Aking Prinsesa Chapter 3


Aking Prinsesa❣️
Chapter 3
.
kasalukuyang nag-iigib si Nico ng pampaligo ni Yna, at nilapitan ni Esang si Yna.
.
Esang : ate Princess nakahanda na po yong kwarto po ninyo ni kuya kulas na tutulugan.
Yna : h-ha??
Esang : maayos na po yong kwarto ninyong tutulugan ni Kuya Kulas.(pag uulit niya)
Yna : OMG!!!(sa isip)…O-oo s-sige, salamat Esang.
Esang : opo, sige po pasok na po kayo para maiayos na po ninyo yong mga gamit po ninyo.
Yna : s-sige Esang susunod na ako, salamat!
.
pumasok na si Esang sa loob ng bahay, naiwan si Yna na nakatulala sa may duyan, sa isip niya, ayun na, ilang sandali na lang at aangkinin na siya ni Nico, matutulog siya sa isang kwarto at sa isang kama na katabi si Nico..ah, nagpapanic ang isip niya, pero ang puso nia ay parang masaya pa ito..kinapa pa niya ang sariling katawan, handa ba siya sa mangyayari sa kanila ni Nico..at sa pag-iisip niya ay hindi namamalayan ni Yna na nasa malapit na sa kanya si Nico at nakatingin sa kanya.
.
Nico : ehem..aking Prinsesa, nakahanda na po ang paligo ninyo, maaari na po kayong pumunta ng banyo.
Yna : h-ha??
Nico : maligo ka na po prinsesa ko, para maging mabango.
.
Bumilis ang tibok ng puso ni Yna, hindi niya alam ang gagawin, natataranta siya, ngunit di siya nagpahalata.
.
Yna : hoy, para sabihin ko sayo, mabango na ako, at hindi ako mabaho.
Nico : wala naman akong sinasabi na mabaho ka, ang sabi ko para mas lalo ka pang bumango.
Yna : hay ewan ko sayo, bahala ka na nga diyan!
.
Mabilis na umalis si Yna sa duyan at pumasok na din siya sa bahay, nagmamadali siyang lumayo kay Nico, dahil sobra na siyang kinakabahan, at pagkapasok niya ng bahay. Ay itinuro ni Esang ang kwarto na tutulugan nila.
.
Esang : ate Princess dito po kayo sa kwartong itong.
Yna : ah okay esang.
.
Kinuha na ni Yna ang mga gamit niya na pinamili nila ni Nico at ipinasok sa kwarto, at hindi nagtagal ay pumasok din si Nico sa kwarto, nabunggo pa niya ito, nagulat pa si Yna ng makita niyang nakatanggal na ang pang itaas na damit nito, at kahit may kadiliman, dahil sulo lang ang kanilang ilaw, dahil walang linya ng kuryente sa lugar ng mag-ama, dahil medyo malayo sa kabihasnan ang bahay ng mag ama..madalang ang mga bahay kaya hindi pa umaabot ang linya ng kuryente doon sa lugar na iyon. At kahit madilim ay banaag niya na ang magandang pangangatawan nito..at dahil doon ay bumilis ang tibok ng puso ni Yna..pero pilit niyang pinapakalma ang sarili.
.
Nico : ilalagay ko lang yong gamit ko dito ha.
Yna : sige.
.
Hindi nagtagal sa loob ng kwarto si Nico, lumabas din agad ang binata..at si Yna naman ay, naglabas na siya ng susuotin niya, at hanggang sa naiinis siya sa sarili dahil sa sobrang katangahan daw niya, kung ano ano yong pinagkukuha niyang binili na gamit sa mukha at gamit sa katawan, kung ano anong pabango, pero sipilyo pala ay wala siyang nakuha,.at kahit na mouthwash ay hindi din siya nakakuha.
.
Yna : ay ang tanga tanga ko naman, ano ba yan, kung ano yong pinaka-importante siya pa ang wala..shit, shit, shit..
.
Narinig ni Nico ang pag-aaburido niya, kaya agad na nagpunta si Nico sa loob ng kwarto.
.
Nico : okay ka lang ba..ano ba ang problema mo??
Yna : pano ang tanga ko naman kasi, nakalimutan kong kumuha ng toothbrush ayan tuloy wala akong gagamitin na toothbrush.
Nico : ay ganun ba..problema nga yun..sandali at magtatanong ako kay Esang kung meron silang extrang toothbrush, hihingin ko na lang.
.
At nagtanong nga si Nico kay Esang, narinig ni Yna na sinabi ni Esang na Meron.
.
Esang : meron po kuya kulas, nasa may banyo po, pang brush ng kuko.
Nico : ha? Pang-brush ng kuko?(napakamot sa ulo)
Esang : opo.
.
Napangiwi pa si Yna ng marinig niya na pang-brush pala sa kuko yong sinasabi ni Esang.
.
Nico : wala bang bago, yong hindi pa gamit, kasi nakalimutan ni ate Princess mo ang toothbrush niya eh.
Esang : wala po kuya kulas.
Nico : yun lang, Kaulyanin naman kasi ni Ate Princess mo..wala tuloy siyang gagamitin.
Esang : e di yong tootbrush mo na po kuya kulas ang gamitin ni ate Princess ah.
Nico : sabagay pwede din!!
.
Napa-awang ang bunganga ni Yna ng marinig niya ang usapan nila Esang at Nico…siya gagamitin ang toothbrush ni Nico!!
.
Yna : no way! Ayoko!!!
.
At sa isip na din niya ay pwede na din siguro, dahil daw syempre hindi naman daw maiiwasan na halikan siya ni Nico kapag kinuha na ang kapalit ng pagliligtas nito sa kanya, At hanggang sa pumasok uli si Nico sa kwarto upang sabihin sa kanya na wala siyang magagamit na toothbrush.
,
Nico : paano ba yan, wala daw silang extrang bagong sipilyo..pero kung gusto mo gamitin mo yong tootbrush ko!!
Yna : Ano????(pakunwaring nabigla)
Nico : kung gusto mo lang naman, at saka wala naman akong sakit, wala din akong badbreath, wala akong cavitiy at tartar ang ipin ko kahit amuyin mo yong hininga ko.(sabay lapit ng mukha niya sa mukha ni Yna)
.
At sa ginawa ni Nico ay nataranta na naman ang puso ni Yna,
.
Yna : hindi na!! Grabe ka ha!
.
naamoy ni Yna ang mabangong hininga ni Nico, kahit hindi pa ito nag-sisipilyo ay mabango pa din, at isa pa sa napansin ni Yna na hindi ito nagsisigarilyo.
.
.
Nico : kung ayaw mo naman ikaw ang bahala, hayaan mo ng kumapal ang dumi sa ipin mo..
Yna : ay grabe, baka naman luma na yong toothbrush mo?
Nico : hindi ah, kabibili ko lang nong isang linggo yun…ano gusto mo bang gamitin yong sipilyo ko?
Yna : eeww..
Nico : hay, grabe siya oy!! Kung ayaw mo, okay lang naman, hindi naman ako ang magkakaroon ng badbreath ikaw naman..
Yna : s-sige p-pahiram ako..no choice ako diba!!
.
.
