SELLina CHAPTER 51


“F*ck!!
“F*ck!!!
Malulutong na mura ni Alejandro habang nasa harap ng kanyang working table ng hapong iyon..
“Mga tanga!!!”
“Mga gag*!!”
Hiyaw nya sa galit dahil naubos ang lahat ng kanyang tauhan na ipinadala upang tambangan si Demon,,
“Demon-yoooo ka talaga Demon!ilan pabang mga tauhan ang mauubos bago ka mapuruhan,hayooooopp!!”
“Blag!!!”sabay bato sa baso nitong hawak na may laman pang alak..
Tumayo sya at kinuha ang saklay na umaalalay sakanyang paang bakal..
“Kailangang may gawin…
Hayop ka Demon..anung klase kabang tao at hindi ka nauubosan ng swerte..!”naikuyom nito ang kamao habang naglalakad patungo sa kanyang silid,sumasakit kasi ang ulo nya dahil sa palpak na mga tauhan….
Habang nasa daan,nananalangin si Ashton na sana’y walang mangyaring masama kay Mira..hindi sya nasunod agad dahil sya ang naging witness ng mga pulis sa nangyaring barilan kanina,naisin man nyang sumunod ngunit may mga bagay pa syang dapat ayusin upang may managot sa nangyaring ito ..
“Mira!please mabuhay ka,please mabuhay!”mahigpit ang kapit nito sa manebela ng kanyang sasakyan habang nagdadrive ng sandaling iyon..
Hindi nya maiwasang sisihin ang sarili,kung bakit nga ba pinasama pa nya ang dalaga!sana hindi nalang..
Sana sya nalang ang nabaril..
“Doc!please gawin nyo ang lahat…maawa na kayo …”halos lumuhod ito sa doctor na nasunod sa emergency room..kanina pa ang mga luha nitong walang tigil sa pag agos..
“Sige gagawin namin!dito lang muna kayo sa labas!’habang pilit na hinihila ang gown nito na hawak ng babae..
“Honey!let him go!”lumapit ito sa asawa at pilit na pinapakalma ang babae
“Doc?sasama ako,pwede ba akong pumasok??”humawak na muli sya sa braso niyong doctor
“Miss Sellina,hindi pwede dito lang kayo..sige na kailangan na ako sa loob!”hin awakan ni demon ang kamay ng babae at pilit na hinihila..
“Sige na honey!kailangan sya upang magamot ang kapatid mo!”
Hagolgol lamang ang naisagot ni sellina at halos matumba ito sa subrang panlulumo,mabuti na lamang at nasalo sya ng lalaki..
“Tama na,!”niyapos nya ito dahil sa subrang awa..
Kung sana pwedeng ilipat ang sakit,kukunin nalamang nya ito sa mahal na asawa,awang awa ito sa kalagayan ni Sellina,
Kaya inakay nya ang babae at pinaupo sa bakanteng upuan na nasa tabi lamang ng pasilyong iyon…
May ilang minuto na ang nakalipas ngunit humihikbi parin si sellina..
“Stop crying honey!mas nahihirapan ako kung patuloy kang iiyak!”bulong ng binata habang nakasandal ang ulo ng babae sa balikat nito..
“Bakit ganun?bakit hindi na matapos ang hirap ko,bakit patuloy akong nasasaktan at hindi na ako tantanan ng mga problema!”
“Ssshhh dont say that!ang makita ang mga anak natin ay isa sa pinakamagandang nangyari sa buhay natin..
.ngunit di na nasagot pa si sellina dahil muli nanaman syang umiyak…
Ngunit ilang sandali lamang ay may taong lumapit sa kinaroroonan nila..
“Sellina?si Mira??”napalingon silang pareho sa boses na nagsalita
“Why are you here?”si demon at seryuso ang mukha..
