Ako Naman” Kabanata 1


“Hoy Marya TumuLong ka nman dto…”, sabi ni Kuya Boboy sa akin..
Maiinis na nman ako.. Alam na nagLalaro ako ng bahay bahayan..
“Ayaw ko! ” sagot ko dito..
“Marya wag kang ganyan.. TumuLong ka na dito para matapos na tayo.. “, sabi ni Ate Esang..
Mapairap ako..
“Ayan na nman si Ate ..Di nLang nya gawin mag isa.. Kayang kaya nman nya.. “, bulong ko..
Nag iigib siLa ng tubig ni kuya Boboy.. Wala ngayon si Kuya Long dahiL kasamang Mangisda ni Tito.. Si tita nman ay busy sa mga pananim nyang gulay sa likod ng bahay..
“Ano di ka talaga kikilos jan? “.tanong ni ate Esang sa akin..
Padabog akong tumayo ..saka sinipa ang binigay nitong balde..
“kainis..! “sigaw ko..
Wala akong paki kong marinig ako ni ate Esang at ni Kuya Boboy.. Basta gusto ko lng ilabas ang inis ko dahiL pinipilit nila akong mag igib ng tubig eh nagLalaro nga ako..
Di muna ako kumilos dahiL ayaw ko talagang sumama sa pag igib..
Sa halip na sumunod kela ate Esang ay pumunta ako kay tita sa likod ng bahay..
“Tita.. Ano pong ginagawa nyo? “tanong ko dto..
Alam ko namang tinatanggal nya ang mga uud ngga pananim nyang guLay pero gusto ko lng talagang mapansin nya ko para makahanap ako ng paraan para di ako mag igib ng tubig..
“NagtatanggaL ng mga peste sa halaman ko “, maikling sagot ni tita.. Na abala ang mata sa paghahanap ng PESTE sa halaman..
“Sana maalis na rin ang PESTE sa Buhay ko.. “,bulong ko..
Para sa akin si ate Esang ang peste sa akin.. Lagi nlng nyang minamasama ang mga ginagawa ko.. Khit kunting bagay Lang isusumbong nya agad lay tito.. Buti pa si tita mahal ako.. Samantalang si tito si ate Esang Lang ang magaling para sa kanya. Pwe!
“Wag ka ng tumayo jan..,tuLungan mo ko dto.. ” narinig kong...


sabi ni tita.
Napangiti ako. DahiL siguradong di na ko sasama sa pag igib ng tubig..
Agad akong lumapit kay tita at kunyare ay tinitulungan sya sa paghahanap ng peste sa tanim nyang sitaw .
Sa katulad kong pitong taong guLang mas gusto kong maglaro lang at maglakwatsa..
Masyado pa kong bata para magbuhat ng balde ng tubig…
Maya maya ay nakita kong dumating na siLa ate Esang.. DiniLaan ko ito ng makita kong tumingin sa akn ..Nakita kong naningkit ang mata nito sa galit.. Pero sorry sya dahiL katabi ko si tita..
“Isusumbong kita kay tito “, sabi pa nito… Bago umalis para mag igib ulit ng tubig..
“hah! Akala nya matatakot nya ko ,sumbungera talaga. “,inis na bulong ko.
“Oh anong binubulong bulong mo jan?? “tanong sa akin ni tita..
Di na ko sumagot. Kuyare di ko sya narinig at seryuso kuno ako sa paghahanap ng peste sa pananim nya..
Kinagabihan ay magsumbong nga si Ate Esang kay tito…
“Dinilaan pa ko nyan.. Di nman sya papabuhatin ng balde tito ey.. Ihahatid nya lang naman sana dun sa balon “, sabi pa ni ate Esang..
“ay! Si Hatid lng ba? Bakit sabi no kanina mag igib ako para mabilis matapos ..di mo nman kse pinaliwanag ng maayos “,pamimilosopo dto.
“Marya yang bibig mo.. Masyadong matatas sa pagsasagot sagot sa mga kapatid mo ..kabastusan yan.. Bla bla bla “,sermon ni tito sa akin..
Ginaya gaya ko pa ang sinasabi ni tito sa isip ko.. Naiinis talaga ako kay ate ..
Tiningnan ko ito ng masama at sinasabi ko sa mga mata kong “KONTRABIDA ”
“tito oh.. Yung mata ni Marya ang sama makatingin.. “, sumbong na nman nito..
“Praning ka ate Esang “,biglang nasabi ko dahiLan para tapikin ni tito ang bibig ko.
“Yang bunganga mo talaga! Walang Modo! “galit na sabi ni tito..
Kainis!
itutuloy






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top