A wife’s regrets Chapter 17


A wife’s regrets
Chapter 17
Liam
Palabas na ako ng coffee shop ng makita ko si Rio pinsan ni Celeste.
“Rio!” sigaw ko.
Lumingon naman si Rio. Lumapit ako sa kanya. I want to talk to her. I want to know kung nasaan si Celeste kung kamusta na siya at ng anak namin. I know she is mad at me dahil sa mga nagawa ko sa pinsan niya. Kung ano man ang masakit na sasabihin niya tatanggapin ko ng buong puso.
“What?!” iritang bungad niya.
“I know I hurt your cousin.”
“Buti alam mo!”
“I made a mistake…”
“G*go! I know my cousin had affair with your brother Greyson pinagsisisihan na yun ni Celeste pero ano paulit-ulit mong ipinamukha sa kanya na makasalanan siya. Well in fact may kasalanan ka rin. You had an affair with Lauren your ex-girlfriend. You hurt my cousin! You don’t deserve a second chance!”
“I know Rio. Nagsisisi na ako sa nagawa ko. Please tell Celeste na huwag ng ituloy ang annulment case.”
“Wala akong pakialam tungkol diyan. She already decided to end your marriage!”
“Tell her I still love him. Hindi ako susuko sa relasyon namin. Babawi ako sa kanya!”
“I don’t know. Siya na lang kausapin mo!”
“Did you kn—”
Bago ko pa man tanungin ang kinaroroonan ni Celeste nakasakay na siya sa taxi.
F*ck! Paano na ito? Saan ko hahanapin si Celeste? Pero hindi ako titigil I will find her kahit saan man sa...


lupalop ng mundo.
Sumakay na ako sa kotse ko para umalis.
Bigla kong naisip na gumawa ng video message for my wife. Kinuha ko ang phone ko to take a video message to Celeste. Eto, rin sana isa sa mga ibibigay kong regalo kay Celeste for our fifteen wedding anniversary.
“Hi, I know you will watch this video soon. I want to say na I’m.sorry sa mga nagawa ko in the past. I know you made a mistake by having an affair with my brother Greyson. I admit I was truly hurt that time when I found out about your affair. Sorry kung paulit-ulit kong sinumbat ang isang pagkakamali na nagawa mo. Sana mapatawad mo pa ako at mabigyan ng isa pang pagkakamali sa nagawa ko. I’ll be better this time. Sana hayaan mo na ako na maging asawa at ama ng anak natin. Always remember I truly love you my beautiful wife Celeste Evangelista Fajardo happy fifteen years of our wonderful marriage.”
Hindi ko mapigilan ang sarili ko habang kinukunan ng video ang sarili ko. Sana mapanood pa nito ni Celeste bago mahuli ang lahat.
Paandar pa lamang ang sasakyan ko ng may truck na nawalan ng preno nagpaikot-ikot ito sa kalsada hanggang sa tumama ito sa kotse ko.
“C-celeste…” sigaw ko bago tuluyang sumalpok ang truck sa kotse ko.
Nakita ko na lamang na may umaagos na d*go sa ulo ko. Unti-unti akong nahilo bago tuluyang mawalan ng malay.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top