Ama


Ama
Ako ay isang anak na may ingg/t sa puso?, na hindi ko maiwasang maramdaman.
Hindi dahil may amang kayo bumibili ng mga gadgets o magagarang gamit.
Ako ay isang anak na may hinanakit sa aking puso, hindi dahil mahal kayo ng inyong ama.
Dahil isa akong anak na nagsisi,na hindi pinahalagahan ang oras at panahon.
Isa ako sa taong hindi magbigay halaga sa oras kung tawagin ,walang inisip kundi sariling oras lamang.
Makasarili mang kung tawagin,ngunit may katotohanan,masakit mang pakinggan pero iyon amg katotohan.
Hindi ko man lang naisip, na habang nagkakaidad ako ay nakakaidad din ang aking mga magulang.
Hinayaan ko ang panahon at oras na lumipas, at hindi man lang naglaan ng oras sa mga aking magulang.
Isa akong anak na...


nais balikan ang lumipas na oras, upang maitama ang aking mali at pag kukulang.
Napabilang ako sa mga anak na nagsisisi,dahil hanggang sa huli ng buhay ng aking ama ay hindi ko man lang nasabi ang pasasalamat at pagmamahal ko dito bilang isang anak.
Isa akong anak na may inggit na nararamdaman,ngunit hindi sa inyong yaman.
May inggit ako sa puso,dahil mayroon kayong wala ako!
Isang Papa kung tawagin,upang mahalin at yayakap sa isang anak na nangungulila sa pagmamahal ng isang amang tulad namin.
Kaya hwag mo akong husgahan kong may inggit akong nararamdaman.
Dahil mayroon ka na wala ako!,na kung tawagin Tatay,papa,itay ama.
Isang amang nagmamahal sa isang anak na tulad ko?
Para sa aking ama! maraming salamat,alam kung masaya kana sa piling ni bathala.
Miss you papa!😔😔💗💗💗






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top