ALWAYS BE MY BABY CHAPTER 4


Enjoy na enjoy nga si Sab habang pumapalo sa drum set,ngayon lang ulit sya nkahawak ng drums.Lalo na ng kantahin na ni Lance ang “Always be my baby” version ni David Cook.Si Lance ang vocalist ng banda nila kaya dahil dyan ay madaming mga chicks ang nagkakandarapa dito.
Favorite song din ito ni Sab,kaya feel na feel nya,pakiramdam nya tuloy sya ang kinakantahan ni Lance.
“Wow ang ganda pala ng boses ng mokong na to.” aniya sa sarili.
Kaso me pagkamayabang naman kaya d nya feel.Pero nung unang kita nya pa lang sa binata ay na love at first sight na sya.Pero nung maalala na napagkamalang maid ay naasar sya.
Kaya imbis na maasar na naman ay itinuon na lang ang pansin sa drums na tinutugtog.
Masaya naman ang party kahit di sya masyadong nakapagsayaw,nahiya sya kasi d sya nkadress for the party.Nang sinabihan kasi sya ng Kuya Xander nya na mag proxy kay Anton bilang drummer ay di na sya nag abala pang mag ayos ng sarili,konting blush on,lip tint at pulbos ok na sya.Tutal nakapants lang din naman ang suot .Kahit formal kasi ang party nagsuot lang sya ng black ripped jeans.Nagblazer na lang sya kasi di pumayag si Cassy na hindi tube ang isuot nyang pantaas.
Si Lance naman ay manghang mangha,di nya lubos maisip na ganun kagaling si Sab.Bihira kasi sa babae ang mahilig mag drums.
Kaya di sya papayag na di maging gf si Sab.
Pagkatapos nila tumugtog kinausap nya kaagad si Xander tungkol sa balak na panliligaw.
“Bro’ can we talk?”
“What is it Bro’?”
“Pwede bang ligawan si Sab?”
Diretsahang saad nito.Nagulat naman si Xander.
“Bro pati ba naman kapatid ko di mo pinaligtas.Bahala ka kung maka first base ka kagad eh di goodluck na lang!hahaha😂😂😂
Natuwa naman si Lance kasi hindi tumutol ang kaibigan.
Pero paano ba nya uumpisahang manligaw,eh parang allergic sa kanya si Sab.
Pagkatapos ng party ay nagpresinta sya kay Xander na sya ang maghahatid kay Sab.Pero mariing tinanggihan ito ng dalaga.
“Bro hatid mo na pinsan ko ako ng bahalang maghatid kay Sab.”
“Wag na Lance kay Kuya na lang ako sasabay.”
“Pero ihahatid nya pa Sam.”pamimilit nya.
“Ok lang,sama na lang ako paghatid kay Ate.”
Tiklop sya dito at bigla naman syang nalungkot.Pano ba sya makapogi points dito.
Pauwi na ang magkapatid galing sa paghatid kay Sam.
“Lil Sis antok ka na?”
“Di pa naman Kuya.”
“Bakit kasi tinanggihan mo pa Lance.”
“Kuya naman alam ko na ang ganung mha galawan kaya Wag ako!”
“Taray mo ha,tingnan natin kung hindi maiinlove dun sa bestfriend ko.”
“Bakit anong meron sa kanya Kuya para mainlove ako?”
“Asus kung alam mo lang kung paano katindi yun pag nainlove.”
“Sus...


inlove kaagad di pa nga nanliligaw.”
“Eh bibabara mo agad.Pero ingat ka maraming chicks ang nagkakagusto dun.Marami kang karibal.hahaha.”😂
“Ewan ko sayo kuya kinokonsinti mo pa ang mayabang na yun.”
Dahil nga sa napag usapan ng Kuya nya ay di rin sya dalawin ng antok.
Sabagay guwapo naman talaga si Lance di malayong mainlove sya dito.Kaso masyado pa syang bata para pag tuunan ng pansin ang pakikipagrelasyon.
Kakaumpisa pa lang nya sa first year madami pa syang gustong gawin.Tsaka pag nag bf sya ay sagabal yun sa kanya.Si Sab pa naman yung tipo ng babae na kapag nainlove ay todo.
Nagkaroon na sya ng ng boyfriend nung high school pero puppy love lang daw yun sabi ng Mommy nya.Di naman nagtagal yun kasi masyado syang selosa at tsaka umuwi na rin sila ng Pilipinas.
Kapag kasi nakita ang bf me kasabay na ibang babae kahit classmate lang pinagseselosan agad.Parating hamon nya dito ay break up.Pero iba na ngayon kung sakaling mag bf sya naipangako nya na sa sarili babawasan na ang pagiging selosa.
One Sunday morning pumunta si Lance kina Xander para maglaro ng basketball sa court ng Sudbdivision.
“Hey bro aakyat ka na ba ng ligaw sa kapatid ko?hahaha😂😂😂
“Kung okay lang ba sa kanya,why not?”
“Eto naman di na mabiro, mukhang ayaw sayo.”
“Grabe ka naman.Asan ba sya?”
“Tulog pa bro.
“Sayang naman di ko pala sya masisilayan ngayon.”
“Wow me pasilay silay ka pang nalalaman,tara na nga!”
“After ng game sama ulit ako sayo dito.”
“Hahaha mukhang tinamaan ka na bro ng lintik na pag ibig ha.”
“Oo nga bro’ eh,halos di na nga ako makatulog.”
“Hoy grabe na yan ha.Pero just in case bro’wag mong sasaktan ang kapatid ko.Magkalimutan na tyo kapag umiyak sya.”pagbabanta nya.
After nga ng laro ay sumama ulit aya kay Xander pauwi.Dito na di sya magsa shower.
Samantalang si Sab naman ay tumutulong sa kusina para gumawa ng breakfast.Lagi nya itong ginagawa kahit nung nasa States pa sila nakatira.At pag uwi nya dito ay lagi syang tumutulong sa Yaya nya lalo na sa pagluluto mahilig kasi sya dito.
“Wow sarap naman ng breakfast natin Lil’Sis ha.”
“Oo naman Kuya ako nagluto nyan.”
“Eh di pwede ka ng mag asawa.hahaha.”😂
Habang nagkakasiyahan naman ang magkapatid ay pababa na si Lance,hinanap nito si Xander.Ayon sa katulong ay nasa kitchen na daw ito.Dumeritso na sya dun.Sanay na sya sa bahay ng kaibigan lalo na kapag Sunday na me laro sila,dito sya nagbe breakfast.
“Bro’ tapos ka na pala maligo.Censya na nauna nko.Let’s dig in.”
“Yes spagheti,mukhang masarap ah.”
Pagpasok naman ni Sab sa dinning area ay nagulat dahil di nya alam na me kasama pala ang Kuya nya at ang kinaiinisan pa






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top