Trapped in his arms 🥀
Chapter One:
Umangat ang sulok ng aking labi ng makita ko siyang nakayuko habang yakap ang dala niyang libro, hindi ko maintindahan ang sarili ko kung bakit sa dami ng pinaglaruan ko siya pa ang nakakuha ng atensiyon ko. Dinilaan ko muna ang aking labi at sumipol para lapitan siya.
Itim na itim ang kanyang buhok at subrang kulot dahilan upang magmukha siyang bata, inosenteng bata, matangos ang kanyang ilong, singkit ang kanyang mata na kada ngi-ngiti siya ay mawawala ito at malaman din ang kanyang pisngi, at may makapal na glasses ngunit ang pinakagusto ko sa lahat ay ang kanyang labi na pulang pula.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses kong natikman ang kanyang labi at pilit pa ang lahat iyon.
Tahimik lang siya at laging nakayuko, wala siyang kaibigan dahil pangit raw siya at subrang taba pero para sa akin siya ang lalaking pinakagwapo sa paningin ko.
Lalaking kulot ang buhok, ang Bebe ko na kulot.
Marami na akong labi na natikman ngunit ang labi lang niya ang aking hinahanap, sa halik niya lang ako nababaliw kaya hindi ko maintindahan kung bakit sa kanya pa ako tinamaan ng ganito.
“Babakuran mo na naman? Para namang may magkakagusto riyan, eh, ang pangit nga niyan.” Si Alex ang kaibigan ko.
Mahirap na baka agawin ng iba, ayaw ko pa naman ng naagawan.
“Susunduin ko lang ang Bebe ko.” Napailing na lang si Alex sa akin na para bang nababaliw na ako.
“Shantal Dela Rosa. Ang babaeng pinakamaganda, pinakamayan at pinag-aagawan ng lahat nabaliw dahil sa isang lalaking mataba? Ewwwwww..so yuck.” Hindi ko na siya pinakinggan at naglakad na ako papunta sa kay Giovanni Ford ang aking soon to be husband.
“Bakit ngayon ka lang?” Nagulat naman ito at agad na yumuko dahil sa inasta ko, inakbayan ko ito at agad na hinalikan sa labi ng marahan. Kumabog ang puso ko dahil sa subrang saya na naramdaman ko.
“Good morning Bebe ko.” Bulong ko sa kanyang tainga, inayos niya ang kanyang makapal na glasses at umuwis ng tingin sa aking mukha, pulang pula ang kanyang mukha.
Dammit! Gahasain ko na kaya ito para pakasalan ako. Alam kong nakababa ng pagkababae lalo na’t sa mga mata natin ang lalaki dapat ang unang gumawa ng move. Pero para sa akin, mas gusto ko yung ako ang nanligaw, ako ang nahihirapan at ako ang lumalandi.
“Sh-ann-tal.” Utal-utal na saad nito, ito ang nagustuhan ko sa kanya, masyado siyang inosente para sa isang lalaki. Halos lahat ng lalaki ngayon ay may experience na, ngunit siya lang ang tanging lalaki na nakilala ko na subrang napaka-inosente kaya hinding hindi ko siya papakawalan.
Gagawin ko ang lahat maging akin lang siya.
“Look at your pretty cheeks, namamayat na. Hindi ka ba kumakain?” Saad ko at hinalikan siya sa labi, naglilikot naman ang kanyang mata sa tabi-tabi.
My innocent baby is shy, eh? Mahiyain talaga itong Bebe ko.
“Let’s go. Papakainin muna kita.” Kinuha ko ang kanyang kamay at hinawakan, napakagat ako ng aking labi at di mapigilang ngumiti, napasipol na lang ako dahil sa kilig.
“Yucck! Di sila bagay. Masyadong maganda si Shantal para sa nerd na yan.” Nakita kong napayuko ang aking Bebe at hinila ang kanyang kamay sa pagkakahawak ko, umigting ang aking panga dahil sa inis.
“Feeling gwapo naman ang...