HABANG nasa airport siya nag aantay nang kanyang boarding time. Walang kapantay ang kanyang saya naramdaman.
Makikita at mayakap niya rin ang kanyang ina at kapatid. “ Ano kaya maging reaction ni nanay kapag makita niya ako?” nakangiti niyang tanong sa sarili. Hindi niya pinaalam rito ang kanyang paguwi gusto niya itong surpresahin. Nagpunta siya sa c.r para tignan ang pera ibinigay sa kanya ni Hari.
Nangilid ang kanyang mga luha. Kasama nang kanyang mga na ipon ay tama nang makapag simula siya nang bagong buhay sa pinas. Subra pa itong puhunan sa negosyo naisipan niya.
“ Calling the attentions for all passengers of Flight 2222 bound for Manila is now boarding at Gate 8”
tawag nang ground staff nang airport ang pumukaw sa kanya. Pinahid niya ang kanyang luha at lumabas siya nang c.r lalo siyang na excited na sasakay na siya sa eroplano.
Habang naglalakad papunta sa gate. Naisip niya ang unang pagdating niya sa airport nang Japan ay puno iyon nang luha.
Ngayon naman ay napalitan iyon nang tuwa na sa wakas sa ilang taon niya pamalagi sa Japan ay uuwi na siya sa lupang kanyang sinilangan. Walang katumbas na halaga ang saya nadarama na sa ilang oras ay nasa kanila na siya.
KANINA pa nakarating si Harikasi sa bahay. Mula sa paghatid kay Amara sa airport. Bigla siyang nakaramdam nang lungkot. Nasanay na siyang mag isa, sanay siya sa tahimik pero ngayon ay ang nakakabinging katahimikan ang nadarama niya umalis si Amara.
Nagkaroon nang kulay ang buhay niya nang dumating si Amara. Napuno nang halakhak ang bahay niya nong kasama niya ito. “ She change me when she came into my life” bumuntong hininga siya.
“What I have heard about the pilipina is, they are good and loving person, friendly and yes, I proved it myself when Amara was her. And how she looked after me when I was sick it was amazing.
“ She stoped working just to be by,my side” napangiti siya sa isiping iyon” How sweet of her. I wonder if she gets home okay” kinuha niya ang celphone at sinubukan tawagan si Amara para kumustahin ang byahe.
“ The number you dial is out of coverage area, please try your call again later”
Sagot sa kanya nang operator sa celphone. Tinignan niya ang malaking orasan nasa gilid nang sofa. “ Maybe she’s still inside the plane. It takes 4 hours and 20 minutes flight going to Manila ”
Minabuti niyang magpunta sa swimming pool at pagurin ang sarili sa paglalangoy para ma alis ang pangulila niya kay Amara.
” INAY!!” sigaw ni Amara nang makarating sa kanilang bahay. Nakita niya ang ina nagbubuklat nang mga damit mula sa sampayan. Kababa lang niya sa taxi.
” Amara! Ikaw na ba iyan anak?” hindi makapaniwalang bulalas nang ina nang linungin siya nito.
” Nay!” tumakbo siya at niyakap ito nang mahigpit.
” Miss na miss kuna po kayo inay” naiiyak niyang sabi na lalo pang hinigpitan ang pagyakap rito.
” Na mimis din kita anak ang tagal kung inasam asam ang araw na itong makita at mayakap ka” humihikbi nitong sabi.
Mayamaya kumalas ito nang pagyakap sa kanya at tinignan siya nito sa mukha” Ang laki nang pagbabago mo anak, lalo kang gumanda”
” Talaga po ba nay? binubula mo lang yata ako” biro niya rito.
“ May pasalubong ako sayo” kinuha niya ang mga gamit niyang ibinababa nang taxi driver
Ipinasok nilang mag ina ang gamiy niya saka excited na nilabas mula roon ang mga pinamili niyang pasalubong. Tila hindi siya nakaramdam nang pagud.
” Anak, labis ang pag alala ko sa iyo. Walang araw na hindi ako kinakabahan kung na paano kana doon. Lalo nang makauwi dito ang bangkay ni Marikit.” Maluha luha nitong sabi.
Bigla siyang nakaramdam nang lungkot ” Inay, wag na muna isipin iyon, importante inay nandito na ako” Niyakap niya itong muli.
” Ate, masaya ako na nandito kana.” Sabad ni Junjun sa kanila. Lumapit ito sa kanya saka niyayakap siya nito.
” Nagustuhan mo ba ang regalo ko sa iyong ipad,huh?” Nakangiti niyang tanong hinaplos-haplos ang ulo nito.
” Subra ate, maraming salamat sa iyo.” Walang humpay ang saya nilang mag anak mag kakasama na silang muli.
Inabot sila nang hating gabi pagku-kwentuhan mag ina. Kung saan saan na punta ang kanilang usapan hanggang sa makaramdam siya nang antok.
” Nay magpahinga na tayo antok na ako, maaga din ako aalis bukas nay.” tumayo na siya para tunguhin ang kanyang dating maliit na silid.
” Anak, maraming salamat sayo” pahabol nito nang makatalikod siya.
nilingon niya ang ina. ” Walang ano man nay, basta para sa inyo gagawin ko ang lahat” iyon lang ay tumalikod na siya.
” Na mimiss din kita” bulalas niyang hinaplos haplos ang matigas na kama yari sa kawayan nang mahiga siya.
Na mimiss niya si Harikasi at ang kanyang silid sa bahay nito pero iba parin talaga ang pakiramdam nasa sarili kang bahay.
” MARIKIT maraming salamat sa iyo.” Na iiyak niyang sabi habang nakaupo siya sa puntod nito. Inumpisahan niya ang kanyang araw sa pagbisita sa puntod nang dating kaibigan kinabukasan.
” Utang ko sa iyo ang buhay ko, kung hindi dahil saiyo siguro wala ako ngayon dito. Hindi ko matutupad ang pangarap ko.
hayaan mo Marikit, hindi ko pababayaan ang pamilya mo. Tutulongan ko sila sa abot ng aking makakaya.” tumahimik siya para mag alay nang dasal. Pagkatapos ay nagpaalam na siya rito.
Mula sa sementeryo ay nagtuloy siya sa bahay nila Marikit para dalawin ang mga magulang nito.
” AMARA, mabuti nakauwi kana.” Masayang salubong sa kanya ng ina ni Marikit na si Aling Ester.
” Aling Ester. ” Napaluha siyang niyakap ito nang mahigpit.
” Ano ba ang ngyayari sa anak ko roon? Ano ba ang nangyari...