At sipilyo nga ni Nico ang ginamit ni Yna, nasa loob na siya ng banyo.madilim na nang mga sandaling iyon, may ilaw na sulo sa loob ng banyo, sa isip niya ay maganda naman ang sipilyo ni Nico, at mukhang bago pa nga, at pansin niya na mamahalin pa ang tootbrush ng binata.. kaya bago niya ipasok sa bunganga niya ang tootbrush ni Nico ay tinititigan muna niya ito, para na din siyang nakipaghalikan kay Nico kapag ginamit niya iyon..at hanggang sa pikit mata niyang ipinasok sa bunganga niya ang tootbrush ni Nico.,sa isip niya, bahala na, kesa naman nga mangapal ang dumi sa ipin niya at magkaroon pa siya ng bad breath..at nang matapos na siyang magsipilyo, ay nagbuhos na ng nagbuhos si Yna sobra naginhawahan ang katawan niya ng siya ay makapagbuhos, at nalibang siya sa pagbubuhos, halos maubos na ang tubig na nasa baldeng malake na inigiban ni Nico, kulang ang tubig niya, at narinig na naman ni Nico ulit ang kanyang pag-ka-aburido.
.
Nico : ano ang problema aking prinsesa?
Yna : naubos na yong tubig ko hindi pa ako tapos.
Nico : ganun ba.,sige ilabas mo yong timba, at mag-iigib ulit ako.
Yna : talaga?
Nico : oo aking prinsesa, basta ikaw nanginginig pa.
.
At inilabas nga ni Yna ang dalawang timbang malalaki, at inigiban ni Nico, at nang ma-igiban na ni Nico ang dalawang timba ay kumatok si Nico sa pinto ng banyo.
.
Nico : eto na po ang tubig ninyo aking prinsesa, ibukas ninyo ang pinto, at ipapasok ko ang timba na may tubig, baka kasi hindi mo kayang buhatin itong timba, may kabigatan.
Yna : Sige, pero huwag mo akong titingnan ah.
Nico : opo, aking Prinsesa.
.
Dahan dahang binuksan ni Yna ang pinto at nagkubli siya sa likod ng pinto upang hindi nga siya makita ni Nico, at ipinasok naman ni Nico ang malalaking timba, at sa di inaasahan biglang nakaramdam si Yna na may kung ano na tumalon sa paa niya, at nakita nga niya na isang malaking palaka na buruburungkol ang katawan, at malaki pa ito, ang tawag dito ay karag, sa takot ni Yna ay nagsisigaw siya at nagtatalon, at hanggang sa nagulat pa si Nico sa ginawa niya dahil napatalon siya kay Nico at agad naman siyang naagapan ni Nico at pasan na siya ng binata.nagtitili siya sa takot, hindi na niya alintana na siya ay walang damit, buti na lang at hindi niya lubusang tinanggal ang under wear niya.nanginginig sa takot si Yna kaya nagpapasan siya kay Nico dahil sa takot sa karag, at nang matauhan siya ay noon lang niya napansin na, yakap niya si Nico at pasan siya ng binata.
.
Yna : oh my goodness!
Nico : okay ka lang ba?
.
Biglang kumalas si Yna kay Nico at agad na bumaba ang dalaga at kinuha agad ang nakasampay na tuwalya sa sampayan at ibinalot niya sa katawan niya, at agad na lumabas ng banyo dahil takot na takot pa din siya, dahil naroon pa ang karag..at ang pagsigaw niya ay narinig ng mag-ama, kaya nagsipagpunta din doon ang mag-ama upang tingnan si Yna kung bakit nagsisigaw
.
Nico : Ano ba yong nakita mo?
Yna : may palakang malaki andun sa likod ng pinto..(nanginginig niyang sabi)
Nico : sus palaka lang pala. Di naman nangangagat yun eh.
Yna : eihh, nakakatakot ang itsura niya!!(natatakot na sabi)
Nico : nasaan ba?
Yna : nandiyan sa loob sa may likod ng pinto.
Temyong : akala ko kung ano na ang nangyare sayo Princess.
Yna : natakot po ako sa palaka.
Nico : sandali at titingnan ko nga.
.
At nakita nga ni Nico ang palaka at ito ay kinuha ni Nico, itinapon sa labas ng bahay, sa mga sandaling iyon ay takot pa din si Yna, kinikilabutan pa ito dahil parang ramdam pa din sa paa niya ang palaka.
.
Nico : sige maligo ka na, wala na yong palaka.
Yna : ayoko ng maligo, baka bumalik siya jan sa loob?
Nico : eh puro bula ka pa ah.. hindi na babalik yun, inihagis ko sa malayo.
Yna : sigurado ka ba?
Nico : oo.
.
Dahan dahang pumasok si Yna sa banyo, at ng makapasok ay sumilip muna siya sa kabuuan ng paligid ng banyo, at baka daw meron pa sa sahig.
,
Yna : samahan mo ako..(sabi kay Nico)
Nico : sige..(sabay pasok sa loob ng banyo)
Yna : sira ka ba, bakit ka pumasok dito?
Nico : diba sabi mo samahan kita, kaya eto na ako.
Yna : oo.,pero diyan ka lang sa labas.,wag mo akong iwanan, basta diyan ka lang muna sa labas.
Nico : ah ganun ba, sorry akala ko dito rin ako sa loob eh.
Yna : syempre hindi ah, ano ka sinuswerte.
Nico : sige bilisan mo ha..kasi baka nga bumalik.
Yna : Oh my God, babalik ba kaya yun?
Nico : baka!
.
Parang nagdadalawang isip si Yna, sa isip niya na baka pwedeng sa loob na si Nico, dahil maya maya lang naman maaangkin na siya ni nicondahil nga daw sa kabaharan niya sa binata,
.
Nico : sige na maligo ka na, dito lang ako sa labas, babantayan ko kung may papasok na palaka sa pinto,
.
sinara na agad ni Yna ang pinto ng banyo at agad na niyang ipinagpatuloy ang paliligo, iwinaksi na lang niya ang iniisip niya yong mangyayari sa kanila ni Nico, hindi na niya ipinagpatuloy ang paghihilod ng katawan, nag-shampoo na agad siya, at nagbanlaw na, at ng makatapos ay hindi na siya nagtagal pa sa banyo, agad na siyang nagtapis ng tuwalya, at lumabas na agad siya, at pumunta na sa kwarto at agad na isinara and pinto ng kwarto upang makabagbihis, at lumipas ang mga minuto, nakapagbihis na si Yna, Hindi siya mapakali ng mga Sandaling iyon,dahil ang nasa isip niya ay ang mangyayari sa kanila ni Nico..sa isip niya na kailangan na niyang ihanda ang sarili para sa paniningil ni Nico sa kaniya, sa pagkakaligtas nito sa kaniya sa mga holdaper binuksan na ni Yna ang pinto dahil kumakatok si Esang.
.
Esang : ate princess eto po yong kumot at kulambo na gagamitin nio ni kuya kulas.
Yna : salamat esang.
Esang : may mga pako na po jan sa dingding na pagsasabitan po ng tali ng kulambo,
Yna : hindi na siguro ako magkukulambo esang.
Esang : naku ate malamok po ngayon..panahon po ng lamok dito ngayon, hindi po kayo makakatulog kapag hindi po kayo magkukulambo.
Yna : ah ganun ba, sige salamat.
Esang : walang anuman po.
.
Lumabas na si Esang, tiningnan ni Yna ang mga gamit na ibinigay ni Esang..napangiwi si Yna dahil iisang kumot lang yong ibinigay ni Esang, at isang kulambo lang din ang ibinigay sa kanila,
.
Yna : eto na yun Yna, kasalan mo to, matigas ang ulo mo, kaya heto ka na ngayon, ibibigay mo yong virginity mo sa taong di mo mahal..
Yna : oo pero, parang crush ko siya-
Yna : gaga!!
