Ako Naman Kabanata 43


Kinabukasan ay maaga akong nag asikaso..
Magpapagupit ako sa parlor sa bayan at magpapakuLay narin ng buhok..
Saka bibili narin ng bagong lipstick..
Tapos na kong maligo at magbihis..
Nakita kong nag kakape sila tito at tita sa may sala ..
“Tita pupunta po akong bayan ngayon…”nakangiti kong sabi..
“ah cge anak.. Ingat ka “,sabi ni tito habang humihigop ang kape..
Ngumiti Lang si tita dahiL alam nya na un kagabi pa..
“Saglit lang po ako.. “,
Tumango sila kaya nagmamadali na kong lumabas.. Para maabutan ang pampasaherong bangka sa baryo namin..
Nkaabang ako sa tabing dagat..habang busy sa pag i scrol sa fisbok..
Tutok na totuk ang mata ko sa screen ng phone.. Kaya di namalayan ang pagtabi sa akin ni Totoy ..
Halata sa mukha na puyat ito.. Sabog ang buhok at malalim ang singkitin nitong mata.. Naka sweater ito.. At amoy dagat pa..
Kauuwe lng nito galing Laot..
Umusog ako ng kunti dahiL masyado syang malapit sa akin..
“Bakit.. Nababahuan ka ba sa akin? ” tanong nito ..
Umiling ako pero d ako nagkomento..
“Ganito lang ang buhay na maibibigay ko sayo.. Kung ako ang pipiliin mo Marya.. “, malungkot na turan nito sa akin..
Napaismid ako.
MatagaL ko nmang alam yun. At tanggap ko nman yun ..di nman ako naghahangad na bigyan nya ko ng masaganang buhay.. Marangyang bahay.. O ano pa man.. Para sa akin kse ay kaya naman naming maipundar un ng magkasama..
Pero di na ko nagkomento pa..
Nang matanaw kong dadaong na ang bangkang pampasahero sa tabing dagat galing purok uno ay tumayo na ko saka naglakad palapit sa bangka..
Bago pa ko makalayo ay narinig ko pa ang pagsigaw ni totoy ..
“MahaL kita Marya “,
Pero di ko to nilingon…
At agad na kong sumakay sa bangka ..
Tanaw ko ang papalayong pigura ni Totoy..
Bumuntong hininga na Lamang ako ..
Isang oras lng ay nakarating na ko sa bayan..
Agad akong nagtungo sa Parlor..
Umupo ako sa bakanteng Upuan. Mabuti at wala pang ibang kustumer..
“Papagupit ako.. Saka magpapakuLay.. “,sabi ko sa baklang nag assist sa akin” ikaw na ang bahalang pumili sa babagay sa akin na kuLay at gupit..”,
Tumango ito at sinimuLan na ang paggupit..
Mga ilang oras din ang lumipas ay natapos na kong kuLayan at gupitan..
Hanggang balikat na buhok at kinuLayan ito ng Mahogany brown na bumagay sa maputi kong balat..
Ngumiti ako dahiL nasatisfied ako sa kinalabasan..
Agad akong nagbayad at saka mabilis na lumabas sa parlor..
Ala una na ng hapon..
Nag ikot ikot pa ko sa bayan para bumili ng kung ano ano..
Syempre pasalubong ko kay tita at tito..
Pumunta ako sa boarding house ni Kuya Long..
Gusto ko syang kasabay sa pag uwe…
“Mamayang alas tres na Marya.. “, sabi ni...


kuya Long…
Pumayag na ko..
Pumasok ako sa kwarto at natulog ..
Wala naman akong gagawin…
Alas tres ng gisingin ako ni kuya..
Agad akong bumangon para makauwe na kme..
Pagdating namin sa pyer ay nandun si totoy at tila inaantay kme..
“anong ginagawa nyan dto.. “, tanong ko kay Kuya Long ..
“Bayan to Marya.. Malay mo may binili sya dto “, sagot ni kuya Long ..
Nagkibit balikat nlng ako..
“Tara na.. Makisabay na tayo sa kanya “,
Wala akong nagawa ng mauna ng pumunta si Kuya Long sa bangka niLa totoy..
Khit ayaw ko ay napilitan ako..
Di ko tinapunan ng tingin si Totoy..
Ayaw ko lng makita ang mukha nya..
“Ang ganda mo Marya “, buong paghanangang turan nito sa akin..
Kinilig ako pero pinigiLan kong wag ngumiti..
Di ko sya pinansin…
“Kilig na yan ayaw pa aminin “, tukso ni kuya Long..
Napasimangot ako..
“Ikaw kuya Long.. Inlove ka ba ngayon?? Mukha kseng madalas ang pag ngiti mo ngayon”, tanong ko dto..
Halatang halata sa mga kilos ni kuya Long na inlove ito..
Di na to masungit at madalas na rin kung magbiro..
Sa halip na sumagot ay nanatili lng itong nakangiti..
“Ang weird mo kuya long “,
Habang pauwe kme ay inabala ko ang sarili ko sa pagseselpon.. Pinigilan kong wag lingunin si Totoy na nsa likod ko lng at nagmamaneho ng bangka ..
Habang nag pe fisbok ako ay tumunog ang messenger ko ..
Galing kay Ronron ang message ..
“Ang ganda mo sa Profile mo.. Pinusuan ko na “, birong chat nito..
Nagpalit nga pla ako ng profile pic kanina..
Ayaw ko sanang replyan si Ronron kso bored ako kaya naisipan kong replyan.
Magtatayp na sana ako ng may umagaw ng selpon ko..
Inis ko itong nilingon..
At nakita kong mas inis pa ito sa akin..
Tiningnan ko sya ng matalim pero nakipagtitigan sya sa akin..
Gusto ko sanang magalit at talakan si totoy kso andito kse si kuya Long at may mga nakisabay din na taga sa amin..
Kahit inis na inis ako ay hinayaan ko nlng ..
Pagkadaong namin sa tabing dagat ay nagmamadali na kong bumaba.. Saka mabilis na umuwe sa bahay. Iniwan ki si kuya Long..
Nakita ko kseng kausap nya si totoy..
Pag uwe ko ay sinalubong agad ako ni tita..
“Kape ka muna anak.. May meryenda jan “,
“Mamaya na po magbibihis lang ako.. “,
Saka dumeretso ng kwarto.
Sumunod si tita..
“Ang ganda mo anak “,nakangiting puri nito .
“Syempre po Mana sa inyo “, sabi ko ‘Ay may pasalubong po ako.. Andun po ata kay kuya Long ..
“Andto sya ??”
Tumango ako.. Agad na lumabas ng kwarto si tita..
Halatang namiss nya si Kuya Long ..
Ngumiti nlng ako at pinagpatuloy ang pagbibihis..
-itutuloy.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top