Aking Prinsesa❣️ . Chapter 8


Aking Prinsesa❣️
.
Chapter 8
.
Nico : akala ko kasi, sumama na naman ang pakiramdam mo, gusto mo bang, magmeryenda muna tayo ng ipinabaon ni manang Veron.
Yna : sige, kainin na natin, nakakagutom..
.
At lumangoy uli sila pabalik kung saan ay naroon ang mga gamit nila.unang nakaahon si Nico, at inalalayan niya si Yna na makaahon sa tubig.
.
Nang maka-ahon si Yna ay biglang nakaramdam siya ng hiya kay Nico dahil napansin niya na naka-white shirt siya at sobrang nipis yun, dahil doon kitang kita ang panloob niya na color red, tinatakpan niya ang kanyang dibdib, at parang naintindihan naman ni Nico na naiilang si Yna..kinuha ni Nico ang towel sa bag na dala niya at inabot iyon kay ina.
.
Yna : salamat!!
.
At itinabing niya agad ang towel sa may katawan niya, dapat nga sana hindi na siya mahihiya dahil sa nakita naman na siya ni Nico na walang damit, tanging underwear lamang ang sout niya nang gabing handa na niyang ibayad ang sarili niya sa binata, na ang akala niya ang kabayaran ng pagkakaligtas sa kanya ng binata ay ang pagkababae niya.
.
Nico : oh eto ang puto, kainin na natin.
.
Nakaramdam ng gutom si Yna ng makita niya ang putona pinabaon sa kanila ni Manang Vero, matagal tagal na din siyang hindi nakakakain ng puto..
.
Yna : wow, sarap naman niyan!!! (Natatakam niyang sabi)
Nico : expert talaga si Manang veron sa paggawa ng puto, kahit nakapikit pa siya..
Yna : ganun ba, kaya pala masarap..
Nico : kaya eto ang isa sa mga namimiss ko ang luto ni manang veron..magaling at masarap magluto ng puto yun.
.
At habang nagmemeryenda sila ay napag-usapan nila ang mag-amang esang at mang temyong.
.
Yna : kumusta na kaya si Mang Temyong, sana magaling na siya.
Nico : oo nga sana, sabi kasi ni esang saka lang siya pupunta sa bahay ampunan kapag magaling na si Mang temyong..
Yna : Nico baka pwedeng bisitahin uli natin sila esang bago tayo umuwi.
Nico : ha. Eh malayo yun, mapapagod ka nanaman, sa villa na, tayo dadaan para malapit na lang yong lalakarin natin..
Yna : okay lang, kahit malayo..sige na please!!
Nico : inaalala lang kita kasi mahabang lakaran nanaman yun, kapag doon pa tayo dumaan.
Yna : okay lang talaga..kaya kong lumakad, yun lang kung ayaw mo wala naman akong magagawa.
Nico : hindi gusto ko..syempre gusto ko dahil gusto pa kitang makasama..ah…ang ibig kung sabihin, sige sasamahan kita…sasama ako sayo..ay ano, oo kung gusto mong dumaan dadaan tayo..(nalilito niyang sabi)
Yna : salamat Nico ah..gusto ko kasing ibigay kay esang yong iba kong mga damit, siguro naman kakasya naman sa kanya yong mga binili nating damit, yong iba naman di ko pa naisuot, at saka gusto ko silang tulungan, kasi ang hirap ng buhay nila don sa lugar na iyon, lalo na masasakitin pala si mang temyong…at saka may edad na si mang temyong, siguro naman mabibigyan si mang temyong ng trabaho ni papa kung irerekominda ko si mang temyong kay papa na kayang gawin ni mang temyong na trabaho, at saka para hindi naman mahirapan si esang sa pagpasok niya sa eskwelahan..lalo na babae pa siya at magandang bata pa siya paano na lang kung mapagtripan siya ng mga taong tulisan, kawawa naman ni Esang diba, at saka diba wala naman silang kamag-anak sila lang dalawa na mag-ama ang namumuhay.
Nico : oo.
Yna : kaya nga gusto ko silang isama sa bahay, at sana pumayag sila..
Nico : yan ang hindi ko sigurado kung sasama sila. Syempre mahihiya si mang temyong..lalo na kung patitirahin mo sila sa bahay nio.
Yna : hindi naman sa bahay naman sa bahay namin sila titira, meron kasing pa-housing si papa sa mga empleyado niya na walang kakayahan sa buhay, tapos kada isang taon hinuhulugan ito, hanggang sa maging pag-aari na nila ang bahay..
Nico : ganun ba..ang bait naman ng tatay mo.
Yna : oo mabait talaga si papa, di ko katulad.
Nico : bakit mabait ka naman ah.
Yna : hindi nga eh..hindi ko namana kay papa ang kabaitan niya
Nico : mabait ka kaya, may kabutihan din kaya ang puso mo, diba nga gusto mong tulungan sila mang temyong at isang, kaya namana mo sa papa mo ang kabutihan ng puso niya.
Yna : talaga ba?
Nico : oo naman, at hindi lang mabait, maganda pa.! (Nakangiti niyang sabi)
Yna : ikaw talaga binola mo naman ako..
Nico : hindi ah..totoo yung sinabi ko sayo na maganda ka talaga.
.