.
napabuntong hininga na lang siya, dahil sa isiping iyon, at ang pinaka-inaalala niya ay yong paniningil ni Nico sa kanya, kailangan na niyang maging handa, ang mahalaga daw ay buhay siya at may pagkakataon pa siya na makita pa niya ang papa niya..at sabi niya sa sarili niya na kailangang maging handa na siya pagpasok pa lang ni Nico, para mabayaran na niya kay Nico ang pagkakaligtas nito sa kanya, at ng sa ganun daw ay matapos na ang lahat at ng makabalik na siya sa bahay niya. At kapag nakabalik na siya ay kakausapin niya si Poli at makikipaghiwalay na siya, dahil hindi na daw siya karapat dapat kay Poli, dahil sa hindi na siya buo, dahil daw hindi na siya malinis, dahil madudungisan na ng iba ang kanyang dangal..At hindi nga nagtagal ay narinig na niyang kumatok si Nico, bumibilis ang tibok ng puso ni Yna.dahil sa isip niya ay ilang sandali na lang ang mawawala na ang pinaka-iingat- ingatan niya, pero pilit niyang pinapakalma at pinapatatag ang sarili..
.
Nico : pwedeng pumasok?
Yna : s-sige pumasok ka na.
.
Pumasok na nga si Nico sa loob ng kwarto, bagong ligo din ito, may kinuha si Nico sa kanyang bag.at ng makuha na ang bagay na kailangan ni Nico ay lumabas na din ito agad sa kwarto, naiwan si Yna na napabuga ng hangin, dahil akala niya ay simula na, pero lumabas ulit si Nico, samantalang si Nico ay nagpunta siya sa may labas at binuhay niya ang kanyang celpon, naghanap siya ng signal, pero bigo siyang makahanap ng signal, kaya nagpunta na lang siya sa may duyan, hindi pa din mawala sa isip ni Nico ang nangyari sa may banyo, ng yumakap si Yna sa kanya, dahil sa takot sa Palaka, parang ramdam pa niya ang katawan ni Yna at ang pagkakayakap sa kanya ng dalaga..may kakaiba talaga siyang nararamdaman para sa dalaga..at lumipas ang mga minuto sa pagduduyan ni Nico, hindi na kasi siya nakatiis sa mga lamok, dahil huminto na ang ihip ng hangin, kaya siya ay pumasok na din sa loob, at samantalang si Yna ay nagkakabit na nga ng kulambo dahil tama nga daw si Esang madaming lamok, at sa pagkakabit niya ng kulambo ay hindi niya maiwasang maaburido, dahil hindi niya alam kung paano ikabit ang kulambo, at sa pag-aayos niya ng kulambo, ay hindi niya namalayan na naroon na pala si Nico sa loob ng kwarto at narinig niyang natatawa ito..
.
Yna : Anong nakakatawa?
Nico : eh kasi naman mali yong pagkakabit mo ng kulambo, tingnan mo nga palipit.
Yna : alam mo naman palang palipit di mo pa ako tulungan!!
Nico : ako na ang magkakabit ng kulambo.
.
At pinaubaya nga ni Yna ang pagkakabit ng kulambo kay Nico, nakatingin lang si yna kay Nico, sa isip ni Yna eto na, talaga daw na ilang sandali na lang ay magaganap na ang alalahanin niya, nagsisimula na namang maging abnormal ang puso niya, parang may excitement talaga sa puso niya at pinagtataka niya bakit ganoon ang nararamdaman niya, hindi takot, kundi excitement, sabi sa sarili niya, hindi daw tama ang nararamdaman niya, dahil hindi naman niya boyfriend si Nico, kundi pagbabayaran niya lang ang pagliligtas nito..at hanggang sa natapos na sa pagkakabit ng kulambo si Nico..pumasok sa loob ng kulambo si Nico upang ayusin ang loob ng kulambo, isinuksok niya ang kulambo sa ilalim ng banig, at pinagmamasdan lang ni Yna ang ginagawa ni Nico.at nang matapos ay lumabas na si Nico sa kulamabo..
.
Nico : ayan. Okay na aking Prinsesa, maari ka ng mahiga.
.
Ngunit hindi pansin ni Yna ang sinabi ni Nico dahil lumilipad ang isip ni Yna, iniisip ni Yna kung paano ba ang gagawin niya kapag sinimulan na ni Nico ang pagsisingil nito. ano daw ba kaya ang magiging reaksiyon niya, ah nagsisimula na siyang kabahan..pero sa kabilang banda ng isip niya, kailangan kumilos siya ng normal, at kailangan huwag pahalata kay Nico na kinakabahan siya at kailangan walang emosyon ang makikita sa kanya si Nico at para na din daw matapos na ang lahat para palayain na siya ni Nico.
.
Yna : sige Nico nakahanda na ako, nakahanda na akong bayaran ang pagliligtas mo sakin sa mga holdaper, para matapos na ang lahat..(at sabay tinanggal ang kanyang damit..)
.
Nabigla naman si Nico sa ginawa ni Yna, para namang nahipnotismuhan si Nico dahil maliwanag naman ang ilaw na sulo upang makita ni Nico ang hubad na katawan ni Yna, at ng mahimasmasan si Nico ay kinuha niya ang kumot at itinakip sa katawan ni Yna.
.
Nico : anong ginagawa mo?(nagmadaling ibinalot ang kumot kay Yna)
Yna : ano pa, edi pagbabayaran ko yong paglilitas mo sakin, gawin mo na para matapos na ang lahat.
.
Mahina lang ang usapan nilang dalawa para hindi marinig ng mag-ama ang pag-uusap nila.
.
Nico ; God, Princess yan ba ang akala mo na hihingin kong kapalit, ang pagkababae mo?
Yna : ano pa nga ba, di ba ganyan naman kayong mga lalake—
Nico : Pwes hindi ako ganun!!(madiin niyang sabi)..kukuhanin ko lang ang pagkababae ng isang babae, kung mahal ako, at mahal ko din..hindi ko kukuhanin ang isang bagay kung hindi ko naman pag-aari..kaya magbihis ka na diyan, at mali ang iniisip mo..(sabay talikod)
.
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Yna, hindi niya alam kung ano ang gagawin niya ng mga sandaling iyon, hiyang hiya siya sa sarili niya, at higit sa lahat ay hiyang hiya siya kay Nico..sa isip niya, hindi pala masamang tao si Nico, marespeto pala si Nico, hindi niya tuloy napigilan ang luha, naiyak siya sa tuwa dahil akala niya, mapapariwara na ang buhay niya, naiiyak siya sa tuwa dahil, mabuting tao pala ang kasama niya ngayon, humanga tuloy si Yna sa katauhan ni Nico…kinuha niya uli ang kanyang damit, at isinuot uli..samantalang si Nico ay nagpunta sa labas dahil sa hindi pa din kumakalma ang kanyang puso..dahil parang umukit sa isip niya ang ginawa ni Yna, di niya talaga maiwasang humanga sa katawan ng dalaga, pero pinagalitan niya ang sarili niya, dahil hindi niya ugaling magsamantala ng tao..nahiga si Nico sa may duyan, napagpasyahan niyang doon na lang matulog sa duyan..
.
