MARRIED TO A HEARTLESS MAN CHAPTER 4


MARRIED TO A HEARTLESS MANโค๏ธ
CHAPTER 4
Nagising si Clara na katabi ang kanyang asawang si Tyron.Napasarap ang tulog niya sa tabi nito. Alam naman niyang wala itong gagawin masama sa kanya. Hindi niya na kailanman huhusgahan ang asawa niya.
Pinagmasdan niya ang maamo nitong mukha. Para itong hindi bumubuga ng apoy kapag gising sa tuwing magagalit ito.
Di niya mapigilan ang sarili na suriin ang mukha nito. Ang halos perpekto nitong mukha. Ngayon niya na lang realize na napakasuwerte niya sa asawa niya dahil marami ang naghahangad ng posisyon niya, ang magkaroon ng asawa na saksakan ng gwapo.
Bigla naman itong nagmulat ng mata kaya siya naman ang pumikit, nahihiya siya sa pinaggagawa niya pero mag-asawa naman sila diba, so ayos lang yon.
“Wife I know your awake, there’s nothing wrong in staring at my face kung ikaw ang gagawa non” sabi ng asawa niya.
Inimulat niya ang kanyang mata. “Kanina ka pa ba gising?” yun lang ang lumabas sa bibig niya .Ano bang nangyayari sayo Clara? Bakit parang iba na ang epekto ng asawa niyang si Tyron sa kanya.
“Nope,nagising lang ako dahil pakiramdam ko may nakatitig sakin” di naman siya nakaimik.
“Ang sarap mo kasing titigan kapag tulog” bulong niya.
“You can sleep at your room tonight, thank you dahil pinagbigyan mo ako” sabi ng asawang niyang si Tyron.
“Pero wala kang kasama?” Hindi niya alam pero iyon ang lumabas sa bibig niya.
“It’s okay ikaw lang naman ang gusto kong katabi matulog pero I think na ayaw mo na so it’s better to be alone” usal ulit ng asawa niya.
“Dito na ako matutulog starting today”
“What?” gulat na tanong ni Tyron kay Clara.
“Sabi ko dito na ako matutulog para may kasama ka, ang hirap kaya ng mag-isa” nabigla si Clara ng bigla nalang siya yakapin ni Tyron at nakahiga pa rin sila sa kama.
“Pwede wag mo masyadong higpitan hindi ako makahinga” pagbibiro ni Clara sa asawa niya.
“Hindi mo alam kung gaano no ako napasaya” sabi nito at hinalikan ang noo niya.
“Pero may condition”
“Anything for you my wife” he really loves her, na kahit ano handa nitong gawin para sa kanya.
“Ahhm pwede paltan yung kulay ng kwarto lagyan mo naman ng buhay, nakakatakot kaya, bakit ba kasi Black” natawa naman si Tyron sa kanya.
“Don’t worry papaltan natin” sabi nito.
Iniwan muna ni Clara ang asawa niyang si Tyron sa kwarto nila. Oo kwarto nila dahil doon na rin siya Lagi matutulog. Like what she promise to him.
“Good morning manang” bati niya kay Manang Cely ng makita niya ito sa kusina.
“Kumakatok ako sa pinto mo kagabi dahil dinalhan kita ng gatas pero walang nagbubukas kaya ako nalang ang uminom. Maaga ka bang natulog Iha?” pag-uusisa sa kanya ni Manang.Nilock niya rin kasi ang pinto ng kwarto niya.
“She sleeps at my room manang” bahagyang nagulat si Clara ng may umakbay sa kanya. Pakiramdam niya ay nag-iinit ang pisngi niya. Sinabi talaga ito ni Tyron sa harapan ni Manang.Baka kung anong isipin nito di bale mag-asawa naman sila.
“Ahh ganun ba Iho, nakahanda na ang pagkain, mag-umagahan na kayong mag-asawa, ohh siya sige maiwan ko na kayo.” Umalis na si Manang sa kusina.
“Wala kang work today?” pag-uusisa ni Clara sa asawa niya.
“I’m the CEO of that company, so it’s okay, papasok ako kung kailan ko gusto” sagot naman ni Tyron sa kanya.
“Edi dito ka lang sa Mansion?” sana naman ay naman wag itong maoffend sa sinabi niya.
“Yeah, I will spend my day with you”sabi ni Tyron at ngumiti sa kanya, parang naghahara kiri ang puso niya sa sinabi nito.
“You’re blushing” tudyo nito sa kanya…
“Hindi naman kaya, kumain ka na nga lang, kapag sakin sweet kapag sa iba ang sungit” bulong niya.
“Bakit gusto mo ba maging sweet din ako sa ibang babae?” pang-aasar ni Tyron sa kanya.Hindi alam ni Clara pero ng sabihin yun ni Tyron ay sobra sobra ang Inis niya.
“Don’t you dare, sakin ka lang dapat sweet dahil ako ang asawa mo” narinig naman ni Clara ang mahinang tawa ng asawa niya.
Nilagyan niya ng maraming fried rice ang pinggan nito dahil sa inis.
“Wife,hindi ko mauubos yan”
“Pwes ubusin mo” asik niya ni kay Tyron.
“You’re cute when your jealous”
“Anong jealous jealous ang pinagsasabi mo? Kanino ako magseselos ha Aber? I am more than beautiful than anyone, so wala akong dapat ikaselos. At sino ba ang...


