Amara the dreamer Chapter 12


Amara the dreamer ( May mga part po na cutting unawain niyo nalang po ang mga na cut.
Chapter 12
” BAKIT ka umiiyak?” Tanong sa kanya ni Marikit ng mapansin ang mga luha niyang nag uunahan sa pag patak.
” Marikit, hindi ko ito kakayanin.” Napahagolhol siya, sa subrang takot naramdman.
” Amara, kaya tayo nandito para makipag sapalaran. Hindi pwedi maging mahina ang loob mo. Andito na tayo” sabi ni Marikit na umupo sa tabi niya.
“ Gusto kuna sumuko Marikit, ayaw kuna”
“ Amara, hindi tayo pwedi sumuko, andito na tayo, tibayan mo ang loob. Isipin mo ang pamilya mo naghihintay sa iyo sa pinas.
” Nasa kamay natin ang magandang nilang buhay. kaya wagka pang hinaan ng loob.” Sabi nito sa kanya niyakayap siya.
“ Hanggang kailan tayo mag titiis Marikit?” pahikbi niyang sabi rito. Nawawalan na talaga siya nang pag asa.
“ Pag makapag ipon tayo uuwi tayo sa pinas at mag ni-negosyo tayo.” Pag patuloy ni Marikit.
Puno ng pangarap si Marikit, hindi lang para sa sarili kundi para sa pamilya nito. Handa nito gawin ang lahat para sa pamilya. Kaya hangang-hanga siya dito.
” Walang mang yayari sa buhay natin Amara kapag mahina tayo.” sabi pa nito nang hindi siya umimik.
“ Ikaw ba papayag ka sa hanggang katulong nalang buong buhay mo?” Seriouso nitong tanong sa kanya.
Matiim lang siyang nakikinig rito. Napanghinaan siya nang loob dahil sa na encounter nila. Hindi niya ito inaasahan na aabot sila sa ganito.
” Matitiis mo bang makita ang pamilya mo mamatay sa hirap? Kaya habang buhay pa ako, gagawin ko ang lahat ma e-ahon ko sila sa kahirapan.” Saad ni Marikit.
Nag punas siya ng luha, patibayin niya ang kanyang loob. Gagayahin niya ang tapang nito. Walang mangyayari sa kanila kapag panghinaan sila nang loob.
Malayo sila sa pamilya nila kaya walang ibang makakatulong sa kanila kundi ang kanilang sarili lamang.
“ Buong tapang kung harapin ang pagsubok na ito” sabi niya kay Marikit.
“ Oo Amara, malalampasin din natin itong pagsubok na ito. Makaahon din tayo sa putik na pinag lubugan natin. Basta wagka lang mawawalan nang pag asa” tugon nitong bumalik nang higa sa kama.
“ Matulog kana dahil bukas panibagong pag-asa para sa atin” anito sa kanya
Humiga narin siya sa tabi nito. Bumuntong hininga siya. Mahirap man tanggapin pero kinakailangan. Puno siya nang pag asa at pangarap nang papunta pa sila rito sa Japan. Kaya kailangan ipagpatuloy niya iyon. “ Mag iipon ako at pag uwi ko nang pinas magnenegosyo ako” bulong niya sa sarili.
” AMARA gusto mo bang sumama?” aya ni Marikit sa kanya nang tawagan ito nang isa sa costumer sa club kinabukasan. Wala silang pasok sa araw kaya sumasideline si Marikit sumama sa costumer lumabas. Para kay Marikit sayang ang araw nakatambay sa apartment.
Hindi sila nagpunta nang Japan para magpaka sarap. Nagpunta sila roon para sa kanilang mga pangarap kaya hindi ito nag aaksaya nang pagkakataon.
“ Ano sasama ka? Malaki ang bayad” ulit nitong sabi nang hindi siya sumagot.
“ Hindi na, dito nalang ako.” Tanggi niya. Hangang sayaw lang ang gusto niya, pero napipilitan pa siyang gawin ang mga bagay na labag sa kalooban niya dahil sinasaktan siya kapag hindi siya pumapayag.
