DELLA SELLA: UNWANTED LOVE CHAPTER SEVEN


DELLA SELLA: UNWANTED LOVE
(Series One)
AUTHOR REYN
CHAPTER SEVEN
Nakita ni Brayll ang kanyang ina na nakatayo sa pintuan, nginitian niya ito at saka pinagpatuloy ang paglalaro. Si Bryan ay nakatalikod kaya hindi napansin si Trisha.
Dahan-dahang naglakad si Trisha papuntang kwarto niya, nasa malapit lang sa pintuan kaya madali siyang nakapasok ng hindi namamalayan ng dalawa sa sala.
Napabagsak siya sa upo dahil hinang-hina na siya, bumalik ang alaala niya kasama ang lalaki na noon ay iwinaglit na niya. Simula kasi noong ipinanganak niya si Brayll pinangako niya sa sarili niyang hindi na niya hahanapin ang ama ng anak. Pero heto siya ngayon at kailangan niyang balikan upang matukoy kung si Bryan nga ba iyon.
Pagkaraan ng ilang sandali kumatok si Brayll at sinabing kakain na. Nasulyapan pala siya ng anak na pumasok sa kwarto nila, mabilis kasi ang mga mata ng bata kaya alam nitong andun siya. Habang kumakaen sila ay nagsalita si Brayll.
“Mommy you know what i have already a daddy”, ang nakangiting sabi ni Brayll.
Naubo si Trisha sa narinig, uminom siya ng tubig at saka nagsalita.
“What? sino?”, ang tanong ni Trisha.
“Si daddy Bryan po mommy”, ang agad na sagot ni Brayll.
Hindi nakaimik si Trisha, kung kaya si Bryan na ang nagsalita.
“Kain muna tayo anak, pagusapan nalang namin ng mommy mo ang tungkol jan”, ang malambing na wika ni Bryan na parang totoo siyang ama ng bata. Tumango naman ang bata bilang sagot.
Pagkatapos nilang kumaen ay nasa veranda ng bahay sila Trisha at Bryan. Hindi maiwasan ni Trisha na maamoy ang pabango ni Bryan, lalo lang naninikip ang dibdib niya.
“Sabi kasi ng bata wala siyang daddy kaya nag tanong ako kay Manang Saleng kung ano ang nangyari, kaya nag volunteer nalang ako na ako nalang ang daddy ng anak mo”, ang seryusong sabi ni Bryan.
-Nagmamaang maangan kapa bakit di mo nalang kasi aminin- bulong ni Trisha sa isip niya.
“Happy naman siya nung sinabi ko yun, pumayag agad. Kaso sabi niya baka hindi ka pumayag kasi wala tayong relasyon”, ang patuloy ni Bryan.
“Which is tama naman Bryan, we dont have relationship beside of being friends, alam ng anak ko yan”, ang wika ni Trisha.
“Well nasa sayo naman na yun, kita mo naman masaya siya nung sinabi niya sayo”, ang pangungumbinsi ni Bryan.
“Ano bang sinabi mo bat mo napapayag si Brayll?”, ang nagtatakang tanong ni Trisha.
Umaasa siyang sasabihin ng binata na siya ang ama ng anak niya. Pero hindi iyon ang sagot ni Bryan.
“Naaawa ako sa kanya dahil sabi niya he never felt what a father’s love is. Kaya sabi ko ipaparamdam ko iyon sakanya, gusto ko din naman siya napalapit na ang loob ko sa anak mo”, ang sagot ni Bryan.
“Sasaktan mo lang siya Bryan, kapag nagkaroon kana ng pamilya iiwan mo din ang anak ko”, ang matamlay na sabi ni Trisha.
“Kung magkapamilya man ako, hindi ko naman ipagkakait kay Brayll ang pagmamahal ko, he still my first child if ever”, ang seryusong sabi ni Trisha.
“Pag-iisipan ko”, ang sabi ni Trisha at saka na nagpaalam para matulog na.
Nakahiga sa kama niya si Brayll ang ganda ng ngiti nito at yumakap pa sa ina. Alam nalang ni Trisha ang ibig sabihin nun, may hihingiing favor.
“So you want tito Bryan to be your Daddy?”, ang tanong ni Trisha.
“Yes mommy please, advance gift mo na sakin si daddy Bryan. I want him...


