π—žπ—”π—›π—œπ—§ π—šπ—”π—‘π—œπ—§π—’ π—¨π—šπ—”π—Ÿπ—œ π—žπ—’, π—¦π—”π—Ÿπ—”π— π—”π—§ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—”π—‘π—”π—§π—œπ—Ÿπ—œ 𝗠𝗒


π—žπ—”π—›π—œπ—§ π—šπ—”π—‘π—œπ—§π—’ π—¨π—šπ—”π—Ÿπ—œ π—žπ—’, π—¦π—”π—Ÿπ—”π— π—”π—§ 𝗦𝗔 π—£π—”π—‘π—”π—‘π—”π—§π—œπ—Ÿπ—œ 𝗠𝗒
Sa kwentong ito. Sa mga lalaki na naman tayo babase. Sila na naman ang ating gagawan ng simula, gitna at wakas sa bawat kabanata. Sa kanila na naman natin ituon ang storya. Sila muna ngayon ang magdadala sa isang karakter na sila ang bida sa β€˜sariling ugali nila’.
Marami ang nagsasabing, topakin ang mga babae, madaling magtampo at magalit. Kailangan lambingin. Mahirap intindihin at suyuin. Matagal mawala at maglaho ang mood swing. Madrama at overthinker.
Pero hindi nila alam gan’on din naman ang mga lalaki. Ang karamihan at ang iba sa kanila. Kagaya nating mga babae may ganoong ugali din ang mga lalaki.
β€œJR, Anong problema mo? Anong hitsura ‘yan? Ba’t gan’yan ka? Ang tahimik mo. Tapos ang sungit-sungit mo pa. Hindi ka din namamansin sabay irap ka pa sa sa ‘kin pag nandito ako at nakatingin sa ‘yo.” Mababang lintaya ko sa kan’yang pilit na hininaan at binabaan ang boses at pasensya ko.
β€œWala. Wala ‘to, Mahal. Labas ka na dito.” sagot nito. Sige may gagawin pa ako maiwan na kita. Ingat ka, Mahal.” dagdag pa nito. Parang kinurot ang puso ko sa inasta niya’t kinikilos. Alam kong ganito siya pero ito din ang ayaw ko pag nasa ganito s’yang sitwasyon. Naaapektuhan ako.
β€œSabihin mo man o hindi. Hindi mo maitatago sa akin kung ano man ‘yang nararamdaman at nasa isip mo. Alam ko malungkot ka at may problema. O baka naman tinotopak ka na naman.” Sabi ko sa kan’yang nahigit ko bigla ang kamay nito at s’yang pinaharap ko at tinitigan sa mga mata.
Ang ugali ng mga lalaki parang babae. Hindi mo rin sila maiintindihan. Mahirap din silang ipaliwanag. Swertehan na lang siguro sa kanila pag may isang tao sa buhay nilang naiintindihan sila. Dahil hindi sa lahat ng panahon babae ang iniintindi, sinusuyo at pinapakinggan ang drama nila sa buhay.
β€œSi Mama at Papa kasi, Mahal. Nag-aaway. Tapos si, Kuya, Mahal nabuntis niya ‘yung girlfriend niya. Kaya galit na galit din si, Papa sa kan’ya. Mahal, wala akong magawa. Wala akong kwenta β€˜di ko maayos ang pamilya ko.” naiiyak ay parang batang wika nito sa akin. Habang nakayuko tumutulo ang luha. Sabay ang mahina nitong hikbi.
β€œKaya ka pala malungkot? Kaya ka pala wala sa mood? Kaya ka pala gan’yan? Hindi mo ako pinapansin? Kaya din minsan nagagalit ka bigla sa akin?” nagtubig ang mga mata kong sabing nakatitig sa mga mata niyang may luha.
β€œOo, Mahal. Kaya, sorry. Ayoko ko lang na madamay ka. Sorry, Mahal. Kung minsan din topakin ako, nagagalit bigla at mahirap intindihin. Pero ito lagi tandaan mo mawawala lang ako sa mood pero hindi sa...


‘yo.” Wala akong ibang nasabi pa kahit anong salita sa kan’ya. Niyakap ko siya dahilan para lumakas ang hikbi nito. Naibuhos nito lahat ng bigat sa puso at damdamin niya sa bisig ko.
Nakatitig lang ako sa mga mata niyang nakangiti pagkatapos nitong huminahon sabay sabi, β€œIto din ang tandaan mo. Palagi kitang iintindihin. Hindi ako aalis sa tabi mo. Hanggat nandito ka. Naririto lang din ako. Hanggat pareho tayong nakayo, kaharap ang magulong mundo at minsan’g mapanakit na mundong β€˜to. Nandirito lang ako mananatili sa tabi at buhay mo.” aniya kong nakangiti na s’yang ikinatango niya.
Sa relasyon at sa inyong dalawa pareho hindi lahat ng lalaki sila na lang palagi ang kokompronta sa ating mga babae. Magbibigay aral at salitang sa kanilang puso magpapatibay. Inspirasyon at malalim na pagmamahal na mas kailangan din nila. Deserve din nila ‘yung mga bagay na para sa atin deserving din.
β€œMahal kita. Panahon lang ‘yung magbabago. Hindi ang nararamdaman ko para sa ‘yo. Ganito lang ako pero takot akong mawala ka. Dahil baka wala na akong mahanap at makitang katulad mo. Na kahit minsan delekado at komplekado na ang lahat nandito ka. Nanatili.” Mga salitang nagpangiti sa puso ko. Sa mga salitang minsan ko lang maririnig mula sa kan’ya pero totoo at galing sa puso.
β€œBasta ang alam ko, Mahal Kita. Walang sagot sa mga tanong, walang pero. Ang alam ko lang hanggat mahal mo ‘ko at hanggat mahal kita. Ano man ang mangyari hindi ako susuko at bibitaw sa ‘yo. ’Gaya ng sabi mo. Ito rin ang tandaan mo mawawala lang ako sa mood pero hindi sa ‘yo.” Mababang aniya ko sa kan’ya tumutulo ang mga luhang β€˜di ko namalayan.
“Ang pangit mo umiyak mahal.”
β€œNanlait pa, siya din naman,” pabirong aniyang hinalikan ako nito sa noo.
β€œKahit ganito ugali ko. Salamat sa pananatili mo. Salamat, sa pagtanggap sa buong ako. Salamat, dahil hindi ka nagsasawa at napapagod sa akin. Salamat, bleesing ka sa akin.” aniyang nakatitig sa mga mata ko sabay yakap sa ‘kin ng mahigpit.
Kung blessing ako para sa kan’ya. Swerte siya para sa akin.
Pantay-pantay lang naman tayong lahat bilang babae at lalaki. Pare-pareho lang naman ang mga ugali natin at pagkatao. Karamihan lang talaga. Sa mga babae lang talaga madaling nakikita at nakilala ang isang ugali.
Topakin din ang mga lalaki. Madaling magtampo at magalit. Kailangan lambingin bago mo mapangiti at ibalik sa dati. Mahirap intindihin at suyuin. Matagal mawala at maglaho ang mood swing. Madrama at overthinker din sila. Kaya ang mga gan’yang ugaling kagaya nila kailangan ng isang babae na kaya din silang maintindihan at hindi basta sa ere iiwan.
______
BY: PAINLESS PEN MANUNULAT






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top