STOLEN #16


“Break up with your boyfriend… and be with me, Threia.”
Napalunok siya sa kaseryosohan ng boses ni Haje.
Hindi niya inaasahan ito ang hihingin niyang kapalit para sa kalayaan ng ama niya.
“I thought susundin mo lahat ng gusto ko.” sabi ni Haje nang hindi pa rin siya makapagsalita.
“It’s not that easy.” aniya.
“Just tell him you don’t love him anymore, Threia. Ano’ng hindi madali doon?”
Iisipin niya palang na makipaghiwalay kay Chivo, nasasaktan na siya para sa kasintahan.
“You want my forgiveness, right? Then, break up with him.” pangba-blackmail sa kanya ni Haje.
Wala siyang ibang choice kundi gawin ang gusto nito.
“I’m sorry, Chivo.” pipi niyang bigkas para sa kasintahan.
“Hija, pwede ba kitang makausap?” tanong ng matanda pagkatapos siyang iwan ni Haje dahil tumunog ang cellphone nito kanina.
“Oo naman po.”
“Halika. Doon tayo sa likod ng bahay.”
Nauna na itong maglakad. Sumunod naman siya.
Tumigil ang matanda sa ilalim ng punong mangga at umupo sa upuan na gawa sa kawayan. Umupo rin siya sa harap nito.
“Nabanggit sa akin ni Haje kaninang umaga na ngayon ang luwas niyo pa-Maynila.”
Tumango si Threia. “Opo. Nasabi niya sa akin kanina lang.’
Inabot ng matanda ang kamay niya at marahang hinaplos. Saka siya ngumiti.
“Masaya kami ng Lolo Gardo mo...


dahil sa wakas may dinala si Haje na babaeng mahal niya dito sa pamamahay namin. Mula no’ng mawala sa kanya ang mga magulang niya, hindi na namin siya nakitang ngumiti… ngayon lang ulit dahil sa’yo, Threia.”
“Lola,” ang tanging naibulalas niya.
“Alam natin pareho na hindi siya perpektong tao. May nagawa siyang mali, Threia. At hindi magandang rason ang paghihiganti para gawin niya ang mga pagkakamaling iyon pero sana tanggapin mo ng buong-buo ang apo namin, Hija.” May lumandas na luha sa magkabilang pisngi ni Tessa.
“Mahalin mo siya ng buo, gaya ng pagmamahal namin ng kanyang Lolo Gardo, Hija.”
Hindi niya alam ang kanyang sasabihin dahil nauunahan siya ng malakas na kabog sa kanyang puso.
“Hindi man sinasabi ni Haje sa amin ay alam kong mahal na mahal ka ng apo namin, Threia. At alam kong ganoon ka din sa kanya…”
“Sana huwag mong iiwan ang apo namin kahit ano’ng mangyari…” sabi pa ni Tessa.
“Huwag po kayong mag-alala, Lola. Hindi ko po siya iiwan.” tanging nasabi niya sa matanda. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya nang sabihin niya iyon.
Hindi niya sinabi iyon dahil nagpapanggap sila… hindi niya sinabi iyon dahil gusto niyang pagaanin ang nararamdaman ng matanda… sinabi niya iyon dahil iyon ang sinasabi ng isip at puso niya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top