Pero ayaw na niya magpa take out sa mga costumer. Yon nalang ang natitira para sa sarili niya.
“ Sige, kung iyan ang gusto mo ikaw ang bahala. Ako hindi kuna papalampasin ang pagkakataon ito” ani Marikit na kumilos na para makaalis.
“ Sige, ingat ka” sabi niya rito nang lumabas ito nang pinto.
Ginugol niya ang oras sa pagsayaw habang wala ang kaibigan at sa paglinis nang kanilang silid. Sinunod niya ang mga labahin.
Sumapit na ang dilim wala parin si Marikit. Hinanda na niya ang kanyang mga gamit para sa club mamaya. Naisipan niyang maghupanan muna bago umalis.
Napaigtad siya nang may bigla kumalabog sa labas.Mabilis siyang tumayo at sumilip sa bintana. Nakita niya ang papalayong itim na sasakyan.
Napadako ang kanyang tingin sa may hagdanan. Namilog ang kanyang mata makita si Marikit nakaupo doon.
“ Marikit!” bulalas niya at mabilis na lumabas dinaluhan si Marikit.
“ Ano ang nangyari sayo?” alalang tanong nang makita itong may mga pasa sa katawan at may sugat ang mukha
Inalalayan niya ito papasok sa loob at pinag handa niya ng mainit na inumin.
” Marikit wagka nalang muna pumasok ngayon.” labis siyang nagalala rito.
” Mga hayup sila.” Naiiyak nitong sabi.
“ Pinag tutulungan nila ako” pinakita nito ang mga paso ng sigarilyo sa paa papunta sa masilang bahagi nito.
Napayakap siya rito ng mahigpit nakaramdam siya ng takot para sa sarili.
“ PAANO aalis na ako Marikit” paalam niya matapos niya magamot ang sugat nito.
“ Sige, bukas nalang ako papasok” sabi nitong nakahiga sa kama.
“ Wag mo nalang pilitin ang sarili mo. Magpahinga ka...


nalang muna” sabi niya rito at nagtuloy na siyang lumabas.
Ayaw na niya sana itong iwan pero kina kailangan niyang pumasok sa trabaho.
Bago siya umakyat sa stage, kinausap muna siya ng manager at tinuro ang groupo ng kalalakihan.” Sir, I need to go home early because my friend is not feeling well” sabi niya rito
“ But Amara, this is part of your Job” pilit nito sa kanya.
“ You go up now” sabi pa nito bago siya makapag salita.
Nanginginig ang kanyang kalamnan na umakyat nang entablado. “ Kapag may sapat na kaming pera para pamasahi sa eroplano uuwi ako” sabi niya sa sarili habang nagsasayaw.
Nakahawak siya sa pole at nagpagilinggiling nagsi lapitan ang ibang kalalakihan at inipit ng mga ito ang pera sa sout niyang underwear Habang ang iba ay tinapon sa kanyang harapan.
Pagka tapos niyang sumayaw nagmamadali siyang nagpunta nang dressing room bago pa siya makita nang manager, ngunit tila binabantayan siya nito.
“ Amara!” agad nitong tawag sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang lumapit rito. Hinatid siya sa table nang tatlong lalaki.
” Come sit, sit. ” wika ng isang lalaki sabay hila sa kanya paupo sa kandungan nito.
“No! I will just sit here beside you.” sabi niyang akma tumayo, mabilis siyang hinawakan nito pabalik nang upo.
Nagpumiglas siya ngunit hinablot siya nito sa buhok.
Nangilid ang kanyang mga luha tumigil sa pagpupumiglas.
Hinalikhalikan siya nito sa batok, pilit siyang umiwas.
Hindi na siya nakatiis umalma siya sa ginawa nito sa kanya. Napatayo siya at humarap rito.
” Sir, I’m just here as a dancer I’am not suppose to sit with the costumer .” inis niyang sabi.
Pinagtatawanan lang siya nang mga ito kapag kuwan ” I want you to play with me.” sabi nito hinila ang kanyang kanang kamay.
