LIFE IS NOT A FAIRYTALE CHAPTER: 01


LIFE IS NOT A FAIRYTALE (BxB RomCom)
Author: MakatangMalaya14
CHAPTER: 01
Gian’s POV:
“Sana ikaw nalang yung namatay!” Kasabay ng sigaw ni papa ang pag-agos ng mga luha ko.
Hindi ko sinasadya! Hindi ko gusto na mabuhay sa araw ng kamatayan ng mama ko. “Sana ikaw nalang ang nawala…” Sambit pa niya habang humahagulgol.
Nakuha na ni papa ang report card ko,hindi naman mataas,di din mababa. Average lang tulad sa iba,pero di sapat kay papa.
Isama mo pa yung tsismis sa school na nasangkot ako sa isang vandalism video.
Pero ang mas ikinagalit pa ni papa ay ang pagkamatay ni Lola. Nasagasaan siya ng sasakyan dahil sinundo niya ako kahapon. Hindi ko naman alam na mangyayari yun.
Sabay sabay nalang pumatak ang mga luha ko sa uniporme at sahig.
“S-sorry pa…sorry…” Ani ko pa.
“Sana,ikaw nalang yung namatay.” Mahinahon niyang saad habang tumatalikod na ako. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa sinabi niya. Napapahawak nalang ako sa dibdib ko dahil sa sakit ng mga salita niya.
“Sorry p-po…” Ika ko sa’king sarili.
Habol hininga akong dumilat sa mahimbing kong pagtulog. Napanaginipan ko nanaman,ilang taon na din ang nakalipas.
Hinawakan ko ang kwintas ko,habang humihinga ng malalim.
Ilang minuto pa akong napatitig sa kisame ng kwarto ko. Napansin ko din na medyo basa ang mga pisngi at gilid ng mata ko. Umiyak ata ako habang nananaginip.
Nang makatayo sa pagkakahiga. Inayos ko na ang sarili ko,panibagong araw nanaman.
Ako si Mir Gian Ramirez,anak ako ng isang kilalang abogado. Isa akong grade 10 student sa isang sikat na paaralan dito sa pilipinas,ang Green Valley University.
Muntikan ko pang makalimutan na magsuot ng magkaparehong medyas dahil sa pagmamadali ko.
Sumakay ako sa isang tricycle,di din naman ganon kalayo ang GVU sa apartment ko.
Nang makarating ako sa school,nadatnan ko ang mga istudyante,normal na araw lang ito,walang masyadong ganap.
“Dems,dito ka na pala. Upo ka sa tabi ko.” Masiglang bungad sakin ni Andeng nang makarating na ako sa classroom.
Wala kaming proper seat guidelines. Kaya kahit saan na gustuhin namin umupo,ayos lang.
Samin lang ata ganto,mabait kasi adviser namin.
“Wow,anong meron? Bakit ganyan kalaki ang ngiti mo?” Ika ko habang nauupo sa tabi niya.
“Wala wala,ang ganda lang kasi ng gising ko.” Buti pa siya,ako kasi nanaginip nanaman ng masama. Lagi naman eh,nakakasanayan ko na nga eh.
Naol sanay.
“Ay oo nga pala,nadala mo ba Math notebook ko dems?” Pilit ko naman inalala kung nalagay ko ba sa bag ko.
Hiniram ko kasi nakatulog ako kahapon sa klase,pagod din kasi ako.
“Wait.” Hinalungkat ko naman ang bag ko,kulang nalang ilabas ko na lahat. Yellow notebook yun eh,san na kaya. “Ay eto!” Saad ko nang makita ko na,inabot ko naman na kagad sa kanya yun.
Kaso,napansin ko na parang wala yung akin.
“Shit,naiwan ko yung akin!” Hinalungkat ko pa ang bag ko pero wala talaga. Tangina,tumatanda na ata talaga ako.
Lagot ako kay Ms. Cuevas,terror pa naman yung matabang pangit na mukhang pating na yun.
“Hayaan mo na,wala tayong math ngayon.” Nakangiting ika ni Andeng habang yakap yakap pa ang notebook niya.
Tanginang ito! Kaya naman pala nakangiti ng malapad!
“Alam mo Andeng,tangina mo!” Naranasan ko na kasing naparusahan ng mukhang pating na teacher na yun. Patayuin ba naman ako sa labas ng classroom habang may nakasabit sakin na ‘HINDI NA AKO MATUTULOG SA KLASE’.
Walang consideration si Ms. Cuevas eh,byuda kasi siya.
“Back to you,labyu.” Saad pa niya.
Kung hindi ko lang best friend ito,nahampas ko na ito back and port.
“ANDYAN NA SI MA’AMMMM!”
Tangina,araw araw nalang. Si Maru yung sumigaw,kalalaking tao napakahilig sumigaw. Daig pa babae kung tumili minsan.
Para bang may predator na dadating,eh si ma’am lang naman. Palibhasa,laging napapagalitan.
“Tabi tayo ah?” Ngumiti pa ng nakakaloko ang tukmol sabay upo sa kanang upuan sa tabi ko.
Wala na akong nagawa kundi ang tumango.
Deep inside gusto ko na mamatay.
“Okay class,I have an announcement to make.” Umayos naman na kami ng upo nang marinig namin ang boses ni ma’am. Parang naging fresh ang classroom dahil sa kanya.
Wala pang asawa yan,haha.
“Due to...


