Ako Naman Kabanata 23


SimuLa nung gabing yun ay di ko na nakita pa si Totoy..
At si Mikmik.. Nakikita ko pa nman pero khit tapunan ng tingin ay di na ko nag aksaya pa ngpanahon ..
Pinapakita kong di ako apektado khit ang totoo ay subrang nsaktan ako sa nangyari.
Inantay kong pumunta sa bahay si totoy para suyuin ako pero walang totoy na nagpakita sa loob ng isang linggo.. Nag antay pa ko ng dalawang linggo pero lumipas ang isang buwan ay bigo ako..
SimuLa nun ay naiinis na ko sa lahat ..tao man to o bagay..
Nasa trabaho ako at ngayon ay schedule ng mga buntis ..
Mdaming buntis ang nakapiLa..
Dito kse nagpapacheck up ang mga taga ibang baryo na walang sariling center sa baryo niLa.
Habang nagchecheck ngga records nila ay di ko mapigilang pagsasabihan siLa..
“oh ikaw.!..”, sabi ko sa babaeng nsa harap ko.. “Ang bata bata mo pa nagpabuntis ka na. Oh asan na ang tatay nyang anak mo? “mataray kong tanong dto..
Napayuko itong tila nahihiya.
“Wala po.. “, mahinang sagot nito..
Napataas ang kilay ko.
“Oh.. Pagkapanganak mo magLandi ka na agad para mabuntis ka na namn “,inis na sabi ko dto ..
Saka inis ding sinuLatan ang record nito..
“Sunod! ” sigaw ko para lumapit na ang susunod na buntis..
Agad tumayo ang kaninang babae..
Habang nagbabasa ng records ng masunod na buntis ah nainis na naman ako.
“oh...


nanay! 5 months palang ikaw nanganak buntis ka na nman?? “pagtataray kong tanong dto
Tumango ito
“Baka po nakakalimutan mo.. May Family planning po ang center natin.. Pwede po kayo mag apply para di po kayo anak ng anak “, pagsesermon ko dto..
Napayuko itong tila nahihiya..
“sorry po “, rinig kong sabi dto.
“wag ka pong magsorry sa akin.. Sa mga anak mo ikaw magsorry ..pangwalo na itong pinagbubuntis mo.. Di ka pa nakapag isip na magfamily planning.. “,
Pagkatapos kong maayos ang record nito ay nagmamadali na itong umalis..
Nakakaasar ..!
Naalala ko kse ang pamilya ni Totoy..
Lalo na si totoy kaya lalo akong nangigiL sa galit..
Pinakalma ko ang sarili ko..
Saka napabuntong hininga..
Sa umaga pinapakita kong malakas ako.. Matapang ako at maldeta..
Pero sa gabi.. Tahimik akong umiiyak…
Umiiyak sa ginawa ni totoy sa akin..
Alam kong mahal nya ko pero bakit..
Bakit nya ko sinaktan ng ganito…
Para sa akin.. Di ako kinarma..
Nagmahal lang ako so kasalanan ko ba?
Ayaw kong lukuhin ang sarili ko na sabihin ko sa mga nanliligaw sa akin na gusto ko sila kahit ang totoo ayaw ko naman talaga..
Kaya lahat sila binabasted ko na…
Si Totoy Lang talaga wala ng iba..
Mabilis lumipas ang isang taon.. At
Naistroke si tito..
Kaya tinawagan ko si Mama para pauwiin si ate Esang dahiL yun ang gusto ni tito..
-itutuloy.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top