AKO PABA? “『ONE SHOT STORY』


AKO PABA? “『ONE SHOT STORY』
Written By: Frix D’vil
Nakatayo ako ngayon sa harap ng puno, dito sa may Park.
Meeting place namin ni Shaun, boyfriend ko.
He’s 20 minutes late, pero okay lang dahil sanay na ako.
I’m just here to clarify some things.
Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na s’ya.
Pero hindi s’ya nag-iisa.
Kasama n’ya si Cindy.
Agad n’ya akong sinenyasan ng sandali lang, tumango naman ako at nanatili sa aking pwesto.
Ilang sandali pa ay lumapit na s’ya saakin, iniwan n’ya si Cindy dun sa may bench.
“Sheena, what is it? Marami pa kaming thesis na gagawin ni Cindy eh.” Bungad n’ya saakin.
Halatang hindi gusto na makipagkita.
“Love, gusto lang naman kitang kausapin. Hindi ko naman alam na kasama mo pala si Cindy.” Paliwanag ko.
Tumango naman s’ya at inip akong tinignan.
“So, anong sasabihin mo?” Tanong n’ya.
Malungkot na tinignan ko s’ya at pinakita ang date at oras sa cellphone ko.
“H-Happy Anniversary, Love.” Pagkasabi konon ay umagos din ang aking mga luha.
Kita ko ang gulat sakanyang mga mata.
“I-I’m sorry...


Love, hindi ko alam. Masyado kasi akong busy sa thesis ko.”
Ani n’ya pero umiling ako.
“Busy sa thesis o busy sa bago mo?” Tanong ko.
Kita ko ang pagkunot ng kanyang noo.
“ANO BANG PINAGSASABI MO?!”
Sigaw n’ya sa harap ko.
Malungkot akong ngumiti at hinawakan ang kamay n’ya.
“Love…a-ako paba?”
Lakas loob na tanong ko.
Sana ako padin.
Sana ako padin.
Sana ako pad—
“I’m sorry.” Saad n’ya.
Umaasang tinignan ko s’ya.
Huwag naman please.
“Sorry, pero hindi na ikaw.”
Pagkatapos n’yang bigkasin ‘yon ay tumalikod na s’ya, sinubukan kong pigilan s’ya.
“Love…” Pagtawag ko.
Lumingon s’ya at inalis ang kamay ko.
“Hindi na ikaw. At hinding-hindi na magiging ikaw.”
Ang sakit.
“P-Pero…mahal k-kita.”
Pagkumbinsi ko.
Iritado n’ya akong tinignan.
“Tama na. Let’s break up.”
After he said that, he left.
Parang huminto ang mundo ko, nang marinig ko ang mga salitang ‘yon.
Wala na.
Unti-unting bumuhos ang aking mga luha, sabay ng sakit na dumudurog sa aking dibdib.
Walang explanation.
Basta isang araw gumising nalang s’ya, na hindi na ako.
_____END_____
:: PLAGIARISM IS A CRIME






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. The beginning of the story ,the readers wondering what’s the end.

Leave a Reply


top