to be my dad”, ang nakikiusap na sabi ni Brayll.
“Ano bang nagustuhan mo dun, may mga nanligaw naman kay mommy but hindi ka pumili noon sa kanila”, ang tanong ni Trisha.
“Because you never ask them to stay here in our house, tapos bigla- bigla nalang silang nawawala. Yung iba pa parang lolo ko na, yung iba hindi kasing bait ni Daddy Bryan. And they are stranger’s, diba sabi mo friend kayo ni daddy Bryan?”, ang derederetsong sagot ni Brayll.
Natatawa si Trisha sa mga sagot ng anak, totoo naman kasi ang nga sinabi nito. Isa kasi ang anak sa kasamang kumikilatis ng manliligaw niya. Syempre kung ayaw ng anak ayaw niya, kung ayaw niya ayaw ng anak, ganun sila magkasundong dalawa. Kaya heto ngayon ang anak nakikiusap sakanya, iniisip niya kung pagbibigyan ba niya o hindi.
“What if i won’t?”, ang tanong ni Trisha sa anak.
“Then i will never have a daddy”, ang malungkot na sagot ni Brayll.
Inaral ni Trisha ang itsura ng anak, ibang-iba ito sa itsura nito noon sa mga nanligaw sa kanya. Ngayon parang pinagsakluban ng langit at lupa sa sibangot ng kanyang anak.
-Nararamdaman mo bang siya ang tunay mong ama?- ang gusto sanang itanong ni Trisha pero pinigilan niya ang kanyang sarili baka mapressure ang anak.
“Ok I’ll think about it, bukas malalaman mo ang sagot”, ang masayang sabi ni Trisha sabay haplos sa malambot na buhok ng anak.
“Talaga mommy, yehey may chance pa sana mommy agree kana, ako lang naman ang love ni daddy Bryan hindi ikaw. Saka di mo naman siya love diba kaya kami nalang dalawa”, ang masayang sabi ng bata.
Nagtawanan ang mag-ina dahil sa sinabi ni Brayll. Kinantahan na ni Trisha ang anak at nakatulog agad, saka na din siya natulog ng may ngiti. Dahil masaya ang anak sa presensiya ni Bryan.
Kinabukasan maagang nagising si Brayll, inunahan niya ang kanyang ina. Nag freshen up na ito at nagpalit ng damit, nakapolo shirt ito na kulay red at nakapantalon, sinuot din niya ang paborito niyang sapatos saka naupo sa sofa.
“Oh may lakad ba kayo ng mommy mo?”, ang nagtatakang tanong ni Manang Saleng sabay abot ng gatas ng bata.
“Hindi po nanay, dito lang ako sa bahay hinihintay ko magising si mommy”, ang sagot ni Brayll.
“Naku alam ko na yan, hindi pa pumayag ang mommy mo nuh tungkol sa sinabi mong gusto mong maging Daddy si Bryan”, ang nakangiting sabi ni Manang Saleng.
“Opo nanay, dapat pumayag si mommy para may daddy na ako, diba masaya yun nanay”, ang sabi ni Brayll sabay kandong kay Manang Saleng. Tumango naman si Manang Saleng at yinakap ang malambing niyang alaga.
Pagkalabas ni Trisha ay nasa kusina na sila, pero wala pa doon si Bryan. Napansin din niya ang suot ni Brayll kaya natawa nalang siya. Mukhang nagaabang ng sagot na ngumiti ang bata.
“Oh anak tawagin mo na ang daddy Bryan mo kakain na tayo”, ang masayang sabi ni Trisha.
“Ommo! mommy what did you say, Daddy Bryan? You mean he will be my Daddy na?”, ang naapurang sabi ni Brayll.
“Of course anak, are you happy?”, ang tanong ni Trisha.
Hindi na sumagot ang bata, bagkus ay tumakbo siyang nagsisisigaw sa tuwa papuntang kwarto ni Bryan. Tinatawag niya itong daddy habang papasok doon. Sobrang saya din naman ni Trisha dahil sa nakikitang kasiyahan sa anak.
Tama kaya ang desisyon ni Trisha na maging ama ni Brayll si Bryan? Abangan sa susunod na kabanata.






Share On Whatsapp

"1" Comment
  1. If you are like a lot of people you can simply overlook this. The best thing you can do is become relevant with yourself and faithful with your own morals. This will lead to a sad and unfulfilling life.

Leave a Reply


top