ANG BOYFRIEND KONG DUWAG


ANG BOYFRIEND KONG DUWAG
“B0bo nasa likod mo na! AAHHHHH takbo—”
Napahinto ako sa pagtili ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Bumungad sa akin ang nakabusangot na pagmumukha ng boyfriend kong si Zach.
“Anyare sa’yo?” kunot noong tanong ko.
Umupo ito sa aking tabi at bagsak ang balikat na tumingin sa akin.
“Eh kasi—” hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin ng mapalingon ito sa pinapanood kong horror movie. Mabilis pa kay flash itong napayakap sa akin at bahagya pang isinuksok ang kaniyang ulo sa aking leeg.
Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang aking tawa pero nabigo ako. Kahit kailan napakaduwag niya, kalalaking tao tiklop sa multo.
“M-May m-momo pa ba baby?” nanginginig na tanong nito.
“Wala na,”pinigil ko ang aking takot ng bigla na namang sumulpot ‘yong multo sa pinapanood ko. Kailangan kong tiisin para maniwala siya.
Marahan itong lumingon sa monitor, “fucking ghost!” sigaw niya at automatic na tumakip ang kaniyang palad sa mga mata niya.
Kaagad akong napahagalpak ng tawa dahil sa nagmamadali itong sumoksuk sa ilalim ng kama. Hindi na ako makahinga, pakiramdaman ko pagtawa ang magiging cause of death ko.
“Arggh! damn you, lagot ka talaga sa’kin once na matapos ‘yang pinapanood mo,” inis na turan nito pero halata pa rin ang panginginig sa kaniyang boses.
Napabungisngis ako ng dahil sa sinabi niya.
“As if matatapos na nga. Meron pa akong apat na panonoorin eh, samahan mo ako manood?” pangaasar ko.
“Humanda ka sa’kin,” rinig kong bulong nito at kasunod noon ay ang katahimikan niya. Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa niya sa ilalim, busy ako sa pinapanood ko kaya hindi ko na siya pinagtuonan ng pansin.
Napahinto ako sa pagsubo ng pop corn ng bigla itong lumabas mula sa ilalim ng kama ko.
“Oh bakit lumabas ka na agad? may momo pa oh,”...


turo ko sa monitor habang nginunguya ang pop corn sa bibig ko.
Pero hindi siya lumingon, marahil ay natatakot pa rin. Umawang ang aking labi ng dumakot ito bigla sa pop corn ko na kaagad niya ring isinubo tsaka siya humarap sa monitor. Buong akala ko ay tatakbo ito ng dahil sa takot pero napa’ohh’ na lang ako ng dahil sa ginawa niya.
“Napaka-smart naman pala ng duwag kong boyfriend,” ani ko habang nakatingin sa phone niya na ginamitan ng funny filter, dahilan upang magmukhang nakakatawa ang pinapanood namin imbes na maging nakakatakot. Pinalakpakan ko siya ng dahil roon, that’s what they call ‘sarcasm’.
Muli akong napahinto sa pagnguya ng tapunan ko ng tingin si Zach. May pilyong ngiti ang nakaukit sa kaniyang labi habang marahang naglalakad palapit sa akin.
Ewan ko ba kung bakit pinagpapawisan ako ng dahil sa takot, hindi dahil sa pinapanood ko kun’di dahil sa aking boyfriend. Nalunok ko tuloy ng wala sa oras ang kinakain ko dahilan upang mapaubo ako. Grabe mas nakakatakot pa yata siya kaysa do’n sa babaeng multo.
Hindi ko namalayan na nasa ibabaw ko na ito ngayon habang masamang nakatitig sa akin. Umiwas ako ng tingin pero hinawakan nito ang aking chin at pinihit paharap sa kaniya, upang muling pagtamain ang aming paningin.
Sumingkit ang mga mata nito, “Anong sabi mo? duwag ako?”
Nanlaki ng aking mata ng dampian nito ng halik ang aking labi. Rinig ko ang sigawan mula sa movie na pinapanood ko pero mistulang mas malakas pa doon ang tibok ng aking puso— lalo pa ng kagatin nito ang ibabang labi ko.
Pakiramdam ko ang unti-unting panlalamig ng aking katawan mula ulo hanggang paa, ng maghiwalay na ang aming mga labi.
“Sino ngayon sa’tin ang duwag?” bulong nito.
A-Ayoko na ulit siyang takotin.
_______
A work of FICTION — Written by: Naia Canard






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top