Hindi na nakakibo pa si yna dahil sa sobrang kilig niya, bagkus ikinubli niua,ang kanyang mukha kay Nico dahil pakiramdam niya ay namumula ang pisnge niya dahil, nag-iinit ito..at ng matapos silang magmeryenda ay lumusong uli sila sa tubig, unang nag-dive si yna at sinundan muli siya ni Nico, alam ni yna na kasunod niya lang si Nico dahil alam naman na ni Yna na hindi siya nito nilalayuan, na bagay na ikinatutuwa ng puso niya..at ng makarating uli siya sa may fall ay muli siyang nakipaglaro sa tubig na tumatama sa kanyang katawan, at ang hindi niya alam ay buong paghanga naman siyang pinagmamasadan ni Nico, nasisiyahan si Nico dahil sa alam ni Nico na nag-eenjoy si Yna, at di niya mapigilang ang sarili na humanga sa taglay na kagandahan ng dalaga..at samantalang si Yna ay napansin niya na pinagmamasdan siya ni Nico.. nailang tuloy si Yna, pero hindi niya pinahalata kay Nico, nagkunwari siya na hindi niya alam na nakatingin ito sa kanya..kaya ipinagpatuloy niya lang ang kanyang paglalaro sa tubig, at nalibang nga si Yna sa pagtapat niya sa may talon, hanggang sa naisipan niyang lingunin si Nico, at ganun na lang ang gulat niya ng paglingon niya ay naroon na pala ito sa likod niya.
.
Yna : ay kabayo!!
.
Napakamot ng ulo si Nico.
.
Nico : ikaw talaga, mukha ba akong kabayo?
Yna : hindi, nagulat lang ako…kasi ikaw lagi mo na lang akong ginugulat.
Nico : bakit naman kasi masyado kang magugulatin, kalma ka lang ako lang to si Nico, Nicolas de Jesus, ang pinakavwapo sa lahat ng Nico ang pangalan.(sabay kindat)
Yna : wow talaga naman!
Nico : wala naman kasing mag aangat sa sarili kong bangko kundi ako lang, pero sa nanay ko ang sasabihin nun ako ang pinakagwapo sa lahat.
Yna : ako din naman ah naga-gwapuhan sayo–(natutop ni Yna ang bibig)
Nico : talaga ba Yna, sabi ko na nga ba, Crush mo ako.
Yna : huy, wala akong sinabing crush kita ha. Ang sabi ko lang mabait ka at masipag.
.
Agad na lumayo si yna kay Nico dahil parang hindi siya makahinga sa kaba, dahil sa sobrang lapit nila sa isat isa.
.
Nico : uy, huwag mo akong iwanan.
.
kung bakit daw ba naman kasi nagtutumalon ang puso niya kapag nasa malapit lang sa kanya si Nico, paglingon niya kasi ay nasa likudan niya lang si Nico kaya ng lumingon ang dalaga ay nasa harapan na niya mismo si Nico at halos magkalapit pa ang kanilang mga mukha. nangingiti na lang si Nico sa isip niya dahil halata niya na natataranta si Yna ng lumapit siya dito, at nakita niya ang pamumula ng pisngi ng dalaga, at samantalang si Yna ay mabilis niyang nilangoy ang pampang ng ilog, hindi na siya sinundan ni Nico, pinagpasalamat niya na hindi na siya sinundan ng binata, at umahon na siya sa tubig at naupo na lang si Yna sa may batuhan, at dahil dun ay nagkaroon siya ng pagkakataon na pagmasdan si Nico na naliligo, na dati ay si Yna ang pinagmamasdan ni Nico, ngayon si Yna naman ang nakatingin ngayon kay nico, hindi niya din maiwasang humanga sa gwapong mukha ng binata, at madami pang bagay na hinahangaan ni Yna sa binata, ang pagiging mabait, matulungin, marunong sa kahit na anong gawaing bahay, at higit sa lahat ay ang pagiging maaalalahanin nito..sa isip ni Yna napakaswerte naman ng babaeng makakasama sa buhay ni Nico, na kay Nico na lahat ang ugaling hahanapin ng babae..at isa na din daw yata siya mga babaeng nangangarap na magkaroon ng katulad ni Nico, kaya lang huli na silang nagkakilala, meron na siyang Poli, na ang problema niya ay parang di na niya makapa sa puso niya si poli mukhang hindi na daw yata niya mapigilan na pumasok at magsumiksik sa puso niya si Nico..at hanggang sa pagtitig niya kay nico ay huli na para mabawi niya agad ang paningin dahil nahuli na siya ni Nico na nakatingin sa binata..kaya agad na niyang ibinaling sa iba ang kanyang paningin, at laking gulat naman ni Yna ng pagbaling niya ng paningin ay may mga lalaki sa kanyang likuran..at itoy mukhang mga tulisan.
.
Yna : oh my God..!!!
Tulisan : hoy babae, sino ka, at bakit nandito ka?
Yna : a-ah…e-eh..wala po..naliligo lang po kami ng—-a-asawa ko..sweetheart…(sigaw niya kay Nico)
.
Alam na ni Nico na may mga lalake doon kaya agad na siyang nagpunta sa pampang, ng maisipan na ni yna na tawagin si Nico ay nasa malapit na si Nico..agad na umahon si Nico sa may batuhan.
,
Nico : Ah, pasensiya na po kung napunta kami dito. Napakaganda po kasi ng inyong lugar, kaya po naengganyo po kaming maligo ng asawa ko dito..pasensiya na po kung nagambala po namin kayo, huwag po kayong mag-alala aalis na po kami dito ng asawa ko..sweetheart halika na….(baling niya kay Yna)….sige po alis napo kami, pasensiya na po talaga..
.
