Amara the dreamer Chapter 3


ISANG BESES lang sana siyang sasayaw pero, nang marinig niyang hinanap siya ni Edward at gusto siya sumayaw muli parang gusto niya iyon ulitin “ Pera din iyon, hindi naman ako makilala ni sir naka mask naman ako. Saka kahit doon man lang ay nabigyan ako nang pansin ni sir.” Ngayon palang kinikilig siya sa isiping iyon makipag sayaw siya sa kanyang amo
Sinilip niya si Edward sa bintana mula sa sala. Nakita niya itong naglakad papunta sa gate. Sinundan niya iyon nang tingin. Binuksan ni Edward ang iron gate at pumasok si Sheila.
Napa ismid siya ng makita si Sheila naka pulupot sa leeg ni Edward
” Andito nanaman tong haliparot nato.” inis niyang sabi sa sarili
” Amara.” narinig niyang tawag nito sa kanya at nagtuloy itong naglakad papunta sa swing.
Lumapit siya rito. “ Bakit Sheila?” tanong niya rito nakatayo paharap kay Sheila.
” Ipag timpla mo ako ng juice.” Pinag cross nito ang paa nang maka upo sa swing kita niya ang sout nitong panty kulay orange
Napangiwi siya nang bahagya ” Kahit mahirap lang kami hindi naman ako nag susuot ng ganyang kulay.” Sa isip niya saka agad tumalikod para ikuha ito nang Juice.
mayamaya pa ay lumabas na siya bitbit ang baso maylaman juice. Nakipag lampungan si Sheila kay Edward.
” Sarap sabuyan ng mga ito ng juice. Ang lalandi!” Inis niyang sabi sa sarili.
Selos na selos siya kay Sheila ” Sana ako nalang si Sheila” malungkot siyang napabuntong hininga.
Nakayuko siyang naglakad pabalik sa loob nang bahay. Hindi pa siya tuluyan nakapasok naka salubong niya ang amo si Consita Delgado ang ina ni Edward.
” Amara, samahan mo ako mamalengke.” Sabi nito sa kanya nang makasalubong siya sa may pintuan.
“Upo ma’am.” Maikli niyang tugon rito.
“ Hello tita!” narinig niyang masiglang bati ni Sheila sa ginang at agad lumapit para makipag beso-beso.
“ Wala na talaga akong pag asa sa puso ni sir Edwardo close na ang haliparot sa nanay” bulong niya sa sarili.
Paano kaya siya, tatanggapin kaya siya ng amo niyang babae kapag sakali mag papakasal siya sa unico hijo nito?
Natatawa siya sa sarili “ ang layo ng narating ng pangarap ko”
” Magiging mrs Delgado rin ako” dagdag pa niya sa pangarap niya “ libre din naman ang mangarap kaya sulitin na”
” Ano ba ang nginingiti mo riyan Amara?” saway sa kanya ng amo ng mapansin siya nito.
“Wala ho ma’am.” Nahihiya niyang sabi.
” Ma’am, kung saka sakali ho, papakasalan ko ang anak niyo, tatanggapin niyo ho ba ako?” Gusto niyang itanong dito. Pero hanggang sa isipan na lamang niya iyon.
” Ano ba Amara tumigil kana riyan sa illusion mo.” Saway niya sa sarili.
Tahimik siyang sumunod sa ginang na sumakay sa kotse nito. Bago pa sila tuluyan maka labas nang gate tinapunan niya muna nang tingin si Edward. Nakayakap si Sheila rito.
“ Hay! hanggang pangarap nalang talaga kita” anas niyang sinundan nang malalim na paghinga.
Tahimik siyang sumunod sa ginang nang nasa palengke na sila. Bitbit ang basket.
“ Amara may lalakirin pala ako ngayon” pukaw sa kanya nang ginang na kumuha nang kalabasa at nilagay nito iyon sa bitbit niyang basket.
“ Ikaw nalang bahala kung ano ang lulutuin mo para mamayang hapunan. Hindi narin naman ako sa bahay kakain” anang ginang sa kanya na nagpatuloy sa pamimili nang gulay.
“ Okay po ma’am. Baka gulay nalang po ang lulutuin ko mamaya. Paborito din naman yon ni Edward ang ginisang talong” tugon niya sa ginang
“Mabuti...


