POLICE LIEUTENANT TJ DE LEON arrested my HEART❤ Chapter 4:


📍TJ POV📍
“Hanggang ngayon nasa isip ko pa rin ang babaeng nandun sa wedding,ni hindi siya mawala sa isip ko.Malala yata ang tama ko sa kanya.
“Police Lieutenant, ang layo naman ng isip mo?babae ba iyan?” tanong agad sa akin ni Edgar kasamahan ko rin sa Station.
“Do you know that girl,iyong sa wedding ni Mr.Lim?” tanong ko agad sa kanya
“Wow!mukhang matindi ang tama mo bro!!sino ba iyon?”
“Iyong Maid of Honor sa kasal,iba iyong impact niya sa akin..do you know her?”
Tinawanan ako ng lokong ‘to.
“Bro,sa dami ba namang babae na umaaligid sa iyo..doon ka pa talaga sa babaeng hindi mo kilala at hindi mo makakatagpo ulit?!”
“Basta,iba talaga siya..parang nadala niya iyong puso ko..” seryoso kong sabi
“Seryoso?sige susuportahan kita diyan bro..sana magkatagpo kayo ulit,” iyon na lang ang nasabi sa akin ni Edgar.
Basta gusto kong ipahanap iyong napakagandang babae na iyon.
📍Lea POV📍
“May pagkat*ngahan din itong si Rhian,tanong ko sa kanya kanina kung mahal niya ba talaga ang boyfriend niya..pero shunga,si Dr.Rizal idinamay sa pagkaloading niya.Sa pagwalk out niya kanina ako pa ang sinisisi niya dahil big expectations niya at magpropose na iyong boyfriend niya.Atat na kasi itong bestfriend namin na mag-asawa na dahil...


malapit na itong lalagpas sa edad ng kalendaryo niyo.
“Hoy bakla,sorry na..hindi ka kasi naniwala sa sabi-sabi ng mga chismosa nyong kapit-bahay na may Mercedes sa Eron mong loyal na loyal!!” agad kong sabi sa kanya nang nasa taxi na kami.
“Bakit mo pa kasi ako dinala doon?” nangingiyak pa rin niyang sabi
“At kailan ka naman magising sa katotohanan,Rhian Allyson Madrigal?matagal ng nagloko iyang Eron na iyan,di mo pa ba alam na preggy snake na iyang Mercedes?!!!”
“What??!!chismosa ka rin pala..at paano mo naman nalaman iyon?”
“edi sa leader naming mga Chismosa,sige na bakla!..move on na,baka mastress iyang beauty natin sa kaiiyak..” advice ko sa kanya
📍Lea and Ann POV📍
Isinama namin si Rhian sa bar para magchillax siyempre kasama din namin Tita niya para mapayuhan siya nito ng tama.
Ayun enjoy na enjoy ang Rhian namin sa kakatungga ng beer.
May boys group na kapapasok lang sa bar at mukhang mga gwapo..teka,mahanapan nga ng Forever itong si Rhian.
“Rhian,pansin mo ang gwapo ng nakablack oh at ang laki ng muscles..” natatawang sabi ng Tita Eunice niya
“Ano ka ba,Tita?nakalimutan mo bang may asawa’t anak ka na?!” sagot nitong si Rhian na hindi man lang lumingon sa kabilang mesa.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top