BILLONAIRE OBSESSION CHAPTER 1


BILLONAIRE OBSESSION🧡
🧡CHAPTER 1🧡
Nagmamadali ako ngayun na inaayos na ang mga gamit ko dahil kailangan ko ng magtungo sa office ko, late na ako kasi, at ang nakakainis pa ay ang kusot pa ng suot ko , dahil nga sa kakaisip dun sa lalaki nayun at talagang hindi ako nakatulog
Hayst, bakit ba kasi parang ang lakas ng effect nun saakin, hindi ko nga kilala yun e tad iisipin ko, hayst, ang utak ko nga naman minsan talaga hindi mo alam kung saan patutungo.
Sumakay kaagad ako ng kotse ko at mabilis na pinaharurut iyun papunta sa office ko nga.Ako nga pala ay si celene villioamore may business din ako pero medyo maliit lang naman pero sapat na sapat iyun at malakas ang an benta nun sa mga mall,maraming mall ko narin iniagay yun at masasabi kung pataas na ng pataas ang mga pinaghirapan ko noon.Kung noon ay isa lamang akong seller ngayun naman may sariling brand na ako at ang laki ng kita ko roon.
May sarili din akong office at places para sa mga tao ko rin na kasama ko sa mga paggawa ko ng mga damit at mga iba pa.Pero hindi naman kalakihan at may mga indurser din ako,kaya talaga pumapatok dahil may mga tumutulong e.
Grabe andami ko na atang sinasabi e bumunganga nanaman ako e ito ang mahirap e ang dami kung daldal.
Tsk.
Ng makarating ako ay bumati kaagad sila saakin ginantihan ko naman yun ng masayang ngiti at kumuha muna ako ng coffee bago ako pumasok ng office ko, napatingin ako sa wrist watch ko , 9:30 na, talagang late talaga ako andami ko pang pipirmahan at irereview pa, tapos mamayang eleven, may meeting pa kami ni mr.henry.
Umupo ako at...


sumimsim sa kape habang kinuha ko naman ang isang paper sa gilid, agad kung napansin ang isang sulat, agad ko nanaman naala kung sino ang nagbigay nito
Tsk, antagal tagal na nito ay nandito parin, kinuha ko ito at itinapon ko sa tabi ko na basurahan lang na platic, naalal ko nanaman siya, walang kundi ang ex ko noon pa na manloloko.
Pinagkaabalahan ko na lamang ang mga papel na nandito kaysa naman isipin ko pa ang sulat na yun pero inaamin ko hanggang ngayun talaga ay affected na affected parin ako dun.
***
Paalis na ako ngayun dahil magkikita na kami ni mr.henry, kailangan kung umattend shempre mahalaga at malaking business din ang hawak non.
Dala dala ko na ang bag ko at akmang lalabas pero bigla na lamang nagring ang phone ko, kaya kaagad ko itong sinagot habang naglalakad ako.
“Hello dani?”pagsagot niya dito,isa ito sa mga pinagkakatiwalaan ko sa business ko
“Miss celene ,importante po ito, dahil may gustong magdeman saatin sa dahil sa sira sira ang mga appliances na natanggap nila at sa mga clothes naman hindi ito maayos, mukhang may nangsabotahe saatin.”agad na nagulat ako sa sinabi nito, ngayun lamang nangyare ito sa buong buhay ko
“Sige pupunta na ako diyan pakihintay nalang ako, salamat.”agad akong nagtungo sa secretary ko at ipinacancel ko na ang meeting namin ni mr.henry importante yun pero mas importante ito.
Sumakay ako sa kotse ko at ipinaharurut papunta sa office ni dani dahil siguradong nandoon ang gustong mafile ng demanda
Kinakabahan din ako, baka kasi may makaalam dito kaya sana ako lang ang makaalam at wag na munang sabihin sa iba dahil malaking problema ito na may nagrereklamo saamin at baka bumaba din ang sales namin.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top