Makalipas ang mga mahabang oras, nagpapaalam na si Vince sa mag asawang alvin at kate, mahabang oras din na nakasama ni Abby si Vince na bagay naman na ikinatutuwa ng puso ni Abby..
.
Vince : ngayon pa lang namimiss na kita.
Abby : Vince, ano ka ba, para ka talagang sira, nakakatawa talaga yong mga sinasabi mo, sige na umalis ka na Bak–
Vince : ano? Bakla? Sige sabihin mo yan, sinasabi ko sayo, sa tuwing sasabihan mo akong bakala hahalikan kita!!
Abby : sira, baka gabihin ka, yun ang sasabibin ko!!
Vince : gabi na nga.
Abby : siya sige na mag iingat ka sa pagmamaneho mo.
Vince : thanks love, wait, wala ba akong ano?
Abby : anong ano?
Vince : wala, sige I’ll go ahead na, sige bye, good night love!
.
Nagulat pa si Abby dahil bigla siyang niyakap ni Vince. Hindi naman makagalaw si Abby sa pagkabigla, hindi alam ni Abby kung yayakapin daw ba niya si Vince o itutulak ba niya ito, pero lamang ang gusto niya itong yakapin din, iaangat na sana niya ang mga braso upang yakapin din si Vince, ngunit pinigilan niya ang sarili. At Hanggang sa nagulat na lang sila ng magsalita si kate.
.
Kate : ehem, ang daming mga langgam dito, ang tamis kasi!!
.
Mabilis na tinulak ni Abby si Vince..
.
Abby : sige na umuwi ka na.
Vince : sige kate tuloy na ako, Love tuloy na ako.
Abby : sige na nga.
.
At Hanggang sa tuluyan na ngang umalis si Vince, alam ni Abby na uulanin siya ng tukso ni Kate..
.
Kate : Love tuloy na ako,!
Abby : Kate!!!!
Kate : Ang sweet talaga ni Vince ano!
Abby : kate ha, walang ganyanan.
Kate : oh bakit, totoo naman, nilalanggam kayo sa kasweetan ninyo.
Abby : Kate ha, nakaka inis ka!!(tampo niyang sabi)
Kate : bakit, ganun ka din sakin noon.
Abby : ayun gumaganti!!
.
Pinagkikiliti niya ang kaibigan, gumaganti naman si Kate sa kanya, naghahabulan silang mag kaibigan na parang bata.
.
Kate : Time Freeze muna, hinihingal na ako.
Abby : ako din hinihingal na.
Alvin : kayo talagang dalawa, para kayong mga bata, mabuti pa magpahinga ka na abby. Sweetie tara na sa kwarto.
Kate : Sweetie, napagod ako.(malambing niyang sabI)
Alvin : kawawa naman ng sweetie ko.
.
Binuhat ni Alvin ang asawa, si Katelyne naman ay todo kapit sa asawa at dinadampian pa ng halik si Alvin.
Alvin : sarap naman nun sweetie.
.
Natatawa na lang sa isip si Abby, natutuwa siya sa kasweetan ng kanyang amo.
.
Alvin : Abby, pumasok ka na at magpahinga alam kong napagod ka.
Abby : opo sir Alvin.
Kate : Good night Abby, sweet dreams!
Abby : good night.
.
Makalipas pa ang mga oras, ay nakahiga na si Abby, pagod na pagod ang pakiramdam niya, pagod na katawan, pagod na puso, pagod na kaisipan, magmula ng makilala niya si Vince ay hindi na natahimik ang mundo niya, hindi siya makapaniwal na aabot ang sitwasyon nila sa napahaseryosong bagay, gayong nagpapanggap lang sila, hanggang sa makalipas ang mga oras ay mulat na mulat pa ang mga mata niya, gising na gisjng pa ang mga diwa niya, ayaw siyang dalawin ng antok ginugulo siya ng mga yakap at halik ni Vince, hindi maalis sa balintataw niya ang mga ngiti ni vince ang malambot na mga labi ni Vince na kanyang naramdaman sa mga labi niya, ang mga mahigpit na yakap ni Vince lahat ng iyon ay binabalikbalikan ng kanyang isip..