Yna : oh ano ba tong nagawa ko!(nag aalalang sabi)
.
gusto na lang umiyak ng umiyak ni Yna sa kahihiyan niyang ginawa, at gusto sana niyang maka-usap si Nico para humingi ng tawad, pero nakaramdam naman siya ng labis na hiya dito, paano ba siya haharap sa binata dahil sa ginawa niyang paghuhubad sa harap nito, napag-isipan niya ito ng masama, hinusgahan niya ang binata, na sa pag akala niya ay masamang tao ito, nagagalit tuloy siya sa sarili niya. gusto niyang ibuhos ang kanyang luha, una sa kasiyahan dahil hindi pala ganun kasing sama sa inaakala niya si Nico. Napagpasyahan niya na pumasok ng kulambo, at dahil na nga din sa dumadami na ang mga lamok sa mga oras na iyon, kinakagat siya ng lamok, tama nga si Esang madami ang lamok doon, hihintayin na lang niya si Nico na pumasok sa kwarto, ngayon panatag na si Yna dahil napatunayan na niya na hindi pala mapagsamantala si Nico, lalo tuloy siyang nakaramdam ng paghanga dito, at hanggang sa lumipas ang mga maraming minuto at hanggang sa umabot sa isang oras ay hindi pa din pumapasok si Nico, hindi din naman makatulog si Yna dahil hindi siya mapakali, sa loob ng kulambo dahil maalinsangan, nasa isip niya si Nico kung nasaan kaya ito, baka naman pinapapak na ito ng lamok, na-guilty tuloy siya, sa ginawa niya, siya tuloy ang nagmukhang masama..at hindi na nakatiis si Yna, lumabas siya ng kwarto upang hanapin kung saan si Nico, gusto niyang humingi ng tawad sa ginawa niya, dahil sa pinag-isipan ito ng mali..at ng lumabas nga siya ng bahay, ay nakita niya na nasa duyan si Nico, nakita niya ang liwanag ng celpon nito, kaya niya nalaman na nasa duyan ang binata, hindi muna siya nagbigay ng atensiyon, dahil tinatantiya pa niya ang binata kung may tampo ito, kita ni Yna ang pagiging aburido ni Nico sa mga lamok dahil panay ang hampas nito sa mga bahagi ng katawan na kinakagat ng lamok..nakaramdam tuloy siya ng awa kay Nico.
.
Yna : N-nico!!
.
Nagulat si Nico ng magsalita si Yna, at biglang napabalikwas ang binata..
.
Nico : bakit gising kapa?
Yna : h-hindi ako makatulog,
Nico : pumasok ka na doon at malamok dito, baka magkasakit ka pa?
Yna : ikaw hindi ka pa ba inaantok? Baka magkasakit ka din.
Nico : hindi pa, hindi din kasi ako makatulog. Madaming lamok!
Yna : bakit hindi ka pa pumasok sa may kulambo?
Nico : hindi na, dito ako matutulog!
Yna : ha, jan ka matutulog?
Nico : oo kaya pumasok ka na doon, kasi baka dapuan kapa ng sakit na dengue.
Yna : a-ah N-nico!(marahan niyang sabi)
Nico : bakit?
Yna : sorry pala kanina ha.,mali pala yong pagkakakilala ko sayo..akala ko kasi—
Nico : akala mo kasi masamang tao ako, akala mo kasi Manyakis ako!! Ibahin mo ako sa mga na-engkwentro mo..dahil hindi ako ganun!!
Yna : kaya nga humihingi ako ng tawad sa mga inisip ko tungkol sayo..akala ko kasi ganun ka din sa mga holdaper..at isa pang hinihingi ko ng paumanhin ay yong napagbintangan kita na kumuha ng bag ko at celpon.
Nico : wala na yun kalimutan mo na yun.
Yna : at salamat nga pala Nico sa pagliligtas mo sakin sa mga holdaper..at saka gusto ko sanang malaman kung sa paanong paraan kita mababayaran?
Nico : ah yun ba, bukas mo malalaman kung ano ang gagawin mo?
Yna : ah ganun ba, sige kung ayaw mong sabihin di Maghihintay ako ng kinabukasan, para malaman ko kung paano kita mababayaran!
Nico : anong mababayaran?
Yna : ah ang ibig kong sabihin ay, kung paano ko susuklian ang kabutihang ginawa mo sakin.
Nico : ah, linawin mo kasi medyo nalalabuan ako sa mga salita mo eh.
.
Hindi pa pumasok si Yna sa loob ng bahay, bagkus ay naupo siya sa may katabing duyan?
.
Nico : oh bakit hindi ka pa pumasok sa loob, malamok ah, baka dapuan ka ng dengue na nakukuha sa kagat ng lamok.
Yna : eh kung ikaw nga nandito ka pa din sa labas eh.
Nico : syempre mas importante ka naman na maging safe, kesa sa akin, ako kaya ko yong sarili ko, kapag nagkasakit ako.
.
Naligayahan si Yna sa mga narinig niya kay Nico, napaka-maaalalahanin..pakiramdam niya tuloy sa sarili niya ay napaka-special niya..
.
Yna : hindi ka makakatulog dito, kasi pagpipiyestahan ka ng mga lamok dito.
Nico : ayos nga lang yun, ang mahalaga ay ikaw..okay lang talaga ako dito..sige pumasok ka na.
Yna : eh kasi naman, di ko naman maatim na ikaw kinakagat kang lamok dito, samantalang ako safe na safe dun sa lamok..p-wede naman tayong mag-share sa kulambo!
.
Nabigla si Yna sa mga nasabi niya kay Nico, na inalok niya na share sila sa kulambo, kasi nga naman ay isang kulambo at isang kumot lang yong binigay sa kanila ni Esang, di naman niya maaatim na pabayaan si Nico, dahil baka ito naman ang dapuan ng Malaria, oo inaalala siya ni Nico, alangan naman na hindi niya din alalahanin si Nico, si Nico na nagligtas sa buhay niya, at si Nico na alam niyang mabuting tao naman.at si Nico na alam na niya na hindi siya ilalagay sa kapahamakan, dahil napatunayan nga niya iyon kanina lang ng sabihin niyang kuhanin na ang kapalit ng pagliligtas nito sa kanya,.pero mali naman pala siya ng akala, na yun ang gustong kapalit ni Nico, at kung ano man ang magiging kapalit nun ay, bahala na daw.
.
Nico : ay hindi na, nakakahiya naman, okay na ako dito, wag mo akong alalahanin..makakapal naman ang balat ko..
Yna : baka ikaw naman ang magkasakit.
Nico : uyy, concern ang Prinsesa ko ah..
Yna : doon man lang makabawi ako sa mga ginawa mong kabutihan sakin..
Nico : syempre hindi kita pwedeng pabayaan don..kasi ipinangako ko kay Bo—(naputol ang pagsasalita)
.
Kumunot ang noo ni Yna, nagtaka siya dahil tanong ng isip niya na kanino nangako si Nico.
.
Yna : anong sabi mo? Kanino mo ipinangako na huwag akong pabayaan?
Nico : H-ha ah eh, pinangako ko sa sarili ko na kapag may nangangailangan ng tulong ay hindi ko ito pababayaan.
Yna : ah!! Kaya nga nagpapasalamat ako sayo, dahil mabuti na lang at nandoon kasa lugar na iyon kundi baka kung ano na ang nangyare sakin..
Nico : saan ka ba kasi pupunta nong lagay na iyon?
Yna : sa mga barkada ko, kaso hindi ko na sila nakontak dahil may kumuha ng bag ko eh, naroon yong celpon ko..kaya di na ako nakatawag sa kanila, at sigurado nag-aalala na sila sa akin ngayon, lalo na yong tita ko..
Nico : hindi siguro mag-aalala yong tita mo, syempre alam naman ng tita mo na kasama mo yong mga barkada mo ngayon..
Yna : oo, yun na ang iisipin ni tita na kasama ko ang mga barkada ko, kaso ang problema, may...


