Ako Naman Kabanata 40


Pagkauwe ko ng bahay ay inalok ako ni Tito at ni titang kumain ..
Pero sabi ko ay kumain na ko kela Totoy..
Dumeretso ako sa kwarto pero naisipan ding Lumabas dahiL gusto ko ng mapagsasabihan ng sama ng loob..
Pumunta ako kela ate Esang…
Pagdating dun ay nakita kong nanonood ng tv sila ate sa sala niLa..
Nung makita ako ni Kuya GiL ay agad itong tumayo at pumasok sa kwarto…
“Ate Esang ??”nakangiti kong twag sa pangaLan nito..
Agad akong tumabi kay ate… Saka nakinood nadin..
“May problema ka ba?? “napadalaw ka ata.. “, tanong ni ate sa akin..
Tumawa ako..
“Grabi ka nman… Dumalaw Lang may problema agad… “, irap ko kay ate ..
Nagkibit balikat lang ito..
“Malay ko db?? ”
“Eh kse naiinis na ko kay Totoy eh.. “, d na ko nakatiis kaya nasabi ko na ..
Yun din nman talaga ang sadya ko dto kay ate Esang e.. Ang may mapagsabihan…
Pinatay ni ate ang tv saka humarap sa akin…
“bkit nman?? ”
“Ate halatang tsismosa ka. “, biro ko dto..
“asus.. Sabihin mo na kse “,pilit ni ate sa akin na tila d na makapag antay…
Bumuntong hininga mun ako bago nagsalita..
“nakipagbreak na ko kay totoy.! ”
“Na nman??? “kakabalikan nyo lng break na nman??? “si ate na pinipigiLan tumawa..
Sinipa sipa ko ang paa ko na parang bata.
“Nakakainis kse talaga sya ate e.. “, pagmamaktol ko..
“bkit nga kse?? ”
“sabi ko mamanhikan na sila bago sila lumipat sa ibang isla.. Sabi kse ni Angkel Jose ay lilipat na sila ng ibang isla.. Kaya tinanong ko kung kelan sila mamamanhikan sa bahay !” naiinis kong kwento kay ate ..
NapabuLahaw ito ng tawa ..dahiLan para lumabas sk Kuya GiL..
“anong nangyare? Bakit Mine ??” tarantang tanong ni Kuya GiL kay Ate.. DahiLan para sumimangot ako Lalo..
Yung sawing sawi ka tpos may sweet sweetan sa harapan mo… Ang...


sarap isumpa!!
“Si ano kse “,d na makapagsalita si ate sa subrang tawa.
Sa inis ko ako na nagsabi..
“tinanong ko Lang naman ang maguLang ni Totoy kung kelan sila mamanhikan.. Syempre gusto ko lng makasiguro no.. Lilipat na sila e.. Baka mamaya makapaghanap pa dun si Totoy ng iba.. Pano na ko db??? Mas maganda parin yung nakakasiguro ako.. “, pahayag ko.
Tumawa si Kuya GiL..
Ngayon dalawa na sila ni Ate ang tumatawa sa akin !
“Anong nakakatawa?? “inis kong tanong sa kanila
Matagal bago sila makaget over sa sinabi ko.. Bago sila tumigiL sa kakatawa…
May pagLuha pa si ate dahiL sa kakatawa..
“Bakit nman kse ginawa mo yun.?? “tanong jmni ate sa akin.
Si kuya GiL nakisali na din sa usapan.. Tahimik muna itong nakikinig..
Nasabi ko na ang rason.. Mahal ko lang talaga sya ate.. “,
“Hayaan mo kse sya.. Baka mamaya may gusto syang patunayan sayo.. “,sabi ni Ate sa akin…
Napasimangot ako…
“Ano pa ang gusto nyang patunayan.. Di pa ba sapat na mahal lang namin ang isat isa..?? “pinipilit ko talaga ang side ko para lang kampihan ako ni ate..
“Marya… Ikaw si Marya.. Tandaan mo.. Si Marya ay Maldeta.. Parusahan mo si Totoy sa ginawa nyang pagpapaiyak sayo “, turan ni ate..
“pero ate ..—-
“Tingnan mo.. Alam mo Marya.. Khit ano pang payo namin sayo ay ikaw parin naman ang masusunod.. Desesyon mo pa din ang masusunod.. Kaya alam mo na ang mga dapat mong gawin.. “, sabi ni kuya GiL.
Napaisip ako..
Kunsabagay..
Tama siLa..
Nagtatalo ang puso at isip ko..
Gusto kong maghigante kay Totoy pero Mahal ko talaga sya e..
Napabuntong hininga ako ..
Bahala na.!
Papadala nalng ako sa agos ng TADHANA KO..
umuwe na ko pagkatapos ng usapan namin nla ate..
Wala nman akong nakuhang magandang payo..
Sayang Lang ang effort ko..
Natulog ako ng gabing iyon na galit kay totoy.
-itutuloy






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top