Unwanted love Kabanata 3


Unwanted love
Kabanata 3
Mahihinang katok ni Yaya Conny ang gumising sa akin ng upang mag breakfast ngunit pag punta ko sa dinning table at halos nililigpit na ng iba pang maids ang pinagkainan siguro’y tapos na sila Mommy ate sina Ate hazel.
Kaagad nilagyan ng pag kain ni Yaya Conny ang akin harapan. Bacon and egg at pancake ang breakfast nguni’t gustohin ko man na kumain ay tila ba nawawalan ako nang gana dahil sa tahimik ng malaking dinning table na ako lang ang nakaupo.
“Kumain kana hija, lalamig pa yan.” Ani Yaya Conny habang sinasalinan ng Orange juice ang akin baso.
Mabilis ko inubos ang pagkain ko at dumiretso sa likod upang maupo sa Sun lounger hawak ko ang isang libro at ang isang baso ng Orange.
Ngunit pag labas ko pa lang ay kita ko si Ate Hanie na naka swimsuit kitang kita ang maganda nitong katawan si Ate hazel naman ay prenteng nakaupo sa lounger habang kausap ang isa sa kaibigan niya.
Kaagad na balot ng takot ang akin sistema dahil tiyak na pag nakita nila ako sa labas ay magagalit ang mga ito sa akin kaya mabilis ako nag lakad pabalik sa loob.
Ngunit pipihit pa lang ako ng mabilis na lakad ay kaagad ako nabangga sa isang malaking bulto ng lalaki halos sumaldak ako sa marmol na sahig at ang hawak ko na baso ay nabasag sa lapag.
Napatingin ako pataas inaninag kung sino ang akin na bangga ngunit laking gulat ko na si Kuya Khairo ito wearing his casual outfit that almost wet his clothes because of the juice that spilled on his chest.
“The f*ck?!” Halos puno ng inis na saad nito dahil sa nangyari.
Kaagad ako humingi ng pasensya dahil sa nangyari hindi ko alam ang gagawin ko halos mahawakan ko ang dibdib niya upang punasan ng panyo na nasa bulsa ko ngunit mabilis na tinabig ito ni Ate Hanie at galit na tumingin sa akin.
“Pasensya na Sir hindi ko po kaya nakita pasensya na!” Halos puno ng pag mamakaawa na saad ko naluluha na rin ako dahil sa pag babanta na tingin ni Ate Hazel sa akin.
“It’s okay.” Saad nito sa akin. Kaagad pinalupot ni Ate Hanie ang kanyang braso kay Kuya Khairo upang ayain na ito sa pool.
Dun pa lang ako nakahinga ng maayos nang umalis ang dalawa ngunit hindi man ako nakakabuwelo ay kaagad ako hinawakan ni Ate Hazel sa buhok patayo upang mag pantay kaming dalawa.
“Didn’t we say that you are not allowed to go out when there is a visitor huh? Bakit ang t*nga t*nga mo!” Galit na saad nito at halos ibagsak ang mukha ko sa sahig kita ko ang bubog ng nabasag na baso mabilis kong itinukod ang kamay ko upang hindi sa akin mukha lumapat ang bubog ng baso.
“A-ate please ma-awa ka… aalis na lang ako.” Halos humagagulgol na saad ko dahil halos bumaon na ang bubog sa akin palad.
“Don’t call me Ate I don’t have a worthless sister like you.” Saad nito habang pilit na sinusubsob ang mukha ko sa sahig.
“Parang.. awa...


mo na Ate Hazel!” Halos pumiyok na ako dahil sa higpit ng kanyang hawak sa akin buhok.
“Jusmiyo!” Sigaw ni Yaya Conny nang makita ang sitwasyon ko.
Kaaagad kami inawat ang mga maid halos matanggal ang anit ko dahil sa hapdi ng pag kakasabunot sa akin buhok. Ang dugo sa sahig na nag mula sa akin mga kamay ay nag kalat rin.
“Wag niyong palabasin ang walang k*wenta na yan dahil kung hindi ay lahat kayo mawawala ng trabaho!” Galit na bulyaw ni Ate hazel na siyang kinatakot ng lahat ng maid.
Umalis ito at bumalik muli sa pool kung nasaan sina Kuya Khairo at Ate Hanie. Kaagad naman akong inalalayan ni Yaya Conny upang tanggalin ang bubog na bumaon aa akin palad.
Nang makarating kami sa maid squatter room dali dali itong nag dala ng plangga at alchohol upang maibsan ang infection.
“Pasensya kana Hope, ako ang may kasalanan anak dahil hindi ko nasabi sa iyo.” Naluluhang pag so-sorry ni Yaya Conny.
Hindi ko maiwasan hindi maiyak hindi dahil sa sinisisi ko siya sa nangyari kung hindi dahil sa masasakit na salitang lumabas kay Ate hindi ko parin maintindihan kahit pilitin ko intindihin kung bakit sobra na lang ang galit nila sa akin pakiramdam ko kahit ang laki laki ng bahay na tinitirahan ko ay ang sikip sikip para sakin dahil ang bawat galaw ko ay dapat lagi may limitasyon.
“A-ayos po iyon kasalanan ko rin kase hindi ako nag iinga-” halos mapapiksi wko sa sakit ng lagyan ito ng kaonti Alchohol.
“Tiisin mo lang anak masakit talaga para maiwasan mo ang infection, pag katapos nito ay ihahatid na kita sa silid mo yun ang bilin ni ate Hazel mo.” Malungkot na sambit ni Yaya Conny.
Nang gumabi ay pag baba ko lang ng grand staircase ay kita ko na ang mga maid na halos nakahilera sa malaking sala ng bahay.
Nakayuko ang mga ito tila ba binagsakan ng langit at lupa kita ko si Mommy halos maputol ang litid dahil sa galit at inuduro duro pa nito ang isa sa matatandang maid na si Yaya Conny.
Nang tumingin si Mommy sa taas ay nag tama ang tingin namin dalawa halos maubos ang dugo ko sa takot dahil sa ginagawad niyang tingin sinenyasan ako nito na bumaba kaya’t mabilis ako bumababa kung nasaan siya.
Nang makababa ako ay mabilis ako nitong sinalubong na malakas na sampal halos tumunog sa buong sala ang tunog hindi ako nakapag salita dahil sa matinding pag kakabingi dahil sa lakas.
“You’re so st*pid, you just haven’t followed a simple instruction, yun lang ay hindi mo pa nasunod hindi ba’t yun ang sinabi ko na wag kang lalabas!” Sigaw nito sa akin.
“Mo-mommy…”That’s all I said out of shock, hawak ko ang isa kong pisngi hindi ko alam kung saan ako kukuha ng idadahilan.
“You are a disgrace to this family, stu*pida! I almost say those things over and over again but..-” naputol ang sinabi nito nang halos mapahilot ito sa kanyang nuo kaya kaagad ko siyang inalalayan pero mabilis niya ako tinulak.
“Don’t touch me Hope!” Bulyaw nito sa akin.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top