kasalanan ako sa tita ko..
Nico ; ha ano naman ang kasalanan mo sa tita mo?
Yna : ha, kasi ano eh, hmp hayaan mo na, nakakahiya naman kung aasabihin ko pa, sa edad kong ito tiyak ko na tatawanan mo lang ako..
Nico : ganun..
Yna : kaya nga sana, gusto ko ng masuklian ang kabutihan mong ginawa mo sakin, para palayain mo na ako..
Nico : palayain??(kunot noong bigkas niya)
Yna : O-oo..diba nga may kasunduan tayo na, ililigtas mo ako sa mga panget na holdaper kapalit nun ay, ang gagawin ko lahat ang gusto mo..
Nico : ah, kaya pala handa ka ng ibigay ang ano mo___!!na akala mo na gusto kong kapalit..hindi ba pwedeng gusto ko lang ng may kasama sa pagbabakasyon ko dito!!
Yna : A-ang ibig mong sabihin, gusto mo lang ng may kasama?(manghang tanong niya)
Nico : oo, pero meron pang isa?
Yna : ano yun?
Nico : bukas muna malalaman yun..kaya matulog ka na at maaga pa tayong gigising bukas dahil may pupuntahan tayo..
Yna : saan?
Nico : sa gawi lang diyan!
Yna : sa gawi lang diyan?(takang tanong niya)
Nico : oo! Sa kabilang ilog lang!
Yna : ah okay, basta ba huwag mo akong ipapakain sa buwaya eh..
Nico : syempre hindi naman ano! Takot ko na lang na mawalan ng Prinsesa! (Nakatawa niyang sabi)
.
Nakaramdam naman ng kilig ang puso ni Yna ng sabihin ni Nico na takot na lang itong mawalan ng Prinsesa, at talagang nahihiwagaan na si Yna sa kanyang puso, dahil sa simpleng pananalita ni Nico at pagbibiro nito sa kanya ay parang totoo naman sa puso niya. Kaya sinuway ng isip niya ang puso niya na umayos ayos ang pagtibok, dahil hindi tama, dahil daw hindi naman daw niya lubos na kakilala si Nico, at isa pa meron na siyang boyfriend at iyon ay si Poli..
.
Nico : kaya ang mabuti pa ay pumasok ka na sa loob, at matulog ka na, kasi sasabak uli tayo sa lakaran bukas..
Yna : ha, ang ibig sabihin maglalakad na naman tayo bukas?
Nico : oo..
Yna : malayo din ba?
Nico : oo eh. Malayo!! Mahabang lakaran yun!
.
Napakamot ng ulo si Yna..pero pumayag na lang din ang isip niya, na mas mainam naman na yun, kahit na maghapon silang maglakad, basta buhay siya at hindi siya napahamak..panatag na din ang isip niya, tutal naman daw ay napag-alaman niya na mabuting tao naman si Nico, at saka na lang daw siya hihingi ng tawad sa tita niya, dahil sa di niya pagpapaalam na umalis.
.
Nico : pero huwag kang mag-alala aking Prinsesa, kapag napagod ka, papasanin na lang kita!
Yna : huwag na, kaya ko yun..at nakakatakot lang ay kapag may nakasalubong na nanaman tayong mga tulisan. Yun ang ikinatatakot ko..baka mamaya sapilitan na akong kuhanin..
Nico : ah, hindi ko naman papayagan na mangyari yun, magdadaan muna sila sa ibabaw ng bangkay ko bago ka nila makuha!
.
Natuwa na naman ang puso ni Yna, dahil pakiramdam niya tuloy ay isa siyang babasaging bagay na dapat ingatan..
.
Yna : ang bait mo naman.
Nico : kaya wala kang dapat ikatakot kapag kasama mo ako..
Yan :..Sige papasok na ako Sa loob, sure ka ha, okay ka Lang dyan.
Nico : Oo okay lang talaga ako.
Yna : Sige, goodnigt!
Nico : goodnight my Princess.
.
At pumasok na nga si Yna sa loob ng bahay, medyo panatag na ang kalooban niya ngayon, at isa na lang ang aalalahanin niya, kung ano pa kaya ang ipapagawa ni Nico sa kanya..at hanggang sa lumipas ang mga oras ay nakaramdam na ng antok si Yna, pero si Nico ay gising na gising pa, di siya dalawin ng antok, hindi maalis sa isip niya ang mga nangyari sa kanila ni Yna, noong nasa banyo sila, ramdam pa niya ang mga yakap ni Yna sa kanya, at noong naroon naman sila sa kwarto na handa pala ang dalaga na ibigay sa kanya ang sarili nito, nagi-guilty tuloy siya, at lalong nagsusumiksik sa isip niya ay noong halikan niya ito, pilit dinadama ng isip niya ang pagdampi ng labi niya sa mga labi ni Yna..naipilig na lang niya ang kanyang ulo, dahil iba na daw talaga ang nararamdaman niya kay Yna, una pa lang niyang makita ito ay nakaramdam na agad siya ng kakaibang damdamin na parang kay saya ng puso niya ng makita niya si Yna..ngunit pinagalitan niya ang sarili niya dahil hindi daw maaring mangyari yun..kaya nag-isip na lang siya ng ibang bagay, upang maalis ang isip niya sa dalaga, ngunit kahit saan niya ibaling ang isipan ay pilit pading nagsusumiksik,,malalim na ang gabi, at malapit ng magmadaling araw ay hindi pa nakakatulog si Nico, gawa ng may lamok na gumagambala sa kanya..kung pumayag na lang sana siya sa alok ni Yna na share na lang sila sa kulambo, di sana daw ay nakatulog na siya nun..at samantala naman si Yna ay tulog na ng mga oras na iyon, sa sobrang pagod sa byahe at sa paglalakad, ay napasarap na ang tulog niya, at samantalang si Nico ay hindi na nakatiis sa may labas, kaya napagpasyahan na niyang pumasok sa loob ng bahay, at makiki-share na siya sa higaan ni Yna na kung saan ay hindi siya makakagat ng lamok at ng makapasok si Nico sa kwarto ay napag-alaman na niya na tulog na tulog si Yna, pinag-iisipan niya kung gigisingin ba niya ito at sasabihing makikisalo siya sa kulambo, o hindi na lang, sa isip niya ay maaabala pa ito sa pagtulog, kaya napagpasyahan niyang huwag na itong gisingin, tutal naman daw ay. Inalok naman siya ni Yna na makishare siya, at sa hanggang pumasok na nga siya sa loob ng kulambo, nagdahan dahan siyang pumasok, upang huwag daw magising ang dalaga, at ng makapasok ay dahan dahan siyang nahiga, nahihiya man siyang makitabi sa dalaga, ay wala na siyang magagawa dahil hindi siya makakatulog sa labas, at ang isa pa nga ay baka magkasakit nga siya sa kagat ng lamok..ngunit oo tamang nasa may kulambo na siya ngunit di pa din siya makatulog, dahil sa hindi niya maintindihang pakiramdam, halos hindi siya humihinga, dahil si Yna daw pala ay may kalikutang matulog, bumibilis ang tibok ng puso ni Nico, dahil sa mga sandaling iyon ay nakayakap at nakadantay sa kanya si Yna.
.
