Touch of an Angel Chapter 3


“Hello,”
Dilan, anung nangyari dun sa bidding ng isang goverments hospital nakuha mo ba? Wika ng ama sa kabilang linya..
“Hindi po Papa?
“Anong Hindi!! Kailangan mapasa atin yon kahit anung mangyari,!! , gawin mo ang lahat para Hindi mapunta yon sa iba, naintindihan mo?? Galit na turan ni Don Facondo Castillion. Isang kilalang business tycoon sa Pilipinas, dahil sa marami nitong pag aari ng iba t-ibang negosyo.
Bata pa si Dilan ng mawalan ng ina, pitong taon siya noon ng mamatay ang ina. . Mula noong ay naging independent na sya..
Pinatigas ng ama niya ang Kanyang puso..
Mula ng mamatay ang Kanyang ina ay Hindi na muli nag asawa ang Kanyang ama. tanging silang mag-ama na lamang ang na titirang magkadugo..
Noong nabubuhay pa ang ina niya, ay palaging syang nagpapakampi dito kapag pinapagalitan siya ng ama at ipinagtatanggol naman siya nito. nang mamatay na ito ay wala na syang kakampi. Naging malupit ang ama niya sa sa kanya. Ayaw nito ang kahinaan na pinapakita niya dati.. Na mamas boy at iyakin.. Masyado itong perpectionist. Lalo na sa pag aaral niya.. Kailangan palagi syang top one kung Hindi ay bugbug ang aabutin niya dito. Kaya nman kinakaya niya kahit mahirap. Minsan hindi niya talaga ma meet ang gusto ng ama kaya nasasaktan siya nito.
.Dahil doon naisipan niyang magrebelde
Lumayas siya sa bahay nila noong teen ager pa lamang siya. nagpalaboy laboy ng ilang buwan.. Natuto syang magnakaw para may maipan laman sa tiyan. Nkakulong sya noon
At napasama sa kulungan ng matatanda
Binugbug ng malalaki at matatanda sa kanya. sa kanya..
Lumaban hanggang sa ka muntikan na syang mamatay doon lamang sya tinulungan ng ama..
“Anu Dilan proud ako sayo marunong kang lumaban, anak nga kita..Simula ngayong ilalabas na kita sa kulungan nato..! Nakangising wika ng ama..
Wala syang kibo nuon..
Simula ng mabugbug siya ng ibang tao ay
Lumabas ang tapang niya..
Naging ugali narin niya ang asal ng ama niya..
Maging sa school nuon walang nang aasar sa kanya dahil bugbug agad ang abot nila .. At kapag naguidance sila sa ang ama niya ang tagapagtanggol niya.. Nagagawa nitong ituwid ang baluktot niyang nagawa.tuwang tuwa ang ama niya kapag nakakapang-lamang
Siya sa kapwa..
Minsan ang ang Mali ay magiging tama sa Kanyang paningin.
Lagi niyang nakikita ang Mga tauhan ng ama sa Mansyon nila, nag meeting ito kasama ng ama. Naririnig Niya ang mga pinagagawa ng mga ito.Maraming kakompitinsya sa negosyo ang ama niya, hindi ito nagpapatalo. Kung kinKailangan mkipagpatayan ay gagawin nito..
Naririnig niya ang mga operasyon nito kung sinong grupo ang kakalabanin.. Hindi nag tagal
Ay sumama na rin siya sa mga tauhan Nito..
Para magpatumpik-tumpik ng mga kalaban.
At ng makatapos sya ng pag-aaral ay sya na ang humawak ng negosyo nila.. Unti-unti itong
Pinasa sa kanya ng ama niya. At ngayon ay
Sya na ang mamahala sa mga negosyo nilang
Constraction, at shipping business sa pilipinas.
Ilang taon na niya itong pinapatakbo.
Ngayon pRang tagilid siya sa isang proyekto
Kaya kailangan nya itong trabahohin
Kailangan makombinsi niya ang kalabang
Kompanya na umurong sa proyekto By
Hook or...