At nagmadaling umalis si Nico at Yna sa lugar na iyon, magkahawak kamay sila at mabilis ang mga hakbang nilang dalawa lalo na si Yna dahil sa takot sa mga tulisan, baka mamaya daw kasi ay bigla na lang siyang kuhanin ng mga tulisan, at pagsamantalahan siya ng mga ito.. ano na lang daw ang laban ni Nico sa apat na lalake eh iisa lang naman ni Nico..panigurado na hindi kayang labanan ni Nico ang apat na lalake..kaya mas mabilis pa ang lakad niya kay Nico, ni hindi niya ininda ang mataas na akyatin, dirediretso ang kanyang mga hakbang..hindi niya ininda ang kanyang pagod, dasal siya ng dasal na sana ay makalayo at makalabas na sila agad sa gubat na iyon, at laking pasalamat ni Yna ng may natatanaw na siyang bahayan, at muli niyang nilingon ang mga tulisan kung nakasunod sa kanila, ngunit wala ni isang sumusunod sa kanila, kaya nakahinga na siya ng maluwag..pero hindi pa din siya nagbagal sa paglalakad..
.
Nico : huwag ka ng matakot, wala na sila, huwag ka ng magmabilis, kaya naman kasi kitang ipagtanggol sa mga ugok na yun eh.
Yna : ang yabang mo naman, eh apat kaya yun isa mo lang anong laban mo dun, kapag pinagtulungan ka nun, sigurado ko mawawalan ka ng malay.
Nico : hindi kaya, malakas yata ito!!
Yna : wag ka ng magmayabang, basta bilisan na nating lumakad.
Nico : uy, hindi ako nagyayabang ah, kung gusto mo balikan ko yong mga tulisan na yun eh..(akmang babalik)
.
Pinigilan agad ni Yna si Nico..dahil mukhang seryoso si Nico na babalikan ang mga tulisan..hinawakan ni Yna sa braso si Nico at pinigilan niya ito..
,
Yna : uy, sira ka talaga, oo na naniniwala na ako na kaya mo sila.
Nico : hirap kasi sayo sweetheart wala kang bilib sa asawa mo,eh.
.
Sa pagkasabi ni Nico na iyon ay namula ang pisnge niya sa hiya, naghalo halo emosyon na ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.
.
Yna : ikaw talaga, natatakot na nga lang ako, binibiro mo pa ako..
Nico : sorry na, sige halika na.
.
At nagpatuloy na sila sa paglalakad, at hindi nagtagal ay natatanaw na ni Yna ang bahay ampunan..nabawasan na ang takot niya ng matanawan na niya ang bahay ampunan, at hindi nagtagal ay nakarating na din sila, at agad na silang pumasok..at ng makarating sila sa loob ay noon lang naramdaman ni Yna ang pagod.
,
Veron : oh nariyan na pala kayo..mukhang napagod kayo ah!!lalo ka na Yna sobra naman ahg hingal mo..
Yna : opo manang Veron, paano po nagmadali po kami, kasi po may mga taong tulisan po doon sa may ilog..
Veron : naku, mukhang mga tulisan lang yun, pero hindi mababait yong mga tao na iyon, nagbabantay lang sila sa mga kagubatan..hindi naman kayo sasaktan nun..
Yna : nakakatakot naman po kasi sila..
,
Nangingiti naman sa isip si Nico, naaalala pa niya nong tawagin siya ni Yna ng sweetheart, at ng sabihin ni Yna sa mga lalake na asawa siya nito, na parang napakasaya naman ni Nico sa iaiping iyon, kung tutuusin alam naman ni Nico na mababait ang mga taong iyon kaya lang kung bakit ba kasi gustong gusto niyang natataranta si Yna dahil sa sinasamantala ni Nico ang pagkakataon upang maging magkalapit uli sila ng dalaga, dahil kapag takot si Yna ay dumidikit ito sa kanya..at dahil dun nabibigyan ng kasiyahan ang puso ng binata.
.
Veron ; kapag nakikita mo sila huwag mong katakutan, dahil mababait sila..o siya sige magbanlaw na kayo at akoy ipagpapatuloy ko na ang aking pagluluto..
Nico : sige Sweetheart sabay na tayong maligo.
Yna : ay grabe siya oh..
Nico : biro lang, ikaw naman masyadong seryoso.,sige umakyat ka na at dito na ako sa baba maliligo.
.
At umakyat na nga si Yna sa taas, at pagtalikod ni Yna kay Nico ay di niya mapigil ang mga ngiti niya sa kanyang labi, inuulit ulit niya sa isipan ang katagang sweetheart na itinawag sa kanya ni Nico, kung tutuusin naman kasi ay sa kanya nagsimula ang katagang sweetheart.at nga makaakyat ay nagtungo na nga siya sa may banyo at ..at ng makatapos na maligo ay unti unti siyang pumasok sa kwarto at baka daw naroon na si Nico, ng tuluyan ng makapasok sa kwarto ay wala naman doon si Nico, at samantalang si Nico ay kakalabas niya lang noon ng kwarto hindi sila nag-abot ni Yna sa kwarto, dahil sandali lang naman na nakaligo si Nico, at mabilis din siyang nakabihis, at pagkabihis ni Nico ay bumababa na din agad siya upang tulungan si manang Veron sa pagluluto, at dahil sa matagal sa paliligo si Yna ay di sila nag-abot sa kwarto ni Nico..at nang makapag-ayos na si Yna ng kanyang sarili ay bumaba na din siya para isampay sa sampayan ang basa niyang damit, at nagkasalubong pa sila ni Nico sa pinto ng kusina.
.
Nico : hi sweetheart!!
.
Hindi pinansin ni Yna si Nico, nagmadali siyang nagpunta sa labas upang isampay ang kanyang mga damit, at dahil sa biro ni Nico ay di niya maiwasang hindi mapangiti at kiligin dahil sa kanyang emosyon na dikta ng kanyang puso…at ang hindi niya alam na nakasunod pala sa kanya si Nico..
.
Nico : galit yata ang aking sweetheart ah.
.
Nagulat si Yna ng magsalita sa likuran niya si Nico.
.
.