“Nasa loob pa ashton..”pabulong nitong sambit..halata ang pagud sa mukha ni sellina maging ang boses nito ay paos na dahil sa pag iyak..
Naupo ang binata sa di kalayuan ..
“Im sorry !!kasalanan ko ito eh,kung hindi ko sana sya pinasama hindi sana sya nabaril!!”yuko at may bakas ng pagsisisi ang kanyang mukha
“Wala kang kasalanan ashton,ako ang may kasalanan ng lahat…”habang tumutulo ang mga luha,ang akala nya ay ubos na ang mga luha nito ngunit may natira pa pala..
Nasa tabi lamang nya si Demon ..habang lugmok ito sa kalungkotan..
Nasa tabi lamang nya ang lalaki na walang ginawa kundi ang patahanin sya
“Anu ang gusto mo?gusto mo bang kumain?”mahina nitong bigkas,habang hinihimas ang buhok ng asawa..nagtanong ito upang mabaling ang buong atensyon ni sellina sakanya,dahil parang may kakaiba itong nararamdaman dahil sa pag uusap ng asawa at ni ashton..
Nagseselos??
Siguro nga…
“Ayoko !demon..gusto ko lang magpahinga kahit sandali lang!”kaya nanahimik na ang lalaki…
Habang si ashton ay palakad lakad at hindi mapakali..
Habang naghihintay na lumabas ang doctor mula sa emergency…
Ngunit habang naroon sila at patuloy na naghihintay..
Hindi nila namalayan na may tao palang nakalapit sa kanila ng hindi manlang nila namamalayan…
“Ashton??”napalingon ang lahat sa lalaking nagsalita…
“Tito Enrico,bakit po kayo narito?”lumapit ito sa ginoo na nakahospital dress pa..
Napalingon din si sellina rito ng dahan dahan….
At ng makita nya ang ama ay bigla na lamang bumagsak ang masaganang luha mula sa kanyang mga mata..
“Pa???”mahina nitong bigkas..kaya napalingon ito sa babae..
Kinusot kusot pa nya ang mata upang makasigurado sa nakikita…
At marahang lumapit sa babaeng hindi mapigilan ang pag agos ng mga luha..
“Sellina anak??”habang binabanggit nya ang mga salitang iyon ay unti unting napupuno ng luha ang mata ng ginoo..
“O-po a-ko nga po…”at mabilis itong lumapit sa ama,
“Papaaaaaa…”sabay hagolgol nya habang nakayakap sa amang abot langit ang saya.at galak..
“Ikaw ba talaga ang anak ko huh?nabibigla kasi ito sa mga nangyayari kaya napatanong nalang sya
“Pa-pa ako po ang anak ninyo..patawad pa!patawad po!!”subsub ang ulo nito sa dibdib ng kanyang papa habang patuloy na umiiyak..
“Wala kang kasalanan anak,patawarin mo rin si papa huh!ako ang patawarin mo anak…”tumulo narin ang mga luha nito na kanina pa nyang pinipigilang lumabas..
Masarap sa pakiramdam lalo nat nagpapatawad at pinatawad..
Ka ng isang tao lalo na’t ama mo pa ito..
Napakasarap mayakap ang ama lalo na’t matagal kayong nagkawalay…
Ngunit natigil ang tagpong iyon ng biglang bumukas ang pintuan ng emergency room..
“Kayo ang pamilya?”saad ng doctor
“Oo kami!’bumitaw si sellina sa pagkakayakap sa ama at mabilis na pinunasan ang mga luha..
Lumapit narin ang dalawang lalaki na seryiso ang mga mukha..
‘doc?kamusta si Mira?”si ashton iyon..
“Sa ngayon,hindi pa sya stable,kailangan namin ng dugo upang maisalin sa pasenyente..type O- ang kanyang dugo
.at kailangan na namin iyon ngayon.naubosan kami ng stock dahil malimit lamang ang may ganung klase ng dugo..
“Ako po,ako ang...