by crook..
*****
Maagang pumasok si Angela sa kompanya.
Sarado ang office ni Dilan, ayon sa mga empleyado doon ay wala ang boss nila..
Kaya naman parang mag dagang nagkakalat ang mga ito.. Panay ang kwentohan nakita Niya na mga paieasy – easy lng ang mga ito.. Mga natatawanan ang sasaya nila.. Hindi tulad nong nandoon si Dilan na seryoso ang mga ito sa trabaho.. Wla syang naririnig na nag kukwentohan.. Puro trabaho lang ang mga ito..
Ngayon parang nag iba ang awra ng opisinang iyon. Mga nkasmile sila.. Maayos ang mood..
Napapangiti narin sya.natutuwa sya at kahit papaano ay nakakausap na niya ang ibang empleyado. Akala niya kasi mga isnabera ang mga ito..
Angela, pa Xerox nga ito.. Wika ng isang staff sa kanya ..
Opo mam Nakangiti niyang tugon..ginawa niya ang utos ng babae pakatapos…
Miss Sigasig, pakuha naman ako ng tubig.. Utos ng isa.. Pang staff..
Sinununod niya iyon. Dahil wala nman syang
Ginagawa..Naging sunud sunod ang utos sa kanya ng mga staff ng kahit anu-anu na lamang ultimo pagkuha ng papel sa kabilang table, pagbili ng pag kain sa canteen ay iniutos ng mga ito sa kanya..ilang araw din na ganun ang trabaho niya dahil wla si Dilan . Naging office assistant siya.
Taga Xerox ng kung anu – anung papel n master na nga niya iyon sa loob ng isang linggo..
Hay bukas nandito na si Sir.. Tapos na naman ang kaligayahan natin.. Wika ng isang staff na ni mrs. Tores
Oo nga bawal ang chikahan, dahil kpag nahuli
Tayo ni sir huh.. Alam nyo na?ani ni miss Reyes
Bakit po ganun po ba talaga kahigpit si sir Dilan? Taka niyang tanong..Dahil Hindi naman ganito ang Ipinakita nito sa kanya.
Oo! Oras ng trabaho dapat trabaho tayo bawal ang chikahan kundi susupinde ang katapat nun
Nkakahiya.. Tska si sir Dilan perfectionist yon
Kailangan ang ipapasa mo sa kanya dabest
Kung Hindi itatapon niya yan sa hrapan mo..!
Kaya nga lahat kami dito pressure kapag nandito yan..
Lalo na yong mga nsa planing department hay naku!!, pigang piga ang mga utak niyang mga yan.. Dagdag pa ni Miss Reyes..
Kung Hindi nga lang talaga sila malaki mag pagsahod umalis na kami dito.. Kaso sayang kasi sa lahat kasi ng kompanyang npasukan ko
Dito lang talaga ako nakapag ipon.. Marami kasing insentive dito.. Patuloy ng babae..
Tumango tango na lamang siya kwento nito..
Saan mo nga pala na meet si Sir Dilan at pinapasok ka nya dito..?
Ah… Anu po kasi ma’am.. May utang po ang
Pamilya ko sa kanila.. Si sir po nagbayad ng
Hospital bill ng kuya ko kaya andito po ako para mabayaran yon.. Malungkot niyang Saad..naikuwento niya rin ang nangyari sa kapatid niya..
Ay ganun.. Pasalamat ka nga at tinulungan
Kayo ni sir kasi yong ibang ganyang kaso
Hind nila pinapansin.. Kung tutuusin bawal yon
Kaso mapira yang mga yan.. Hindi ka mananalo sa mga yan.. Kakaiba yan si sir Dilan kaya mga ingat ka dyan.. Bulong sa kanya ng babae..
Bigla siyang kinabahan sa sinabi ng babae..
Iniisip niya iyon hangang sa pag uwi.Parang ayaw na nyang pumasok tuloy kinabukasan..






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top