.
Abby : Haysss abby tumigil ka na sa kakaisip mo kay Vince, hindi naman kasi totoo ang lahat, lahat ng pinapakita ni Vince sayo ay hindi totoo yun.
Abby : oo nga, peke yun, hindi totoong mahal ka nun.nagpapanggap lang kayo..
Abby : kaya huwag kang ikusyunada, asyumera, dahil walang kayo!!!
.
Kausap ni Abby ang sarili, gusto na niyang maiyak ayaw na sana niyang mag isip, pero pilit na sumisiksik sa isip niya si Vince, kaya inyak na lang niya ng iniyak ang bumibigat sa kanyang kalooban, at hanggang sa di na din niya namalayan na ginupo ma siya ng antok, nakatulog si Abby na basa ang mga mata at pisngi sa luha, at makalipas pa ang mga oras at sumapit na ang umaga, Pag mulat ni Abby ng mga mata ay ang gwapong mukha ni Vince ang kanyang nasilayan, nakahiga ito sa tabi niya, nakapatagilid paharap sa kanya at nakangiti ito ng ubod ng tamis, at nginitian niya rin ito, ngunit sa isip ni Abby ay sa mga oras na iyon ay natutulog pa siya, at siya ay nananaginip lamang, ngunit–
.
Vince : Hi love, good morning! (Sabay ayos sa buhok niyang nakatabing sa kanyang pisngi)
.
At hanggang sa marealize niyang gising na gising siya dahil ramdam niya ang mga kamay ni Vince na humawi sa buhok niyang nakatabing sa kanyang pisngi, natulala siya, totoo daw ba naroon sa tabi niya si Vince! Hanggang sa–
.
Vince : Gising ka na ba love?
.
Hinahagod ni Vince ang buhok ni Abby, at ramdam na ramdam ni Abby ang mga dampi ng kamay ni Vince sa kanyang noo at ulo, na sinusuklay ng daliri nito ang buhok niya, at napag alaman na niya na gising na gising siya at hindi na siya natutulog, totoong naroon daw sa kwarto niya si Vince at hindi iyon panaginip, napabaliwas siya sa pagkakahiga at dahil doon ay muntik na siyang mahulog sa kama, mabuti na lang at agad siyang naagapan ni Vince, niyakap siya ni Vince at hinila siya sa gitna ng kama, at nooy tila may mga nagkarambolang sasakyan sa dibdib ni Abby dahil magkadikit na sila nito at ramdam niya sa kangyang sikmura ang kamay ni Vince na nakayakap sa kanya. Mabilis na bumangon si Abby, natataranta siya at hanggang sa nakababa na siya sa kanyang kama..
.
Abby : hoy Vince, paano ka bang nakapasok sa kwarto ko?
Vince : dumaan ako sa pinto.
Abby : paano kang nakapasok sa pinto eh naka lock yan.
Vince : hindi, nakalimutan mong i lock.
.
At hanggang sa noon lang na realize na naka night dress siya ng sobrang nipis, at sobrang ikli, at wala pa siya bra, at nooy titig na titig si Vince sa kanya, mabilis niyang kinuha ang kumot at itinakip sa kanyang katawan, si Vince naman ay nangingiti sa kilos ni Abby.
.
Abby : hoy, bakit ka ba tumatawa diyan, lumabas ka nga muna, magbibihis ako..
Vince : hindi kita sisilipan magtatakip ako ng mata!
.
Dumapa si Vince sa kama at tinakpan niya ng unan ang kanyang ulo, naiiling na napapangit na lang si Abby, mabilis na kumuha si abby ng damit at mabilis na itong pumasok sa banyo, may halos mahigit kalahating oras si Abby sa banyo, at nang matapos siyang makaligo, noon lang niya napagalaman na hindi siya...