asawa diba ako?” ngayon lang ulit nasubukan ni Clara ang magtaray.
“Yes your my wife at ikaw ang pinakamaganda sa paningin ko”kumain nalang siya at di na ito pinansin.
Iba na talaga ang epekto sa kanya ni Tyron.
Pagkatapos nilang kumain at umakyat muna siya sa dati niyang kwarto. Siyempre nagpaalam muna siya kay Tyron.”
Narinig niya ang bulungan ng mga katulong tungkol sa kanila ni Tyron. At hindi naman ito masama sa pandinig niya. Sa totoo lang ay natutuwa pa siya.
” Ang sweet ni ma’am at Sir, parang newly wed lang ang peg, Sana Lagi silang ganiyan” maid 1
“Oo nga kapag kasama ni sir Tyron si Ma’am Clara ay hindi na siya masungit at pa laging nakangiti di tulad sa iba seryoso at cold.” maid 2
“Bagay na bagay silang dalawa,sana nga ay magkaanak na sila para happy family na” maid 3.Ang sinabi ng katulong na iyon ang hindi mawala sa isip niya. Iniimagine niya na paano kung magkaanak sila ni Tyron.
Pagkatapos maligo at magbihis nagpunta siya sa kwarto nila ni Tyron.
“Wife do you want to go out?” tanong nito sa kanya pagkapasok niya sa kwarto. Nakatutok ito sa loptop at may itinatype.
“San tayo pupunta?”
“Kung San mo gusto, just tell me where do you want to go” sabi sa kanya ni Tyron.
“Sa Mall”sabi niya dito. Matagal na rin siyang hindi nakakapunta sa mall dahil sa tuwing magpapaalam siya kay Tyron ay hindi siya nito pinapayagan.
” I just finish this and we will go to the mall”dali daling lumapit si Clara kay Tyron at niyakap ito.
“Thank you!!!” sabi niya at hinalikan ito sa pisngi.
“Your welcome, I will do anything that can make you happy, sabihin mo lang sa akin” sabi Ni Tyron sa kanya.
“Magbibihis na ako!” agad siyang lumabas sa kwarto na nilang mag-asawa at Pumunta sa kwarto niya dati para magalit ulit. Magma mall sila!!! At kasama niya si Tyron.
Natagpuan nalang ni Clara ang sarili niya na namimili ng libro sa National Bookstore. Si Tyron ay nasa labas may kausap lang tungkol sa negosyo.
Isang libro ang pumukaw sa atensyon niya.
“How to be a perfect wife to your Husband?”
Binili niya ito saka siya lumabas ng bookstore at lumapit kay Tyron. Humalik siya sa pisngi nito. Nagiging magaan na ang loob niya dito. Di na Malabo ng masuklian niya ang pagmamahal nito sa kanya.
“San mo pa gustong Pumunta?” taong ng asawa niya.
“Uwi na tayo, tapos na rin naman tayong kumain and ayoko magshopping. Nakabili na ako ng books so where going back to the mansion” nakangiti niyang ani kay Tyron.
“As you wish my lovely wife” sabi ni Tyron at hinawakan ang kamay niya. Magkahawak kamay silang na lumabas sa mall.
Agad silang pumasok sa kotse.
“I know one of the books that you buy” sabi ni Tyron sa kanya.
“Anong libro?”
“The wife and husband thingy” sabi nito sa kanya. Tila naginit na naman ang pisngi niya.
Hindi pa nito pinapaandar ang kotse mukhang gusto muna siya nitong kausapin.
“Your already a perfect wife to me, I want you to know that” dagdag pa ng asawa niya.
“Wag ka na mambola Tyron, I know Ive been harsh to you, I’ve said many bad things to you, I judge you and know you saying that I am perfect wife ,I was a โ€”” di niya na natuloy ang sasabihin dahil hinalikan siya ni Tyron.
Ilang segundo ang halikan nila at ito na rin ang bumitaw.
” It doesn’t matter, you’re always a perfect wife to me, your only the good thing that happens to my life”sabi pa ni Tyron sa kanya bago pinaandar ang kotse.
” I will always love no matter what you are and even if you can’t love me back”sabi na naman ng asawa niya.
Di matigil ang mabilis na pagtibok ng puso ni Clara.
Naiinlove na rin ba siya sa kay Tyron? Iba na ang epekto ng lalaking ito sa kanya
And now she realize she’s really Lucky to be Michelle Clara Evangelista Baltazar because she’s the wife of Tyron Baltazar. Thean who loves her so much.
Simula ngayon ay magiging mabuti na siyang asawa dito. Buburahin niya na sa isip niya na pinakasalan niya ito dahil may pagkakautang ng mga magulang niya.
She’s already falling in love with him.
Thank you po sa patuloy pagbabasa๐Ÿ˜โค๏ธthank you Rin po sa inyo ate Racquel Dela Cruz sa load poโค๏ธ






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top