Yna : ay, sweerheart!!!(gulat niyang sabi) ano ka ba, lagi mo akong ginugulat.
Nico : bakit kasi lagi kang nagugulat, dapat masanay ka na, na lagi akong nasa tabi mo.
.
Tuwang tuwa ang puso ni Yna sa mga naririnig niya kay Nico, pero may kahalobg lungkot din dahil daw huli na at may boyfriend na siya, pero ang sabi ng puso niya, ay wala na roon si Poli, at ganun din ang kabilang banda ng isip niya, na ang idinidikta ng puso at isip niya ay si Nico na, naiiling nalang si yna sa isip niya.
.
Yna : akyat muna ako, mukhang sumakit ang ulo ko.
Nico : sige pahinga ka muna..tawagin na lang kita pag maghahapunan na tayo..
.
At umakyat na nga si Yna sa taas, pumunta siya sa pinaka rooftop, dahil parang gusto niyang lumanghap ng maraming hangin dahil parang kakapusin siya ng hangin dahil sa nararamdaman ng puso niya para kay Nico, sigurado na siya na umiibig siya kay Nico, nagiguilty tuloy siya, dahil mukhang napunta na kay Nico ang puso niya, mukhang napalitan na si Poli ng puso niya, kahit na pilit niyang pinipigilan ang puso niya na mahalin si Nico, pero nagsusumiksik naman na ito..at ng makarating siya sa may rooftop ay nakaramdam siya ng konting ginhawa sa dibdib niya, tinatanaw niya ang buong paligid ng buong bahay, at haggang sa natanawan niya sa gawing ibaba si Nico na bakikipaglaro sa mga bata, kaya malaya na naman niyang napagmasdan ang binata, sabi niya sa sarili kung bakit ba ngayon lang niya nakilala ang binata, bakit daw ba kung kelan kasi na meron na siyang boyfriend ay saka niya nakita at nailala si nico…bumuntong hininga na lang si Yna dahil nagkakagulo na ang puso at isip niya, hindi na daw tama yong ginagawa ng puso niya, pinahihirapan na siya ng puso at isip niya..iniisip niya kung ano daw kaya ang gagawin niya..dahil gulong gulo na talaga ang pusot isip niya.
.
Yna : ano ba Yna, normal ka pa ba? Hindi ka na yata normal, baliw ka na!!(sabi sa sarili.)
.
Nahihirapan na si Yna na pigilan ang nararamdaman niya kay Nico..sa kabilang banda ng isip niya ay parang gusto na niyang maging malaya…at tanong pa niya sa sarili niya, na kung saan ba niya gustong maging malaya, kay poli ba, o sa pag-ibig niya kay Nico..parang pakiramdam niya tuloy ay nagkakabuhol buhol na ang utak niya..ayaw niyang lokohin si Poli, kailangan niyang maging tapat dito, kaya sa isip niya ay kapag nagkita sila ni Poli, ay kailangan niyang maging tapat dito..dahil gusto niyang maging malaya ang puso at isip niya, dahil mahirap naman daw kung ipagpapatuloy pa niya ang pag-ibig niya kay poli kung ang laman ng puso niya ay si Nico..pero sa kabilang banda naman ng isip niya ay tama ba yong gagawin niya, hihiwalayan niya si poli para lang kay Nico…ang sagot naman ng kabilang banda ng isip niya, na hindi naman siya aasa na mamahalin siya ni Nico, at syempre hindi naman siya magtatapat kay Nico na mahal niya ito, na ang gusto lang niyang mangyare ay gusto niyang maging patas kay Poli..nakaramdam tuloy siya ng sakit ng ulo dahil nagdedebate ang mga kaisipan niya.
.
Yna : (sa isip….)..oh Nico bakit napakadaling nahulog ng puso ko sayo, bakit ang dali dali mong mahalin, parang hindi ko na kaya na magkalayo tayo..
.
At sa pagmumuni-muni niya ay di niya napansin si Manang veron na naroon din sa rooftop..
.
Veron : alam mo ba, swerte ka kay kulas, napakabait na bata niyan.
Yna : manang veron, nandiyan po pala kayo.
Veron : oo, mukhang malalim yong iniisip mo, eh nandiyan lang naman siya!
Yna : ah hindi po, pinanunuod ko lang po yong mga batang naglalaro.
Veron : masaya talaga sila kapag nandito si kulas, malapit kasi si Nico sa mga bata, kasi palibhasa nag-iisang anak lang siya ni Conching, ang pangarap daw ni Kulas ay madaming kapatid, pero hindi naman natupad iyon dahil hindi na pwedeng magbuntis si Conching, kaya nong nandito nagtrabaho si Conching ay itinuring ni Kulas na mga kapatid ang mga napupuntang bata dito..kaya nang maging malapit si kulas kay Camille at ng mapagpasyahan ni conhing na ampunin ito, ay natuwa naman si Nico.
.
Nakikinig lang si Yna sa mga kwento ni Manang Veron.
.
Veron : buti nga naisipan naniyang mag-girlfriend eh..sabi kasi nun saka siya mag-gigirlfriend kapag may maipagmamalaki na siya sa kanyang sarili.
Yna : ibig sabihin po di pa siya nagkakaroon ng girlfriend?
Veron : oo, ikaw pa lang ang una.
.
Nasamid si Yna sa sinabi ni manang veron.
.
Veron : oh may nakaalala siguro sayo kaya ka nasamid..ikaw pa lang ang unang girlfriend ni kulas, sabi nga niya nun, na basta nagkanobya siya eh ipupunta niya rito. Kaya ng makita namin na kasama ka niya, ay natuwa naman kami ni Mother Fely.
.
Ngiti lang ang tugon ni Yna sa mga sinabi ni Manang veron.


/> .