Nico : o tukso layuan mo ako,
.
kinakabahan tuloy si Nico, na baka magalit sa kanya si Yna kapag nagising ito, magalit ito na nakisalo siya sa kulambo, hindi tuloy alam ni Nico ang gagawin niya, pero ang puso naman niya ay naliligayahan..dahil sa nakayapos at nakadantay sa kanya si Yna..halos kapusin siya ng hininga dahil sa bilis ng tibok ng puso niya at isa pa pigil hininga siya dahil inaalala niya na baka magising ito, ay magalit sa kanya, sabi niya sa sarili niya kung sakaling bibiling si Yna ng higa ay sasamantalahin niyang umalis na lang, magtitiis na lang daw siya sa kagat ng lamok kesa magalit ito sa kanya, pero sa kabilang banda naman ng isip niya na huwag siyang umalis, dahil inalok naman daw siya ni Yna na makishare sa kulambo. Kaya manatili na lang daw siya roon, kaya sa pag-iisip ni Nico kung anong dapat niyang gawin kung aalis siya roon o mananatili siya, ay hindi nagtagal ay nakatulog na din ang binata, at lumipas ang mga oras at hanggang sa nag-umaga na ay masarap padin ang tulog nilang dalawa, at hanggang sa unti-unti ng nagmumulat ang mga mata ni Yna, at ng tuluyan na niyang maimulat ang mga mata.
.
Yna : oh my God!!(gulat niyang sabi)
.
nanlaki ang mga mata niya at kasabay na din ng butas ng ilong niya, dahil hindi niya akalain na katabi na niya si Nico, at lalo siyang napanganga ng mapagalaman niya na nakadantay at nakayakap pa siya kay Nico, at nakapaunan pa siya sa braso ng binata, .
Yna : oh Yna ano ka ba!!(kastigo niya sa sarili)
.
natataranta na ang isip niya, mabuti na nga lang daw at hindi pa ito gising kaya, nag-dahan dahan siyang inangat ang mga binti niya sa pagkakadantay at dahan dahan niya ding inaalis ang pagkakayakap niya kay Nico, pigil hininga siyang bumabangon. Upang huwag magising si Nico, dahil, ayaw niya na malaman ni Nico na nakayakap at nakadantay siya dito, at hanggang sa nakabangon na nga siya, at dahan dahan siyang bumababa ng papag.hiniling niya na sana ay huwag magising si Nico, dahil sa nakaramdam siya ng hiya dahil naka-paunan pa siya sa braso ng binata,..at hanggang sa nakababa na siya na pigil ang kanyang hininga at tuluyan ng lumabas sa kwartong iyon, ng makalabas siya ay noon lang siya nakahinga ng maluwag, pagkalabas niya ng kwarto ay nadatnan niya si Esang sa may kusina, at abala na sa pagluluto,ng almusal..
.
Esang : gising ka na pala ate..
Yna : oo.
Esang : ipagtitimpla kita ng kape ate Princess.
Yna : ah, ako na princess, ako na ang magtitimpla..ipagpatuloy mo na lang yong ginagawa mo. Magtotootbrush lang ako.
Esang : sige po ate.
.
Naalala ni Yna na wala nga pala siyang sariling tootbrush, ibig sabihin tootbrush na naman ni Nico ang gagamitin niya..napailing na lang siya, naisipan niyang itanong kay Esang kung may mabibilhan ng toothbrush sa kanilang lugar.
.
Esang : meron ate, doon sa malapit sa bahay Ampunan, meron malaking tindahan doon.
Yna : bahay Ampunan?
Esang : opo.
Yna : meron palang bahay ampunan dito.
Esang : opo..doon po ako nagtatrabaho.
Yna : ganun ba.
Esang : opo ate..kaya lang di po ako makakapunta ngayon doon dahil hindi ko po pwedeng iwanan si Tatay, nilalagnat po kasi si Tatay eh..
Yna : ganun ba, may sakit pala si Mang Temyong.
Esang : opo, kapag may sakit po si Tatay di ko iniiwanan, wala po kasing titingin sa kanya, hindi ako mapapalagay kapag alam kong may sakit si Tatay..
.
Sa isip ni Yna kabait naman ni Esang sa tatay niya, naalala niya tuloy yong papa niya, wala siyang paki-alam kahit may sakit ito..basta ang mahalaga sa kanya ay makasama niya ang barkada, sasabihin niya lang na may mga katulong naman na titingin sa papa niya, may private doktor naman sila, kaya di siya nag-aalala sa kanyang papa, na-kokonsensiya tuloy siya, sa isiping iyon, na samantalang siya ay kapag hindi maganda ang pakiramdam ay todo pag-aalala ng papa niya sa kanya, napapailing na lang siya sa isiping ganun pala siyang anak walang malasakit sa ama, at samantalang si Nico naman ay gising na gising na din sa mga oras na iyon, ng pagkalabas ni Yna ng kwarto ay bumangon na din siya nun at niligpit niya ang higaan. Sa katunayan ay mas nauna pa nga siyang nagising kay Yna, hindi lang siya gumagalaw. Nagtutulog-tulugan siya dahil sa ayaw niyang maistorbo ang pagtulog ni Yna at isa pa ayaw niyang isipin ni Yna na nananamantala siya..di lang daw talaga na niya matiis ang mga kagat ng lamok sa labas..nangingiti si Nico ng makalabas na si Yna ng kwarto, ang inaasahan niyang maging reaksiyon ni Yna ay magagalit, na ang gagawin ay, gigisingin siya nito ay sisitahin kung bakit naroon siya, pero hindi ito nagalit, para tuloy siyang isang teenager na kinikilig kapag nakikita ang crush, lalo na nga ay halos na magkadikit sila ni Yna at nakapayakap pa sa kanya amoy niya ang bango ng dalaga..at sa isiping iyon ay kinaglitan niya ang sarili, bakit parang ang saya daw ng kanyang damdamin, dahil hindi daw dapat..at ng makatapos magligpit ng higaan si Nico ay lumabas na din siya ng kwarto upang makapag-hilamos, pagbukas niya ng pinto ay di niya akalain na naroon si Yna at papasok ito ng kwarto, nagulat din si Yna ng itulak niya rin ang pinto ng kwarto ay madali niyang naibukas gawa nga ng binuksan na din ni Nico nagkagulatan pa sila..pero ng makabawi si Yna sa pagkagulat niya ay kumilos siya ng normal kahit mabilis ang tibok ng puso niya, dahil sa nararamdaman niyang hiya, nag-aalala siya na baka daw nalaman ni Nico na nakapayakap siya dito..at si Nico naman din ay ng makabawi siya sa pagkagulat niya ay, nginitian niya ng ubod ng tamis si Yna at binati niya ito..
.
Nico : good morning My Princess!!(nakangiti niyang bati)
Yna : good morning!!(nakangiti din niyang tugon)
Nico : ah siya nga pala, pasensiya ka na ha, nakitabi ako sayo, hindi ko na kasi talaga kaya yong mga kagat ng lamok eh..sana hindi ka nagalit sakin..
Yna : ah, naku hindi naman ako nagalit, di ba sabi ko nga sayo share tayo sa kulambo.
Nico : akala ko kasi matatagalan ko yong mga lamok, hindi pala..kaya pasensiya ka na ha..
Yna : okay lang yun.,sige pasok muna ako, kukuha lang ako ng damit ko, magsho-shower ako..
Nico : ganun ba, sige ipag-iigib na kita..
Yna : naku, huwag na nakakahiya naman..
Nico : hindi, okay lang yun..
.
