Ako Naman” Kabanata 21


Nag antay ako pero di dumating si totoy nung gabing yun..
“Baka nakalimutan Lang “, bulong ko..
Pero naLungkot ako ..
“bakit nya makakalimutan eh sya mismo ang nagsabi”, bulong ko ulit sa sarili ko..
Di ako nakapagtrabaho ng maayos..
Tuwing lunes ay dumadalaw si Tom sa Center ng baryo namin para magcheck up sa mga batang gustong magpatingin..
Nung hapon na ay nagmamadali akong umuwe ng bahay..
Pagdating ko ay inaasahan kong makikita ko si totoy pero wala akong totoy na nadatnan..
Nakita ko si titang nanonood ng tv..
“tita pumunta po ba si totoy dto kanina? “Tanong ko kay tita pero umiling ito…
Ibig sabihin di talaga pumunta si totoy dto sa bahay..
Nalungkot ako …
Matamlay akong kumain ng hapunan..
“Bkit anak? May problema ba?? “tanong ni tita..
“Buntis ka na? “tanong agad ni tito..
Umiling ako saka pilit ngumiti..
“di po. Si totoy po kse sabi nya pupunta sya dto pero di nman pumunta. “malungkot kong saad.
“edi puntahan mo sa kanila “, suhestyon ni tito ..
Napangiti ako.
“Oo. Tama po kayo. Sge po mamaya pagkatapos kong kumain”, sabi kong bigLang nabuhayan ng loob..
Nagmamadali akong kumain para puntahan si totoy..
Gusto kong makasama ko sya.. Bago man Lang sya bumalik sa pandarayo..
Masaya akong nagLalakad papunta ng bahay niLa totoy ng masalubong ko ang kapatid nitong si Anne.
“Anne ?? Ang kuya mo? “masayang tanong ko dto..
“nasa tabing dagat po “, magalang na sagot nito..
Nginitian ko ito saka tinahak ang daan papuntang tabing dagat..
Pagdating doon ay nakita kong nakaupo si totoy patalikod sa akin..
Masaya akong nilapitan sya pero bago pa ko nakalapit ay narinig ko ng ang boses ni Mikmik..
“Sge ulitin mo uLit ..”, masayang sabi nito…
Kahit nakatalikod ay alam kong magkahawak kamay siLa .
“Sge. ” narinig kong sagot ni totoy..
Tumawa pa ang malanding si Mikmik..
“Ikaw ang buhay ko.. Wag mo kong iiwan.. Pangako mamahalin kita hanggang sa malagutan ako ng hininga “, sabi ni Totoy with feelings pa..
Halos malagutan ako ng hininga sa sinabi ni Totoy kay Mikmik..
Nakita kong nakita ako ni Mikmik. Bahagya pa nga itong napangisi.
Agad nitong kinabig ang ulo ni totoy at akmang hahalikan..
“totoy ! Malakas na sigaw ko bago pa man lumapat ang labi niLa.
Biglang napatayo si totoy nung marinig ang boses ko..
“Mar—”
“Oh Marya.. Bkit ka nandto… Nasaksihan mo tuloy ang pagtatapat ng pag ibig sa...


akin ni totoy.. Narinig mo nman ata ang sinabi nya db?? “putoL sa sasbihin ni totoy at mapang asar na sabi nito sa akin..
Tiningnan ko si mikmik at nakita kong ngumisi ito… Na tila sinasabing NATALO NYA KO..
Agad kong tiningnan si Totoy.. Para itanggi nya ang sinabi ni Mikmik pero nanatili itong nakayuko at walang kibo..
Nasaktan ako.! Pero ayaw kong umiyak sa harap niLa ..
Ako si Marya! Di ko ipapakitang nasasaktan ako.
Kinagat ko ang ibabang labi ko para mas maramdaman ko ang sakit nito para lang mapigiLan ang luha ko. .
Taas noo akong ngumiti at tumingin sa mata ni Mikmik..
“Masaya ka na? akala mo natalo mo na ko dahiL lang may gusto sayo si Totoy?? “pang aasar ko dto sabay ngisi.
“Wag mo ng itanggi Marya.! Aminin mo masakit db?? ” tanong na pang aasar nito.
Pero d ko sya pinansin. Sa halip hinarap ko si Totoy ..
“Kaya pala di ka na pumunta sa bahay dahiL nakikipagharutan ka na dto at Kay Mikmik pa talaga hah? “sabay tawa ng pagak.
“Marya.”, tanging nasambit ni Totoy ..di man Lang nagpaliwanag tumingin sya sa mga mata ko at agad din umiwas ng tingin..
“Ako na ang mahal ni Totoy Marya! Talunan ka! Talunan! “sabi ni Mikmik sabay tawa ng malakas..
Nasaktan ako pero di ako papatalo sa kanilang dalawa.
Sinabayan ko ang pagtawa ni Mikmik..
Napahinto ito sa pagtawa kaya huminto na rin ako..
“bakit anong akala mo.. Masasaktan mo ko o makakaganti ka na sa akin dahiL nasayo na si Totoy ???Patawa ka.? Ano bang meron kay totoy hah?? Ni hindi nga sya nakapagtapos e. Ni wala sya sa mga lalaking nanliligaw sa akin ey.. Akala mo ba gusto ko talaga sya? Patawa kayong dalawa.. Pinaglaruan ko lang yan at dahiL alam kong atat na atat kang maagaw sa akin si totoy ay akala mo natalo mo na ko… Sinadya ko yun para ipamukha sayo na ISA KANG TRASHCAN NA TAGA SALO NG MGA TINAPON KO!”,
Lumapit ako sa kaniLang dalawa at saka sinampal ko sila isa isa
“MAGSAMA KAYO MGA BASURA “!
huling salitang binitawan ko bago ako tumalikod at tinahak ang daan pauwe..
Kasabay ng pag uunahan ng mga luha kong kanina ko pa pinipigiLang wag pumatak ay malaya ko ng hinayaang mag unahan sa mga pisngi ko..
PWEDE NA KONG UMIYAK ..WALA NA SI MIKMIK AT SI TOTOY SA HARAP KO!
-itutuloy
Goodnyt






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top