Veron : sobrang bait ng bata na yan, mapagmahal pang anak, masipag, maaalalahanin, matulungin, at isa pa eh kagwapong bata..sabi ko nga sa kanya ay mag-artista na lang siya dahil bagay ang kagwapuhan niya sa pag-aartista.
.
Sa isip ni Yna, talagang mapalad ang babae na magiging girlfriend o asawa ni Nico, nahiling pa niya na sana siya daw sana ang babae na yun..
.
Yna : ano ka ba Yna, huwag kang umasa!(sabi sa isip)
Veron : halika na doon sa baba at maghahapunan na tayo.
Yna : sige manang veron.
.
At sabay na ngang bumaba sina manang veron at yna..at ng makarating na sila sa kusina ay tinulungan ni Yna na maghain si Manang Veron at naroon na din si Mother Fely.
.
Mother Fely : kakain na pala tayo?
Veron : opo mother Fely, dumating na po pala kayo.
Mother Fely : oo nagtuloy lang ako sa opisina..tulungan ko na kayong maghain..
.
At nagtulong nga ang mga babae sa pag-aayos ng hapagkainan..at ng matapos silang maghain ay inutusan ni Mother Fely si Yna na tawagin ang mga bata at si Nico.
.
Mother Fely : yna, pakitawag mo na sila kulas at ang mga bata.
Yna : opo.
.
At nagpunta nga siya sa may labas upang tawagin sila Nico at ang mga bata, nakaramdam siya ng kaba, dahil baka daw siya tawagin na naman ng sweetheart ni Nico, panigurado siyang pamumulahan at kikiligin na siya, at baka ipagkanulo na siya ng kanyang mga ngiti ay mailabas niya ang nararamdamang kilig na panigurado niya na mahahalata ni Nico..kaya habang papalapit siya kila Nico ay pinakalma niya muna ang kanyang puso, dahil bumibilis ang tibok nito.
.
Yna : N-nico, kakain na daw sabi ni Mother Fely..
Nico : okay sweetheart,,(sabay kindat)
.
Ayun na nga ba ang sinasabi niya..tinawag na naman daw siya ng sweetheart ng binata, tumalikod na agad siya dahil parang gusto niyang magtatalon sa kilig..sinisi niya yong sarili niya, kung bakit kasi nang kaharap niya yong mga lalakeng mga tulusan, ay tinawag niya itong sweetheart siya daw ang may kasalanan dun, at habang papalayo sya kila Nico at sa mga bata, ay narinig pa niya ang sinabi ni Nico.
.
Nico : oh mga bata, kakain na daw tayo, sabi ng aking prinsesa.
Mga bata : kuya kulas, kwentuhan nio po uli kami mamaya tungkol sa Prinsipe at prinsesa ha.
Nico : ha, sige!!
.
At nagpuntahan na ang mga bata sa kusina nagsipag hugas muna sila ng kanilang mga kamay..at si Nico naman ay nahuling pumasok, dahil isinara niya munang mabuti ang gate..at ng maisarado na ang gate ay pumasok na din siya ng bahay, at isinara na din niya ang pintuan..at saka siya nagtuloy sa kusina upang maghugas din ng kamay, si Yna naman ay nakadulog na sa lamesa, at ganun din ang ibang mga bata, hinihintay na lang nila si Nico, at habang papalapit si Nico sa lamesa na inuukupahan ni Yna ay bumibilis ang tibok ng puso ni Yna, dahil magkalapit na naman sila ng binata dahil magkatabi sila sa upuan ni Nico..at nanalangin na sila at hanggang sa nagsimula na silang kumain, at ng makatapos na silang kumain ay nagprisinta na si Nico na maghugas ng pinagkainan, at si Yna naman para daw hindi siya mahalata ni Nico na naiilang siya, ay nagprisinta din si Yna na tulungan si Nico sa paghuhugas, si Manang veron at Mother Fely naman ay inasikaso na ang mga bata..at naiwan na nga sila Nico at Yna sa kusina upang hugasan ang mga plato, si Nico ang tagasabon ng plato at si Yna ang nagbabanlaw.
.
Nico : kumusta nga pala yong kamay mo?
Yna : okay na ito..hindi naman na masakit.
Nico : mamaya, lagyan mo uli ng ointment para hindi mamaga yong mga sugat.
Yna : oo mamaya..
Nico : pumangit na tuloy yong kamay mo..baka mamaya isumbong mo ako sa papa mo na pinahirapan kita..
Yna : bakit ko naman gagawin yun..kung sakaling sabihin ko man na ikaw ang may kagagawan nito. Di naman kaso yun, kasi di naman kayo magkikita ng papa ko..
Nico : naku wag mong sabihin na ako ang may kagagawan niyan, kasi balak ko sanang kausapin ang papa mo.
Yna : bakit naman gusto mo siyang kausapin?
Nico : balak ko kasing mag-apply..
Yna : mag-apply na ano?
Nico : mag-apply bilang manugang niya.
.
Biglang nabitawan ni Yna ang platong binabanlawan niya, dahil sa narinig niya na sinabi ni Nico..bumilis ang tibok ng puso niya parang nag-huhumiyaw at nagtatatalon sa tuwa.
.
Nico : oh okay ka lang, joke ko lang naman yun, ikaw naman di ka na mabiro..
Yna : naku hindi okay lang, madulas kasi yong plato kaya nabitawan ko, mabuti na lang at hindi nabasag.
.
