The_lost_daughter Chapter_3


Don Federico,ok lang ho kayo patakbong tanung ni Alex.
Ok lang ako,ok lang ako pero kailangan ko sundan ang mag iina ko.
Ihanda ang sasakyan.
Agad naman humarorot ang sasakyan nila Don Federico.
Maya maya ay natanaw na nila ang sasakyan nang asawa na nabunggo nang malaking puno.
Agad siyang kinabahan at tumakbong lumapit nang biglang..
Boommmm..sumabog ang sasakyan nang asawa niya at ang dalawa niyang anak..
Wife,Janus baby..
Wife sigaw ni Don Federico nang makitang nagliliyab na ang sinasakyan nang asawa niya at dalawang anak.
Boom..sumabog pa ulit ang sasakyan.
Sa di kalayuan naman nakatanaw ang mga kalaban.
Tara na…
Biglang nagising sa gulat nang makarinig nang pagsabog si Aling maricar.
Lumabas ito sa kanilang bahay,para tingnan kung anong nangyari..
Kita niya lang sa malayo ang malaking apoy at makapal na usok.
Malayo naman sa bahay niya kaya bumalik na lang siya sa kanyang pagkakatulog..
Ang bahay niya kasi ay nasa gitna nang kakahoyan at ang ibang kabahayan naman ay malayo pa..
Pagka umaga ay maagang kumuha nang panggatong si Aling maricar para sa mga lulutuin niyang kakanin para ibenta.
Nang makarinig siya nang iyak nang sanggol.
Owwahhh owahhhh..
Saan galing ang iyak na yun,pagtataka ni aling maricar.
Tunog na iyak nang sanggol,sa tinagal tagal niyang nakatira doon na mag isa wala naman siyang nakaramdam nang kakaiba sa lugar na yun..
Kagabi lang malakas na pagsabog at iyak naman ngayon nang sanggol.
Aalis na sana si Aling Maricar nang lumakas pa ang iyak nang isang sanggol.
Owahhh owahhh
Kaya naisipan na lang ni aling maricar na hanapin kung saan banda ang tunog na iyon.
Maya maya ay may napansin na nga siya sa damuhan.
Mukhang dito nga ang tunog na yun.
Hinawi niya ang damuhan,tumambad nga sa kanya ang isang sanggol na kanina pa umiiyak.
Lumingon lingon muna siya kung may tao ba,ngunit wala siyang nakita.
Agad niya kinuha ang sanggol.
Baby sino nang iwan sayo dito,kawawa ka naman.
Napakaganda mo pa naman.
Sino ba mga magulang mo ba’t nakaya ka nilang iwan dito...


sa damuhan.
Dinala ni Aling maricar si baby sa kanyang tinitirhan.
Iniisip niya na lang na baka ito na ang sagot sa mga dasal niya.
Si aling maricar ay isang matandang dalaga sa edad na 40 at mag isang naninirahan sa lugar na yun.
Ang mga pinagkikitaan lang nito ang magtinda nang kakanin at mga naharvest na gulay sa kanyang mga pananim.
Simula kasi nang mabigo ito sa unang pag ibig niya ay di na siya tumanggap nang manliligaw.
Kaya kung ikaw man ang binigay sakin nang diyos para samahan ako baby ay buong puso kung tatanggapin at aalagaan ka.
Sa abot nang aking makakaya,kung sino man ang mga magulang mo baby pangako ko sa kanila na mamahalin kita nang buong puso.
Kaya pinaliguan na ni aling maricar ang sanggol,tuwang tuwa siya dahil may ituturing na siyang anak.
Nang pinaliguan na niya si baby napansin niya na may balat pala ito malapit sa talampakan na parang hugis na bituin at kulay pula.
Ikaw ba ang bituin baby na hulog nang langit sa akin,ngiti niyang sabi habang pinapaliguan ang sanggol.
Pagkatapos niyang bihisan si baby ay nag isip siya kung anong ipapangalan sa baby..
Alam ko na simula ngayon baby ang pangalan mo ay si Marichu ang aking anak.
Sa mansyon nang mga Fernandez .
Kamuzta ang imbestigasyon tanung ni Don Federico nang makitang papalapit sa kanya si Alex.
Pasensya na ho,Don Federico wala pa po kaming mahanap na ibedensya para malaman kung sino ang sumalakay sa mansyon ninyo.
Ito lang ho,ang natagpuan namin sa lugar kung saan sumabog ang sasakyan ni Donya Jana.
Inabot nito kay Don Federico ang mga gamit na nakita.
Damit na suot nang gabing yun ni Donya Jana na duguan,laruan ni Janus na hinahawakan niya at tinatabi sa pagtulog at ang lampin ni baby.
Nang makita iyon ni Don Federico ay napasigaw siya at napaluhod na humagolhol sa iyak.
Isang gabi lang nawasak na agad ang kanilang masayang pamilya..
Itutuloy…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top