Woman in love Chapter 2


Woman in love
Chapter 2
Hi!, Masiglang bati ni Rachel. Humalik siya sa pisngi nito. Niyakap naman siya ng tiyahin its nice to see you again Maris, sabik nitong bigkas. Gumanti siya ng yakap dito. Missed you, tita Rachel. Me too, hija. Pinagmamasdan siya nito mula ulo hanggang paa. You’re so pretty, nakangiting bigkas nito. Ikaw din po, tita, nakangiti niyang sagot. Nasaan po si Marie? Sandaling natigilan si Rachel. Ah, wala siya. Kasama ng mga kaibigan. Naka eschedule kasi silang mag mountain hiking. Gumuhit ang lunkot sa hugis puso niyang mukha. Hindi po ba Niya alam na dadating kami ni tita Danna? Nasa tinig ang panunumbat. She knows it. Kaya lang hindi na siya maaaring mag back out sa lakad nila. Napabuntong hininga si Maris, sabik pa naman siyang makita at mayakap ito. Akala niya ay nasasabik din itong makita siya. Hindi pala… May nabuong hinanakit sa kanyang dibdib para sa kakambal. Bumaling si Rachel kay Danna. Kumusta ka na, Danna? Nagbeso ang dalawang babae. Mabuti naman, Rachel. Iiwan ko na sa iyo si Maris ikaw na muna ang bahala sa kanya. Oo Naman,. She is also my niece, remember? Don’t worry about her. Salamat. Nasa malayo man ako ay hindi ako mag aalalang masyado sa kanya. She is safe with me, sabi ni tita Rachel at bumaling ito sa kanya. Nag breakfast naba kayo? Come join me. Sabay-sabay silang dumunog sa mesa. Masarap ang nakahaing almusal toasted bread, butter, fried rice, sunny side up eggs at orange juice. Agad siyang nakaramdam ng gutom. Ilang sandali pa at masaya na silang kumakain. Sa pagitan ng pagsubo ay hindi mapigilan ang sariling pagkumpirmahin ang dalawang tiyahin. Mas batang tignan si Rachel kay Danna. Kumusta ka na, Danna? Nagbeso ang dalawang babae. Mabuti Naman, Rachel. Iiwan ko na sa iyo si Maris. Ikaw na muna ang bahala sa kanya. Oo naman. She also my niece,
remember? Don’t worry about her. Salamat. Nasa malayo man ako ay hindi ako mag aalalang masyado sa kanya kanya. She is safe with me, sabi ni tita Rachel at bumaling ito sa kanya. Nag breakfast na ba kayo? Come join me. Sabay-sabay silang dumunog sa mesa. Masarap ang nakahaing almusal toasted bread, butter, fried rice, sunny side up at orange juice. Agad siyang nakaramdam ng gutom. Ilang sandali pa at masaya Silang kumakain. Sa pagitan ng pagsubo ay hindi napigilan ang sariling pagkumpirmahin ang dalawang tiyahin. Mas batang tignan si Rachel kay Danna. Bawat galaw at pagkilos ng una ay punong puno ng kasiglahan. Bawat salitang binibitawan nito ay sinusundan ng masiglang halakhak. Tipid na ngiti lamang ang tanging nasasagot ng kanyang tita Danna.
Pagkatapos mag almusal ay nag paalam na si Rachel. Sorry kung iiwan ko na kayo. May appointment kasi ako. May luncheon meeting with some clients, paliwanag nito. I’ll be back soon, promise, bahala na sa inyo si Rita. Sige ingat ka, ani Danna. Hayaan mo, babawi ako. Ako ang maghahatid sa iyo sa airport pag aalis ka na. Salamat na lang, Rachel. Ako na lang marahil, tanggi ng kanyang tita Danna. Bakit naman? Taka nitong tanong. Napayuko si Danna. Malulungkot lang ako. Ipahatid mo nalang ako sa iyong driver. Napakibit balikat si Rachel. Sige, ayon nito, kung iyon ang gusto mo. Bumaling ito kay Maris sabay halik sa kanyang pisngi. I’ll be back soon, pangako nito. Tango lamang ang tanging isinagot Niya. Makatagal kaya ako sa parang libingan na bahay na ito, tita Danna? Tanong niya sa tiyahin nang wala na si Rachel. Hinaplos nito ang kanyang buhok. Masasanay ka rin, pampalubag loob na sabi nito. Bakit kasi kailangang dito pa ako tumira, tita? Marami namang boarding house. Gusto kong magkasa kayong mag kapatid, Maris, katwiran nito. Iyong ang gusto namin ng tita Rachel mo. Para Iyon sa kabutihan mo, ninyo ni Marie. Don’t you think it’s a kind of that, tita Danna? Lumaki kaming iba ang kinagisnang tao at lugar. Iba ang way of life at ang paniniwala sa isat isa. Maris, hindi lahat ng oras nandito kami ng iyong tita Rachel. Darating ang panahon na maiiwan namin kayo. Dapat lang na magkasama kayong dalawa dahil walang ibang tutulong sa inyo, mahabang paliwanag ng kanyang tita Danna. Kailan ba humingi ng tulong sa akin si Marie? Wala siyang matandaan. Kapag tumatawag ito sa kanya I text puro boys ang ikinukwento. Natigil ang kanilang pag uusap ng lumapit...


