ACCIDENTALLY MARRIED TO A MAFIA CHAPTER 30


(STEVEN ROD POV)
Kanina pa ako katok Ng katok sa kwarto Ni Cherie pero Hindi nya parin binubuksan, nag alala na ako baka may nangyareng masama na dun. Pesteng Devon kung Hindi Sana sya umeksena Hindi kami magkakaganito Ni Cherie
“Che plz open the door! Promise hindi na mauulit”sigaw ko at akmang kakatok ulit Ng bigla nyang buksan Ang pinto nagulat ako sa suot nya all black, black pants, shirt pati lipstick black din nakatirintas Ang kanyang mahabang buhok tapos Ang itaas at ibabang bahagi Ng kanyang Mata mayroong itim ano bang nilagay nya dyan uling? Muka syang action star na mangkukulam sa ayos nya
“Che bakit ganyan Ang itsura mo?”tanong ko tinaasan nya Lang ako Ng kilay
“Pakialam mo! Gusto Kong magsimula Ng training ngayon din!”
“Pero hindi pa masyadong magaling yang sugat mo”
“Kung ayaw mo Kong turuan eh di wag! Dami mo pang satsat! Kung gusto mo sundan mo nalang Yung Devon mo mukhang nabitin ka yata sa halikan nyo”galit nitong Sabi
“Hindi ah! Ikaw Ang gusto Kong makasama Tara na” sabay hila ko sa kamay nya papuntang sasakyan
“Teka saan tayo pupunta!”takang tanong nya
“Diba gusto mong mag training pupunta tayo sa training center na pagmamay-ari ko Doon ko tini-train Ang mga tauhan ko para lalong...


lumakas”tumango Lang ito sa sinabi ko
Halos kalahating oras bago namin narating Ang training center meron itong tatlong palapag. All glass ito Kita Ang labas pero hindi Ang loob tinted din ito Kaya Hindi Basta² mababasag at sound proof Rin ito.
Pumasok na kami at tinungo Ang pangatlong palapag Kung saan Ang firing gun. Sinimulan ko Ng turuan si Cherie Kung pano umasinta Hindi ito mahirap turuan parati nga itong bulls eye Hindi na ako magtataka dahil NASA dugo nito Ang pagiging mafia. Pagkatapos namin sa fire gun ay lumipat kami sa 2nd floor para Naman sa self defense. Lahat Ng uri Ng pakikipaglaban ay tinuro ko sa kanya madali Lang sya matuto. Patapos ko na syang turuan Ng bigla nyang tinuhod Ang pagkalalaki ko Kaya Napa talon² ako sa sobrang sakit
“Che anong ginawa mo!”
“Para Yan sa paglalandi mo! Mabaog Sana yang pototoy mo”inis nitong Sabi at tumingin sa labas
“Ma! Mama!”sigaw nito at patakbong lumabas Kaya kahit masakit Ang Ari ko ay pinilit ko syang sundan
“Mama!”sigaw nito habang hinahabol Ang isang van na kakaalis Lang
Anong nangyayari sa babaeng to patay na Ang mama nya
“Ouchhhh!”putcha! Binangga na Naman nya ako Kaya sumakit ulit kailangan Kong ipatingin ito sa doctor baka tuluyan mabaog






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top