MAAGA LUMABAS si Edward sa opisina nila. Naisipan niyang daanan muli ang bahay nina Amara para tignan kung nakabalik naba ang ina at kapatid nito sa bahay nila.
” Asan na kaya ang mga tao dito?Bakit kaya hanggang ngayon wala parin sila? Ano kaya ang nangyayari kay Junjun?” tanong niya sa sarili nang marating ang bahay nina Amara. Bumaba siya nang sasakyan at lumapit sa bahay.
Sumilip siya sa loob tahimik ang kapaligiran walang ano man ingay nag mula roon.
“ Tao po?” sabay katok niya nang pintuan na yari sa kawayan
“Knock! knock! Junjun?”
Nakailang katok na siya at tawag sa pangalan nang kapatid ni Amara ngunit wala parin sumasagot.
” Kuya Edward wala napo sila riyan” sabi sa kanya nang batang lalaki ang kalaro ni Junjun noon.
Nilingon niya ang nagsasalita “ Alfonso, bakit ngayon kalang nagpakita? saan kaba galing matagal na kitang hinahanap ah” bungad niya nang mapagsino ang bata.
Si Alfonso ang inutusan niya noon na mag abot nang gamot sa nanay ni Amara para kay Junjun. Nang malaman niya noon nagkasakit ang bunsong kapatid nang dalaga.
Nagkusa siyang mag abot nang tulong sa ina ngunit hindi nito iyon tinangap. Kaya nong makilala niya si Alfonso ito ang lagi niyang inutusan ipaabot ang gamot para kay Junjun.
Minsan naman inutusan niya itong ipabigay ang bigas na binili niya para sa nanay ni Amara. Dahil kay Alfonso napilitan tanggapin nang nanay ni Amara ang tulong niya pero binilinan niya ito na wag ipaalam sa kanya galing ang tulong na iyon.
” Kasi kuya Edward sinama ako nang nanay ko sa probinseya namin kaya nawala ako nang matagal” paliwanag nito sa kanya.
” Ganon ba, kaya pala hindi kita makita nong pumunta ako rito. Saan na sila Junjun?”
” Wala na daw sila riyan lumipat na kuya Edward”
” saan daw nag punta?” kunot-noo niyang tanong
napakamot ito nang ulo”hindi ko rin alam kuya eh. Pagkabalik ko dito wala na sila Junjun. Sabi lang nang mga kalaro namin umalis na daw sila dahil isinama na sila ni ate Amara.
” Umuwi na si Amara?” curious niyang tanong.
“Oo, yon ang sabi nila”
Bumilis ang tibok nang puso niya sa narinig umuwi na si Amara. ” Saan kaya sila ngayon nakatira?” bulalas niya
” Hayaan mo kuya itatanong ko sa nanay ko kapag makauwi si inay” sabi nito.
” Oh sige, babalikan kita rito ha? Baka bukas pagmaaga ako makauwi galing sa trabaho.” kumuha siya nang pera mula sa kanyang bulsa at inabot niya iyon sa bata. ” Sayo na iyan”
” Salamat kuya, tamang tama to wala kaming ulam ngayon. Bait mo talaga kuya” puri nitong binuklat buklat ang binigay niyang 100 pesos.
” Sige, na umuwi kana sa inyo madilim na”taboy niya rito. Tumalikod na ang bata pauwi tumatakbo na sinasabayan nang pagtatalontalon.
“ Alfonso!” tawag niya nang may maala.
huminto ito sa pagtatakbo “ bakit kuya?” tanong nito nang lingunin siya.
“ Dito tayo magkikita ha?” panigurado niya.
Hindi ito sumagot sa sinabi niya ngunit tumango-tango lamang ito.
“ Alfonso wag mo akong tangoan hindi kita nakikita” medyo madilim dilim na ang paligid.
“Oo kuya Edward, bukas nang hapon” ulit nito.
“ Sige, umuwi kana”
Naglakad siya pabalik sa kanyang kotse.” Kaya pala nong huli akong pumunta rito sarado ang kanilang bahay dahil wala na pala sila.
At nakauwi na pala si Amara” bulalas niya sa sarili nang makaupo siya sa loob nang kotse. Gusto niyang hanapin si Amara, pero hindi niya alam kung saan.
“OH AMARA, I love this little venice” naaliw na sabi ni Harikasi nang sumakay sila sa maliit na bangka.
“ I am glad that you like it” nakangiti niyang tugon rito. Ipinasyal niya si Harikasi sa buong ka Maynilaan napuntahan narin nila ang ocean park.
“ Amara, everything around me is beautiful as long as you’re with me” nakangiti nitong sabi.
Lunod na lunod na ang kanyang puso sa mga pa sweet ni Harikasi sa kanya.
“ You been here for five days now, what can you say about the philippines?” pag iba niya sa paksa nila.
“ It’s hot but its beautiful and I love the people here. They are so friendly always, smiling even they have a hard life, they still manage to smile” nakangiti nitong tugon.
Nahawa na siya sa ngiti nito na puro puri ang lumabas sa bibig. “ Maganda nga iyon kahit maliit na bagay lagi na appreciate ni Harikasi” sa kaloob looban niya.
Gabi na silang umuwi mula sa kanilang pamamasyal. Agad siyang humiga sa kanyang kama nanakit ang buo niyang katawan sa kakalakad maghapon.
sumagi sa isip niya ang papalapit na araw nang pagbubukas niya sa hotel.
“ Kakayanin ko ba ito? Kaya ko ba ang maghandle nang ganito kalaking negosyo?”hindi niya maiwasan maitanong sa sarili.
“ Kaya mo iyan, ang dami muna pinag daanan”sigaw nang isang bahagi nang puso niya.
“ Kaya ko ito nasa likod ko naman si Harikasi” inangat niya ang kanyang kaliwang kamay. Napangiti siya habang nakatingin sa kumikislap na singsing nasa kanyang daliri.
“ Ikakasal na kami ni Harikasi panahon narin mag settle down. Twenty eight na ako” napangiti pa siya at saglit din siyang natigil nang maalala ang edad ni Harikasi
Malaki ang agwat nila ni Harikasi “age dosen’t matter. Ang mahalaga mabait si Hari“ Si Edward nga halos kasing edad ko lang hindi ako pinanindigan at pinaglaban. Aanhin ko ang edad kung erresponsible naman ang tao”
napabuntong hininga siya nang biglang maalala si Edward.” makatulog nanga lang kung saan saan na napunta ang isip ko” agad niyang saway sa sairli nang bigla maalala si Edward.
GABING GABI na pero hindi parin makatulog si Harikasi. Nakatambay siya sa veranda ninamnam ang sariwang hangin na nagmula sa karagatan.
Hindi parin siya makapaniwala na sinagot siya ni Amara at heto na sila magpapakasal na. Biglang naglaho ang agam-agam niya noon na baka hindi siya sagutin nang dalaga.
” Certainly worth coming to the philippines” bulalas ni Hari sa sarili
” I really though that Amara would say no to me because I am alot older than her. But she said yes to me” napangiti siyang tinungga ang baso hawak niyang may lamang wine.
Napaigtad pa siya nang bigla magring ang kanyang celphone....
Kaylan po ang next story
kaylan po ang next
Fan po ako nag story na ito hoping mag post pa po kayo