Ang Boyfriend kong Gwapo Chapter 2


Ang Boyfriend kong Gwapo
Chapter 2
“Gusto ko lang naman makasama si Angela, pero parang ayaw niya ako makita” malungkot na sabi ni Johnny sa sarili. Masama ang loob niya na hindi niya nakasama si Angela ngayong araw.
“Pangit ba, ako? Kapalit palit ba ako? Then why?!” madramang sabi ni Johnny ng may tumama sa ulo niya.
“Ouch, aray! daing sa sakit ni Johnny sabay hawak sa ulo niya. Nakita niya ang stinelas na tumama sa ulo niya.
” Bakit ka ba nangbabato ng stinelas?!” galit na tanong ni Johnny sa kaibigang si Andy.
” Ang drama mo Pare. Tapos yung line mo gasgas na. Para ka tuloy sira ul*. Alam mo ba yun!” bulyaw na sagot ni Andy sa kaibigan.
“Si Angela kasi parang diring diri sa akin. Ayaw akong makasama, wala naman tayong pasok ngayon” may lungkot sa boses na sabi ni Johnny.
“Alam mo Pare, hayaan mo na nga yung jowa mong Pangit!” inis na saway ni Andy sabay akbay sa balikat ni Johnny. Tinanggal naman ni Johnny ang kamay ng kaibigan sa balikat niya at akmang susuntukin si Andy.
“Hoy, hindi pangit ang mahal ko” pagtatanggol ni Johnny kay Angela. At sinuntok sa tiyan si Andy. Nasalag naman ni Andy ang kamay ni Johnny kaya hindi nito natamaan ang kaibigan.
“Pare, ano ba ang nakita mo sa girlfriend mo na iyon at nagkakaganyan ka?” tanong ni Andy.
“Hindi ko alam Pare” maikling sagot ni Johnny at umupo na sa upuan sa labas ng bahay nila.
Totoo naman ang sinabi ng kaibigan niya na si Andy, hindi naman talaga ganoon ka ganda si Angela, isa lang ordinaryong babae si Angela na hindi ganoong kaganda at mahirap pa. Samantalang si Johnny ay mayaman na gwapo pa. Marami ngang naghahabol sa kanya na mga babae sa campus, pero sa iisang babae lang siya nakatingin at iyon ay si Angela.
“Hindi kaya ginayuma ka ni Angela” sabi ni Andy. Napalingon naman si Johnny sa kaibigan.
“Anong akala mo kay Angela witch! Para gayumahin ako” inis na sagot ni Johnny.
“Hindi sa ganon Pare. Ang akin lang bakit ba patay na patay ka sa babaeng iyon?” nagtatakang tanong ni Andy. Hindi naman na sumagot si Johnny dahil hahaba pa ang diskusyon nila tungkol sa girl friend niya. Kahit na ayaw nito kay Angela para sa kaibigan na si Johnny ay wala naman itong magagawa dahil si Johnny mismo ang may gusto.
“Punta tayo sa Bar mamayang gabi. May ipapakilala ako sayo” yayang sabi ni Andy. Kahit na may girl friend na si Johnny ay kung sino sino pa ang ipinakikilala ni Andy kay Johnny at nagpapakita ng disgusto sa nobya ni Johnny.
“Magsasawa ka lang ng karereto sa akin ng mga babae, isa lang si Angela dito sa puso ko” sabi ni Johnny sa kaibigan sabay turo sa dibdib. Ayaw kasi ni Andy kay Angela para kay Johnny dahil sa malalim na dahilan. At ayaw niyang makita na nasasaktan ang kaibigang si Johnny.
“Ang drama mo pre” sagot naman ni Andy.
Pero napaisip naman si Johnny dahil hindi sila magkikita ni Angela at masama ang loob niya sa nobya ay sumama na din siya kay Andy. Hindi na lang nito papansinin ang babaeng ipapakilala ni Andy sa kanya.
_______________
“Anak, anong balak mo sa sem break niyo? Tanong ng Nanay ni Angela.
“Mag aapply po ako na sales lady sa bayan. Sayang po kasi ang bakasyon, saka wala...