Nangingiti si Nico sa isip niya dahil kita niya ang naging reaksiyon ni yna..na nabigla ito sa sinabi niya..at ng matapos na silang maghugas ay magkatulong pa din silang nagpupunas ng basang plato..at pagkatapos nila, ay umakyat na si Yna sa taas, si Nico naman ay naiwan pa sa ibaba, dahil nagsara pa siya ng mga pinto..at si Yna naman ay kinuha niya ang sipilyo at nagpunta siya sa banyo upang magsipilyo..at ng makatapos magsipilyo ay lumabas na siya ng banyo..at paglabas niya ay nakita niyang nakatalungko sa may pasilyo si Gino.
.
Yna : Gino, bakit mag-isa ka diyan?
.
Hindi kumibo si Gino at mukhang malungkot na naman ito, at hindi man labg tinapunan ng pansin si Yna.. ang duda ni Yna ay mukhang nakakaiyak na naman si Gino, at baka naaalala na naman niya ang nanay nito.
.
Yna : gusto mo kwentuhan tayo, gino?
.
Napatingin na si Gino kay Yna na mukhang gusto ni Gino ang alok ni Yna..
.
Gino ; kukwentuhan nio po ako?
Yna : oo, kung gusto mo.
Gino : opo ate Yna, gusto ko po..
Yna : sige halika sa kwarto.
.
At sumama nga si Gino kay Yna sa kwarto nila ni Nico..at ng makapasok sila sa kwarto ay naupo si Gino sa isang kama roon.
.
Gino : ate Yna saan po kayo natutulog na kama?
Yna : doon sa may dulo sa malapit sa pinto..
Gino : si kuya Kulas po san natutulog?
Yna : jan sa kamang pinag-uupuan mo..
Gino : hindi po kayo tabi?
Yna : hindi ah, magkahiwalay kami ng tulugan..
Gino : diba po ang mag-asawa ay magkatabi sa pagtulog.
.
Nasamid si Yna sa sinabi ni Gino.
.
Yna : oo, pero hindi naman kami mag-asawa ni kuya kulas, magkaibigan lang kami.
Gino : a ganun po ba..akala ko po mag-asawa na po kayo ni Kuya kulas..
Yna : hindi.
.
Naupo na din si Yna sa tabi ni Gino.
.
Yna : alam mo ba gino. parehas tayo na wala na din ang mama ko..iniwan na din niya ako.
Gino : talaga po ate!
Yna : oo.
Gino : hindi po ba kayo umiyak?
Yna : umiyak din..syempre nalungkot ako..
Gino ; bakit po namatay ang mama nio?
Yna : kasi nga nagkasakit siya.
Gino : ganun din daw po yong nanay ko..nalulungkot po ako kasi namimis ko na po siya.
Yna : nakakalungkot talaga, ako din nun, sobrang nalulungkot..kaya nga iyak ako ng iyak din nun, kahit nga nitong malaki na ako hindi pa din nagbago..pero mali pala yun..hindi pala dapat makulong sa kalungkutan ang isang tao na iniwanan na ng mahal sa buhay, dapat pala gawin na lang iyong inspirasyon..dapat pala isipin natin na kahit wala na yong mga nanay natin, eh isipin natin na nandiyan lang sila sa tabi natin at binabantayan at ginagabayan tayo.
.
Nakikinig lang si Gino sa mga sinasabi ni Yna, na mukhang nauunawaan naman ni Gino ang ibig sabihin ni Yna, at ang hindi alam ni Yna ay naroon na si Nico at nakikinig din sa usapan nila ni Gino.
.
Nico : mukhang seryoso yong pinag-uusapan niyong dalawa ah..
Yna : hindi naman masyado..
Nico : pwede ba akong sumali sa usapan nio?
Yna : pwede daw ba siyang sumali gino?
Gino : opo naman kuya kulas.
.
Naupo din sa tabi nila si Nico.
.
Nico : kaya Gino tatandaan mo yong mga sinasabi sayo ni ate Yna mo..dahil ikabubuti mo yun.
Gino : opo kuya kulas.
Nico : bawasan mo na yong pagiging malungkutin mo..huwag ka na din laging umiiyak.
Gino : susubukan ko pong hindi malungkot at hindi umiyak..iniisip ko po kasi kung magkakaroon din po kaya ng aampun sakin..na ituturing po akong tunay nilang anak.
Nico : magkakaroon ka din hintayin mo lang huwag kang mainip..
Gino : gusto ko po kasing maranasan uli na magkaroon ako ng nanay uli, at tatay, yong makakatabi ko po sa pagtulog, at may magtatapik at maghehele sakin.kaya po sa darating uling birthday ko, hihilingin ko po uli na magkaroon na ako uli ng mga bagong magulang.
Yna : basta pray ka lang gino, dadating at dating din yong araw na magkakaroon ka uli ng mga bagong magulang.
Nico : oo nga, mararanasan mo din uli na magkaroon ng nanay at tatay.
Gino : alam mo po kuya kulas, ang gusto kong maging tatay ay yong katulad mo po na mabait..at saka po katulad din po ni ate Yna ang gusto kong maging nanay, kasi ang bait nio po, at saka maganda pa po kayo..ang saya po siguro ko kapag nangyare na yong mga pangarap ko..kaso mukhang matagal pang mangyayare yun..
.
Lumungkot na naman ang mukha ni Gino.
.
Nico : oh ayan malungkot ka na naman, hintay ka lang Gino dadating din yong araw na magkakaroon ka na uli ng mga magulang.
.
Matagal pa silang nag-uusap na tatlo, humanga sina Yna at Nico kay Gino dahil parang matanda na itong mag-isip..pero nakaramdam din sila ng awa sa bata, lalo na si Yna dahil sa parehas sila ni Gino na ulila sa magulang na babae, ang pinagkaiba nga lang nila ay hindi siya pinabayaan ng papa niya, pero ang tatay ni Gino ay pinabayaan ito.
.
Gino : ate Yna, kuya kulas, pwede po bang makitabi po muna sa inyo.
