Amara the dreamer Chapter 7


” NAKU kailangan na natin umuwi” sabi niya rito nang makita na tila walang itong plano kumilos mula sa pagkakahiga.
Dumako ang tingin niya sa hubad nitong katawan. Ang inasam-asam niya noon ay ngayon malaya niyang nahawakan.
“ Mamaya na tayo umuwi gusto ko pang matulog” tugon nitong hinila siya
“ Kailangan kuna umuwi baka hahanapin na ako nang mommy mo ngayon. Madami pang gawin para sa paghahanda sa birthday mo” sabi niya na sinabayan nang pagtayo.
Walang nagawa ang binata kundi ang tumayo narin. Nagtungo ito sa banyo tila hindi na nahiya sa kanya nagpalakadlakad na hubo’t hubad.
” Wag kana bumalik sa pag sasayaw” sabi nito habang nasa loob sila nang sasakyan.” kapag kailangan mo nang pera magsabi ka sa akin”
Nahihiya siyang tumingin rito. Nakita niya ang pagseryuso nang mukha nito “ dalawang beses ko pa naman iyon nagawa” tugon niya
“ Kaya nga wag kana umulit. Ayaw kung nakikita kang nagsasayaw sa harap nang mga lalaki” sabi nitong pinisil ang kanyang kamay habang ang kaliwang kamay nito nakahawak sa manibela.
“Kapag makahanap ako nang tyempo mamaya sasabihin ko kay mommy ang tungkol sa atin” sabi nito nang malapit na sila sa bahay.
“ Ikaw ang bahala” tanging tugon niya rito. Sa isip niya sana wagna muna kasi hindi pa niya alam kung paano haharapin ang ginang. Wala siyang kasiguruhan na tanggapin siya nito bilang manugang.
” ANAK, Happy birthday!” bungad nang ina ni Edward na si Consita. Nakatayo ito sa may pintuan sadyang inantay nito ang anak na makauwi.
“ Salamat mom” tugon ni Edward at yumakap sa ina.
Napangiti siyang nakatingin sa dalawa na malambing sa isa’t isa.
“ Bakit ngayon kalang umuwi? ka gabi kapa hinanap ni Sheila” sabi nang ginang nang kumalas ito nang yakap sa anak.
Napatingin sa kanya si Edward nagkatitigan silang dalawa. Kumirot ang puso niya sa narinig. “ De bali na kayo naman ang magka sama ka gabi” sa isip niya.
“ Sa condo kasi ako ni Steve nakatulog, nagpaparty sila ka gabi para sa akin. Napa sarap ang inuman kaya hindi na ako umuwi” paliwanag nito sa ina.
” Oh Amara, bakit ngayon ka lang?” Baling ng ginang sa kanya nang mapansin siya nakatayo sa gilid nang pinto.
“ Magandang umaga po ma’am” nakangiti niyang bati rito.
” Pumunta kana sa kusina tulongan muna sina Mila doon” Tukoy nito sa kamag anak.
Tumingin muna siya kay Edward bago siya tumalima papunta sa kusina.
Wala siyang masyadong tulog ka gabi dahil sa kanilang ginagawa ni Edward. Pero hindi siya nakaramdam nang antok. Tila na inspired pa siya sa mga gawain.
Hindi niya nakita ang binata simula nang dumating sila. “ malamang natutulog iyon napagod siguro” sa isip niya. Ginugol niya ang oras sa gawain hanggang sa sumapit ang tanghali.
” HAPPY birthday honey!” Bati ni Sheila kay Edward nang makitang bumaba sa hagdanan.
Napalingon siya nang marinig ang boses ni Sheila, nakaramdam siya nang kirot sa puso nang makita si Sheila nakayakap kay Edward.
Nagseselos siya gusto niyang siya lang ang kayakap nito ngunit wala siyang magagawa.
Napalingon si Edward sa gawi niya nagkasalubong ang kanilang mga mata. Agad siyang nagbawi nang tingin.
” Sheila mabuti nandito kana” Sabad nang ginang sa dalawang naglalampungan.
“ Hello tita, masyado ba akong napa aga?” ani Sheila sa maarte na boses..
“ Hindi naman, kahit pa nga mag damag ka dito ayos lang” natatawang sabi nang ginang.