At tuluyan ng nagpunta si Nico sa may banyo upang ipag-igib si Yna ng pang-shower..napabuga ng hangin si Yna dahil sa tension Na nararamdaman, dahil sa hiya niya Kay Nico, mabuti na lang daw at walang binanggit sa kanya si Nico tungkol doon. kaya ipinanatag na lang niya ang isip niya na hindi nalaman ni Nico ang pagkakayakap niya Dito..at nagtaka pa si Yna at ayos na agad ang kanilang pinaghigaan, sa isip niya, ibig daw sabihin ay kanina pa gising si Nico, dahil nailigpit na ang kanilang pinaghigaan, bumalik na naman ang alalahanin niya na baka talagang nalaman daw ni Nico ah, baka isipin daw ni Nico ay siya itong may pagnanasa dito..natataranta na uli ang isip niya, pero pilit niyang binabalewala ang nakakahiya niyang ginawa, bahala na daw, sa kabilang banda ng isip niya ay, hindi naman niya alam na nakayakap siya kay Nico dahil tulog siya, at hanggang sa nagulat si Nico ng magsalita si Nico sa likudan niya.
.
Nico : May problema ba, aking Prinsesa?
Yna : ay prinsesa! Ano ka ba naman, nagulat ako.
.
natataranta na naman ang puso ni Yna.
.
Nico : pasensiya ka na, hindi ko alam na magugulatin ka aking prinsesa, sasabihin ko lang sana na okay na ang iyong paligo.
Yna : ganun ba, salamat ha. Sabi ko naman kasi na ako na ang mag-iigib sa sarili kong paligo.
Nico : ayos lang yun, para hindi ka masyadong mapagod.
Yna : salamat.,sige maliligo na ako.
Nico : sige.
.
nagmadaling lumabas si Yna sa kwarto, ngunit tinawag siya ni Nico..
.
Nico : Princess!!
.
Nagulat uli si Yna ng tawagin siya ni Nico..nilingon niya si Nico.
.
Yna : bakit?
Nico : yong toothbrush, nakalimutan mong dalin.
.
At kinuha ni Nico ang toothbrush sa pinaglagyan ni Yna, at ibinigay niya iyon sa dalaga.
.
Nico : eto yong toothbrush.
Yna : h-ha!! S-salamat.
.
Hindi na sana mag-totoothbrush si Yna, mamaya na lang daw sana siya magsisipilyo kapag, nakabili na siya ng sarili niyang sipilyo, kaso nakahiyaan naman niyang sabihin kay Nico na bibili na lang siya ng sarili niyang sipilyo. naisip niya na wala naman pala siyang pambili..ihihingi lang niya kay Nico ang pambili..kaya wala na siyang nagawa kundi kuhanin ang sipilyo ni Nico.
.
Nico : sige maligo ka na.
Yna : sige salamat uli.
.
At hanggang sa pumasok na nga si Yna sa banyo, at tulad ng dati, nakatitig uli siya sa sipilyo ni Nico, nagtatalo ang isip niya kung gagamitin niya ito..at si Nico naman ay pumunta sa kusina at para magtimpla ng kape, dahil sanay siyang magkape sa umaga..pero hihintayin niya si Yna para daw sabay silang magkape.
.
Esang : kuya kulas magkape na po kayo!.
Nico : oo esang. Hihintayin ko na si Ate Princes mo..si mang temyong umalis na ba?
Esang : hindi pa po kuya, nakahiga pa po, paano po sobra po sigurong napagod kahapon, ayon sakit ang katawan, kaya nilalagnat po siya ngayon, kaya pakisabi na lang po kay mother Fely at kay manang Veron na hindi po ako mapupunta ngayon, kasi po kailangan kong bantayan po si tatay..
Nico : oo sige esang sasabihin ko sa kanila.
Esang : pero po mag-almusal po muna kayo kuya, bago kayo pumunta roon.
Nico : oo…sige esang at makapag-streching nga muna ako dito sa labas.
Esang : sige po kuya.
.
At samantalang si Yna naman ay, napagpasyahan niya ding gamitin na ulit ang sipilyo ni Nico..at hanggang sa natapos na siyang maligo, at nag-tungo na siya sa may kwarto upang magbihis, at mula sa bintana ng kwarto ay tanaw niya si Nico roon na nag-eexercise, hindi niya naiwasang mapatingin sa binata, sinamantala niyang tingnan ang binata dahil nakatalikod naman ito sa gawing bintana kaya nagkaroon siya ng pagkakataon na tingnan ito, nasisiyahan si Yna sa panood sa pag-exercise ni Nico, bukod doon ay humahanga siya sa ganda ng katawan ng binata,..at sa pagtitig niya ay di niya inaasahan na, biglang lumingon si Nico sa gawing bintana, at huling huli siya ni Nico na nakatanaw siya dito.,agad niyang isinara ang bintana, pero hindi niya alam kung paano isara ang bintana, dahil kakaiba ang pagkakagawa ng bintanang kahoy, di slide ito, nangingiti sa isip si Nico sa dahil, huling huli niya na nakatingin si Yna sa kanya..at nilapitan ni Nico si Yna para tulungan niyang isara ang bintana..at samantalang ng makita ni Yna na palapit na sa kanya si Nico ay natataranta na ang puso niya,,mabilis na naman ang tibok ng puso niya lalo na ng tulungan siya ni Nico na isara ang bintana, nahawakan pa ni Nico ang kamay niya..parang may boltahe ng kuryente ang gumapang sa kalamnan ni Yna sa simpleng pagsagi ng kamay ni Nico sa kamay ng dalaga.
.
Nico : hindi kasi ganyan ang pagsasara, iaangat mo muna ng konti ang bintana at saka mo siya i-slide..
.
At hanggang sa naisara na nila ang bintana.
.
Yna : salamat.!
Nico : bilisan mong magbihis at mag-kakape na tayo.
Yna : oo.
.
At hanggang sa hindi siya agad nakakilos sa kinatatayuan niya dahil, parang gusto niyang magtatalon, sa kilig.,muli na naman niyang pinagalitan ang sarili, bakit daw ba ganun na lang ang saya niya sa presensiya ni Nico..at hanggang nagbihis na nga si Yna, at pagkabihis ay lumabas na din siya agad, tumuloy na si Yna sa kusina, dahil nakaramdam siya ng sakit ng sikmura, at nadatnan nga niya si Nico na nagtitimpla ng kape at si Esang na naghahain ng almusal, nakaramdam siya ng gutom.
.
Nico : halika na magkape, eto o pinagtimpla na kita ng kape mo.
Yna : salamat.
Esang : sabayan nio na din po ng almusal yang kape nio kuya, ate..pasensiya na po kayo at daing at itlog lang po yong ulam.
Nico : masarap nga yan esang eh..yan ang paborito kong almusal.
Yna : oo nga Esang masarap na almusal kaya yan.
.
Pero ang totoo ay ayaw ni Yna ng daing dahil hindi daw niya gusto ang amoy ng daing, sinabi niya lang na masarap.dahil ayaw naman niyang ipaalam kay esang na ayaw niya ng daing, dahil nahihiya naman siya.
.
Nico : halika na princess, maupo ka na dito at kumain na din tayo.
Yna : h-ha, s-sige!!
.
At umupo na nga si Yna sa tabi ni Nico..at nilagyan uli ni Nico ang plato ni Yna ng sinangag at daing at itlog.
.
Nico : esang si Mang Temyong, hindi pa ba kakain?
Esang : hindi pa daw po siya kakain kuya, at saka nakatulog po eh, mamaya na lang po siya kakain kapag nagising na siya, hindi po kasi siya nakatulog magdamag eh, masasakit daw po ang mga katawan niya.
Nico : eh, halika na esang sumabay ka na sa amin.
Yna : oo esang halika na din kumain..
Esang : kumain na ako ate, maaga kasi akong nagutom kaya kumain na ako agad, hindi ko na po kayo nahintay..