unwanted decision by the administrations of the school. Pinili nila na sa’tin ilipat ang mga estudyante ng Class 4/E.
Matagal na akong nakakarinig tungkol sa section na yun.
Section na lima lang ang estudyante. Ewan ko ba sino nagpasimuno nun. Pero bakit sa section namin? Bad trip naman,dagdag ingay sa classroon.
“Okay,pasok na kayo.” Dinig ko ang mahinang bulungan ng mga kaklase namin nang pumasok ang limang lalaki sa loob.
“Mga gwapo kaso delikado.”
“Ang fogiii ni Jonas!”
“Lagot,baka di na tayo makapag ingay niyan!”
Namuo ang classroom namin ng tsismisan at usapan tungkol sa mga bagong dating.
Oo,may mga hitsura nga sila,nalalakas din ang dating.
Napansin ng mata ko ang isang lalaki na kulay gray ang buhok. Literal na gray,na may parang konting itim sa may bunbunan niya. Mukhang mayayaman sila,dahil ang alam ko,mga mataas na uri ng estudyante lang ang nabibigyan ng permiso na mag ganyan.
Katulad din ng ibang eskwelahan ang eskwelahan namin. Minsan fair,minsan unfair.
“Sigeh introduce yourselves.” Nakangiting ani ni Ms. Smith sa kanila.
“I’m Kalix.” Ika ng isang lalaki habang may nakasabit na headphone sa may batok niya. Mukhang alang gana ata siya.
Di din ata nag almusal,haha.
Introduce yourself tapos name lang sinabi. Hiyang hiya naman kami na grade 10 na,tinanong pa ng “When you grow up,what do you wanna be?” Hiyang hiya talaga kami.
Pakiramdan ko talaga may mali,iba talaga kapag mayaman.
“Ako si Miguel,18 ang palabirong chikboy ng section 4/E,hehe.” Masigla namang pakilala ng isa sa kanila.
Nagkatinginan naman kami ni Andeng.
Mukhang,may Maru the second ata ang classroom namin ah,haha.
“I’m Ryori Natividad,when I grow up I want to be a detective.” Sambit naman ng isang nakasalamin.
Napatawa naman ang lahat sa classroom,ganon din ang mga kasama niya.
“Class,hindi siya clown huwag kayong tumawa.” Mas lalo naman tumawa ang buong klase dahil sa sinabi ni Ms.
Naramdaman ko naman ang hiya na naramdaman nung Ryori,normal lang yan,ganyan din kami dati haha.
“I’m Ailthour Zoren Soriano,I’m a bisexual,please don’t hate me.” Halos naman ikaluwa na ng mata naming lahat ang sinabi nung gray ang buhok na lalaki.
“You don’t need to accept me,I’m here to study,hindi para makipag kaibigan.” Walang gana pang sambit niya.
“Hoy! Wala yun,may tatlo nga kaming tomboy dito eh!”
“Tangina mo Jessa!”
“Ay barbeee!”
“Nako,huwag mo nalang silang pansinin,mga papansin lang talaga ang mga yan.” Pagputol ni Ms. Smith sa ingay.
Nagingay naman lalo ang mga loko. Kesyo di na daw kami mahal ni Ms.
“Ayos lang yan,welcome ka dito.” Nakangiti kong saad sa kanya. Napatingin naman siya sakin,ngumiti naman siya nang di masyadong halata. Ang cool ng dating niya.
Parang anime.
“Ayiee type mo?” Napatingin naman ako Kay Andeng,kumakain siya ng hotdog.
Lagi nalang,kaya gusto niya sa gilid para nakakapag tago siya. Sa bagay,may restaurant naman kasi sila eh.
“Mananahimik ka isusumbong kita?” Tinignan naman niya si Ms. sa harapan kung pansin ba siya.
Kay galeng mag tago.
“Mananahimik na nga.” Napangisi nalang ako. “Kapag natulog ka,isusumbong din kita.” Dagdag pa niya,di ko nalang pinansin. Minsan kasi talaga may sayad yan.
Tumingin nalang ulit ako sa harap.
“I’m Van Jonas Matthews,and you must know my name.” Napuno nang mahihinang tsismisan ang classroom.
“Ang gwapo kaso mukhang adik.”
“Mafia tatay niyan.”
“Ah,siya yung nambugbog sa isang grade 7.”
Dinig ko sa mga usapan malapit samin. Poker face lang naman ang sinukli sa kanila nung Jonas.
Tsismis lang naman,di dapat paniwalaan.
“Okay okay,I already prepared a sitting arrangement. Medyo,sapat na din kasi ang bilang natin dito sa classroom.” Sambit pa ni Ms.
Napasulyap naman ako sa lalaking kulay gray ang buhok.
Nakatingin ata siya sakin,di ko nalang pinansin,lumingon naman na kagad siya sa ibang direksyon eh. Medyo creepy,pero mukha naman silang mababait. Mukha lang,president pa naman namin mukha lang din mabait.
“Maru,ayusin mo ikaw na bahala dito.” Saad pa ni Ms. Smith sabay abot kay Maru ng isang folder.
Yun ata ang sitting arrangement namin.
May lungkot naman ba namuo sa loob ko,Policarpio si Andeng,Ramirez ako. Mukhang malayo ata kami sa isa’t isa.
Kadalasan kasi yung mga ganito sa surname binabase.
Itutuloy…






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top