Binawi niya ang kanyang kamay mula sa pagka hawak nito.
mabilis na hawakan ng isa pa nitong kasamahan ang kanyang kamay at pinaso ito ng sigarilyo.
“ Aray!” tili niya sa sakit
Lalo nagtawanan ang mga ito ng makita ang kanyang hitsura nasasaktan.
Tila ba na aaliw ang mga ito makita siyang nasasaktan. Hindi na kontento ang mga ito pinaso ang kanyang dibdib.
Napaiyak na siya ” No please im begging you, please.” pagmamakaawa niya.
Tumayo ang isang lalaki at hinawakan siya sa buhok paupo.
Napa hagolhol siya. “ Please, just let me go, I wanna go home” Nag uunahan sa pagpatak ang kanyang mga luha na nagmamakaawa rito.
Ngunit ngumisi ito na tila ba isa siyang laruan na nagpapaaliw sa mga mata nito. Hinawakan ang kanyang buhok at pinaso ang kanyang batok
“Come on” anito pinapakita sa kanya ang private part.
“ Please, dont make me do it please, please.”makaawa niya
Pinaso siya nito sa dibdib nang subukan niyang iniwas ang kanyang mukha. Hilam sa luha ang kanyang mga mata sumunod sa gusto nito.
masakit ang kanyang dibdib pero naisip niya walang mangyayari sa pagmamakawa niya masasaktan at masasaktan lang siya sa tuwing nagpupumiglas siya.
” That’s my girl!” natutuwa nitong sabi. Nang sundin niya ang pinapagawa nito. Hinablot ang kanyang buhok.
Binilisan niya ang kanyang ginagawa hindi na niya iniinda ang sakit ng pag paso ng sigarilyo sa kanyang likuran.
Gusto na niyang matapos para maka
alis sa harapan ng mga hayup na ito.
Sinampal nito ang pera sa kanya nang matapos siya. Dinampot niya ang pera nalaglag sa sahig at agad na tumayo tinungo ang dressing room.
Napaluhod siya pagka pasok niya sa dressing room hindi mapigil ang sarili mapahagolhol sa subrang sama nang kanyang loob sa sinapit. Hindi na niya alam kung hanggang kailan niya titiisin ang kapalaran ito.
Naalala niya si Marikit, agad niyang pinunasan ang kanyang mga luha at tumayo para magbihis.
Nag mamadali na siyang lumabas nang club para makauwi. Inaliw aliw niya ang mga mata sa bawat na dadaanan sa mga nag gagandahang ilaw nang syudad ng tokyo.
Ngunit kahit anong pilit niyang aliwin ang sarili hindi mawaksi sa isipan niya ang nangyayari sa kanya. Ang buhay nila ni Marikit na tila imperno.
” Hanggang kailan tayo magiging ganito?” Tanong niya sa sarili habang nag uunahan sa pagpatak ang kanyang mga luha.
Umagaw sa kanyang atention ang sasakyan nakaparada sa labas ng kanilang tinutuluyan. Natanaw niya ito mula sa di kalayuan.
” Marikit, tumanggap kapa nang costumer? bugbug na nga ang katawan mo.” bulalas niya na binilasan ang paghakbang.
Agad niyang tinulak ang pintuan nang makarating siya.
Tumambad sa kanya si Marikit na hawakhawak ng dalawang lalaki.
” Marikit? sambit niya naguguluhan.
Nangungusap ang kanyang mga mata nakatingin kay Marikit.
” Amara, takbo!” Sigaw ni Marikit sa kanya.
Tatalikod na sana siya para tumakbo ngunit mabilis siyang nahawakan nang lalaki.
Hinila silang dalawa palabas nang apartment at pinilit isinisakay sa kotse.
“Marikit sino sila?” naiiyak niyang tanong.
“ Hindi ko sila kilala” tugon ni Marikit na nanginginig ang boses sa takot.
Nangangatog ang mga tuhod niya. Pakiramdam niya maiihi na siya sa subrang takot nang mga sandaling iyon.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top