magbibigay doc!”walang alinlangang saad ni sellina,
“Okay sige ..sumunod ka sakin,dahil kailangan na namin iyan ngayon..”bago umalis ngumite pa sya sa ama..
“Kaya ko ito pa,maililigtas natin si Mira!wag kang mag alala”bulong nya..sumunod si Demon,ayaw nyang iwan ang asawa lalo na ngayong may mga panganib na nakaabang sakanila..
Hawak nito ang kamay ng asawa..
Mahigpit na kapit na animoy ayaw nyang bumitaw..
Ipinararamdam lamang nya sa babae na narito sya kaya wag syang matakot!!
Napangite naman si Sellina dahil sa suportang ibinibigay ng lalaki sakanya..
ramdam nya na malayo sya sa panganib dahil sa kasama nya ang lalaki…
May ilang minuto rin bago natapos ang pagkuha ng dugo..dalawang bag ang kinuha sakanya..ibig sabihin maraming dugo ang nawala sa kapatid.
Kahit ng hihina pa,pinilit parin nitong ngumite sa katabing lalaki..
“Are you okay?”malumanay nitong tanong
Tumango lang si sellina dahil parang kahit ang magsalita ay di nya na magawa dahil sa pagod na nararamdaman…
Agad na dinala ang dugo sa emergency.
Ngunit sila ay nanatili pa ng ilang minuto sa hospital bed..
“Kaya mo nabang tumayo honey?”tanong ni Demon ng maupo ang asawa..
“Oo kaya ko na,halika na!”marahan syang bumaba sa kama,ngunit ng tatayo na ito ay nanginginig na ang kanyang mga binte kaya mabilis syang hinawakan ng asawa sa magkabilang braso..
“Mamaya na kaya tayo bumalik??”nag aalala sya dahil sa nakikitang kondesyon ng babae
“Pahawak nalang ako sa balikat mo..kailangang naroon ako kapag lumabas si Mira!”
“Pero hin…
“Please demon!gusto kong makita ang kapatid ko!”nagmamakaawa ang mukha nito kaya wala ng nagawa ang lalaki kundi ang sundin ang nais ng asawa..
Ngunit nagulat si sellina ng bigla syang buhatin ni Demon..
“Ibaba mo ko,nakakahiya sa mga nakatitig sa’tin!”bulong nya dahil sa mga matang hindi maiwasang tumingin sa dalawa..para kasing bagong kasal kung buhatin nya ang babae..
“I dont need thier opinion!”seryuso nitong sagot..
“Nakakahiya eeh .!”yuko nitong turan
“Wala silang pakealam,!”habang patuloy sa paglalakad ,di alintana ang mga nakakasalubong na mga tao at minsan may nurse din..
Nakarating sila sa tapat ng emegency room kaya marahan nyang ibinaba ang asawa..
“Sellina anak?are you okay??”nagtataka si enrico kung bakit buhat sya ng lalaki
“Opo pa,okay lang po ako.nanginginig lang ang binte ko!”
“Pahinga kana muna anak!”lumapit ito kay sellina,tumabi at hinimas ang buhok habang titig na titig sa katabi..
Siguro hindi sya makapaniwala sa nakikita,ngayon!!”
Si ashton ay nasa isang metro ang layo sa babae,dahil kapag lumapit pa ito ay bigla bigla nalang nanlalaki ang mata ni demon na nasa kabilang gilid lamang ni sellina..
Minsan ay napipikit din ito na animoy nagdarasal..
Hindi rin ito mapakali,dahil mayat maya tumatayo at muli ring uupo..
May kalahating uras din siguro ang hinintay nila…
Napatayo nalang silang lahat ng bumukas muli ang pintuan ng emergency..
Unang lumabas ang doctor habang tinatanggal ang facemask nito..
“Doc?kamusta ang anak ko?”si Enrico iyon na anu mang uras ay tutulo nanaman ang mga luha..
“Okay na ba sya?”tanong din ni ashton na naghihintay ng sagot mula sa doctor
