Ang Boyfriend kong Gwapo Chapter 12


Ang Boyfriend kong Gwapo
Chapter 12
Angela POV
Sobrang daming tao sa tindahan ngayon. Maraming namimili, marami ding ang mga nagwiwindow shop. Nakatingin ako kay Johnny na nasa labas ng tindahan at may kausap. Hinihintay na naman niya ako hanggang sa pag uwi ko. Napakamatiyaga niya talaga sa akin. Ngumiti siya sa akin ng mahuli niyang nakatingin ako sa kanya. Napaswerte ko talaga sa kanya, hindi lang siya mabait, gwapo pa. At pinakamayaman dito sa aming lugar. Lalo tuloy ako hindi naging bagay para sa kanya.
“Ang unfair ng buhay” nasambit ko sa sarili ko.
Bakit kaya magkakaiba ang estado ng buhay ng bawat tao? Mayroong mayaman at may mahirap. Magkakaiba din ang bawat tao sa pisikal na anyo, may magaganda at mayroon din namang hindi kagandahan. Sana pantay pantay ang lahat. Para walang naiiba.
Lulan ng sasakyan sina Andrea ay Cain. Naisip ni Cain ang bunsong anak na si Angela. Huling kita niya dito ay nuong nakaconfine ito sa hospital dahil sa sakit sa puso. Hindi pa siya nito nakikita dahil nuong unang nakita niya dito ay sanggol pa lamang.
Ipinangak si Angela na may butas ang puso kaya kailangan ng agarang operasyon. Napakalaki ng gastos para sa gamutan at napakamahal ng pagpapaopera kay Angela na hindi nila kakayaning mag asawa. Kaya humingi siya ng tulong sa kanyang Mama pero may kapalit. Ngayon na malaki na ang bunsong anak lalo siyang nagkaroon ng rason para makasama ang bunsong anak at makilala siya.
Nakaramdam ng kakaibang kaba si Cain habang palapit sa mall. Hindi niya maintindihan ang kabang nararamdaman.
Nakarating na sila Andrea at Cain sa mall. Tinulungan si Andrea ni Mang Karding na ibaba si Cain sa wheel chair nito.
“Salamat po Mang Karding” nakangiting sabi ni Cain sa driver nila. Tumango naman ng ulo si Mang Karding at gumanti ng ngiti sa amo.
“Mang Karding ako na po bahala kay Cain, umuwi po muna kayo at samahan si Ate Angie sa supermarket” singit na sabat ni Andrea.
“Okay po Ma’am” sagot ni Nang Karding at nagpaalam na aalis.
Tulak tulak ni Andrea papasok sa, mall si Cain. Andoon pa, din ang kaba niya sa dibd*b na hindi maipaliwanag. Kaya napahawak ito sa kanang dibdi*b. Napansin naman ni Andrea Andrea ang ginawa ni Cain. Itinigil niya ang pagtulak ng wheel chair ni Cain at lumuhod sa harap nito para sila magpantay.
“Are you okay?” nag aalalang tanong ni Andrea habang hinawakan na din ang kamay ni Cain na nasa dibd*b nito.
“Okay lang ako” nag aalinlangang sagot ni Cain. Tumango ng ulo si Andrea at tumayo na ito. Ipinagpatuloy nito ang pagtulak sa wheel chair ni Cain.
Papalapit ng papalapit na sila sa tindahan at hindi mawawala ang kaba ni Cain sa dibd*b. Nang makarating sa tindahan ay pumasok na sila. Napansin ni Johnny ang Mommy nito at Stepfather na pumapasok sa tindahan.
“Oh my—” hindi niya naituloy ang sasabihin at mabilis ang mga...


hakbang na pinuntahan nito ang ina at amain. Walang kaalam alam si Cain na sa mismong tindahan niya nagtatrabaho ang bunsong anak na si Angela. Hindi ito nasabi ni Johnny kaya nag aalala siya sa posibleng pagkikita ng mag Ama.
Nag uusap na sina Mr. Braganza at Mommy ni Johnny. Kinukumusta ni Andrea ang tindahan. Si Cain ay palinga linga sa loob ng tindahan. Sinisipat niya ang mga tatanggalin at babaguhin sa, loob ng tindahan.
“Mommy!” tawag ni Johnny sa ina. Napalingon ang tatlo sa binatang papalapit sa kanila.
“Johnny, Anak” tawag din ni Andrea sa anak. Hum*lik si Johnny sa pisngi kanyang ina at amain.
“Hindi ko alam na pupunta ka pala dito sa tindahan, di sana sabay sabay na tayo” dugtong ni Andrea.
“Actually po napadaan lang po ako dito sa mall. Accident lang po na nakita ko kayo dito sa lob ng tindahan” pagsisinungaling na sagot ni Johnny. Napatahimik si Mr. Braganza ng tumingin si Johnny sa kanya pagkatapos magsalita.
Nang mapadaan si Angela sa gilid ng apat na taong nag uusap para pumunta sa stock room. Biglang napatingin si Cain ng makita si Angela. Kinusot kusot niya ang mga mata na akala ay namamalikmata ng makita si Angela.
“Angela!” tawag na sigaw ni Cain sa anak. Tumigil sa paglalakad si Angela at napalingon sa kanyang likuran. Hinawakan ni Cain ang wheel chair niya at lumapit sa anak. Tinititigan niya ang anak na nagtatakang nakatunghay sa kanya.
Gustong maiyak ni Cain ng makalapit siya sa anak na matagal ng hindi nakikita. Hindi niya inaasahan na makikita ang anak ng malapitan. Pero pinipigilan niya ang mga luha na gustong kumawala sa mga mata niya. Gusto niya sana itong yakapin pero baka magtaka ito at pan ilagan siya.
“Kilala niyo po ako?” nagtatakang tanong ni Angela habang nakatingin kay Cain. Hindi naman malaman ni Cain ang isasagot kay Angela. Nang biglang lumapit si Johnny sa kanya at hinawakan siya sa dalawang balikat.
“Ah yes, Beb. Naikuwento ko kina Mommy at Tito Cain ang tungkol sa atin” singit na sabi ni Johnny. Nagsisinungaling na naman siyang sumagot kay Angela. Nag aalinlangan naman na tumango tango si Angela ng ulo.
“Mommy, Tito Cain this is Angela my girlfriend” pakilala ni Johnny kay Angela ng makalapit sa kanya at hinawakan sa kanyang beywang. Napangiti ang ina at ang amain ni Johnny ng makita kung gaano ka proud si Johnny sa nobya.
Halos buong araw na hindi nakapagtrabaho si Angela sa tindahan dahil sa gusto daw ng Tito Cain ni Johnny na kasama sila ni Johnny para kumain sa labas at para magkaroon ng konting pag uusap. Kabadong kabado si Angela dahil kasama niya ang Mommy at Tito ng kanyang boyfriend. Hindi niya napaghandaan ang araw na iyon na magiging pagkikita nila.
—————————————————
Authors Gratitude:
Okay na po ng baby ko. Salamat po sa mga prayers niyo para sa anak koπŸ™πŸ’“
God bless usπŸ™πŸ’“
Happy readingπŸ’“πŸ’“πŸ’“






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top