sa kanila si Rita. Ma’am Maris, nasa silid na ninyo ang inyong maleta. Salamat, Rita. Gumuhit ang simpleng ngiti rito. Sasamahan ko na kayong mag ayos ng mga gamit. Sige hindi na siya nagpasalamat dahil nawewerduhan siya sa reaksyon ng babae kapag narinig ang pasasalamat niya.
Maganda ang silid, pambabae talaga ang mga disenyo ng kabuuan. Kumpleto pa sa kagamitan. Nagustuhan po ba ninyo? Tanong ni Rita. Oo, napabaling siya sa tiyahin. Gusto mo nang magpahinga, tita? Umiling.gusto ko munang maglibot sa paligid, sagot nito. Mamaya mo na tulungang mag ayos ng gamit si Maris, Rita. Samahan mo muna akong mamasyal, yaya nito sa katulong. Magpapahinga muna ako, sabi naman ng dalaga. Lumabas na ng silid ang dalawa. Inilapat niya ang pinto pero hindi ikinandado dahil babalik pa naman si Danna. Totoong napagod siya sa byahe. Hindi niya maintindihan ang tiyahin. Maari naman silang sumakay ng eroplano pero mas ginusto nitong sa barko sila sumakay. Pakitamdam niya, nasa ibabaw pa rin siya ng dagat. Inilapat niya ang balinkinitang katawan sa malaking kama. Tumitig siya sa kesame. Bakit parang takot siya? Ano ba ang dapat niyang katakutan? Bahay ito ng kanyang tita Rachel at katulad ni Marie ay may karapatan siyang manirahan dito. Mariin siyang pumikit hanggang sa makatulog.
Marahang haplos sa makinis na pisngi ang gimising kay Maris. Hindi muna siya dumilat. Pinakiramdam muna ang sarili. Hindi siya nanaginip lamang, hindi siya nag iisa sa kwarto. Dumilat siya, noon naman lumapat ang mga labing iyon sa kanyang mga labi. Man laki ang nga mata ni Naris. Naitulak Niya ang pangahas na lalaki sabay sampal dito. How dare kiss me! Maang napatitig sa kanya ang laalki. Nasa mukha nito ang pagtataka. Bakit mo ako sinampal? Nagtanong ka pa? Bakit mo ako hinalikan? Sino ang nag bigay sayo ng karapatan? What’s wrong with you? LAHAT ng karapatan ay nasa akin para gawin iyon. Sasagutin Sana Niya ito nang bumukas ang pinto pumasok si Danna kasunod ang katulong. Ano’ng nangyayari rito? Sita ng kanyang tiyahin. Napalipat lipat ang sa kanya at sa estrangherong lalaki. Who is this man, Maris? I don’t know, tita. Basta nalng siyang pumasok dito sa silid at… Hindi niya masabi na hinalikan siya nito. S-sandali…. Nakataas ang kamay na sabi ng lalaki. Tumingin ito kay Rita, bakas sa mukha ang pagkalito. Ma’am Maris … Siya po ang boyfriend ni ma’am Marie, anang katulong. Natigilan siya. Boyfriend ka ni Marie? Ang lalaki Naman ay napakunot noo. Sir Nicholas, siya po ang kakambal ni ma’am Marie, si ma’am Maris. Maang napatitig sa kanya si Nicholas. Namumula namang inirapan niya ito. Sorry, hingi nitong paumanhin. Hindi ko alam na may kakambal si Marie. I’m Nicholas Sebastian, papakilala nito sa sarili. Napaingos siya. Hindi sapat na dahilan iyin para sa kanya. Tinignan Niya ito mula ulo ganggang paa. Kung nakamamatay lamang ang titig , kanina pa ito bumulagta sa sahig. Bakit pumasok ka sa silid ko ng walang pahintulot? Nakapameywang na tanong niya, nasa tinig parin ang inis. Totoong nainis siya dahil ang naging first kiss Niya ay isang estranghero lang. Hindi iti sumagot sa halip ay napakamot sa batok. Soon na kayo sa labas mag usap, ani ni tita Danna. Lumabas ito kasunod Sina Nicholas at rita. Siya Naman ay naiwan. Hindi parin siya nakapaniwalang ang unang halik na inaàsam Niya ay galing sa boyfriend ng kapatid. Nanginginig parin ang kanyang kalamnan dahil sa kakaibang sitwasyong nasuungan. Hindi sinasadya ay nakapa Niya ang mga labi. Pakitamdam niya ay naroon parin ang mga labi ni Nicholas. At aminin man Niya o hindi, parang nasisiyahan siya sa nangyari sa halip na magalit? Naningkit ang mga mata Niya ang mga Niya nang maalalang hindi alam ni Nicholas na may kakambal si Marie. Bakit ipinaglihim ng kapatid ang tungkol sa kanya? May namuong galit sa kanyang dibdib para sa kapatid. Bakit pumasok ito sa silid Niya? Kaninong silid itong kinaroroonan niya? Tinawag Niya si Rita. Nakayukong lumapit ito sa kanya. Kaninong silid ito, Rita? Nakapameywang na tanong Niya sa katulong. Kay ma’am Marie po. Eh bakit mo ibinigay sa akin? Iyon po ang utos ni ma’am Rachel. Kasi po lumipat sa kanilang solid si ma’am Anna Marie dahil mas malaki. Hindi lang po Niya nilipat ang mga gamit Niya dahil may lakad sila. Nawalan siya ng tinig sa narinig. Walang dapat sisihin kundi si Anna Marie. Bumalik kana sa trabaho mo,taboy Niya dito.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top