“ Yan ang gusto ko sayo tita, love na love mo talaga ako” anitong yumakap sa...


ginang.
“ Nasaan ang mga magulang mo?” tanong nang ginang kay Sheila.
“ Mamaya pa silang gabi tita, na una lang ako excited na kasi akong mabati tong nobyo ko” muling pinulupot ni Sheila ang kamay sa baywang ni Edward.
Kinakabahan na nasasaktan siya. Halo halo ang kanyang nadarama. Kinakabahan siya sa reaction ni Consita kapag malaman na may relation sila sa anak. Nasasaktan siya dahil mas close ito kay Sheila kahit siya, alam niya sa sarili niya na botong boto ang ginang para rito.
“ HIJO kailan ba kayo mag papakasal ni Sheila?” tanong nang mommy ng binata habang nananghalian ang mga ito.
Nabitawan niya ang hawak na tray may nakapatong na baso maylaman Juice ng marinig niya ang tanong nang ginang kay Edward.
“ Amara okay kalang ba?” baling nang ginang Consita sa kanya.
” Sorry po.” Nakayuko niyang sabi habang pinupolot ang mga basag na baso.
Sa sulok nang kanyang mata nakita niya si Edward na tumayo at naglakad palapit sa kanya.
” Ako na.” Mahina niyang sabi rito nang umupo ito sa tabi niya, dinampot ang basag na baso.
“ Ayos ka lang ba?” alalang tanong nito sa kanya. Tumango tango lamang siya rito. Nagbabadya ang kanyang mga luha. Nasasaktan siya sa tanong nang ginang.
“ Hijo hayaan muna si Amara riyan .”tawag nang ina ni Edward.
“ Sige na pumunta kana roon” taboy niya nang hindi ito kumilos.
” Halika na hon, hayaan muna siya diyan” segunda ni Sheila.
Nakaramdam siya nang pagka inis kay Sheila. Gusto niyang magalit pero ano ang karapatan niya? Oo girlfriend siya pero palihim lang ang relation nila nang binata.
Nag init ang sulok nang kanyang mga mata. tumalikod siya bitbit ang mga basag na baso.
Mabilis niyang tinungo ang kusina at doon pinapakawalan ang mga luha kanina pa gusto kumiwala.
Hindi niya namalayan ang paglapit ng binata sa kanya. Niyakap siya nito mula sa kanyang likuran.
Tinanggal niya ang nakapulupot nitong kamay sa kanyang baywang ” Baka makita tayo ng mommy mo.” sabi niya sa mahinang boses at pinunasan ang luha naglandas sa kanyang pisngi.
“ Shhhhhhh wag kana umiyak. Hahanap ako ng pagkakataon para masabi ko kay mommy ang tungkol sa atin.” Alo nito sa kanya.
Tila siya nawalan nang pag asa. Na makuha niya ang boto nang ginang para sa anak. Masyado na itong napamahal kay Sheila.
“ Bumalik kana doon baka hanapin kapa ni Sheila” taboy niya rito nang hindi ito kumilos sa kinatatayuan.
” Ano ang nangyayari rito?” untag sa kanila ni Sheila. Nang makita silang dalawa nakatayo at magkaharap sa isa’t isa.
” Ah, tinignan ko kung nasugutan ba si Amara.” Tugon ni Edward.
“ Nasugatan kaba?” mahinang tanong ni Edward sa kanya.
Umiling iling siya.” ang puso ko ang nasugatan” gusto niyang isagot rito.
Tinignan siya ni Sheila nang matalim na tingin at hinila nito si Edward. Papunta sa sala. Naiwan siyang naka tulala.
Mahal niya ang binata matagal na niya itong inibig nang palihim ngayon, naging sila pero patago pa ang kanilang relation. Pakiramdam niya isa siyang kabit na nakiki apid sa pagmamahalan nang dalawa.
“ Mali ba ang magmahal?” bumuntong hininga siya at binaling ang pansin sa hugasing pinggan.
” Magka liwanagan tayo Amara”
Muntikan niyang mabitawan ang pinggan sa pagka bigla nang may nagsasalita sa kanyang likuran.
Pumihit siya paharap nakita niya ang galit na mukha ni Sheila.
“ Wag na wag mong landiin ang boyfriend ko kung ayaw mong malilintikan.” mariin nitong sabi sa kanya nang makaharap siya.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top