nalang hindi mapili si Edward” nakangiti nitong sabi.
“Kaya nga ma’am eh”
“ UMUWI KANA Sheila, kailangan kuna magpahinga. Ina-antok na ako” taboy ni Edward sa kasintahan nang maiwan silang dalawa sa swing. Kanina pa umalis si Steve.
“ Dito muna ako” paglalambing ni Sheila.
“ Antok na nga ako, ilang oras lang ang itinulog ko ka gabi sa bahay ni Patrick” giit niya rito
Wala na itong magawa kundi ang umalis. Hinatid niya ito sa labas nang gate. Hindi na niya talaga malabanan ang antok. Nang maka alis si Sheila ay dumeretso na siya sa kanyang kuwarto para matulog.
INABOT DIN sila nang isang oras at kalahati sa pamalengke. Matagal makapamili ang ginang. Lalo na sa wet market halos ikutin nito ang buong palengke para e-kumpara ang isda kung saan ito maka mura. Kung siya lang mag isa madali lang siyang makabili.
“ Saan kaya sina Edward?” tanong niya sa sarili nang makauwi sila galing palengke. Hindi na niya nakita ang amo sa swing wala narin si Sheila tahimik rin sa loob nang bahay.
“ Baka magka sama ang mga iyon nag lakwatsa”
Nagtuloy na siya sa kusina para hugasan ang mga pinamili nilang mga gulay at karne. Gustong gusto na niyang makapag ligo na ngangamoy na talaga siya.
” Amara.” Tawag sa kanya ng amo at nag mamadali itong bumaba ng hagdanan.
“ Alis na po kayo ma’am?” tanong niya nang makita itong bihis na bihis.
“ Oo, kailangan ako sa meeting sa office namin. Mag parlor pa sana kami nang mga amega ko” angil nito
“ Sige na aalis na ako, ikaw na ang bahala dito” anitong tumalikod na.
“ Sige po ma’am ingat po kayo” pahabol niya sa nakatalikod na amo.
Pumasok siya ng banyo para maka pag ligo nang matapos siya sa kusina.
Hindi na siya naglock nang pinto wala naman ang mga amo, “ si ma’am lumabas si Edward sumama sa syuta niya kaya akin ang araw ngayon mag isa lang ako”
Hinubad niya ang sout niyang damit pati ang kahuli hulihan niyang saplot. Tumayo siya sa ilalim ng shower at ninam-nam ang mga tubig na bumabagsak mula roon.
Naisip niya ang paparating na birthday nang kanyang amo napangiti siya, naisip niya ang tugtug na kanyang sasayawin” Paano kaya yong kanta, Show me how you burlsque?” memoryado niya ang lyrics.
Habang nagsasabon siya sa katawan sinabayan niya iyon nang pagkanta.
“ Where rules don’t apply, no
And you can’t keep a good
girl down” sinabayan niya iyon nang paggiling.
NAGISING si Edward nang makaramdam nang pagka uhaw. Bumangon siya at bumaba tinungo ang kusina.
Bago pa siya tuluyan makalapit sa kusina bigla siyang nakaramdam nang pagka ihi. Pumunta siya sa banyo.
Binuksan niya ang pintuan nanlaki ang kanyang mata nang tumambad ang hubo’t hubad na si Amara kumakanta at nagpa gilinggiling sa ilalim nang shower.
“ Edward!” bulalas nito nang makita siyang nakatayo sa may pintuan.
Agad nitong pinag cross ang dalawang kamay sa katawan nito.
“ B-b-bakit hindi ka nag lock nang pinto”pautal utal niyang sabi rito na hindi inalis ang mga mata sa hubad na katawan ni Amara.
” Sir, baka pwedi lumabas kayo.” sabi nito sa kanya.
Agad naman siyang lumabas nang banyo at sinara ang pintuan.
“ Ganda nang katawan ni Amara” bulalas niyang sumandal sa dingding.
Napangiti siya habang inisip ang balingkinitan nitong katawan at ang maliit na kurti nang baywang.
“ Inferness kay Amara ang kinis nang balat” natatawa niyang sabi sa sarili. Hindi sinadyang sumagi sa isipan niya ang babae nagsasayaw sa kaarawan ni Patrick kahawig iyon ni Amara pati ang galaw nito habang gumilinggiling.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top