Nico : oo naman.
Gino : talaga po.
Nico : oo, diba ate Yna..
Yna : diba, magkakatabi na tayo..
Gino : opo, pero gusto ko pong matulog sa tabi nio po ni kuya kulas..
Yna : H-ha, eh—
Nico : sige na ate Yna pagbigyan na natin si Gino.
Yna : paano naman tayong magkakasya sa kama, eh pang single lang naman ito..
Nico : wala namang problema diyan, di pagdikitin nating yong kama.
Yna : s-sige.
Gino : yehey!!
.
Tuwang tuwa naman si Gino ng pumayag si Yna, napagdikit ng. Nila ang dalawang kama, ang problema ni Yna ay medyo maliit sa kanilang tatlo ang dalawang kama, hindi naman na nila pwedeng idikit pa abg ibang kama, dahil hindi na ito kasukat ng dalawang kama na magkadikit, may kataasan ang ibang kama, hindi kapantay ng kamang ipinagdikit nila..kaya dalawa lang talaga ang mahihigaan nila..kinuha ni Yna ang unan na ginagamit niya, at inilagay na niya sa kama na pagtutulugan nilang tatlo..at hanggang sa nakapwesto na ng higa si Gino sa gitna ng kama, at si Nico naman ay nagtungo muna sa banyo upang mag-sipilyo, si Yna naman ay pumwesto na din sa kama ng higa.
.
Gino : ate Yna, salamat po ah, kasi po pumayag ka na tumabi po ako sa inyo, pakiramdam ko po parang katabi ko na din po ang nanay ko..
.
Nakaramdam naman ng awa si Yna kay Gino, dahil talagang sabik ito sa magulang na babae..kaya sa isip ni Yna na talagang maswerte siya dahil kahit wala na yong mama niya ay meron pa din siyang papa na nagmamahal sa kanya, at ginagampanan ng papa niya ang papel ng mama niya..at hindi nagtagal ay pumasok na si Nico sa kwarto nakatapos na itong magsipilyo..
.
Nico : aba, ready na silang matulog.
Gino : hindi pa po kami matutulog.
Yna : oo nga. Hinihintay ka kasi namin.
Nico : ganun. Bakit nio naman ako hinihintay?
Gino : kasi po kuya kulas, magpapakwento kami sayo ng story..
Nico : ganun ba.wala na akong alam na kwento eh.
Gino : e di yong tungkol po sa prinsipe at prinsesa..
Nico : naku, huwag na yun iba na lang..
Gino : sige po, kahit po ano..
.
At hanggang sa tumabi na nga din si Nico sa dalawa, nakapagitna si Gino sa dalawa,
.
Nico : ano kaya yong ikukwento ko, parang wala akong maisip ah..patulong naman ako ate Yna.
.
Natuwa naman si Yna dahil hindi siya tinawag na sweetheart ni Nico, pinagpasalamat niya iyong pagtawag ni nico sa kanyang ate Yna hindi siya nailang dito, at hindi siya nahiya, kaya ang puso niya ngayon ay kumikilos ng normal.
.
Yna : sige. Ako na lang ang magkukwento.
.
At inumpisahan na nga ni Yna na magkwento..hanggang sa nakatapos na siyang magkwento ay hindi pa din nakakatulog si Gino..at hanggang sa si Humirit muli si Gino, na humiling pa ng isang kwento, pero si Nico na ang nagkwento..at inumpisahan na nga ding magkwento si Nico..at hanggang sa hindi nagtagal ay si Yna ay nakaramdam na ito ng antok, dahil na din sa pagod nito sa maghapon, napagod siya sa pagtulong kay Nico sa paglalaba. At ang isa pa ay ang pagpunta nila sa ilog, ang paliligo nila at higit sa lahat, ay ang mabilis niyang paglalakad sa bundok pabalik ng bahay ampunan dahil sa natakot siya sa mga lalake na inakala niyang mga tulisan, kaya hindi na niya napigilan ang antok..nakatulog na siya, pero si Gino ay hindi pa ito tulog, dahil hindi pa natatapos ang ikinukwento ni Nico.hanggang sa napadako ang tingin ni Nico sa magandang mukha ni Yna at nahita niyang nakapikit na ito at natutulog na.
.
Nico : nakatulog na si Ate Yna mo gino, huwag na tayong maingay kasi napagod si Ate Yna..
Gino : sige po kuya kulas, matulog na din tayo.
Nico : buti pa nga.
.
At lumipas ang mga minuto, at mag-iisang oras na ay hindi pa nakakatulog si Gino, hindi siya makatulog, pero si Nico sa mga sandaling iyon ay tulog na tulog na, at ganun din si Yna..si Gino hindi makatulog dahil parang naaalinsanganan siya, at isa pa, noon lang siya matutulog ng may katabi, parang hindi siya sanay matulog ng may katabi..kaya ng nakaramdam na ng bagot si Gino dahil hindi niya makuha ang antok, at dahan dahan siyang umalis ng kama, at lumipat na siya sa kwarto niyang pinagtutulugan na kung saan ay tulog na tulog na din ang mga kasama niyang mga bata..at nadatnan niya si Mother Fely sa loob ng kwarto na iyon.
.
Mother Fely : Gino saan ka ba galing anak..akala ko natutulog ka na..
Gino : galing po ako sa kwarto nila kuya kulas at ate Yna.
Mother Fely : sige matulog kana, huwag mong kalimutang magdasal bago matulog.
Gino : opo.
.
