito. Mukha kasing pinagloloko siya ng isang iyon. Nasa Sorsogon lang pala si Anna, tapos hindi nito mahanap-hanap. Ang laki ng ginastos niya, wala man lang naiharap sa kanyang Anna.
Napatingin siya sa may pintuan ng makita niya ang isang lalaki na naka all-black na damit. Mula sa suot nitong sombrero hanggang sa sapatos nito, kulay itim lahat. Napataas ang isa niyang kilay. Wala ba itong ibang damit? Mukha itong susundo ng patay.
Lumapit sa pwesto niya ang lalaking kanina niya pa tinitingnan. Ito ba yung P.I na kinuha niya? Tumayo ito sa gilid ng lamesa niya. Napasimangot siya. Mukhang ito na nga. Saan niya nga ba ito nakuha?
Inilahad nito ang isa nitong kamay sa harapan niya. Inabot niya iyon at kinamayan ito. Mukha namang professional ito.
“Im Rustom….”
“Have a sit” putol niya sa sasabihin nito. Wala siyang panahon para makipagkilala at makipagkwentuhan dito.
Naupo naman ito sa harapan niya. Hindi ito nagsalita. Parang naghihintay lang ito ng mga sasabihin niya.
Inilapag niya ang isang folder sa harapan nito. “Nandyan na lahat ng info na kailangan mo” aniya. Kinuha naman nito ang folder at binuklat iyon. “Hanapin mo si Anna sa lalong...