“Sir!stable na ang anak ninyo.ang pagising na lamang nya ang hihintayin natin,..”ng marinig nila iyon ay huminga ng malalim si sellina,,
“Thank you lord”bulalas pa nya
“Salamat doc!”
“Walang anu man,ililipat na ang anak ninyo sa kanyang silid kaya pwede na kayong mauna roon..
“Doc??pwede bang sa kwarto ko nalang din ilipat ang aking anak?”
“Okay !gagawan namin ng paraan!”sagot ng doctor ,kaya napangite na lamang si sellina..
Mabuti na lamang at hindi napuruhan ang kapatid,dahil talagang hindi nya mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa rito..
Nailipat nga ng uras ding iyon,si mira sa silid ng kanilang ama,naroon narin si sellina..at maging si Demon!
Umalis muna si ashton dahil tinawag sya ng nurse ..ang sabi nya babalik din naman sya agad!
“Pa?kamusta kana po?”nasa tabi nito ang ama habang nakaupo sa sofa at nakatingin sa kapatid na nakaratay sa higaan..
“Okay na ako anak,ayaw lang talaga akong palabasin ng kapatid mo dahil hindi paraw ako magaling..
Pero ng nakita na kita gumaling na agad ako anak!”napatawa nalang si sellina dahil sa sinabi ng kanyang ama..
“Sorry po pa!”niyapos nya ito kaya napangite si enrico
“Okay na ako anak,dahil narito kana mabubuo na tayo!at masaya narin ako..
Hintayin nalang natin ang pag gising ng kapatid mo!”maluha luha ito
“Demon?”napamulat ng mata ang binata dahil sa tawag sakanya ng ginoo..
“Yes sir!!”
“Naaa dont call me sir,just papa!”ngite pa nito
“O-okay si- i mean pa!”nahiya pa sya..
“Wag mong sasaktan ang anak ko huh?mahalin mo sya,dahil deserve nya iyon iho!”
“Uho si-pa..mahal ko naman po ang anak ninyo simula ng makita ko sya..
Habang nagsasalita ay nakatuon lang ang tingin nito sa babaeng nakatitig rin sakanya..
“Mamahalin ko po ang anak nyo…magpahanggang wakas ..sabay hawak sa kamay ng babae at marahang pinisil..kaya
Napangite si sellina ng lihim,nayuko kasi sya dahil nahihiya sa ama,
Tumayo si enrico at lumapit sa anak na nahihimlay sa hospital bed..kaya nagkaroon ng pagkakataon ang lalaki upang yakapin ang asawa na hindi nya nagawa dahil sa mga nangyari..
“Sandali,baka makita tayo ni papa!”bulong nya
“Nakatalikod naman sya eh!”ngise nya pa
“Pagbigyan muna ako,namimiss lang kita ng subra honey,hindi ko ito nagawa kanina eh!”
Kaya hindi na nagpumiglas ang babae..napangite na lamang ito dala ng saya at pagkamiss din sa asawa..
“I loveyou more than anything else wife!”bulong nya sa tinga ng babae..kaya uminit ang tenga nya dahil sa hangin na nanggaling sa bibig ng lalaki..kinilig tuloy sya..
“I love you…din!wag kanang maglilihim sakin huh!masasakal kita..napatingin ito sa mukha ng asawa..
“No more lies..
Sasabihin korin ba na nag iinit ako at gusto na kitang angkinin ngayon??”
“Ouccchhh!!”hiyaw nito sa sakit dahil kinurot sya ng kayakapan.
Napalingon tuloy si enrico at nagtatanong ang mukha..
“Wala po pa!kinagat lang sya ng langgam..”sabay tawa..❀️






Share On Whatsapp

"2" Comments
  1. sana all kababati palang ehh ano na agad joke lang poβ˜ΊπŸ˜„β˜Ίβ˜Ίβ˜Ίβ˜Ίβ˜Ίβ˜Ίβ˜Ίβ˜Ίβ˜Ίβ˜Ίβ˜Ίβ˜Ίβ˜Ίβ˜Ί

  2. ehemmm demon wag naman ganyan bata si alli elli πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚

Leave a Reply


top