At lumabas na si Mother Fely..at ng matapos magdasal si Gino ay nakatulog na din ito..at samantalang si Yna at Nico ay napasarap ang tulog nila, dahil na din sa pagod nila sa nagdaang maghapon..at lumipas ang mga oras at madaling araw na noon ay wala pang nakakaalam sa kanila na sila na pala ang magkatabi, dahil umalis na nga si Gino sa pagitan nila, at hindi na naman nila namamalayan na magkatabi na naman sila at magkayakap pa..hanggang sa nagkaroon na naman si Yna ng masamang panaginip, na meron na naman daw humahabol sa kanya, pero kasama niya aa panaginip niya si Nico, tumatakas daw sila sa mga taong gustong pumatay sa kanila, at hanggang sa pagtakas nila ay bigla na lang daw naglaho si Nico at iyak ng iyak si Yna sa panaginip niya, at sigaw siya ng sigaw sa panaginip niya , hinahanap niya si Nico..at hanggang sa nagising si Nico dahil umuungol si Yna, nagulat pa si Nico ng mapansin niyang nakayakap siya kay Yna, pero ginising niya agad si Yna..ng magising si Yna ay namulatan niya si Nico, at dahil sa hindi pa gising ang diwa niya, ay napayakap siya kay Nico dahil natuwa siya at nakita niya din si Nico, na akala niya ay nananaginip pa siya, dahil nahanap din niya si Nico, umiiyak siya sa tuwa dahil magkasama na uli sila ni Nico, si Nico naman, ay hinihimas niya ang likod ni Yna dahil umiiyak ito, sa isip ni Nico ay kaya umiiyak si Yna ay dahil sa panaginip, dahil daw baka nanaginip na naman ito ng masama at nakakatakot.
.
Yna : (umiiyak) Nico, natatakot ako.
Nico : tahan na, huwag kang matakot, panaginip lang yun, hindi yun totoo.
.
At sa pagkakasabi ni Nico na nananaginip lang siya, ay nagising na nga ang diwa niya, at napabalikwas siya ng napag-alaman niya na nakayakap nga pala siya kay Nico..at kinapa niya ang pisngi niya na puro luha, at naalala niya ang panaginip niya, na hanggang ngayon ay nakakaramdam siya ng takot, kaya umupo siya at sumandal sa headboard ng kama, at naipagpatuloy niya ang pag-iyak, dahil bakit daw nakakapanaginip siya ng masasama. Ano daw ba kaya ang ibig sabihin ng panaginip niyang iyon, at si Nico naman ay nag-alala kay Yna dahil umiiyak pa ito, naupo din si Nico sa tabi ni Yna at sumandal din siya sa headboard..
.
Nico : tahan na, huwag ka ng umiyak..
Yna : masama kasi yong naging panaginip ko, nakakatakot..(umiiyak niya pa ring sabi)
Nico : panaginip lang yun, at saka wala kang dapat ikatakot basta kasama mo ako, walang makakapanakit sayo.
.
Lalong umiyak si Yna sa sinabi ni Nico.
.
Nico : tahan na…
.
Kinabig ni Nico si Yna at niyakap niya ito dahil sa pag-aalala sa dalaga, hindi niya alam kung paano niya patatahanin si Yna sa pag-iyak..tinatanong niya sa sarili kung may masama ba siyang sinabi at lalong humagulgul sa pag-iyak si Yna..kaya wala siyang maisip gawin kundi yakapin ang dalagang umiiyak, at hindi naman inaasahan ni Nico na tutugunin ni Yna ang sakap niya ng dalaga, ikinasiya ng puso ni Nico ang pagganti ng yakap ni Yna..umiiyak si Yna dahil sa maligayang maligaya ang puso niya dahil sa mga sinabi ni Nico, luha ng kaligayahan ang dumadaloy sa mga pisnge ni Yna, dahil sa nawala ang lahat ng takot niya dahil nandiyan si Nico sa tabi niya..na nandiyan si Nico na nagpapahalaga at mag-iingat sa kanya, na kahit ano mang kapahamakang dumating sa buhay niya ay nariyan lang ang binata para sa kanya..kaya naman sa isip ni Nico ay hindi galit sa kanya si Yna, na walang ikinagalit si Yna sa mga nasabi niya, dahil ayun sila ngayon at magkayakap…at hanggang sa natapos na ang pag-iyak ng dalaga, payapa na din ang kalooban niya, kumalas na siya sa pagkakayakap kay Nico.
.
Yna : Nico salamat ha, at saka pasensiya ka na at naabala kita sa pagtulog mo
Nico : ano ka ba wala yun..sige mahiga ka na uli, para makatulog ka ka na din uli.
.
At sinunod naman niya ang sinabi ni Nico, nahiga na uli siya pero hindi na siya lumipat ng higaan, parang ayaw na niyang malayo kay Nico, parang gusto niya nasa malapit lang sa kanya si Nico..natuwa naman si Nico dahil sinunod ni Yna ang sinabi niya, at natuwa din si Nico dahil hindi na lumipat ng higaan si Yna, bagkus nanatili si Yna sa kanyang pwesto, at ng makahiga na si Yna ay kinumutan naman ni Nico si Yna..at nahiga na din si Nico sa tabi ni Yna, pero pinag-iingatan ni Nico na hindi madikit sa dalaga, dahil ayaw naman daw isipin ni Yna na sinasamantala niya ang pagkakataon..at hanggang sa nakatulog na nga uli si Yna, at ganun din si Nico.
.
Itutuloy..
Maraming salamat po sa mga hindi bumibitiw sa kwento nila nico at Yna, sana po patuloy kayong sumubaybay sa kwento..salamat po,






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. ang ganda po ..inaabangan kopo lagi ito ..sana po may next na kaagad 🙏 ..

  2. Rosemary Secuya Secuya

    yes po masaya akong binabasa ..sana po matapos ito hanggang end

Leave a Reply


top