Yna : ganun ba.
Esang : opo, ah sige po ate, kuya, kain lang po kayo diyan at ako po ay maglalaba na, para po makatuyo ako ng maaga.
Nico : sige esang, salamat.
.
Naaalarma na naman si Yna sa isiping magsosolo sila ni Nico sa kusina..at magkatabi pa sila sa upuan, hindi naman niya kasi akalain na hindi nila makakasabay sa pagkain ang mag-ama kaya doon siya pumwesto sa tabi ni Nico, nagsisi tuloy siya kung bakit doon pa siya naupo.sabi niya sa sarili ay baka isipin ni Nico na lapit siya ng lapit dito.at hanggang sa tumayo siya sa kinauupuan niya at dahil lilipat siya ng pwesto..
.
Nico : san ka pupunta?
Yna : lilipat ng upuan.
Nico : huwag na diyan ka na lang, at ako ang lilipat.
.
At si Nico nga ang lumipat ng pwesto..at habang kumakain ang dalawa ay wala silang imikan, si Yna ay hindi niya tinatapunan man lang ng tingin si Nico, dahil nahihiya siya, naiilang pa, pero pakiramdam ni Yna ay tinitingnan siya ni Nico, ilang na ilang si Yna di tuloy siya makakain ng maayos, inaalala ni Yna na baka ang panget ng itsura niya baka hindi maganda ang pag-nguya niya, inaalala niya na baka hindi pantay ang pagkikilay niya, at hanggang sa sinaway ang isip, ano daw ba kasi kung mapangit man ang itsura niya, at ano daw kung hindi pantay ang kilay niya, paki-alam daw ba ni Nico, kinagagalitan niya ang sarili niya dahil bakit ba siya nagkakaganun, nagugulo na ang isip niya, bakit daw ba gusto niyang maging maganda sa paningin ni Nico..at hanggang sa napansin ni Nico na parang malalim ang iniisip niya.
.
Nico : mukhang malalim yong iniisip mo ah?
Yna : h-ha, w-wala,,.iniisip ko lang kung ano kaya ang ano?
Nico : ano?
Yna : kung—-k-kung ano kaya ang gagawin ko para masuklian ko naman ang kabaitan mo.
Nico : ah yun ba. Pag-iisipan ko muna kung ano?
.
Wala ng kabang nakakapa sa dibdib si Yna kung ano mang kapalit ang hihingin ni Nico, dahil alam naman na ni Yna na hindi namang masamang tao si Nico, kaya sa isip niya ay hihintayin na lang niya kung ano ang sasabihin nitong kapalit, at ng makatapos silang kumain ay, iniligpit at hinugasan ni Nico ang pinagkainan nila, at tumulong naman si Yna..at habang naghuhugas sila ng plato ay nagkukwento si Nico, sa isip ni Yna masarap palang ka-kwentuhan si Nico dahil may sense of humor ito, kaya nakikipag ngitian na din si Yna sa binata..na bagay naman na ikinatutuwa ni Nico, dahil napapangiti niya si Yna. Sa isip ni Nico na mas maganda pala ang dalaga kapag nakangiti.
.
Esang : ay ate, kuya, hinayaan na lang po sana ninyo yang pag-huhugas ng plato, ako na lang po sana..
Nico : okay lang Esang.. para bawas sa trabaho mo.
Yna : oo nga naman esang..at saka konti lang naman ito eh.
.
At ng makatapos silang maghugas ng plato, ay naligo na si Nico..at si Yna naman ay inaalala niya na kailangan na naman niyang magsipilyo, nagdadalawang isip na naman siya kung gagamitin ba niya uli ang sipilyo ni Nico, lalo na daw kailangan niyang magsipilyo dahil mabaho ang hininga niya dahil daing ang inulam niya..kung bakit daw ba kasi ang tanga-tanga niya, kung bakit daw ba kasi yong pinaka-importante ay nakalimutan niyang bilhin..nagpunta si Yna sa kwarto upang tingnan kung kinuha daw ba ni Nico ang sipilyo nito, at ng makarating si Yna sa kwarto ay naroon pa ang sipilyo, hindi kinuha ni Nico ng itoy maliligo,,sa isip ni Yna ay nakalimutan iyon ng binata..kaya nagmadali siyang kuhanin iyon para mauna siyang makapag-sipilyo..nagtungo agad siya sa may kusina upang mag-sipilyo. At ng kasalukuyan siyang nagsisipilyo sa lababo ay bumukas naman na ang pinto ng banyo na katabi lang ng lababo..dahil nakalimutan pala ni Nico ang toothpaste..at paglabas ni Nico ng banyo ay nakita niya si Yna na nagsisipilyo sa lababo..si Yna naman ay nakaramdam naman ng hiya, dahil gamit na naman niya ang tootbrush ni Nico, natataranta siya ng lumapit sa kanya si Nico ng lumabas ito sa banyo, wala itong pang-itaas na damit, kita niya ang mga mamaselan na katawan, at nakatapis lang ito ng maliit na tuwalya, at ng makalapit na si Nico sa kanya ay bumilis na ang tibok ng puso niya, lalo na at amoy niya ang mabangong sabon at shampoo na ginamit nito.
.
Nico : may nakalimutan ako.
.
Nagmumog muna si Yna bago siya nagsalita.
.
Yna : ano yung nakalimutan mo?
.
Hindi niya nilingon si Nico..pero alam naman ni Yna kung ano ang nakalimutan ni Nico, ang sipilyo nito, na ngayoy gamit gamit niya.
.
Yna : alam ko yong nakalimutan mo, yong toothbrush mo, pasensiya ka na ha, ginamit ko ulit eh..(nahihiya niyang sabi)
Nico : hindi, nakalimutan ko yong toothpaste!! May toothbrush ako eto oh.
Yna : dalawa yong toothbrush mo??
Nico : oo, pero yang gamit mo bagong-bago yan, di ko pa nagamit yan..
Yna : ganun ba?(natuwa niyang sabi)
Nico : oo naman, hindi ka pala maselan ano!!
Yna : ikaw talaga, hindi mo naman agad sinabi sakin.
Nico : pasensiya ka na ha, nandiri kaba?
Yna : hindi naman..oh eto yong tootpaste..
Nico : salamat..
.
Nang iabot ni yna ang toothpaste kay Nico ay nasaling pa ni Nico ng bahagya ang kamay ni yna na parang nakaramdam nanaman siya ng kuryente..at ang akala niya ay babalik ito sa banyo, ngunit hindi, ito ay sumingit sa kanya sa lababo, at doon din nagsipilyo, nagkiskisan pa ang mga braso nila..kaya imbes na magsisipilyo pa si Yna ay tuluyan na siyang nag-mumog at umalis na doon, upang malayo siya ng konti kay nico, at ang puso niya ay nagtatatalon sa tuwa, dahil kung bakit daw kapag, malapit lang sa kanya si Nico ay nagiging abnormal sa pagtibok..at ng nagmadali siyang bumalik ng kwarto at upang magpunas ng mukha, at ng makapagpunas ay lumabas na din siya agad, dahil alam niyang papasok sa kwarto si Nico upang magbihis, nagpunta muna si Yna sa may duyan naupo muna siya roon, dahil kailangan niyang lumanghap ng sariwang hangin, at ng sa ganun naman daw ay kumalma ag kanyang puso..at samantala naman sa di kalayuan, ay mga mga matang nagmamasid kay Yna..may 2 taong nagmamanman sa dalaga sa di kalayuan..
.
Sino kaya ang nagmamanman kay Yna…
Abangan po.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top