naman po akong gagawin dito sa bahay” mahabang paliwanag ni Angela sa Ina. Nagdecide si Angela na magtrabaho habang walang klase para makatulong sa ina.
“Maganda yan, Anak. Yung boyfriend mo kumusta na siya? Hindi yata na dadalaw sayo” sabi ni Aling Angelica sa anak.
“Kanina po pumunta eh tulog kayo kaya hindi ko po pinapasok sa bahay” sagot ni Angela. Napangiti si Aling Angelica sa sinabi ng anak. Naisip niya kung gaano ka responsable si Angela kahit sa mura pa nitong edad.
________________
Kinagabihan ay nagkakasayahan na sina Johnny at Andy sa bar. Nang may lumapit na babae kay Andy. Umakbay si Andy sa babae at ipinakilala kay Johnny.
“Anica, This is Johnny my friend ko” pakilala ni Andy at itinuro si Johnny sa katapat na upuan niya. Sinenyasan ni Andy ang babae na tumabi kay Johnny. Lumapit nga si Anica kay Johnny at tumabi ng upo dito. Hinawakan ni Anica si Johnny sa balikat. Hindi naman pinansin ni Johnny si Anica. At sunod sunod na lumagok ng alak si Johnny sa baso.
“Johnny, Can we go somewhere else?” malanding yaya ni Anica dito. Lumingon lang si Johnny sa babae at nilagok ang alak sa baso.
“I’m sorry but I have a girlfriend!” inis na sagot ni Johnny. Napasimangot naman si Anica dahil sa sinabi ni Johnny. Hindi niya alam na taken na pala si Johnny, hindi din naman kasi ito pinaalam ng kaibigan nitong si Andy sa kanya. Nakita lang ni Anica ang picture ni Johnny sa isang post ni Andy sa social media. At kaagad nagkaron siya ng interes kay Johnny dahil isa itong h*t at Papable.
“Johnny, pagbigyan mo na si Anica” kumbinsi ni Andy kay Johnny. Tumingin lang ng masama si Johnny sa kaibigan at hindi sumagot.
“Andy, suplado pala itong kaibigan mo!” naiinis na sabi ni Anica. Tumayo na si Anica sa tabi ni Johnny at lumipat ng umupo sa tabi ni Andy.
“Alam mo, Andy pag ipinilit mo pa sa akin that wh*re. Im leaving you here!” galit na babala ni Johnny.
“Who is wh*re?!” galit na tanong ni Anica kay Johnny.
“Oohoo, relax Pare” pakalma na sabi ni Andy.
“Andy, Lets go. Umalis na tayo dito at iwanan mo na ang kaibigan mong loyal sa girlfriend niya” singit na sabi ni Anica.
“Okay Andy go and leave, please” taboy ni Johnny sa kaibigan.
“I’m sorry, Anica. Pero hindi ko kayang iwanan ang kaibigan ko na mag isa. Magkita na lang tayo some other time” sabi ni Andy.
“Okay, I will leave. Andy, call me na lang if you need me” paalam ni Anica sabay kindat kay Andy. Pailing iling naman ng ulo si Johnny.
“Pare, si Anica pa! Yung ganoong klase ng babae pinalampas mo!” nanghihinayang na sabi ni Andy. Lumagok ng alak si Johnny at humarap kay Andy.
“Andy alam mo na may gf na ako. Pero bakit ba gusto mong magcheat ako sa gf ko?” tanong ni Johnny. Tumayo si Andy at umupo sa tabi ni Johnny.
“Sorry Pare. Hindi ko sinabi na magcheat ka. Ang sabi ko why dont you give a try some other lady” paliwanag na sagot ni Andy.
“It’s almost same. Ayokong saktan si Angela at mahal ko siya” sabi ni Johnny.
“Wow Johnny suko na talaga ako sa kag*g*han mo at pag nalaman ni Angela ang lahat hindi ko alam kung mamahalin ka pa niya” may laman na sabi ni Andy.






Share On Whatsapp

Leave a Reply






top